You are on page 1of 34

FILIPINO S A P I L I NG

LARANG
IK A L AWANG MA RK A HA N
GAWAIN 1: SALITA KO, IKAKANTA KO!
PANUTO: ITO AY PANGKATANG GAWAIN, GAMIT ANG PUZZLE,
PUNAN NG LETRA ANG MGA BLANGKONG KAHON UPANG
MABUO ANG SALITA. MATAPOS MABUO ANG LETRA, GAMITIN
ANG SALITA SA ISANG SIKAT NA KANTANG OPM. ANG
PANGKAT NA MABILIS AT MAY PINAKAMAHUSAY NA
PAGTATANGHAL NG KANILANG GAWAIN ANG SYANG
MAKAKATANGGAP NG 20 PUNTOS.
UNANG PANGKAT
L
 ____
K
B
 ____
Y
 
IKALAWANG PANGKAT
P
 _____
 _____
 
K
IKATLONG PANGKAT
S
____ 
N
A
____ 
 ____
A
Y
 
PANUKATAN SA GAWAIN
 
TAMANG SALITANG NABUO………………………………………….…...5 PUNTOS

MAAYOS AT MALINAW NA PRESENTASYON…………………………..5 PUNTOS
ANGKOP AT MAAYOS NA PAGKAKAGAMIT NG SALITA
SA AWITING NAPILI………………………………………..………………..10 PUNTOS

• KABUOAN…………………………………………………………….20 PUNTOS
MGA TANONG KAUGNAY SA GAWAIN
1.NAKARANAS NA BA KAYONG MAGLAKBAY? SINO NA ANG MGA
NAKARANAS MAGLAKBAY SA MGA MALALAYONG LUGAR?
2.ANO ANG INYONG NARARAMDAMAN HABANG KAYO AY
NAGLALAKBAY?
3.BASE SA INYONG MGA PAGLALAKBAY, ANO ANG NAPAGTANTO
NYO SA INYONG BUHAY? MGA TUMATAK SA INYONG ISIPAN NA
NAGPABAGO NG INYONG BUHAY.
KARAGDAGANG TANONG TUNGKOL SA GAWAIN:

PAANO NAKATULONG AT HUMUBOG SA

IYONG NARARAMDAMAN SA KASALUKUYAN
ANG GAWAIN 1? NASIYAHAN KA BA? OO O
HINDI? IPALIWANAG
LAYUNIN:
1.Nakapagbibigay Ng Mga Salita Na May Kaugnayan Sa Paksa;
2.nasasagot Ang Mga Gawain Sa Pamamagitan Ng Grapikong
Presentasyon;
3.nakapaglalahad Ng Sabayang Pagbigkas Na Nagpapahayag Ng Isip,
Puso At damdamin Ng Mga Mag-aaral Na May Kaugnayan Sa Paksa;
4.natutukoy Ang Mga Magagandang Pook O Lugar Sa Pilipinas; at
5.nakabubuo Ng Repleksyon Batay Sa Bidyung Napanood.
PAGTATALAKAY NG PAKSA:

KAHULUGAN, MGA DAHILAN AT MGA

DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
KAHULUGAN
Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mga mayayamang karanasan. ito ay
kadalasang punompuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha, o paghanga sa
magagandang lugar na unang napuntahan, mga alaalang magiging bahagi ng buhay
ng isang tao. Ang kilalang lugar na sa mga aklat mo lamang nababasa o nakikita ay
nagiging totoo at buhay na buhay sa iyong paningin at pandama. ngunit ang mga
alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng isang taong nakaranas
nito. Kaya mahalagang matutuhan ng taong nagsasagawa ng paglalakbay, lalo na
kung ito ay nagtataglay ng mayamang kaalaman at karanasan, na maitala o
maisulat ang karanasan upang ito ay manatili at mapakinabangan ng mga taong
makababasa.
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay O
travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakbay. Ayon kay nonon carandang,
ito ay tinatawag nyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong
konsepto: sanaysay, sanay at lakbay. Naniniwala syang
ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin
upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.
MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG
LAKLBAY-SANAYSAY
Ayon kay dr. Lilia antonio, et al. Sa kanilang aklat na malikhaing
sanaysay (2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng
lakbay-sanaysay. Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumite
sa pagsulat. Isang halimbawa nito ay paggawa ng travel blog kung
saan ito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay
maaring pagkakitaan. Sabi ni jose rizal sa kanyang nobelang noli me
tangere, kung nais mong higit na makilala ang katangian at kultura ng
bansang iyong pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang taglay
nitong kasaysayan.
Ikalawa, upang maidokumento ang kasaysayan ng isang pook
O lugar na syang magiging bahagi sa hinaharap. Pangatlo, sa
lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan
sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, O
kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang ginagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng daily journal O diary. Ginawa ito
upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig
naranasan, at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay. Pang-apat
ay upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-
sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala
ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay.
Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng
manunulat na maibahagi ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
LAKBAY-SANAYSAY
1.MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA.
• Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay,
dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi
bilang isang turista kundi isang manlalakbay. Mahalagang malinaw sa
kanyang isip ang kanyang pakay o layunin. Karaniwang may itinakda nang
itinerary o talaan ng magagandang lugar na pupuntahan. Kasabay ang
kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang
kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at maging uri ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
2. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA.

• Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa

mga nakikita, narinig, naunawaan, at naranasan ng
manunulat. Kadalasang nakapersonal ng tinig ng
lakbay-sanaysay. Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa
mainam na pagsulat nito ay erudisyon o pagtataglay ng
sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.
Sikaping maisali ang sarili sa mga gawain bilang
bahagi na rin ng imersiyon sa mga pangyayari.
3. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING LAKBAY-SANAYSAY

• Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging pokus ng

susulating lakbay-sanaysay batay sa human interest. Tandaang
iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring
itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay. Ito ay maaaring pagtatampok naman ng magagandang
pook, kilalang landmark, liwasan, simbahan, at mga gusali at
establisimiyento. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay
makakatulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-
sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng isang
akda.
4.MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA
LARAWAN PARA SA DOKUMENTASYON HABANG NAGLALAKBAY.

• Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-

sanaysay ay ang panulat, kuwaderno, o dyornal at kamera.
Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye,
restoran, gusali at iba pa. Makatutulong din nang malaki kung
makukuhanan ng litrato o larawan ang mga lugar, tao, o pangyayari.
Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Iwasang
maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang
basahin ng mga mambabasa.
5. ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA NATUTUHAN SA GINAWANG
PAGLALAKBAY.

• Mahalagang isama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na

natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing
pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng
ginawang paglalakbay. Maaaring talakayin kung paano, nabago ang
buhay o pananaw ng may-akda, kung paano umunlad ang kanyang
pagkatao mula sa kanyang mga nagging karanasan, at mga
karagdagang kaalamang natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.
6. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
• Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa
paggamit ng wika. Sikaping ang sulating sanaysay ay maging
malinaw, organisado, lohikal, at malaman. Gumamit ng
akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong
bubuoin. Maaari ding gumamit ng tayutay, idyoma o
matatalinghagang salita upang higit na maging masining ang
pagkakasulat nito. Tiyaking makakakuha ng atensyon ng
mambabasa ang iyong susulating akda.
Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging
obhetibo sa paglatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad
ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng
lugar na pinuntahan. Maaari ipakita ang mga ito sa tulong ng
photo essay. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan
sa photo essay kundi ang mahahalagang larawanng kailangan
para mapagtibay ang sanaysay.
GAWAIN 2: GAWAIN MO! IBIDA MO!

Panuto: gamit ang grapikong inihanda, punan ng

sagot ang mga ito. Ang bawat pangkat ay may
kanya-kanyang gawain kung saan ilalahad at
ipepresenta ito ng pangkat matapos nilang gawin
ang kanilang gawain.
UNANG PANGKAT
Panuto: Gumuhit ng isang pook o lugar na nais nyong puntahan,
gamitin ang inyong malikhaing imahinasyon sa pagguhit nito.
Matapos gumuhit, sagutin ang tanong na:
 
Bakit ito ang napili mong iguhit, anong katangian ng pook ang
ninanais at makikita mo dito? Ipaliwanag ito sa harap ng klase.
IKALAWANG PANGKAT
 
Anong mga katangian ang

dapat taglayin ng isang Kahalagahan sa buhay
pook o lugar nan ais mong
ng tao ng lakbay-
puntahan o paglakbayan?
Magtala ng mga katangian sanaysay sa mga mag-
at ipaliwanag ang mga ito aaral o mga tao.
sa harap ng klase.
IKATLONG PANGKAT

SUMULAT O BUMUO NG TAGLINE TUNGKOL SA POOK NA

GUSTO MONG MAGING SIKAT O KILALA NG MARAMING
TAO (lalapatan ng himig o tono ang binuong tagline)
GAWAIN 3: TULA NATIN TO! (SABAYANG
PAGBIGKAS)

Panuto: bumuo ng sariling tula na may 2 saknong

at gamitin ito sa pamamagitan ng sabayang
pagbigkas para sa presentasyon ng gawain.
Hahatiin ang klase sa 3 pangkat at bibigyan
lamang ng 5 minuto upang gawin ang gawaing ito.
PANUKATAN NG GAWAIN
Kaangkupan ng nilalaman sa Paksa 15 puntos

Interpretasyon (Orkestrasyon ng Tinig) 10 puntos

Koryograpi 5 puntos

Panghihikayat sa madal 5 puntos

Malinaw at maayos na Presentasyon 5 puntos

kabuoan 40 puntos
GAWAIN 4: PINOY HENYO
• Panuto: Ang guro ay may inihandang mga salita na may kaugnayan sa paksa kung saan
gagamitin ito sa pamamagitan ng larong PINOY HENYO o mas kilala sa larong hulaan.
Pahuhulaan ng mga representate ng bawat pangkat ang mga salita at tutukuyin ito.
Matapos tukuyin ng tama ng mag-aaral ang mga salita, isusulat ito ng ibang kasamahan
sa isang manila paper/kartolina at bibigyan ito ng sariling paglalarawan tungkol sa
lugar na nahulaan. Matapos ang gawain pipili ang pangkat na maglalahad ng kanilang
sariling mga pagkakaunawa batay sa isinulat nila sa kanilang gawain. Ang mabilis at
may tamang pagbibigay ng sariling kaalaman tungkol sa mga salita ay makakakuha ng
20 puntos.
GAWAIN 5: DAMDAMIN KO, REPLEKSYON
KO!
Panuto: magpapakita ang guro ng isang video clip tungkol sa
magagandang pook o pasyalan mula sa iba’t ibang pook. Matapos
panoorin, batay sa videong napanood ano-ano ang damdaming
nangingibabaw sa kanilang mga sarili, maaaring pumili ng isang pook
mula sa video na rumirepleka sa kanilang buhay. Pipili ang guro sa mga
mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa harap ng klase. Pero ang
bawat isa ay isusulat parin ng kanilang sagot sa isang malinis na papel at
isusumite matapos ang gawain.
Napiling Pook/Pasyalan:_______________________________________
Paliwanag:
______________________________________________________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA GAWAIN
Malinaw at maayos na guhit ng larawan 10 puntos

Kaangkupan ng nilalaman ng paliwanag 10 puntos

sa iginuhit

Pagkamasining sa pagsulat ng paliwanag 10 puntos

Kabuoan 30 puntos

You might also like