You are on page 1of 11

SOUTH CITY HOMES ACADEMY

STO.TOMAS, BIŇAN , LAGUNA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

I.PAGHAHAMBING NG TANKA AT HAIKU


PANUTO:SURIIN ANG PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD NG TANKA AT HAIKU SA PAMAMAGITAN
NG PAGPUNAN SA MGA KAHON NG WASTONG IMPORMASYON.
Haiku Tanka

Katapusan ng Aking Paglalakbay


Tutubi
Napakalayo pa nga
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig Wakas ng paglalakbay
Sa paglapit mo Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip

Pagkakatulad(1-2)

Pagkakaiba

----Bilang ng Pantig---- 4.
3.
5. ----Blg.ng Taludtod---- 6.
----Sukat ng bawat----
7. 8.
taludtod
9. ----Tema o Paksa ---- 10.

II.A.PANUTO:IANTAS ANG SALITA SA PAMAMAGITAN NG CLINING BATAY SA TINDI NG DAMDAMIN


O EMOSYON.LAGYAN NG BILANG 1 PARA SA PINAKAMABABAW NA DAMDAMIN HANGGANG
BILANG 3 PARA SA PINAKAMASIDHING EMOSYON.
11.___nagbabanta ___nagpapaalala ___ nagbabadya
12.___poot ___inis ___ galit
13.___luha ___iyak ___hagulgol
14.___kapansin-pansin ___ kamangha-mangha ___ kahanga-hanga
15.___pagkagusto ___ pagnanasa ___ paghahangad
B.PANUTO: ITIMAN ANG BILOG NA KUMAKATAWAN SA PAHIWATIG NA KAHULUGANG
MAIUUGNAY SA BAWAT PAHAYAG.
16.Sa kasalukuyan ,ang tigre ang sumisimbolo sa bansang Korea pagdating sa ekonomiya at militarismo.
O a.Ipinapakita ang hayop bilang sagisag ng sobrang katapangan ng mga tao sa bansa.
O b.Ipinapakita ang tigre bilang isang positibong hayop na sumasagisag sa lakas at galing ng
bansa.
O c.Ipinapakita ang tigre bilang simbolo na hindi magpapasakop sa ibang bansa ang Korea.
O d.Ipinapakita ang hayop na ito bilang sagisag na sila’y tunay na magiting .
17.Wika ng isang television network,”Think before you click”.
O a.Maging responsable sa social media.Huwag basta –basta magkomento at agad ay ipopost ito.
O b.Mag-isip muna bago gawin ang isang bagay.
O c.Matutong maglagay ng positibong shoutout sa twitter at status sa facebook.
O d.Maging mahusay sa pagsagot sa mga bloggers.
18.Napakahalaga ng pamilya sa mga Tsino.Ang mga anak na mayroon nang sariling pamilya ay hindi
basta-basta bumubukod sa mga magulang.
O a.Malapit ang mga pamilyang Tsino sa isa’t isa.
O b.Gusto nang mamuhay mag-isa ang tsinong nag-asawa na.
O c.Walang kalayaan sa pamilya ang mga Tsino.
O d.Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa ang mga Tsino.
19.Ang bansang Japan na matatagpuan sa Silangang Asya ay nasa Pacific Ring of Fire. Ito ay
nagpapahiwatig na
O a.Nakararanas ng maraming lindol at pagputok ng bulkan ang Japan.
O b.Nakararanas ng matinding tag-ulan ang Japan.
O c.Nakararanas ng maraming sunog ang Japan.
O d.Nakararanas ng matinding tag-init ang Japan.
C.PANUTO:BIGYANG-KAHULUGAN ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA BATAY SA KONOTASYON
AT DENOTASYONG KAHULUGAN NITO.
Salita Denotasyong Kahulugan Konotasyong kahulugan
20.lantang gulay ____________________ _______________________
21.itlog ____________________ _______________________
22.buwaya ____________________ _______________________
23.basang-sisiw ____________________ _______________________
24.dayuhan ____________________ _______________________

