You are on page 1of 4

Learner Activity Sheet (LAS)

Maaaring dito magsagot

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO

ASIGNATURA

Pangalan: ____________________________________________ Lebel/BAITANG: 11

Seksiyon: ______________ Petsa: _____________________________
QUARTER 2 - WEEK 7
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Pamagat
GAWAING PAGKATUTO:

Panimula (Susing Konsepto):

Ayon kay Seneca:

 “ Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip”.

Ano ba ang kahalagahan nito?

 Tunay ngang bukod sa porma ng pagpapahinga ang paglalakbay, binibigyan din tayo nito ng
oportunidad na pansamantalang tumigil at pag-isipan ang nakasanayan.
 Pinalalaya tayo ng paglalakbay sa regularidad ng buhay at pinalalawak ang ating ideya at pagdanas sa
kultura, pagpapahalaga at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang lahi.
 Nakapagmumuni ka sa sariling karanasan batay sa pagsasakonteksto nito sa mas malawak na karanasan
ng kapwa at lipunan
 Marami ring siyentipikong pag-aaral na nagpapakitang mabuti ang paglalakbay para sa kalusugan.
 Sa pag-aaral ng Global Commission on Aging, Transamerica Center for Retirement Studies at U.S.
Travel Association (2013)
 Napatunayan na naiiwasan ang mga sakit na kaakibat ng pagtanda gaya ng dementia at Alzheimer’s
disease sa pamamagitan ng paglalakbay.
 Lumalabas din sa pag-aaral na ang mga babaeng nagbabakasyon tuwing anim na taon o mas mababa pa
ay may mas mataas na kaso ng atake sa puso at pagkamatay sanhi nito kumpara sa mga babaeng
nagbabakasyon ng dalawang beses sa isang taon.
 Ang lalaki naman na hindi nagbabakasyon kada taon ay may 30% na mas mataas na pagkakataong
mamatay mula sa sakit sa puso.
 Ipinakita rin ng naturang pag-aaral na pinabubuti rin ng paglalakbay ang mood at 86% ng kalahok na
bumibyahe kada taon ay may positibong pagtingin sa buhay.
 Tunay ngang mabuti para sa kaluluwa, maging sa kalusugan, ang paglalakbay. Lalo na kung ang bawat
paglalakbay ay maidodokumento hindi lamang sa mga larawan kundi maging sa pagsulat ng sanaysay

Ano ba ang Lakbay-Sanaysay

 Isa ito sa pinakapopular na anyo ng sanaysay.
 Sa ingles: Travel essay, Travel literature o travelogue.
 Isa rin itong anyo ng pagsusulat na maaaring maging propesyon o hanapbuhay.

Manlalakbay vs Turista
 May kaalaman talaga sa paglalakbay bilang pagkilala sa lugar at pagtuklas ng bagong daigdig;
 Naglalakbay sa mga piling lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng
araw.
 Ang MANLALAKBAY AY INTERESADO SA KASAYSAYAN, TOPOGRAPIYA NG LUGAR,
PAGKAIN, PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY, PANITIKAN, PULITIKA, WIKA, AT
RELIHIYON NG ISANG LUGAR
 SEKONDARYA LAMANG ANG MGA ITO.
 Samantala ang turista ay MAHALAGA SA KANYA ANG ALIWIN LAMANG ANG SARILI.
BAKIT NALIKHA ANG LAKBAY-SANAYSAY?
 BILANG PRODUKTO NG MALALIM NA PAGKILALA SA DAIGDIG AT SA MGA TAO.
 PAGBABAHAGI ITO NG MGA NATUTUHAN AT MGA KARANASAN NG ISANG MANUNULAT.
Payo sa Epektibong Makapagsusulat habang Naglalakbay- Dinty Moore(2013)
 Magsaliksik – magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa iyong destinasyon bago dumating sa lugar.
Huwag lamang magpakupot sa mga guidebook, bagkus ay unawain ang kasaysayan, ekonomiya, kultura,
agrikultura, pagkain, relihiyon, at mga paniniwala ng isang lugar. Sa pamamagitan nito ayon kay Moore
(2013), mas muunawaan mo ang mga kakaaibang bahagi ng kultura na praktis at ang konteksto nito habang
naglalakbay.
 Mag-isip nang labas pa sa ordinary – kadalasang makikita sa mga guidebbok ang listahan ng mga hotel,
kainan na pwede mong puntahan o mga aktibidad na pwede mong gawin. Ngunit, bilang isang
mananaysay, kailangan mong magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta namamalas ng mata.
Kailangan mong magkuwento ng karanasan, humanap ng malalim na kahulugan at mailarawan ang lahat ng
ito sa malikhaing paraan.
 Maging isang manunulat –magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa isang turista. Nasa bakasyon ang
isang turista habang may mas malalim na tungkulin at layunin sa paglalakbay ang isang manunulat. Para sa
epektibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng larawan at mga tala sa mga bagay na naoobserbahan at
naririnig mo.
MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY (MOORE, 2013)
1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.
6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita na matitikman at pag-aralang
lutuin ito.
7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na pook-sambahan ng mga taong
hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananamapalataya rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.

