You are on page 1of 2

LAKBAY-SANAYSAY

Ang Lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ngunit hindi
lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao. Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng
manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at higit sa lahat ay tungkol sa
kanyang sarili. Kung gayon ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa sarili.
Ang lakbay-sanysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig,
naamoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay. Hindi ito rekord o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga
pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pag-unawa at perspektiba tungkol s anaranasan habang
naglalakbay (O’Neil, 2005).
Isa sa mga popular na sulatin ang lakbay-sanaysay. Mag-browse lamang sa internet at sari-saring travel blogs na
ang makikita na iba-iba ang estilo ng pagkakasulat – may seryoso, may magaang basahin, may nagpapatawa. Ang ilan
ay nagbibigay lamang ng impormasyon, samantalang ang iba ay insight ang iniiwan sa mga mambabasa. May mahusay
ang pagkasulat: impormatibo, nakaaaliw, at puno ng inspirasyon. Ngunit may ilan din naming hindi mahusay ang
pagkakasulat: nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga talata, gumagamit ng malalalim na salita,
kulang sa repleksiyon, at iba pa.

Tungkol Saan o Kanino ang Lakbay-sanaysay?

Ang Lakbay-sanaysay ay Tungkol sa Lugar. Ang tuon dito ay sa lugar na pinuntahan. Ano-ano ang mga kilalang
destinasyon dito? Nagpunta ka ba sa mga di gaanong pinupuntahan ng mga turista? Nagandahan ka bas a arkitektura
at pampublikong eskultura? Buhay na buhay ba ang lungsud? Masarap ba ang pagkain? Kumain ka ba ng kilalang
putahe? Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at naramdaman sa lugar na pinuntahan.

Ang Lakbay-sanaysay ay Tungkol sa Ibang Tao. Kumusta ang mga tao sa iyong pinuntahan? Ano-ano ang mga
nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Katulad ba sila ng Pilipinong palangiti, magalang, at magiliw sa mga
panauhin? Ano ang katangi-tangi sa kanila? Anong karanasan mo na kasama sila? Anong karanasan mo na kasama
sila ang hindi mo makakalimutan? Sino-sino ang mga kasama mo sa paglalakbay? Sila ba ay kapamilya, kaibigan,
kasintahan, o katrabaho? Kumusta naman ang relasyon mo sa kanila habang kayo ay naglalakbay? May bago ka bang
natuklasan sa kanila? Sinasabi na ang paglalakbay labas sa comfort zone ang susukat sa relasyon sa iba.

Ang Lakbay-sanaysay ay Tungkol sa Sarili. Higit sa lahat ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa sarili. Paano ka
kumilos sa lugar na iyong pinuntahan? Ano ang natuklasan mo sa sarili? Paano ka nabago ng iyong paglalakbay?
Ano-ano ang mga bagay na ginawa mo na karaniwan mong hindi ginagawa? Ano ang natutuhan mo sa pagpunta sa
ibang lugar? Paano naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong pananaw sa buhay? ano-ano ang mga
pinahahalagahan mo ngayon?

PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Paano magsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay? Magsaliksik patungkol sa lugar na pupuntahan.
Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito. Maging pamilyar sa politika, ekonomiya, at mga tradisyon at relihiyon
sa pupuntahang lugar. Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na magagamit kapag naglalakbay na.
Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak, tikman ang tsaa,
pakinggan ang tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init ng araw o lamig ng niyebe. Maglakad-lakad.
Kausapin ang mga lokal na tao, kilalanin ang sariling kultura. Ibahagi rin sa kanila ang sariling kultura. Wag
magkulong at magpakabulok sa hotel. Walang maisusulat kung nakahiga lamang sa malambot na kama sa tinutuluyan.
Ngayon, paano mo isusulat ang iyong mga karanasan sa paglalakbay? Maraming element ng katha upang
bigyang buhay ang sulatin. Makatutulong ang paggamit ng diyalogo, ritmo, imahen mga eksena sa pagbibigay ng
kulay sa sanaysay. Ngunit siguruhin pa ring wasto ang facts at huwag maging imbento.
Gamiting ang unang panauhang punto de bista, ngunit tiyaking magiging diary ang lakbay-sanaysay. Planuhin
muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag ito limitahan sa paglalarawan at pagbibigay lamang ng
impormasyon. Kailangang maipakita sa mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang naging
paglalakbay.
Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono at mensahe
nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mga mambabasa. Ito ay upang hindi sila bumitiw sa pagbasa. Huwag
simulan ang sanaysay, halimbawa sa pagsakay sa bus o sa eroplano. Magsimula agad sa pangyayaring bumingwit sa
interes ng mambabasa.
Iwasan ang mga cliché o gasgas ng paglalarawan tulad ng “pagsasalubong ng langit at dagat”, “sumilip ang
araw sa likod ng mga bundok”, at iba pa. sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan. Iwasan din ang paggamit ng
mga salita o pariralang hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Maging natural sa pagsulat.
Huwag magpasikat. Iwasan ding magpatawa kung hindi naman nakatatawa ang tono ng sanaysay.
PAGSULAT NG PHOTO ESSAY

