You are on page 1of 3

JMJ

CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE OF SIENA

NOTRE DAME - SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA Road Extension, Purok Masagana, San Isidro, General Santos City

SY: 2019-2020
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan: ________________________________________________________ Puntos:____________________

Petsa: ________________________ Guro: Noeme Gynn S. Cabaltera
“Mapalad ang naniniwala kahit hindi nakakakita”
Juan 20:29
I. Talasalitaan: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
______1. Madaling araw na nang dumaong sa dalampasigan ang haligi ng tahanan.
a. poste ng bahay b. ama c. lolo d. puno ng kahoy
______2. Agaw-dilim na nang dumating siya sa kanilang bahay.
a. umaga b. dapithapon c. tanghali d. gabi
______3. Naging bihag sa loob ng limang taon ng mga rebelde ang ang pitong banyagang turista.
a. kaibigan b. kalaban c. bilanggo d. kasama
______4. Huwag kang magpaniwala diyan kay Kado, mataas ang ihi niyan kung magkwento.
a. seryoso b. ambisyoso c. sinungaling d. mayabang
______5. Mahilig sa alimuon iyang si Aling Marta kaya madalas makakita ng away.
a. tsismis b. usapan c. gulo d. balita
______6. Mistulang ahas na tulog ang atleta kaya naunahan ng kalaban.
a. mabilis b. sensitibo c. kalmado d. mabagal
______7. Kilala ang pamilyang Cruz sa pagiging bukas ang kamay sa mahihirap.
a. matulungin b. mapagmataas c. galit d. malupit
______8. Kahit saan makarating ay magaan ang bibig ni Mitchie.
a. maganda b. palakaibigan c. pangit d. tsismosa
II. Kayariang Pangwika
Karunungang-bayan
A. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.
_____________9. Anong karunungang-bayan ang nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang
asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang mga kabataan tungo sa kabutihang
asal?
_____________10. Anong mga pahayag na nagtataglay ng talinghaga?
_____________11. Anong tawag sa panitikang binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan,
at bulong?
_____________12. Ano ang karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao?
_____________13. Anong tawag sa panitikang mahabang tuluyang pasalaysay na inaawit o binibigkas na nagsasaad
ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan?
_____________14. Ito ay isang matandang orasyon o katawagan ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.

B. Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa ibaba at gamitin ito sa pangungusap. (10pts:15-24)

“Ang maniwala sa sabi-sabi

Walang bait sa sarili.”
_________________________________________________________________________________

“Anak na di paluhain,
Ina ang patatangisin.”
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
C. Paghahambing: Salungguhitan ang pahambing na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay
pahambing na MAGKATULAD, PASAHOL, PALAMANG. (2pts bawat bilang)
______________25-26. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.
______________27-28. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kaysa dati.
______________29-30. Magsimbait ang aking nanay at tatay, kaya mahal na mahal ko sila.
______________31-32. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung ihahambing sa
kabataan noon.
D. Pang-abay: Tukuyin at salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay
ingklitik, panggaano, pamaraan, panlunan, o pamanahon.
______________33-34. Umalis man sila ay panatag na ang aking kalooban.
______________35-36. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag-ayuno.
______________37-38. Tumawa siyang parang sira ang isip.
______________39-40. Tumaas si Choy ng dalawang pulgada buhat noong huli niyang kaarawan.
E. Hudyat ng Sanhi at Bunga:
A. Salungguhitan nang isang beses ang hudyat ng sanhi at dalawang beses naman ang bunga na ginamit sa
pangungusap.
______________41-42. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan sila ng maraming anak.
______________43-44. Nang dahil sa pag-eensayo ng mga atleta bunga nito’y naiuwi nila ang medalyang ginto.
______________45-46. Dahil sa kapabayaan ng ina, nasunog tuloy ang niluluto nitong ulam.
______________47-48. Palibhasa’y palaging nakasimangot si Anita, kaya naman walang lumalapit sa kanya.
B. Bumuo ng pangungusap gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga sa bawat bilang.
49-50. Naging malupit si Datu Batumbakal kay Prinsesa Marin,____________________________________________.
51-52. Wagas na nagmamahalan sina Marin at Garduque,_________________________________________________.
F. Alamat: Basahin ang maikling alamat. Gamit ang Story Organizer, na matatagpuan sa susunod na pahina, punan ang
mga ang hinihinging elemento ng alamat.
Sina Adlaw at Bulan
(Kuwentong bayan ng Tinggiyan)
Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina
Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay
sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang
lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni Bulan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit
nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila.
Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw.
Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang
mga anak na bituin at hindi na nagpakikita sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumisikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw
si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong
tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng laho o eclipse.

Simula: Tauhan at
Tagpuan

Gitna: Tunggalian at
Kasukdulan

Wakas: Kakalasan
III. Pagpapaliwanag.
Rubrik: 8 – angkop ang sagot
6-5 – angkop ang sagot ngunit may kulang
4-3 – hindi naayon ang kasagutan
1-2 – may sagot ngunit hindi akma

A. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, o pangyayari sa kasalukuyan?
______________________________________________________________________________________________

B. Sa epikong Bantugan, nalaman natin na si haring Madali ay naiinggit sa kanyang kapatid na si Bantugan. Sa iyong
palagay, ano ang masasamang dulot ng matinding pagkainggit sa kapwa at ano ang dapat gawin kung ika’y naiinggit.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

-Wakas-

You might also like