You are on page 1of 7

Pamana (Maikling Kwento)

ni Lamberto Gabriel

Dapit-hapon na. Sa pagkahiga sa papag ay nakikita ni Mang Karyas ang anino ng


malabay na akasyang sumasablay sa dingding na sasag ng silid. Dapithapon na nga.
Naririnig na niya ang sunud-sunod na pagkukukiya ng asawa sa kanilang alagang mga
manok.

Kruuuuk. . . kiya. . . kruuk. . . tikatik. . . tik. . . tik. . .

Makasandali pa ay narinig na ni Mang Karyas ang tila naghahabulang mga paa ng


nagsisipanakbuhang mga sisiw, inahin, at katyaw. Nakinita –kinita niya ang asawa, si
Aling Asyang, na nakaupo sa nakahigang lusong at may kandong na bilao ng
mais.Mabubuudbod na si Aling Asyang. Naging ugali na nitong patukain ang mga
manok bago iyon magsipag-hapunan sa kanilang masinop na silong.

Hiyuu… hiyu. . .hiyuuuu. . .

Mandi’y binubugaw ni Aling Asyang ang kapong baboy na gayong kapapakain pa


lamang ay nanginginain pa ng mais na ibinubudbod sa mga manok.

Maya-maya’y narinig ni Mang Karya ang sunud-sunod na kahol ni Sagani. Alam ni


Mang Karyas kung sino ang kinakahulan ng aso. Iyo’y ang kanyang matandang
kalabaw, si Pugante, na umuwi buhat sa pakawalaan. Magkaaway na mahigpit ang
kanyang kalabaw at aso.

Inut-inot na bumangon si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Nais niyang makita


si Pugante. Parang may isip ang kalabaw niyang iyon. Itataboy iyon ni Aling Asyang
kung umaga, manginginain sa pastulan, at uuwi iyon kung ganoong
magdadapithapon.Hindi na kailangang saklawan pa si Pugante. Nalalaman nito kung
anong oras dapat umuwi.

Kapag nakikita ni Mang Karyas ang kalabaw ay hindi niya napipigilang kahabagan
iyon. Matanda na si Pugante. Payat. Wala na ang dating laman sa dalawang hita.
Kung wala lamang siyang sakit ay hindi magkakaganoon ang kanyang kalabaw.

Mabagal nang lumakad si Pugante. Kung nadadala niya marahil ito sa higit na
madaramong pastulan ay hindi mananalim ang dati nitong bilugang likod.
Naihambing ni Mang Karyas ang sarili sa kalabaw. Kapwa na sila matanda. Subalit
malaki ang kanilang pagkakaiba. Laya si Pugante samantalang siya’y namamalagi sa
papag na iyon., nasasabik makabangon, makapanaog. . .

Matagal nang hindi nadadalaw ni Mang Karyas ang bukid. Malapit lamang sa kanila
iyon. Kung durungaw siya’y matatanaw niya iyon. Kung gabi’y dinig niya ang ingay
ng traktorang gumigiik ng ani ng kanyang mga kahangga. Lihim na naiinggit si Mang
Karyas sa kanyang mga kahangga. Kung hindi niya marahil napabayaan ang bukid ay
kabilang siya sa maliligayang magsasakang nagbibilang ng mga kaban ng palay.

“Tssk. . . tssk. . .tssk. . . Aba’t lalo pang binagalan . . . “


Napahawak nang mahigpit si Mang Karyas sa palababahan ng bintana nang Makita
niyang pabiglang hinatak ni Aling Asyang sa paghapon ang nagmamabagal na
kalabaw. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa matandang kalabaw. Nagpumiglas at tila
naghimagsik ang nakabalatay na mga ugat sa kanyang mga bisig.

Nang makaradam ng pangangawit si Mang Karyas ay itinukod niya ang bisig sa


papag upang huwag mabigla ang kanyang paghiga. Ilang sandali lamang siyang naupo
subalit sumasakit na ang kanyang likod. Nakagat ni Mang Karyas ang labi nang
sumayad ang katawan sa papag.

