You are on page 1of 28

KABANAT I

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Aralin 1: Katuturan ng Panunuring Pampanitikan

Pagtataya

1. Ano ang dalawang sangay ng panunuring pampanitikan? Ipaliwanag ang bawat isa.
• Dalawang sangay ng panunuring pampanitikan ay una, Pagdulog ang
mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko.
Ang pangatlo ay ang Sikolohikal, at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.
Ikalawang sangay ng panunuring pampanitikan ay Pananalig binubuo ito ng
maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realism,
naturalism,impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo,
at peminismo

2. Ano-ano ang kahalagahan ng mga pananaw at teoryang literari sa pag-


aaral/pagsusuri ng mga akda? Ipaliwanag ang bawat isa.
• Ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula ay ang panitikan. Ito ay
sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao at lathalaing makabuluhan. 'Di
lingid sa ating kaalaman na nakatutulong ito sa maipahayag ang ating saloobin
at damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating malawak na
imahinasyon at maaaring karanasan na mapulot sa iba't Lubusang pinapalawak
ng panitikan, dito'y nahahasa ang gamit natin sa mga salita, naibubulalas ang
pagiging makata at naipapakita ang pagiging malikhain. Ang panitikan ay
nangangailangan ng pagsasalaysay ng detalyadong pagsasalaysay kung
maikling kwento at talinghaga, sukat, at ritmo naman kung tula.
Mungkahing Gawain

1. Magsaliksik ng iba pang pananaw o teoryang literari na hindi natalakay. Pagkatapos,


isulat sa papel at lahad ang iyong nakalap na datos sa pamamagitan ng pormat na
makikita sa ibaba.

Pananaw/ Katangian/ Personalidad Mga Akda


Dayuhan Pilipino
Teorya Paniniwala
Naturalismo Teoryang hindi Walang Hindi na Teorya nina
naniniwala sa paghuhusga niniwala sa F.J.E
mga bagay na ang isang supernatural na Woodbridge,
Supernatural. bahagi ng mga bagay. Morris R.
buhay Cohen at John
Dewey
Naniniwala na
maaaring
makilala at
mapag-aralan
ang kalikasan
sapagkat
mayroon itong
regularidad,
kaisahan, at
kabuuan batya
sa likas na batas
nito.

Layon ng
teoryang na
ipakita na
walang
paghuhusga
ang isang
bahagi ng
buhay.
Marxismo Ito ay Nagbibigay Kwento ng Doktrinang
naglalagay nang motibasyon isang tao ayon pinaunlad nina
tatlong batayang sa pagsusuri. Karl Marx at
ideya, pilosopiya Fredrich Engels
ng pagtingin ng
tao, teoryang
kasaysayan, at
pampulitika’t
pang ekonomiya
programa.

Ito ay
nagagamit sa
pagsusuri ng
kalagayang
panipuan, pag-
uugali, at
motibasyon ng
mga tauhan sa
kwento.

Aralin 2: Simulain ng Panunuring Pampanitikan


Mungkahing Gawain

1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V.


Hernandez.
- Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop
gamitin sa pagsusuri?
• Ang tulang Isang Dipang Langit ay may teoryang pampanitikan na
teoryang realism. Ang tulang ito ay angkop sa teoryang realism sapagkat ang
mga pangyayari ay isang makatotohanan at nangyayari sa totoong buhay nang
may akda o nang nagsasalita sa tula. Ipinapakita ang mga karanasang tinamasa
ng mga katulad niyang taong naka-bilango sa kulungan sa mahabang panahon.
- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.
• Ang diwa o tema na inilalarawan sa tula ay ang pagiging matatag sa
bawat pagsubok ng buhay, lagging magtiwala sa sariling kakayahan at
lagging manalig sa Diyos.
- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit
mo ito napili.
• At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Ito ang aking nagustahan dahil kahit gaano man ka dami ang pagsubok ay
mayroong araw na dadating na tayo naman ang magtatagumpay.
Palaging maniwala sa sarili at sa Diyos at darating din ang gintong araw.

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.


• Amado V. Hernandez ay hinirang sa Panitikan na Pambansang Alagad ng
Sining noong 1973. Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan at kasama sa
kilusang paggawa mas kilala siya. Dahil sa mga akdang makabayan at
nakikisangkot sa mga problemang panlipunan, at sa kaniyang totoong paglahok
sa organisasyong pampolitika, kinilala siya.
3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado
Hernandez.
• Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit. Nakulong siya
dahil daw sa gusto ng kaniyang mga nakabangga at dahil wala siyang
kapangyarihan. Labis na pighati ang nararamdaman ng nagsasalaysay. Hindi
niya raw kasi mapaglilingkuran ang bayan. Ang kalupitan na nararamdaman
niya ay hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa iba na itinuturing daw na
parang hayop. Ang bawat oras niya raw sa loob ng bilangguan ay napakatagal
at patuloy ang kaniyang pagluluksa. Para na rin daw kabaong ang bilangguang
iyon.

Tanggap na nang nagsasalaysay na siya ay hindi na makalalabas sa kinlalagyan


niyang impyerno ngayon. Pero kung minsan ay naiisip niyang walang susuko
hangga’t siya ay nabubuhay. Hindi raw laging api ang mga inaapi. Darating din
ang araw na ang bayan ay maghihiganti sa mga mapang-api. Bandang huli,
sinabi ng nagsasalita na di na siya luluha bagkus ay hihintayin na lamang ang
pagtatagumpay ng bayan.