III.A.PANUTO:BASAHIN ANG HALIMBAWANG PABULA. PAGKATAPOS AY PUMILI NG TAUHANG


GUSTO MONG BAGUHIN ANG KATANGIAN AT IPALIWANAG KUNG BAKIT GANOON ANG GUSTO
MONG MANGYARI.ILAHAD DIN ANG PANGYAYARING NAIS MONG BAGUHIN AT IPALIWANAG DIN
KUNG BAKIT GANOON ANG GUSTO MO.
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at
inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang
pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at
pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang
paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat
ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa
kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may
pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

25.Tauhan:________________
26.Katangian ng Tauhang Nais Mong Baguhin:_____________________________________________
27.Paliwanag:________________________________________________________________________
28.Pangyayaring Nais mong Baguhin:_____________________________________________________
29.Ang Nais mong Mangyari:____________________________________________________________
30.Paliwanag:________________________________________________________________________
B.PANUTO;TUKUYIN ANG DAMDAMING ISINASAAD NG MGA SUMUSUNOD NA DIYALOGO.PILIIN
AT SALUNGGUHITAN SA PANAKLONG ANG WASTONG SAGOT.
31.”Grabe! Nahilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang pagtatanghal.Sana hindi na lang
ako nagpunta.”
( pagkagalit, pagkadismaya, pagkagulat, paghanga )
32.”Hindi nga ho..ngunit…sa Amerika labis ang kalayawan ng mga babae,at alam nating ang lalaki’y
lalaki kailanman…At isa pa’y hindi ako payag na doon pag-aralin at palakihin ang mga bata.”
( pagkadismaya, pag-aalala, paghanga, pagmamahal )
33.”Takbo,paparating na ang puting tigre!” ang sigaw ng unggoy.”Magsilipad na tayo at baka abutan pa
tayo ng puting tigre!” ang hiyaw ng agila.
( pagkagalit, pagkagulat, pagkatakot, pagkatuwa )
34.”Mayroon akong naaamoy na kalaban.Isang matapang na tao na nag-aakalang mapapatumba niya
ako.Ha-ha-ha ! Kung mahal mo pa ang buhay mo ay may oras ka pa upang umatras.Kahit na ang
pinakamahusay na mangangaso ay hindi umubra sa akin.Ha-ha-ha!
( pagkatakot, pagkatuwa,pagmamayabang,pagkadismaya )
35.”Wow! Ang galing talagang magperform ang mag-amang Gary at Gab Valenciano”.
( pagkainis, pagkatuwa, paghanga, pagkalungkot )

IV. A.PANUTO:SALUNGGUHITAN ANG SALITANG MAY WASTONG DIIN NA AANGKOP SA BAWAT


PANGUNGUSAP.IBIGAY RIN ANG KAHULUGAN NG SALITANG ITO BATAY SA PAGKAKAGAMIT SA
PANGUNGUSAP.
36.Ano ang tamang ( baSA, BAsa ) mo sa salitang Alzheimers ?
Kahulugan:______________________________________
37.Maraming nakahambalang na ( laBI, LAbi ),pagkatapos ng madugong digmaan sa Israel.
Kahulugan:______________________________________
38. Maganda ang (SAya,saYA) na isinoot niya noong Linggo ng Wika.
Kahulugan:_____________________________________
B.PANUTO:BASAHIN ANG SUMUSUNOD NA PAHAYAG NANG MAY TAMANG HINTO O
ANTALA.ISULAT SA PATLANG ANG PAGKAKAIBA NG DALAWA SA PAMAMAGITAN NG
PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA BAWAT PAHAYAG.
39.Hindi, siya ang kaibigan ko.________________________________________________
40.Hindi siya ang kaibigan ko.________________________________________________