Kasanayang Pagkatuto/Koda:

 Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay

 Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

Panuto:
Batay sa mga tinalakay hinggil sa Lakbay-Sanaysay, bumuo ng akrostik na tula (acrostic poem) ng
salitang LAKBAY-SANAYSAY na naglalaman ng mga dapat na taglaying katangian nito. Isulat sa
mga patlang ang iyong sagot.
Gawain/Pamamaraan:

L - ______________________________________________________________
A- ______________________________________________________________
K- _______________________________________________________________
B- ______________________________________________________________
A - ______________________________________________________________
Y - ______________________________________________________________
S - ______________________________________________________________
A - ______________________________________________________________
N - ______________________________________________________________
A - ______________________________________________________________
Y - _______________________________________________________________
S - _________________________________________________________________
A - _________________________________________________________________
Y - _________________________________________________________________
Gabay na Tanong:

Panooring ang “Byahe ni Drew” sa lalawigan ng Rizal (https://www.youtube.com/watch?

v=4nTL7w4hrF8) at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anong lugar ang sentro ng dokumentaryo at anong partikular na paksa sa lugar ang ibinibida
nito?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano-anong aspeto at katangian ng lugar ang pinalutang sa dokumentaryo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Batay sa natutuhan sa aralin, epektibo ba para sa inyo ang paglalarawan at pagkukuwento ng
karansan sa lugar? Pangatwiranan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na maglakbay sa ano mang lugar, pipiliin mo ba ang
lugar na ibinibida sa dokumentaryo? Ipaliwanag ang inyong sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos:

Rubrik sa Pagpupuntos ng Lakbay Sanaysay

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG

(5) (3) MAGSANAY
(1)
Nilalaman Napakatotoo ng mga Totoo ang mga Hindi gaanong totoo ang
katangiang ibinigay. katangiang binigay mga katangiang ibinigay
Paglalahad Napakaayos at kawili-wili Maayos ang mga May kaguluhan ang mga
ang mga pahayag pahayag pahayag
Kaayusan Naisulat ng wasto ang Di-gaanong wasto ang Nangangailangan ng
baybay ng mga salita baybay ng mga salita tulong/gabay sa pagsulat
ng baybay ng mg salita
Pagkamalikhain Napakamalikhain ang Malikhain ang Hindi malikhain ang
pagkakasulat/buo sa pagkakasulat/buo sa pagkakasulat sa lakbay
lakbay sanaysay lakbay sanaysay sanaysay

Pangwakas/Repleksyon:

Gawaing sulatin:
Magplano ng isang byahe o paglalakbay. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon (pandemya) hindi kailangang
napakalayo ng lugar na pupuntahan. Hindi rin kailangang isang destinasyong panturista ang lugar. Kumuha ng mga
larawang iyong magagamit na dokumentasyon. Isulat ang iyong lakbay-sanaysay. Isaalang-alang ang mga tinalakay
na Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay. Gamiting pamantayan ang rubriks na nasa itaas. Isulat ang iyong sanaysay
sa susunod na pahina.

___________________________________________________________________
Pamagat
(idikit dito ang iyong kuhang-larawan)

_______________________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

Filipino sa Larangang AKADEMIKO (Alinsunod sa K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon para sa SHS)

ni: Rolando A. Bernales et.al. pahina: 123

Susi sa Pagwawasto:

Answer may vary

Inihanda ni:

ROSALYN V. DELA CRUZ

Pangalan ng May Akda

NOTE: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity
Sheets.

You might also like