Lagi nang naririnig ang kasabihang angisang larawan ay katumbas ng sanlibong salita. Sinasabi nitong
maaring maipahayag ang mga komplekadong ideya sa paamagitan ng isang larawan. Kaya naman kamangha-mangha
ang resulta kapag pinagsama-sama at iniayos ang mga larawan. Ang pag-aayos na ito ng mga larawan upang
maglahad ng mag ideya ay tinatawag na photo essay.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon, partikular ang pag-usbong ng mga smart phone, ang
popularidad ng photo essay. Kahit sino ay maaari nang gumawa nito. Tumingin lamang sa mga social media site, blog,
at Web site ng iba’t ibang organisasyon at tatambad na ang sari-saring sanaysay na may larawan. Ang ilan sa mga ito
ay nang-aaliw at nagbibigay ng impormasyon, samantalang ang iba ay nag-iimbita ng debate o napapasidhi ng
damdamin. Anuman ang layunin, may ipinapahayag na mensahe ang photo essay.

Ano ang Photo Essay?


Ang photo essay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na isinaayos upang maglahad ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado
ang paksa ng photo essay. Ito ay serye ng mga imahen sa mataong bangketa, magulong konsyerto, o tahimik at
payapang bukirin. Maaaring ito ay tungkol sa natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.
Ang photo essay ay katulad din ng ibang uri ng sanaysay ng gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay. Ang kaibahan
lamang ay ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay na binubuo lamang ng mga larawan.
Ang iba naman ay binubuo ng mga larawan na may maikling teksto. May nagsasabing ang photo essay ang isang sulatin
kung ang kalakhan nito ay teksto at sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabi ang mga larawan
dapat ang lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.

Kalikasan ng Photo Essay


Hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga
salita, ang mensahe ng photo essay ay pangunahing makikita sa mga serye ng mga larawan. Sa anyong ito, ang mga
larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan.
Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin.
Paano inaayos ang mga larawan sa photo essay? Kung kronolohikal ang pagkukwento ng sanaysay, kailangang
kronolohikal din ang ayos ng mga larawan. Halimbawa nito ang dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng
labandera o basurero.
May iba namang iniaayos ang mga larawan ayon sa damdaming maaaring pukawin nito. Ang mga larawang
nagtataglay ng pinakamataas na emosyon ay karaniwang inilalagay sa gitna o sa bandang hulihan. Ngunit kadalasan,
ang pag-aayos ng mga karawab ay nakabatay sa kung paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa. ang mahalaga, sa
unang basa o tingin, kailangang malinaw na kung ano ang mensahe ng photo essay.

Pagbuo ng Photo Essay


Ano-ano ang kailangang isaalang-alang sa pagbuo ng photo essay? Sa pagbuo nito, siguraduhing pamilyar sa
paksa. Kailangang alamin din kung magiging interasado bas a paksa ang mga babasa o titingin nito. Kung tungkol
ito, halimbawa, sa reunion ng inyong pamilya, o dukumentasyon ng sporting event, hanapan ito ng ibang anggulo.
Ipakita kung ano ang bago. Tandaan, ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya kailangan ng masusing
pagpaplano.
Mahalaga ring kilalanin kung sino ang mga mambabasa. Intensiyon mo bang ipabasa o ipakita ito sa isang
kaklase, sa iyong guro, o sa mas malawak na publiko? Siguraduhing madaling ma-access ng mambabasa ang
ginawang material. Kung ang target, halimbawa, ay mga kaklase, mainam kung maiuugnay nila ang kanilang sarili sa
piling paksa. Maaaring hindi magtagumpay ang photo essay kung gagamit ng abstraksiyon sa presentasyon ng mga
larawan.
Kailangang malinaw sa kung ano ang naiis patunguhan ng photo essay. Bakit ka gagawa nito? Ano ang iyong
layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin ng proyekto. Kung ang layunin ay upang suportahan
ang isang adbokasiya o hikayatin ang mga mambabasa na kumilos, kailangang masalamin ito ng piniling larawan.
Kung ipapalagay na makatatayo nang walang suportang teksto ang mga larawan, hindi na kailangan pang
magsulat ng maikling paglalarawan o paliwanag. Ngunit minsan nakatutulong ang teksto sa pagpapayaman sa
kahulugang mukha sa mga larawan. Sa pagkakataong ito, isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng
iba pang mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa pagtingin lamang sa mga larawan. Gamitin
ang pagsulat ng teksto upang malinawan ang mga mambabasa.
Kailangang din may kaisahan ang mga larawan sa photo essay. Isaalang-alang ang consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay maliban na lamang kung may nais idiing ideya o damdamin. Halimbawa,
mas matingkad ang kulay at matindi ang kontrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil nais na iparamdam ang
pagbabago ng tono.

You might also like