V.A.PANUTO:BASAHIN ANG SELEKSYON AT DUGTUNGAN ANG MGA PAHAYAG NA NAGSASAAD


NG OPINYON.IBABATAY ANG OPINYON SA PAG-UNAWA NINYO SA SELEKSYONG BINASA.
Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit nais ng taong mabuhay na taglay ang pawang matatamis na
alaala ng kanyang minamahal.Ang pag-ibig ang gumagabay sa isang tao patungo sa isang gawa
ikamatay man niya ito o ipagdusa.Ang pag-ibig ang siyang pianakadakila sa lahat ng damdamin ng
tao.Ligaya at kaginhawaan ang ibinubunga ng pag-ibig.Kung ang tao ay nagdurusa,ito ay sapagkat di
tunay na pag-ibig ang naghahari.
Pag-ibig ang dahilan ng pagkakaisa at dito nagmumula ang lakas upang ipagtanggol ang
kabutihan.Mawawala ang pang-aapi kung lahat ay mag-iibigan.Kung walang pag-ibig ,magiging
makasarili ang mga tao at ang mga ito’y mag-iisip ng masama lagi sa kapwa.

41.Sa aking palagay,___________________________________________________________


42.Naniniwala ako na __________________________________________________________
43.Ang opinyon ko sa bagay na ito ay _____________________________________________
44.Baka ang mga pangyayaring _________________________________________________
45.Sa tingin ko _______________________________________________________________

B.PANUTO:BASAHIN ANG SELEKSYON PAGKATAPOS AY DUGTUNGAN ANG MGA PAHAYAG NA


NAGSASAAD NG KATOTOHANAN.

Ang dengue /deng·ge/ ay isang nakakahawang sakit pantropiko na dulot ng birus ng dengue.
Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, kalamnanat pananakit ng kasukasuan, at ang isang
katangiang pagpapantal sa balat na katulad ng sa tigdas. Sa isang maliit na bahagi ng mga kaso, ang sakit
ay maaaring maging nagbabanta sa buhay na dengue na may pamumuo ng dugo kasama ng lagnat,
na nagdudulot ng pagdurugo, mababang bilang ng platelet ng dugo at pagtagas ng plasma ng dugo, o
sa dengue shock syndrome (nagpapakita ng mga sintomas ng dengue), kung saan ang mapanganib na
mababang presyon ng dugo ay nangyayari.
Ang dengue ay naisasalin ng maraming uri ng lamok sa loob ng genus na Aedes, lalung-lalo na
ang A. aegypti. Ang birus ay may apat na iba’t-ibang klase; ang impeksiyon sa isang klase ay karaniwang
nagbibigay ng panghabang-buhay na kaligtasan sa sakit sa klaseng ito, ngunit pansamantalang kaligtasan
lamang sa sakit sa iba. Ang kasunod na impeksiyon ng ibang klase ay pinatataas ang panganib ng mga
malubhang komplikasyon. Dahil walang bakuna, ang pag-iingat ay hinahangad sa pamamagitan ng
pagbawas ng tirahan at bilang ng mga lamok at paglimita sa pagkakalantad sa mga kagat.
Ang paggamot ng talamak na dengue ay sa pamamagitan ng iniinom o itinuturok ng likido sa ugat
na rehydration o muling paglalagay ng tubig sa katawan para sa mga banayad o katamtaman na sakit,
at mga likidong itinuturok sa ugat at pagsasalin ng dugo para sa mga kasong mas malubha.
46.Batay sa pag-aaral ang dengue ay totoong________________________________________________
47.Ayon sa tekstong binasa talagang ______________________________________________________
48.Ayon sa mga dalubhasa,napatunayan na _________________________________________________
49.Ayon sa seleksyon sadyang ang lamok ay ________________________________________________
50.Maliwanag na ipinahayag sa teksto na __________________________________________________
SOUTH CITY HOMES ACADEMY
STO.TOMAS,BIŇAN LAGUNA

