You are on page 1of 6

KABANATA 1: ANG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

NG REHIYONG MEDITERRANEAN

ARALIN 4
PANITIKAN: ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA
GRAMATIKA: MGA SALITANG HUDYAT SA PAGSUSUNOD-SUNOD
NG MGA PANGYAYARI

PAGTUKLAS

Isang panibagong bansa na naman ang iyong lalakbayin. Ang respeto at


paggalang ay iyong dalhin. Handa ka na ba?

GAWAIN 1: Balik-tanaw
Pamilyar ka ba sa tinatawag na pagbibinyag? Humanap ng mga dokumento o larawang
nagpapatunay na ito’y naging parte ng iyong buhay. Idikit ito sa espasyong nakalaan. Lakipan ito
ng paglalarawan.

Saan: _______________________________
Kailan: ______________________________

KATAPUSAN NG PAGTUKLAS:
Pagbati sa iyong katapatan sa pagsagot. Ang natapos na gawain ay isang paghahanda
upang maunawaan ang mga sumusunod na gawain.

Page | 1
PAGLINANG

Ang modyul na ito ang siyang gagabay sa iyo upang maunawaan ang pagkakaiba-iba ng
bawat bansa. Na ang pagkakaiba ay hindi dahilan upang magkaroon ng hidwaan dahil maaari
naman itong daanin sa magandang usapan at paraan.
Upang mas madagdagan ang iyong kaalaman sa kung sino nga ba ang tampok na awtor sa
akdang iyong pag-aaralan, basahin at unawain ang “Alam Mo Ba?” (pahina 74). Matapos
basahin, ay magtungo sa pahina 76 hanggang 81 upang basahin ang, epikong, Ang Pagbibinyag
sa Savica.

GAWAIN 2 TALASALITAAN
Tukuyin mo ang damdaming ipinapahayag ng mga salitang nakasulat nang madiin at sa linya
ay sumulat ka ng iyong puna kung mabisa ba o hindi ang pagkakagamit sa mga ito:
1. “Ang lawa ay napuno ng dugong kahila-hilakbot.”
a. pagkadismaya C pagkapahiya.
b. pagkatakot D.pagkagalit

Puna:
______________________________________________________________

2. “Pagkatapos ng digmaan, ang sangkatawa’y kay panglaw-panglaw”


a. kalungkutan C kalupitan
b. kapayapaan D.kahirapan

Puna:
______________________________________________________________

3. “Sa dibdib ko’y nagngangalit pa ang bagyo ng digmaan”


a. pagkaunsiyami C pagtatmpo
b. pagkagalit D.paghihimok

Puna:
__________________________________________________________________
4. “Napakakkaunting pagkain ang naitinggal ko kaya’t tiyak na hindi sasapat hanggang
mataos ang dgmaang ito.”
a. pagtatampo C pagtatmpo
b. pagkapahiya D.paghihimok

Puna:
___________________________________________________________________

5. Nanaisin ko pang mautas, kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin.”


a. karuwagan C katalinuhan
b. katapangan D.kasipagan
Puna:
__________________________________________________________________

PANITIKAN
Page | 2
ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA
Mga Pamprosesong Tanong:
Sino ang nakalaban ng hukbo ni Crtomir? Ano ang pananampalataya ng hukbong
kanilang nakalaban? Ano naman kina Crtomir?

Bakit sila natalo sa labanang ito? Sino lang ang natira sa labanang ito?

Paano ipinakita sa epiko ang kasamaang dulot ng digmaan? Makikita pa rin baa ng mga
pangyayaring ito sa kasalukuyang panahon?

Bakit ninais ni Bogomila na ialay ang kaniyang buong buhay sa Panginoon? Ano ang
panalangin niya na nasagot at nagging dahilan sa pagnanais niyang ito?

Paano nagbago ang takbo ng buhay ni Crtomir nang dahil sa pagiging Kristiyano ng
Kanyang Kasintahan?

Sino ang nakalaban ng hukbo ni Crtomir? Ano ang pananampalataya ng hukbong kanilang
nakalaban? Ano naman kila Crtomir?

Bakit mahalagang pairalin ang kapayapaan sa mundo? Bakit hindi digmaan ang sagot sa
anumang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng mga tao, lahi o bansa?

Katapusang Bahagi ng Paglinang


Malugod na pagbati . Walang pag-aalinlangang napagtibay mo na ang kaaya-ayang kaisipang
nakuha mo mula sa epikong nagmula sa rehiyong Mediterranean. Dahil dito, taas noo kong masasabi na
handa ka na sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

PAGPAPALALIM

Natamo mo na sa paglinang ang sapat na kaalaman at kasanayan upang maunawaan mo


sa kung ano man ang pinakanilalaman ng epiko.
Ngayon naman,alamin ang wastong hudyat na ginagamit upang mas maging epektibo ang
pagdudugtong-dugtong ng mga pangungusap. Basahin at unawain ang pahina 90. Ito ay
patungkol sa MGA SALITANG HUDYAT SA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA
PANGYAYARI.