“Darating na raw ang anak mo, Karyas. Dumaan kanina si Pablo at sinabi sa akin.
Mamayang gabi raw,” narinig niyang pagbabalita ng asawang nagluluto sa dapugan.

“Ngayon pang gabi ay humuli ka na ng dumalaga, Asyang,” habilin ni Mang


Karyas.”Ipagpatay mo si Kiyel.”

Malalim ang bunting-hiningang hinugot ni Mang Karyas sa dibdib. Naisaloob niyang


matutupad na rin ang kanyang pangarap na mahango sa bukid ang anak. Sumingit sa
kanyang kamalayan ang nangyari nang minsang tangkain ng anak na tulungan siya sa
pag-aararo.

“Kiyel, Anak.” Natatandaan pa niyang sinabi sa anak, “mag-aral ka sanang mabuti. Sa


kabila n gating kahirapan ay itataguyod ka naming ng iyong ina.”

Napadiin noon ang ugit ng ararong hawak ni Kiyel.

“Hindi ka sadyang laan dito sa bukid, Kiyel. Hindi ganyan ang pag-aararo. Patag ang
kailangang paghawak sapagkat sa minsang magkamali ka ng diin aay mababali ang
sudsod.”

Natitigan siya noon ni Kiyel. Alam niyang sa titig na iyon ay kinahahabagan siya ng
anak.

“Matanda na kayo, Tatang. Ipaubaya na ninyo saa akin ang paggawa rito sa bukid.
Kailangan na ninyong mamahinga.”

“Hindi mo ako nauunawaan, Anak. Tingnan mo ako. Ilang taon na akong naging
alipin ng araro? Tingnan mo ang aking kamay, kulay sunog. Isa akong magsasaka,
Kiyel. Kaya lamang ako nasisiyahan sa paggawa sa bukid ay sapagkat dito ako
nakalaan. Kailangang mag-aral ka, nang hindi mo malasap ang hirap na aking
dinaranas, nang maging higit na maganda ang iyong kinabukasan. Magsikap ka,
Anak, at sa pamamagitan ng bukid na ito’y igagapang ka naming ng iyong
ina.Kaligayahan naming Makita kang Malaya sa ugit ng isang araro.”

Hindi kumibo si Kiyel nang sabihin ni Mang Karyas iyon sa kanya. Nalalaman ni
Mang Karyas na nahihirapan an anak sa pagtatakwil sa buhay-magsasakang
kinagisnan. Subalit na kay Kiyel ang lahat ng katangiang mapupuhunan sa
pagtatagumpay. Hindi siya nangangambang mabibigo si Kiyel.
Nang minsang umuwi si Kiyel ay ganoon na lamang ang galak ni Mang Karyas nang
isalaysay nito ang ginagawang pagsisikap sa pag-aaral. Nagmamalaki ang kanyang
puso. Ngayo’y may karapatan na siyang magmalaki sa nayon: mayroon na siyang
anak na nakapag-aral.

Mamayang gabi ay darating si Kiyel.Maligayang-maligaya si Mang Karyas sa


pagkakahiga sa papag. Sa wakas ay malalagot na rin niya ang tanikalang nag-uugnay
sa kanilang mag-ama sa bukid. Malalagot na niya iyon- sa pamamagitan din ng bukid
na sinasaka.

Parang nag-iinit ang katawang napaupong muli si Mang Karyas sa papag. Isinaklay
niya ang kamay sa palababahan ng bintana at tinanaw ang dakong pagbubuhatan ng
anak. Naramdaman ni Mang Karyas ang malamyos na dapyo ng amihan sa kanyang
pisngi. Naramdaman niyang parang nasabukay ang maputi na niyang buhok.