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
S.Y.2017-2018

KOMPETENSI/KASANAYANG PAMPAGKATUTO Blg. ng Araw Bilang ng Kinalalagyan


ng Pagtuturo Aytems
I.Paglinang ng Talasalitaan
A.Natutukoy ang dalawang salitang magkaugnay 2 4 1-4
at naisusulat din kung ito’y magkasinkahulugan o
kaya ay magkasalungat
B.Naibibigay ang kahulugan ng idyoma batay sa 2 4 5-8
pagkakagamit sa talata
II.Pag-unawa sa Binasa 3 6 9-14
A.Nakapagsusuri ng mga pangyayari
Natutukoy ang detalye
Nakapaghihinuha ng posibleng bunga ng
pangyayari
B.Napupunan ng wastong impormasyon ang 3 7 15-21
compare and contrast organizer batay sa binasang
teksto
B.Napagsusunod-sunod ang mga Pangyayari 2 5 22-26
C.Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng elemento 4 8 27-34
ng tula at natutukoy kung anong elemento ang
taglay ng bawat isa
D.Nakikilala ang kultura ng lugar na pinagmulan 2 5 35-39
ng akda batay sa mga pangyayari o diyalogong
nakasaad.
III.WIKA AT GRAMATIKA
A.Nasusuri ang mga halimbawang pangungusap 3 6 40-45
at natutukoy kung anong uri ng tayutay ang bawat
isa
A.Nasusuri ang mga pangungusap at natutukoy 2 5 46-50
ang pokus ng pandiwa ng bawat isa batay sa
paksa at pandiwang binigyang empasis.

KABUUAN 23 50 aytems

Ipinasa ni:

Myrna B. Billones
Ipinasa Kay:

Dr. ELY S. ALPE Jr.


Punongguro

Inaprubahan Ni:

Ms.Romana L. Espinosa
Academic Supervisor
SOUTH CITY HOMES ACADEMY
STO.TOMAS,BIŇAN LAGUNA

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
S.Y.2016-2017

KOMPETENSI/KASANAYANG PAMPAGKATUTO Blg. ng Araw Bilang ng Kinalalagyan


ng Pagtuturo Aytems
I.Naipaghahambing ang pagkakaiba at 4 10 1-10
pagkakatulad ng haiku batay sa nakasaad na
halimbawa

II.A.Nasusuri ang mga salita at naiaantas ito sa 2 5 11-15


pamamagitan ng clining
B. Napipili ang kumakatawan sa pahiwatig na
kahulugang maiuugnay sa bawat pahaya 2 5 16-20
C.Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay 2 4 21-24
sa konotasyon at denotasyong kahulugan nito
III.A.Nasusuri ang halimbawang pabula at napipili
ang tauhang at pangyayaring gustong baguhin at 2 6 25-30
naipaliliwanag din ang naging sagot
B.Natutukoy ang damdaming isinasaad ng mga
diyalogong nakasaad 2 5 31-35
IV.WIKA AT GRAMATIKA
A.Nasusuri at natutukoy ang angkop na salita sa 1 3 36-38
pangungusap batay sa wastong diin at bigkas nito
at naibibigay din ang kahulugan ng bawat isa batay
sa pagkakagamit sa pangungusap
B.Natutukoy ang kahulugan ng pangungusap 1 2 39-40
batay sa wastong hinto o antala nito
V.PAGBASA
A.Naibibigay ang opinyon batay sa tekstong 2 5 41-45
nakasaad
B.Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyon sa 2 5 46-50
pagpapahayag ng katotohanan
KABUUAN 20 50 aytems

Ipinasa ni:

Myrna B. Billones
Ipinasa Kay:

Dr. ELY S. ALPE Jr.


