You are on page 1of 7

GOLDEN GATE COLLEGES

Senior High School Department

Aralin
9 Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
INTRODUKSYON
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman at kasanayan ukol sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay.

 Natatalakay ang mahahalagang katangian ng lakbay-sanaysay.

 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
 Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa karanasan ng paglalakbay.

PAGLINANG
Mahilig ka bang maglakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar? Ano-ano sa mga lugar na
napuntahan moa ng iyong labis na naibigan?
Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan. Ito ay kadalasang
pumupuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha, o paghanga sa magagandang lugar na
unang napuntahan, mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng isang tao. Ang mga kilalang
lugar na sa mga aklat mo lamang nababasa o nakikita ay nagiging totoo at buhay na buhay sa
iyong paningin at pandama. Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng
pagpanaw ng isang taong nakarans nito. Kaya mahalagang matutuhan ng taong nagsasagawa ng
paglalakbay, lalo na kung ito ay nagtataglay ng mayamang kaalaman at karanasan, na maitala o
maisulat ang karanasan upang ito ay manatili at mapakinabangan ng mga taong makbabasa.

Para sa pagpapalalim at pagpapayaman ng talakayan, pumunta sa powerpoint

presentation ukol sa paksa sa iyong Aralinks akawnt.

AKTIBITI 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod:

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narrating. Ipaliwanag kung ano ang iyong
natuklasan sa lugar na ito at paano nakaapekto sa iyong sarili?

PANGALAN NG LUGAR:

ANO-ANO ANG IYONG NATUKLASAN?

________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

PAANO ITO NAKAAPEKTO SA IYONG SARILI?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAKIKIPAG UGNAYAN
ANG LAKBAY-SANAYSAY

Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing
ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagging karanasan sa paglalakbay. Ayon kay
Nonoy Carandang ito ay tinawag nyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa
kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala siyang ang
sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay.
SHS Learning Module Exemplar
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Ayon kay Dr.Lilia Antonio, et al., may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-
sanaysay.
Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa nito ay paggawa ng travel blog

1
kung saan ito ay maituturing na isang libangan at maaaring pagkakitaan.

Layunin nitong makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay. Marami ang nakikinabang sa
travelogue lalo na sa mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisatahin

2 bago nila puntahan.

Maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,pagpapahilom, o

kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng daily journal o diary.

3 Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Isang
halimbawa ay ang ginawa ni Antonio Pigafetta na kasama ng Ferdinand Magellan.

4
MGA MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o

magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon
at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang political at ekonomikal ng lugar.
Pag-aralan din ang lengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.

Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang

naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at
external na pandama at pang-amoy,sensitibong lasahan ang
pagkain.

Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat

isulat.

Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga

kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit
na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang malikhaing
SHS Learning Module Exemplar
elemento.
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-

alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon
ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim nap ag-unawa sa mga ideyang isusulat.

Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa

susulatingg lakbay-sanaysay.

HALIMBAWA
Tara na, Biyahe na Tayo!
Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa paglalakbay sa
Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na sumakay sa malaking
barko. Maganda at maayos ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama sa presyo-medyo mahal
kompara sa ibang barko na mura nga subalit hindi gaanong maayos ang loob. Ang barkong aming
nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang unang url ay nasa itaas na bahagi
at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan. Pangalawang uri ay ang tinatawag na
tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay ang tinatawag na cabin na may Sariling
kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang bahagi ng Noli Me Tangere, tungkol sa barko
kung saan inilalarawan ang uri ng mga mamamayan sa lipunan, may mayaman, katamtamang buhay,
at mahirap.

Nagsimula nang maglakbay ang barko sa aming destinasyon. Matapos naming mailagay ang mga
gamit sa aming lugar ay nagyaya ang ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil maganda raw
pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang mag-agaw ang dilim at
liwanag.

Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa barko.
Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang minamasdan mo ang
pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na maihambing sa buhay ng tao ang
paglubog ng araw. lsang pamamaalam o İsang kamatayan ngunit may bukas na. Sumasagi tuloy sa aking
alaala ang mapait na kuwento ng aking kaibigang marinero.

Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw ang
paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop sa kalikasan
na parang nakikipag patintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay hindi basta-basta
kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa matatalim na kidlat ay
masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali sa pagpihit ng manibela ng
barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang-tuwa
sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapainlanlang sa itaas. Grabe! Pati ako ay natuwa kung

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

kayat kinuha ko ang aking cellphone at inabangan ang pag-ibabaw nilang muli upang mag-selfie kasama
ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila kasama ang aking sarili. Nice selfie.

llang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala ka nang
mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na buhay at balót ng
kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil nalulungkot ako. Ayoko ng
malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na kahapon ng aking
buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim

Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpaninga aming higaan sa
gitnang bahagi ng barko.

Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. llan sa mga kasama ko ay nagkukuwentu iba may nakahiga at paminsan-minsan ay
nakikisali ako hanggang sa ako ay makatulog na.

Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na aming sasakyan sa Romblon sa loob ng
sampung minuto. Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming
destinasyon.

AKTIBITI 2
Suriin mo!

1. Ano ang kaibahan ng lakbay-sanaysay sa isang replektibong sanaysay?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-ano naman ang katangian ng lakbay-sanaysay na maaaring may pagkakatulad sa

replektibong-sanaysay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mahahalagang datos sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

4. Ano ang mga positibong naidudulot ng mga lakbay-sanaysay para sa manunulat at

mambabasa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGKATUTO
AKTIBITI 3
Sumulat ng isang lakbay-sanaysay tungkol sa isang lugar na iyong napuntahan gamit angg mga
ibinigay na hakbang sa pagsulat. Ilakip ang larawan ng lugar na iyong napuntahan sa paggawa ng
sanaysay.

REPLEKSYON
Paksa
Ano ang aking Natutunan? Ano ang Gusto ko pang Matutunan?

Katanungan sa Aking Isip

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang (Akademik) nina Ailene Baisa-Julian at Nestor S.
Lontoc, PHOENIX PUBLISHING HOUSE

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Filipino sa Piling Larang ni G. Florante C. Garcia, SIBS PUBLISHING HOUSE

SHS Learning Module Exemplar

You might also like