Gumagala ang kanyang paningin sa bukid. Sa kumakalat na kadilima’y nababanaagan


pa niya ang punong manggang naghuhumindig sa kalagitnaan ng kanyang bukid.
Napangiti si Mang Karyas. Bukid din niya ang magpapalaya sa kanyang anak.
Nagbangon sa kanyang alaala ang paggawa sa saka. Sa silong ng ulan at liwanag ng
kidlat ay nahuhukot siya sa pag-aararo at pagsusuyod ng putikang linang. Sa panahon
naman ng anihan ay tila natatayantang pati ang kanyang mga labi sa tindi ng sikat ng
araw. Isang pagpapakasakit ang buhay ng isang magsasaka, isang walang katapusang
pagpapakasakit.

“Ano ba, Karyas, Kumusta an gating palay?” Kung hindi ko naalagaa’y baka
inaksip.” ”Ano ba, Karyas, kailan ang paggaas?” “Kung hindi gagapasin ng kabisilya
ay papayukin naming mag-asawa!” “Ano ba, Karyas, kailan ang giik?” “Mamayang
alas dose ng gabi, pag nagdaan ang traktorang galing sa ibayo.”

May panahong uhaw ang lupa. May panahong tigang na tigang. May panahong
maraming bitak dahil sa pagsasalat sa bukid. May panahong mabulas ang palay,
walang sakit, at nangangako ng mabuting ani.Naranasang lahat iyan ni Mang
Karyas.Nangakakintal ang mga karanasang iyon sa lapad ng kanyang tila mga luyang
mga paa, sa putik ng kanyang hinahalas na binti, at sa pangangapal ng dalawa niyang
palad.

Sa pagsisikap na mapaunlad ang ani sa ginagawang pagpapaaral sa anak ay lalong


humigpit ang kaugnayan ni Mang Karyas sa sinasakang lupa. Naging bahagi sa buhay
ni Mang Karyas ang bukid at sa dakong huli’y tuluyan naman siyang inangkin nito.
Nang minsang dinaramuhan ni Mang Karyas ang mga puno ng palay ay inabot siya ng
malakas na ulan. Doon nga nagsimula ang kanyang sakit.

Nang lumalangitngit ang sahig na kawayan ay napalingon si Mang Karyas. Nakita


niyang nagpapasok na ang asawa ng pagkain. Dagli niyang itinukod ang kanang
kamay upang maalalayan nito ang kanyang paghiga.Subalit huli na. Nahuli siya ni
Aling Asyang sa kanyang pagkakapanungaw.

“Sinabi ko naman sa iyong huwag ka munang mag-uupo, e,” may paninising


lumangkap sa tinig ni Aling Asyang.”Ikaw nga ang dumadaing na masakit ang iyong
likod.”

“Tinitingnan ko lamang, Asyang, ang ating bukid,: dahilan ni Mang Karyas at


tiningnan ang asawang nakakunot-noo.

“Siya, siya kumain ka na, Karyas. . .,” wika ni Aling Asyang at inilapag ang mangkok
sa papag. Tinanganan ang kutsara at sinimulang subuan si Mang Karyas.

“Sipag nitong anak ni Ba Kayong, oo!” pagbibiro ni Mang Karyas sa asawang may
salit-salit na ring puti ang buhok.

“Sulong. Kumain ka’t darating ang anak mo!” Marahan pang dinunggol ni Aling
Asyang ang baywang ni Mang Karyas.

Nalarawan ang kasiyahan sa mukha ni Mang Karyas. Kay bait ng kanyang asawa!
Hindi pa rin nagbabawa ang kanyang si Asyang. Ito pa rin ang dating masuyo,
masipag, at mapagmahal na anak ni Ba Kayong.

“Ano ang pakiramdam mo?” mayamaya’y nausisa ni Aling Asyang.

“Parang namimigat ang aking katawan, Asyang.”

“Kasi’y bangon ka nang bangon. Hala, ubusin mo ito, o . . .”

Walang imik na kumain si Mang Karyas. Wala siyang gana. Pinipilit lamang niya ang
pagkain ng nilugaw at ng malambot na tapang inihaw.

“Inggit na inggit sa iyo si Kiko, oy,” ani Aling Asyang kay Mang Karyas,

“mabuti ka pa raw at nakapagpatapos.”