Punongguro

Inaprubahan Ni:

Ms.Romana L. Espinosa
Academic Supervisor
SOUTH CITY HOMES ACADEMY
STO.TOMAS BIŇAN LAGUNA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANGALAN:________________________________PETSA:__________________________
TAON AT PANGKAT:_______________________GURO:Myrna B.Billones

I.PAGLINANG NG TALASALITAAN
A.PANUTO:Hanapin at salungguhitan sa loob ng pangungusap ang salitang kaugnay ng
nakaitalisado.Isulat sa patlang ang MK kung ang dalawang salita’y magkasingkahulugan at MS kung
magkasalungat.
_____1.Nakipag-isang –dibdib na ang dati niyang kasintahan sa iba kaya’t ang pagpapakasal na ito ay
labis niyang ikinalungkot.
_____2.Talagang nagmumungot siya nang hindi pinagbigyan na sumama sa field trip,hindi na siya
nakakangiti dahil dito.
_____3.Ipinagwalambahala lang ni Banquo ang sinabi sa kanya ng manghuhula ngunit pinansin naman
niya ang itsura nito.
_____4.Napagtanto ni Pele na mali ang kanyang ginawa at dahil sa kanyang nalaman ay gumawa siya ng
paraang makabawi sa kapatid.
B.PANUTO:Suriin ang mga idyomang nakaempasis sa talata.Piliin sa kahon ang titk ng kahulugan ng
bawat idyomang ginamit.

a.mababang marka b.pang-itak c.paulit-ulit


d.nasesermunan o napapagalitan e.nag-aaral nang maigi

Marami sa mga mag-aaral ang hindi 5.nagsusunog ng kilay kahit na nalalapit na ang
pagsusulit.Pinipili pa nila ang magcomputer games o magfacebook nang magfacebook. Kaysa pagtuunan
ng pansin ang kanilang pag-aaral.Kaya naman madalas ay nakakakuha sila ng 6.palakol sa
pagsusulit.Kahit parang 7.sirang plaka na ang kanilang mga magulang at guro sa pagpapaalala na
kailangan nilang magreview,sila’y walang pakialam.Madalas naman ay 8.nasasabon sila kapag mababa
ang resulta ng kanilang pagsusulit.
5. 6. 7. 8.
II..PAG-UNAWA SA BINASA
A.PANUTO:Basahin at unawain ang teksto.Sagutan ang mga tanong na kaugnay.Bilugan ang titik ng
wastong sagot.
Paano Pumasa sa mga Pagsusulit?
Nahihirapan ka bang pumasa sa mga pagsusulit?Nais mo bang malaman ang mga bagay na dapat
gawin upang maging mabisa ang iyong pagsasaulo at pagsusunog ng kilay?Kung talagang desidido
kang ipasa ang iyong pagsusulit,kunin ang iyong mga aklat at iba pang review materials,at basahin ito
isang linggo bago pa ang pagsusulit.Kailangang paulit-ulit mong basahin ang iyong aralin,ngunit
kailangan ang sapat na tulog.Huwag uminom ng kape bago ang pagsusulit.Narito ang ilan pang mga
hakbang:
Una,huwag kumain ng mga pagkaing mamantika at iwasang uminom ng softdrinks.Pero
kinakailangang lamnan ang sikmura bago sumabak sa pagsusulit.Kumain ng masusustansyang pagkain
tulad ng berde at madahong gulay.
Pangalawa,gumising nang maaga at magbasa.Mas epektibo ang memorya sa madaling-araw.
Pangatlo,magpahinga.Iwasang magmadali.Kapag hindi sapat ang oras na inukol sa pag-
aaral,maaaring ikaw ay mamental block.Kasama na rin dito ang pag-iwas sa mga bagay na
nakakaistorbo sa pag-aaral tulad ng paglalaro ng mga computer games tulad ng dota,COC,LOL at iba
pa.
At panghuli at higit sa lahat,hingin ang patnubay ng Diyos.