Page | 3
Kasanayang GAWAIN 3 AYUSIN MO
Panretorika at Sa edad mong iyan ay inaaasahang marami kang naitutulong sa
Panggramatika mga gawaing bahay. Suriin mo at pag-aralan ang mga sumusnod na
paraan sa paglilinis. Ayusin mo ang mga hakbang sa paglilinis batay sa
tamang pagkakasunod-sunod nito. Lagyan ng bilang kung alin ang
mauuna hanggang sa huli.

_______ Walisin ang mga alikabok at iba pang duming naiwan sa sahig at sa ialalim ng mga
sopa at mesito.
_______ Dakutin ang naipong basura gamit ang dustpan upang maitapon agad sa basurahan.
_______ Sunod na punasan ang alikabok sa mesita, lampshade, pasimano ng bintana, sopa at
iaba pang kagamitan sa loob ng salas.
_______ Tanggalin o damputin ang mga kalat tulad ng mga damit, libro, laruan at ilagay sa
tamang dapat kalagyan
_______ Linisin ang mga dumi sa mas mataas na lugar tulad ng mga agiw sa kisame, alikabok sa
ibabaw ng mga cabinet, at iba pa.
_______ Ipagpag ang mga unan at smuling ihanay sa malinis na sopa
_______ I-mop ang sahig upang malinis na ito nang lubusan.

GAWAIN 4 ISULAT MO NANG MASUNDAN KO!


May alam ka bang isang espesyal na recipe sa pagluluto ng ulam na sa tingin mo’y
papatok kapag ipinagbili mo? Ibahagi mo ito sa pamamagitan ng pagsusulat sa sangkap nito at
paraan kung paano ito lutuin. Gumamit ka ng mga angkop na hudyat sa pagkakasunod-sunod sa
iyong hakbang nang madali itong masundan.

PANGALAN NG RECIPE

MGA SANGKAP:

HAKBANG:

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Mahusay ka sa pagsagot sa gawaing inihanda! Binabati kita! Inaasahan kong handang –
handa ka na sa pagtatapos ng araling ito.

Page | 4
PAGLALAPAT

Napagtanto mo na ang kagandahan ng sining ng mga akdang pampanitikan ng


rehiyong Mediterranean. Tiyak kong handa ka na sa huling gawaing nakatala.

GAWAIN 5

Sagutin mo ang mga tanong:


1. Ano ang epiko? Paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sa pangkalahatan, sa anong panahon naisulat o nabuo ang mga epiko? Bakit maituturing
na mahalaga ang panahong ito sa larangan ng panitikan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko? Bakit kailangan pag-
aralan ang mga ito maging sa makabago o modernong panahon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ano-anong masasalamin sa mga epiko patungkol sa pinagmulan nitong lahi, bansa o
relihiyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLALAPAT


Isang masayang pagbati sa iyong pagtatapos sa modyul na ito. Kung magbabalik-tanaw ka sa
iyong karanasan sa modyul na ito, sinimulan mo ito sa pamamagitan ng pagsuri ng isang akda mula sa
Gresya, Israel at Espanya. Paulit-ulit ding naitanong ang kahalagahan ng pag-alam sa mga akda mula sa
bansang Mediterranean kaugnay ng kanilang pagkakakilanlan. Nawa’y ang mga butil ng kaalaman na
iyong natutuhan ay magamit at di kailanman makalilimutan.

MGA SANGGUNIANG GINAMIT SA MODYUL

VIDEOCLIP
ANAK TRAILER
https://www.youtube.com/watch?v=MPRSTD_Tg3Y
A MOTHER’S STORY (FULL TRAILER )
https://www.youtube.com/watch?v=xcnG23HcHwc
CAREGIVER (FULL TRAILER)
https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYXJQ

MGA AKLAT:
Dayag, Alma M, Del Rosario, Mary Grace G, Marasigan, Emily V, 2019 PInayamang
Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
Liwanag, Elvira R, Badayos, Paquito B, PhD. 2015 Yaman ng Pamana Wika at Panitikan
Quezon City Vibal group Inc.
Cruz, Estrella E, 2010 Filipino sa bagong Henerasyon 10 Makati City The Book Mark
Inc.
Liwanag, Elvira R, Garcia Gilda 10 Serrano Gaudencio, Luis N, Miranda Lourdes L,
Tolosa Marites L, Diokson Magdalena O, 2015 Hiyas ng Lahi Quezon City Vibal Group
Inc.
Page | 5
Page | 6

You might also like