You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larang

MODYUL 1 UNANG MARKAHAN – Sulating Akademik: Paglinang sa Kahandaang


Pansarili at Pampropesyonal

Ika- Anim na Linggo

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Pag sulat ng Lakbay Sanaysay

Mga Kasananayang Pampagkatuto

 Naiisa- isa at naipaliliwanag ang mga bahagi ng replektibong sanaysay


 Nasusuri ang nilalaman ng binasang replektibong sanaysay batay sa sariling karanasan
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng
binasang halimbawa
 Natatalakay ang mahahalagang katangian ng lakbay- sanaysay
 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
 Nakasususlat ng lakbay- sanaysay batay sa karanasan ng paglalakbay
 Natitiyak ang mga element ng paglalahad ng pinanood na episode ng isang programang
pampaglalakbay.

Unawain Natin

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tulad ng
maikling kuwento at nobela. Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na
paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na
nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Hindi naman ito
nangangahulugang ang ibang uri ng pagsasalaysay ay malaya mula sa opinyon o pagsusuri ng
manunulat. Sadya lamang na sa estruktura, anyo, at ikli ng katawan ng isang tipikal na sanaysay ay
mapapansin kaagad ang itinatampok na mga punto ng opinyon at argumento, lawak ng pananaw, at
metikulosong pagsusuri ng manunulat.

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari,


o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay
sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring
kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na
tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-
katwiran, ipaliwanag, o SUriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante, Golla,
Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na katangian ng karaniwang
sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng subhetibong paksa ay
dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at kahalagahan sa obhetibong
pamamaraan.

Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon
sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng
manunulat para sa mambabasa. Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng
bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa
kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at
katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.

Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng replektibong sanaysay o ang
mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais mo na
lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin ang mga ito
sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang tibay ng
kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging obhetibo sa pagsasalaysay.

MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. Panimula

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.


Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-
panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

2. Katawan

Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na


damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi
ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay
ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.

3. Kongklusyon

Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa


mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang
pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng
kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

Basahin ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay.

FINISH LINE

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May
titser na sina Aling Auring at Mang Primo.

Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man,


sinuong ko ang bagyong signal kuwatro.

Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap
makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik
ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA telebabad).

Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga
propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong
hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila
noon. Humahabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko
ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay
hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.

Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa
pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang diploma ko.

Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa
Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng mga
mambobolang Filipino major.

“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga
matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro pero
babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral.
Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit ko sa kanila.

“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”

Pag sulat ng Lakbay Sanaysay

Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.


Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang
pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.

Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa


paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol sa
mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.

May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong
natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa, sa pangunguna ng
Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo. Ano nga ba ang maipagmamalaki. ng
bansang Pilipinas sa larangan ng turismo? Kung karanasan sa kagandahan ng magagandang
tanawin ang paksa sa lakbay-sanaysay, tiyak na patok na patok ang binanggit na pahayag.

Tunay na mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi lamang sa taglay na
likas na kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na paksa para sa sulatin na
lakbay-sanaysay.

Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-sanaysay?Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang
artikulong “The art of the travel essay,” ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng
sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-


pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad.

Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at kakaibang mga
makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at iba pa.
Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang malinang ang
wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-
pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri o
hindi kapuri-puri.

Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-kulay
sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos sa lugar na narating, natuklasan
sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na
maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang magandang pangako ng
lugar para sa mambabasa.

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging gabay.

1.Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa tungkol sa
kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang
sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar na
iyon.

2.Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang isip,
palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.

3.Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.

4.Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing elemento.

5.Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na
pag-unawa sa mga ideyang isusulat.

6..Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.

Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng isang manlalakbay.

Tara na, Biyahe na Tayo!

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa
paglalakbay sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na sumakay
sa malaking barko. Maganda at maayos ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama sa presyo—
medyo mahal kompara sa ibang barko na mura nga subalit hindi gaanong maayos ang loob.

Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang unang
uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan.
Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay ang
tinatawag na cabin na may sariling kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang bahagi ng
Noli Me Tangere, tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga mamamayan sa lipunan,
may mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.

Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos naming mailagay ang
mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil maganda raw
pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang mag-agaw ang dilim at
liwanag.

Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa
barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang
minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na maihambing
sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang pamamaalam o isang kamatayan ngunit may bukas na
naghihintay. Sumasagi tuloy sa aking alaala ang mapait na kuwento ng aking kaibigang marinero.

Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw ang
paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop sa
kalikasan na parang nakikipagpatintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay hindi
basta-basta kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa matatalim na
kidlat ay masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali sa pagpihit ng
manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang-tuwa sila sa
mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas. Grabe! Pati ako ay natuwa kung
kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan ang pag-ibabaw nilang muli upang mag-selfie
kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila kasama ang aking sarili. Nice
selfie.

Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala ka nang
mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na buhay at baIt
ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.

Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako. Ayoko ng
malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na kahapon ng
aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.

Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming higaan
sa gitnang bahagi ng barko.

Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang nakahiga at paminsan-
minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.

Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming sasakyan sa
Romblon sa loob ng sampung minuto.

Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming destinasyon.

Mga Tanong at Gawain

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Unang Gawain

Naaalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay nang ikaw ay 10 taong gulang? Itala
ang tatlong mahahalagang karanasan na hindi mo malilimutan. Ipaliwanag kung bakit hindi mo
rnalilimutan ang mga ito at ano ang nagawa ng mga ito sa iyong sarili.

Ang aking natutuhan ay_____________________________________________________

Ikalawang Gawain
Sagutan sa isang buong papel ang mga susmusunod na katanungan.

1.Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?


2.Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
3.Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
4.Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
5.Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?

Ikatlong Gawain
Balikan ang binasang replektibong sanaysay. Pagkatapos, tukuyin ang mahalang aral na
pumukaw sa iyong isipan at bigyan ng repleksiyong pansarili
Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:__________________________
Pag- uugnay sa sariling karanasan:_____________________________
Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili:________________________-

Ikaapat na Gawain

Araw-araw ay nakakakita tayo ng mga sitwasyong minsan ay ikinagugulat natin. Nagtataka


man ay mapagiisip ka nalang kung bakit kaya nangyari o nangyayari ang ganito.
Magbalik tanaw sa ilang pangyayaring iyong pinagtakhan o ikinagulat sa pamamagitan ng
pagpuno sa sumusunod na talahanayan
Mga Pangyayaring Dahilan ng Pangyayari Naging Realisasyon sa Sarili
Ikinagulat/Pinagtakhan

Pag sulat ng Lakbay Sanaysay

Unang Gawain
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong
natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar:
Ano-ano ang iyong natuklasan? :
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?:

Ikalawang Gawain

Balikan ang binasang lakbay-sanaysay. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

1.Paano tinukoy at inilarawan ng may-akda ang barko?


2.Ano-anong bagay sa kapaligiran ang binigyang-pansin ng may-akda? Paano niya ito binigyan ng
paglalarawan?
3.Ano ang mahalagang impormasyong natutuhan mo sa binasang lakbay-sanaysay?

Ikatlong Gawain

Sumulat ng isang lakbay- sanaysay tungkol sa isang lugar na iyong napuntahan gamit ang
mga ibinigay na hakbang sa pagsulat.

You might also like