You are on page 1of 13

PAGSULAT

NG
LAKBAY-
SANAYSAY
John Lorenz Dela Cruz
Banjo Matula
Amir Macmod
ANO ANG LAKBAY SANAYSAY?
 Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan
sa paglalakbay. Isinusulat ito upang ilahad sa
mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa
paglalakbay gamit ang pandama: paningin,
pakiramdam, panlasa, pang-amoy at pandinig.
ANO ANG LAKBAY SANAYSAY?
 Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin,
tagpo at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang
lakbay-sanaysay. Gayundin, maari din itong
magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang
di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa
kanyang paglalakbay.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Ang Lakbay sanaysay ay tinatawag ding


travel essay o travelogue.

Ayon kay Nonon Carandang, ito ay


tinatawag niyang sanaylakbay.
https://Prezi.com//m/y_r6cidze75h/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Binubuo ng tatlong konsepto

Sanaysay Sanaysay ang


pinakaepektibong pormat ng
Sanay sulatin upang maitala ang
mga naranasan sa
paglalakbay.
Lakbay
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
MGA MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
NARITO ANG ILANG MUNGKAHI SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY NA
MAARI MONG MAGING GABAY.

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o


magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura,
tradisyon at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang political at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang lengguwahe na ginagamit sa lugar na
iyon.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

2. Buksan ang isip at damdamin sa paglakbay,


lawakan ang naabot ng paningin, talasan ang isip,
palakasin ang pandama at pang-amoy, sensitibong
lasahan ang pagkain.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

3. Magdala ng talaan at ilista


ang mahahalagang datos na
dapat isulat.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag


gumamit ng mga kathang isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na madali itong
bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing
elemento.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at


isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa
pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim
na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

6. Tiyakin na mapupukaw ang


kawilihan ng mambabasa sa
susulating lakbay-sanaysay.
½ Crosswise
SIMULAN MO NA 5pts
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinahangad mo ng marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narrating. Ipaliwanag kung ano ang iyong
natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakakaapekto sa iyong sarili.

Pangalan ng lugar ____________________


Ano-ano ang iyong natuklasan?
__________________________________________________
________________________________________________
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili? ______________________________________
MGA SANGGUNIAN

https://Prezi.com//m/y_r6cidze75h/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay.

You might also like