9.Sa kabuuan ng teksto,tungkol saan ang seleksyon?


a.Kung paano mas mapapadali ang pagsusulit.
b.Kung ano-ano ang mga kaparaanan para makapasa sa pagsusulit.
c.Kung ano ang nararapat kainin kapag kukuha ng pagsusulit.
d.Kung paano makakaiwas sa pagbagsak sa pagsusulit.
10.Anong pamamaraan ang isinagawa upang mabisang maipahayag ang nais sabihin ng seleksyon?
a.pagpapakahulugan b.pag-iisa-isa c.pagsusuri d.paglalarawan
11.Batay sa naging sagot ninyo sa bilang 10,anong uri ng teksto ang binasa?
a.prosijural b.deklaratib c.naratib d.informativ
12.Sa anong bilang ng talata binanggit ang paghingi ng patnubay sa Panginoon?
a.una b.ikatlo c.ikaapat d.ikalima
13.Ano ang pinakamabuting dulot ng pagsunod sa mga hakbanging nakasaad sa itaas?
a.Maiiwasan ang pagkopya sa kamag-aral. c.Magkakaroon ng tiwala sa sarili.
b.Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing . d.Tiyak na makapapasa.
14.Ang lahat ay nabanggit sa seleksyon maliban sa
a.Magpahinga,huwag magmadali. c.Huwag kumain.
b.Gumising ng maaga at magbasa. d.Magbasa nang paulit-ulit.

B.Panuto:Basahin ang talata sa ibaba ukol sa kalagayan ng mga kababaihan sa nagdaang panahon at sa
kasalukuyang panahon.Buoin ang compare and contrast organizer sa pagkakaiba at pagkakapareho ng
kalagayan ng kababaihan noon at ngayon.Punan ang mga kahon ng nararapat na sagot.

Sa nagdaang panahon partikular sa ikalabinsiyam na siglo,ang kabababaihan maging ang nasa


mauunlad na bansa tulad ng Amerika ay mas mababang kalagayan sa lipunan.Karaniwang gumaganap
sila ng ng tungkuling inaasahan sa isang babae tulad ng pag-aalaga ng mga anak at pag-aasikaso sa
asawa.Kung nakapagtatrabaho man sila sa labas ng bahay ay kitang-kita ang diskriminasyon sa pagitan
ng lalaki at babae dahil karaniwang mas mababa ang trabahong ibinibigay sa kababaihan at mas maliit
din ang suweldo.Wala rin silang karapatang bumoto sa pambansang halalan..At ang pinakamasaklap,sa
loob ng tahanan ay karaniwang tinatratong pagmamay-ari ng asawang lalaki ang kanyang asawa kaya’t
supil ang kanilang kalayaan at karapatang magpasiya sa sarili.
Ngunit sa kasalukuyang panahon ,ang mga kababaihan ay hindi na pantahanan lamang.Maari
na silang makipagsabayan sa mga kalalakihan sa kahit anong uri ng trabaho at kayang lagpasan ang
kinikita o sinasahod ng mga kalalakihan.Sila’y may karapatan ding bumoto at pumili ng pinunong
ipinagpapalagay nilang karapat-dapat.Sa loob naman ng tahanan ay hindi na sila lang ang gumagampan
sa mga gawaing bahay bagkus ay katuwang na nila ang asawang lalaki sa paggawa ng mga gawaing
bahay.

Paghahambing sa Kalagayan ng mga Kababaihan

NOON NGAYON
Pagkakapareho

15.

16. 19.
P
A
G
K
A
17. K 20.
A
I
B
A

18. 21
C.PANUTO:Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari upang makabuo ng makabuluhang kuwento.Isulat sa
patlang ang bilang 1-5(Strictly no erasure).

_____22.Nang marinig ni Ginang Mallard ang masaklap na balita,siya ay napasigaw at buong pait na
nanangis.
_____23.Ingat na ingat si Josephine na ibalita kay Ginang Mallard ang tungkol sa pagkamatay ng
kanyang asawa sapagkat may sakit ito sa puso.
_____24.Sa huli’y sinabihan ni Ginang Mallard ang lahat na gusto niyang mapag-isa.
_____25.Nang mapawi ang matinding unos ng dalamhati ay agad siyang nagkulong sa kanyang silid.
_____26.Kaya’t hinay-hinay ang pagkukuwento niya rito tungkol sa nangyari kay Brently Mallard na
kanyang asawa na namatay nga raw sa aksidente.

