You are on page 1of 2

"Ang Alamat Ng Negros"

Ni: Shen C. Argel

Bakit hugis-medyas ang lalawigan ng Negros?

Bago pa man dumating ang mga Kastila'y mayroong tatlong magkakapatid


na pinangalanang Ilo, buglas, at Sibo. Sa kanilang tatlo'y si Buglas lang ang may
kayumangging balat na naging dahilan kung bakit lagi siyang mapagkamalang
ampon sa pamilya. Dahil dito'y mas pinili niyang ilayo ang sarili sa dalawa hangga't
sa unti-unti na niyang natutunang mag-isa. Hindi naging lingid sa mga magulang at
kapatid ang nararamdaman ni Buglas kaya sa kanyang kaarawa'y binigyan siya
nito ng regalo.
"Buksan mo, Buglas!" ang nagagalak na sabi ni Ilo.
Nakangiting binuksan ito ni Buglas at nasisilayan sa kanyang mukha ang
kaligayahan nang makitang isang berdeng medyas ang iniregalo sa kanya. Iyon
ang medyas na matagal na niyang gustong bilhin na hanggang ngayo'y patuloy pa
rin niyang iniipunan.
"Maraming salamat po, Nay. Maraming salamat po sa inyong lahat!" ang
masiglang sambit ni buglas sabay yakap sa regalong kanyang natanggap.
Naging masaya si Buglas sa araw na iyon. Doon namulat ang kanyang puso
na matagal na pala siyang tanggap at minamahal ng kanyang pamilya. Nabulag
lamang siya sa mga bagay na ayaw niya sa kanyang sarili—ito ang simula ng
pagbigay niya ng pag-ibig at pagtanggap sa kanyang pagkatao.
Isang araw, makikitang abala sa pag-aani ng palay ang mga magulang ni
Buglas habang ang kanyang mga kapatid nama'y wiling-wili sa pagpapatuka ng
mga manok sa kanilang bakuran. Siya nama'y pasipol-sipol na nangunguha ng mga
mangga sa buntod. Sa kanyang pagbaling sa ilalim ay nanlaki ang kanyang mga
mata nang makita niya ang mabilis na pagtaas ng tubig mula sa ilog. Rumaragasa
ito na tila gutom sa lupa!Hindi niya naiintindihan kung ano ang nangyayari
sapagkat ang namayani sa kanyang puso't isip ay kung paano iligtas ang pamilya.
Kumaripas siya ng takbo patungo sa kanilang bahay na unti-unting nilalamon
ng tubig. Naririnig niya sa di kalayuan ang sigaw ng kanyang ina sa kanya,
"Buglas, iligtas mo ang iyong sarili! Manatili ka sa buntod! 'wag kang bu..."
at tuluyan itong nalunod.
Kisap-matang nawala sa kanyang paningin ang kanyang mga kapatid at
magulang. Tinangay ito sa kailaliman ng sikmura ng tubig. Pantay na ang mga paa
ng kanyang mga magulang at kapatid.
Kinisap-kisap niya ang mga matang naaapawan ng mga luha. Walang
salitang may lumalabas sa kanyang mga labi. Bumalik ang kanyang katinuan nang
masilayan sa papalapit na tubig ang kanyang kulay berdeng medyas na iniregalo
sa kanya ng kanyang pamilya. Hindi niya sinunod ang huling habilin ng kanyang
ina, hinabol niya ito sa pagtangay ng ilog hangga't sa nasundan na rin niya ang
kanyang pamilya sa kailaliman ng baha na yakap-yakap ang kulay berdeng
medyas.
Pagkalipas ng ilang buwan ay may nagsusulputang mga isla sa ibabaw ng
tubig at kapansin-pansin na ang hugis ng isa sa mga ito ay parang isang medyas na
nakatiwalag sa ibang kapuluan. Biniyayaan ito ng kulay berdeng kapaligiran na
bibubuo ng mga bukirin at puno. Nang makarating ang mga Kastila sa ganoong
isla'y nakita nila na kulay kayumanggi ang mga taong naninirahan doon kaya
pinangalanan nila itong "Negros."

(Trivia about Negros:


Negros was originally known to the natives as "Buglas", meaning "cut off" in old
Hiligaynon. as it is believed that the island was separated from a larger landmass
by rising waters during the last ice age.When the Spaniards arrived in April 1565,
they named it "Negros" because of the dark-skinned natives they found.
-google)

You might also like