“Paggaling na paggaling ko’y lilibutin ko ang buong nayon at ipagsisigawan kong


tapos na ang ating anak, Asyang!” nagmamalaking nawika ni Mang Karyas.”
“Paggaling ko ay lilibot kami ni Kiyel at tingnan mo kung hindi nila ako hangaan!”

Nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig sila ng halinghing ng aso. Hindi
hahalinghing si Sagani kung kilala nito ang pumapasok. Tatahol ito.

“Bakit si Kiyel na ‘yan, Asyang !” nausal ni Mang Karyas at nagsikap na makaupo


upang makadungaw sa bintana.

Marahang diniinan siya ni Aling Asyang sa balikat.Pagkaraa’y dumungaw ito at


inaninaw kung sino ang sinasalta ni Isagani.

“Tatang, Inang!” Narinig nilang dalawa ang tinig ni Kiyel, Nagmadaling sinalubong
ni Aling Asyang ang anak. Noo’y wala na ang sakit na naramdaman ni Mang Karyas
sa likod. Dumating na si Kiyel! May dumadaloy na panibagong lakas sa mga ugat ni
Mang Karyas.Waring para siyang biglang sumigla.

“Naku, ang dami-dami mong dala, Kiyel!” Narinig niya ang tinig ng asawa.

“ Ang Tatang, kumusta?” Noon pa ma’y nais na ni Mang Karyas na iwan ang papag
na kinauupuan at salubungin ang anak. Sabik na sabik si Mang Karyas. Sa sinabi ni
Kiyel na “Ang Tatang, kumusta?”ay nais niyang isagot na “Narito ako!”

Nang makapanhik na si Kiyel ay tila tumaas pa ito sa paningin ni Mang


Karyas.Mabulas ang katawan ni Kiyel.Matitipuno ang mga bisig, masiglang-masigla
ang pusong-ama ni Mang Karyas.

“Tatang!” ani Kiyel at hinalikan ang kamay ni Mang Karyas.

Makapal ang palad na nadama ni Mang Karyas nang tangnan ng anak ang kanyang
kamay. Subalit hindi niya pinansin iyon. Sa wakas ay narito na si Kiyel!

“Magaling na ako!” Naisaloob ni Mang Karyas. :Lilibot tayo sa buong nayo! Ipakikita
k okay Kiko ang aking anak na aking napagtapos! Lilibutin ni Kiyel ang buong
nayon. Ipagmamalaki ko si Kiyel!”

“Maghubad ka muna, Anak,” anang ina ni Kiyel at ibinigay sa anak ang tsinelas na
malapad ang dahon. “Pagod na pagod ka marahil sa biyahe.” Pagkawika niyo’y
nagtungo sa labas si Aling Asyang upang maghanda ng hapunan.

“Paparito bukas ang mga kaibigan mo, Kiyel,” pagbabalita ni Mang Karyas sa
anak.”Marahil ay babatiin ka.”

Piit ang ngiting nakita ni Mang Karyas na sumilay sa mga labi ng anak. Nakita niyang
napatungo si Kiyel. At naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Kiyel sa kanyang
palad.

“Ikinalulungkott ko, Tatang, na sinuway ko kayo,” marahang sabi ni Kiyel sa ama.

Nabaghan si Mang Karyas. Piit nitong sininag sa mukha ng anak kung ano ang ibig
ipakahulugan nito sa sinabing iyon.

“Sinikap kong sundin, Tatang, ang iminungkahi ninyong kurso ngunit hindi ko iyon
naipagpatuloy.”

Sinalat ni Mang Karyas ang palad ni Kiyel.Parang binubuhawi ang kanyang kalooban.

“Makapal ang iyong palad, Kiyel.”

“Agrikultura ang kinuha ko, Tatang, sa Los Banos.”

Nakuyom ni Mang Karyas ang dalawag palad. Gumapang sa kanyang katawan ang
init. Nang pagdaupin niya ang mga palad ay naglitawan ang mga ugat sa kanyang
mga bisig.