D.PANUTO: Basahin at suriin ang tula batay sa elementong taglay nito.Piliin sa kahon ang elementong
isinasaad ng bawat halimbawang binigyang empasis.

COUPLET SUKAT SIMBOLISMO SAKNONG NA TERCET

TUGMA SA KATINIG TAYUTAY

TUGMA SA PATINIG TEMA LARAWANG- DIWA

________________27.Ni espada o palakol o kahit hataw ng pala


Ang magsusulong sa tagumpa’y,manapa’y matinding gutom
Ang nagbabantang magpahina sa proteksyon ng moog.

________________28. O,dakilang araw ng tuwa at galak


Magdiwang na ngayon,sintang Pilipinas!

________________29.Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.

________________30.Sa eleksyon lang nakita


Ang kumag na konggresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kanyang malamig na kuta.

-malinaw na nabubuo sa ating imahe o diwa na magaling lang ang pulitiko kapag
nangangampanya,kapag nahalal na’y nakatago na sa de-aircon na opisina.
________________31.

mga liham na inaabang-abangan –Sinasagisag nito ang


pangungulila sa mahal na nasa malayong lugar
________________32. Hinahabol-habol yaong kapalaran
Mailap at hindi masunggab-sunggaban
Magandang pag-asa’y kung nanlalabo man
Siya’y patuloy ring patungo kung saan!

________________33. Tu/ngo/ sa/ la/ra/ngan/ a/ko’y/ nag/su/mag/sag/

12 pantig
________________34. Ang tulang “Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan” ay tumatalakay sa paksang
kahit kailan ay walang mabuting maidudulot ang digmaan.Dala nito’y pawang kasamaang dudurog sa
kinabukasan ng mga taong biktima nito.

E.PANUTO: TUKUYIN ANG KULTURA NG LUGAR NA PINAGMULAN NG AKDANG BINASA BATAY SA


PANGYAYARI O KILOS NG TAUHAN.BILUGAN ANG TITIK NG WASTONG SAGOT.
35.Mula sa akdang Macbeth ng Scotland ay nabanggit ni Lady Macbeth sa kanyang asawa na siya ay
duwag at kinuwestyon pa nito ang pagkalalaki ng asawa na naging dahilan upang mapapayag nito ang
asawa na gumawa ng karumal-dumal na krimen.
a.ipinapakita na takot ang asawang lalaki sa kanyang asawang babae.
b.Pinaiiral nito ang machismo na kung saan ay labis na pinahahalagahan ng lalaki ang kanilang
pagkalalaki.
c.Pinatutunayan ng bahaging ito ang pagiging masunurin ng mga lalaki sa kanilang asawa.
d.Ipinapakita dito ang labis na pagmamahal ng lalaki sa babae.
36. Mula sa mitolohiya ng Hawaii,ang magkapatid na Namaka at Pele ay nagkaroon ng matinding alitan
dahil sa inakala ni Namaka na inagaw ni Pele ang kanyang kasintahan.Ang alitang ito ay hindi natapos
maliban na lamang nang namatay si Namaka.
a.Talagang bahagi na ng pamilya, na paminsan-minsan ay nag-aaway ang magkapatid.
b.Minsan ay nakapagtatanim ng sama ng loob dahil sa ilang matinding kadahilanan.
c.Handang pumatay ang kapatid,makaganti lamang.
d.Nagpapakita lamang ito ng pagmamahalan ng magkapatid.
37.Suportado ng maharlikang Scottish ang pagbabalik nina Malcolm at Macduff dahil tumututol sila sa
mapaniil na pamumuno at pagpatay ni Macbeth maging sa mga inosente.Ipinakikita ng pahayag na ito ang
kaugalian ng mga mamamayang
a.Pagsuporta sa kapayapaan at mabuting pamumuno.
b.Pagkunsinti sa masamang gawain ng lider o namumuno.
c.Pakikipaglaban ng mga mamamayan hanggang kamatayan.
d.Pagsira ng mga mamamayan sa tiwala ng kanilang mga pinuno.
38.Sa akdang “Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan”,pagkatapos sumabak sa madugong labanan ng
pangunahing tauhan ay sabik na sabik na siyang makauwi sa kanilang maliit ngunit mapayapang
tahanan.Ito ay nagpapakita lamang na
a.Iba pa rin ang pagkakaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan.
b.Nandoon ang pagkayamot sa pagsabak sa madugong labanan.
c.Pagkasabik na muling makapiling ang sariling pamilya
d.Pagnanais na makapagpahinga.
39.Sa akdang “Ang Kuwento ng Isang Oras”, ang pangunahing tauhan na si Ginang Mallard ay maysakit
sa puso kaya nang nabalitaan ng kanyang kaanak at kaibigan na namatay sa aksidente ang asawa nitong
si Brently Mallard ay ingat na ingat ang lahat sa pagbabalita sa ginang .
a.Masakit ang mawalan ng asawa.
b.Iniisip nilang maaaring magwala ang ginang.
c.Nandoon ang pagmamalasakit at pag-iingat sapagkat maaari rin nitong ikamatay ang masamang
balita.
d.Gustong-gusto na nilang maibalita agad sa ginang ang pangyayari.

III.WIKA AT BALARILA
.A.PANUTO: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap.Salungguhitan ang salita,parirala
o pahayag na nagsasaad ng pagkatayutay ng mga sumusunod na halimbawa.Isulat din sa patlang kung
anong uri ng tayutay ang bawat isa.(Simile,Metapora,Personipikasyon,Sinekdoke,Pagmamalabis,
Pagtawag, o kaya ay Pag-uyam)
________________40. Ang langit ay lumuha sa kasawian niya.
________________41.Kamatayan! Ikaw ba ang sanlang makapagpapalaya sa abang kalagayan ng
mahihirap na nilikha?
________________42.Apat na mabibilog na mga mata ang sa kanya/y nakatingin.
________________43.Siya’y tila namumukadkad na bulaklak sa ganda.
________________44.Ang ating bayan ay malaya,kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.
________________45.Tigre kung magalit ang kanyang kasintahan.

B.PANUTO:Suriin ang paksang sinalungguhitan at pandiwang binigyang-empasis sa bawat


pangungusap.Isulat sa patlang kung anong pokus ng pandiwa ang bawat isa.Isulat kung ito’y
Tagaganap,Layon,Instrumental,Benepaktib,Sanhi o kaya ay Ganapan.
________________46.Nagpahayag sI Pangulong Duterte na hindi niya tatantanan ang pakikipaglaban
sa mga taong may kinalaman sa droga kahit na maraming bumabatikos sa kanya dahil sa sunod-sunod na
pagpatay.
________________47.Ang bagong biling silya ay ginamit na ng mga mag-aaral.
________________48.Iginawa niya ng proyekto ang bunsong kapatid upang hindi na ito mahirapan pa.
________________49.Ipinansulat niya ang bolpeng iniregalo ng kanyang estudyante..
________________50.Ikinaiyak niya ang pang-iinsultong ginawa ng Pangulo sa kanya.
PANUTO:BASAHIN AT SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KAISIPAN .SA PAMAMAGITAN NG
DALAWANG PANGUNGUSAP AY IPALIWANAG ANG KAHULUGAN NG BAWAT ISA.
Rubric : 2pts – binubuo ng dalawang pangungusap ang pagpapaliwanag at mahusay at wasto ang
pagpapaliwanag.
1 pt - binubuo ng isang pangungusap ang pagpapaliwanag at hindi gaanong malinaw ang
paliwanag
0 - walang pagpapaliwanag/walang sagot

47-48. “Ang labis na paghahangad ng kapangyarihan


Nagtutulak sa taong gumawa ng kasamaan.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

49-50. ”Ang digmaa’y walang maidudulot na kabutihan.


Dala nito’y pawang kasamaang dudurog sa kinabukasan.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

GOODLUCK! MBB

You might also like