“Sinuway mo ako, Kiyel,” mariin niyang sabi sa anak. Sinuway mo kami ng iyong
ina. Sa kahirapan natin ay sinikap ka naming mapag-aral upang mailayo ka sa bukid.
Ayaw kong maging magsasaka ka. Ang pagsasaka, Kiyel, ay panghabambuhay na
pagpapakasakit. Ang bukid na dati kong sinasaka’y minana ko pa sa iyong mga
ninunong nangamatay na mga magsasaka, Kami’y binhing natanim saa bukid. Sa
pagnanais ko na lamang na hindi ka rin makaugat sa bukid kaya pinapag-aral ka
naming ng iyong ina. . . Binigo mo kami, Kiyel.”

“Kung kayo’y aking sinunod ay hindi ko maituturing na ako’y inyong anak,”


pagpapaliwanag ni Kiyel sa ama.

Nanlalim ang mga guhit sa noo ni Mang Karyas sa itinugong iyon ng anak.

“Ako’y anak ng isang magsasaka, Tatang. Anak ninyo.Nananalaytay sa aking mga


ugat ang tubig na dumadaloy sa mga linang. Nakahasik sa aking puso ang mga
binhing inyong isinasabog kung panahon ng punlaan. . .”

Naramdaman ni Mang Karyas ang pagpisil ng anak sa kanyang kamay. Hindi niya
namamalaya’y namalisbis sa kanyang kulubot na mga pisngi ang luha. Napabaling
siya sa bintana upang ikubli iyon sa anak. Pinilakan ang liwanag ng sumisikat na
buwan sa kanilang bukid.Mayaman ang liwanag subalit ang kanilang lupa’y pagas,
tigang, mabitak.Mandi’y naghihintay ng ulan.

“Kayo’y matanda na, Tatang. Tulad ng ginawa ng aking mga nuno’y hinihiling ko sa
inyong ipaubaya ninyo sa akin ang paggawa sa bukid. Ipagmamalaki ninyo ako,
Tatang!”

At nayakap ni Mang Karyas ang anak. Ang binhi ng kaligayaha’y muling sumibol sa
kanyang puso. Mayabong ang kaligayahang iyon.

“Ang pagsasakang aking natutuha’y di tulad ng pagsasakang ating ginagawa sa


kasalukuyan dito sa atin, Tatang. Iyo’y pagsasakang pag-uugatan ng pag-unlad. . .”

Naghuhumindig sa bughaw na liwanaga ng buwan ang punong mangga nang tanawin


ni Mang Karyas at Kiyel ang kanilang bukid.

MARXIST CRITICISM
The story revolves around a farmer father and his wife, who had worked all his
life earnestly in the field. He had sacrificed all his strength to provide for his son to
study for college and not end up as a farmer and experience the same fate as him. But
felt heartbroken after finding out that the hope he was waiting, took the same path he
feared of happening.

Marxism plays a significant role in this short story, setting up the character's
consciousness towards their social status, class differentiation, and the social struggle
they are experiencing.

In one scene, Mang Karyas pities as he sees himself in the old Pugante, his trusty
carabao. Both of them were old, but what differentiates them is that Pugante is free to
roam around, while Mang Karyas is sickly, imprisoned in his bed. Here, Mang Karyas
represents the lower class; no matter what he desires to do, he is limited in his
resources. On the other hand, Pugante represented the higher class; he is in control of
his own time, free to do and wander wherever and whatever he desires.

Marxism also plays a vital role in the story's plot, where Mang Karyas felt so
disappointed despite all his efforts and sacrifices in the field. After finding out that his
son Kael, the one expected to lift them out of poverty, ends up being a farmer just as
his father and the rest of his ancestral roots. However, Kael reiterated that to be a
farmer is his pride, and he shall give all his might to bring his family the relief of
success they have been longing for years.

This ending tells us about the lower class, how they have to struggle to achieve
their goals in life, even to the point where they have to be ashamed of their roots to
run away from their impoverished situation. That without proving your success, you
will remain to be nobody.

You might also like