Repleksyong Papel

Sumulat ng repleksyong papel hinggil sa iyong mga inaasahan sa pag- aaral ng asignaturang ito
at hinggil sa iyong mga ipinapangako sa sarili upang maging matagumpay ang iyong pagsusuri
ng mga akdang pampanitikan tungkol sa lipunang Pilipino.

Sa asignaturang ito inaasahan ko po na madami akong matutunan na topiko.


Lalo na sa pagdating sa pantikan. Alam naman natin na ang panitikan ay may pinakamalawak
at may malaking tulong sa ating litratura. At madaming sanghay at topiko din ang tumutukoy
dito. Maraming pagaaral din ang ginawa kaya malaking maitulong ng pantikan pagdating sa
pagbibigay ng kaalaman at impormasyon. Kaya inaasahan ko na marami akong matutunan.

Pinapangako ko sa aking sarili upang maging matagumpay ang pagsusuri ng mga


akdang pampanitikan tungkol sa lipunan Pilipino ay sisikapin ko na maunwaan at
pagbubutihan ko ang pag-aaral ng asignaturang ito. At para madami din akong matutunan.
KABANATA II

PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

Aralin 1: Depinsyon ng Kahirapan

Pagtataya

Gabay sa Pagtalakay

1. Ano ang kaibahan ng absolutong kahirapan at relatibong kahirapan?


Ipaliwanag.
• Ang absolut na kahirapan ay tumutukoy sa kahirapan kaugnay ng dami
ng pera o halagang kakailanganin para matugunan ang mga batayang
pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay at pananamit. Ito ang mga
pangunahing bagay na kailangan ng tao upang mabuhay. Ang relatibong
kahirapan naman ay nagbibigay-kahulugan sa kahirapan batay sa ugnayan nito
sa ekonomikong kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan. Halimbawa,
maaaring ituring na mahirap ang isang tao kung ang kanyang estado ng
pamumuhay ay mas mababa kaysa sa itinakdang kariniwang antas ng
pamumuhay sa isang lugar.

2. Ano-ano ang mungkahi mo para malutas ang suliranin sa unemployment dito sa


Pilipinas? Magbigay ng limang mungkahi. Ipaliwanag ang bawat isa.
• Pagkuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay - Upang
masolusyunan ang hindi pagkakatugma ng trabaho sa kurso o pagsasanay na
natatapos ng mga kabataan, dapat bigyan ng tamang pamamaraan ang mga
kabataan na ayon sa kanilang natapos na kurso at oportunidad para sa kanila.
• Paglikha ng maraming trabaho para sa mga unemployment – para
mabawasan at unemployment dapat bigyan ng trabaho ang mga unemployment
na ayon din sa kanilang natapos na pagsasanay. Upang matustusan ang
kanilang pangangailangan sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.
• Pagpapautang sa mga maliit na negosyo – upang matustusan at
makapagsimula ang mga maliit na negosyo ay dapat din sila bigyan ng
pansin lalo na sa pagpapautang para makapagsimula sila ng kanilang hanap
buhay.
• Gawin standard ang presyo ng bilihin – marami sa mga magsasaka ay
hindi kumikita ng Malaki dahil sa presyo ng kanilang produkto. Kailangan ay
ibalik ang standard or mataas na presyo na nakaayon sa market price.
• Pantay-pantay na opportunidad – bigyan ng pantay-pantay na
opportunidad para sa lahat walang pagpipili at diskriminasyon. Hindi sukatan
ang pisikal na katangian.

Mungkahing Gawain

Bumuo ng sariling dayagram tungkol sa antas ng kahirapan ng mga Pilipino.


Ipaliwanag sa nakalaang espasyo ang binuong dayagram

Tawag sa mga tao na may pera o madaming negosyo at may mataas na antas
sa
buhay. Sila ang maykakayanan na bilhin kahit ano man ang kanilang gusto.

Sila yung mga taong maykakayahan na matustusan ang pangagailangan. Sapat


na
kita sa araw araw para matustusan ang kanilang pangangailang sa araw araw na
buhay.

Sila naman yung mga taong walang kakayanan na bumili o matustusan ang kanilang
pangangailangan. Hindi Malaki ang kinikita at hindi sapat para sa kanilang pang
araw araw na pangangailangan.
Aralin 2 – Akdang Pampanitikan hinggil sa kahirapan: Iskwater

Pagtataya

Suriin ang akdang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri


ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?


• Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na
naninirahan sa iskwater.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng
halimbawa.
• Mayroon, at yun ay ang kung ano ang dahilan kung bakit naninirahan ang
mga mayayaman o sa iskwater sa isang lugar kung saan ang mga mahihirap lang
ang naninirahan, naging malaking tanong yun na hindi rin tuwirang nasagot ng
may akda.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
• Pinapakita nya kung ano ang sitwasyon ng pammumuhay sa iskwater, kung gaano
pa ito hindi kagulo noong panahon at kung gaano naman ito kagulo at kaingay
ngayon dahil nga sa mga nagsisisulputang malalaking bahay. Gusto rin ipabatid ng
may-akda kung bakit may mga mayayaman, ang lumipat at tuluyang naririrahan sa
iskwater.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman
ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
• Sinabi sa sanaysay na ilang beses na nagbanta ang pamahalaam na
idemolis ang mga bahay doon at gusto ko ang ideyang ipaglaban ito na walang
dumadanak na dugo ngunit sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa
may katungkulan dahil kunti lang ang buhay na mawawala, hindi gaya ng
magulong pag dedemolis kung magsasagupaan ang dalawang parte madaming
masasaktan at mamatay. Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang pagtira ng
mga mayayaman sa mapayapang munting tahanan ng mga mahihirap sa iskwater
dahil sila mismo ang nag dudulot ng ingay sa pamamagitan ng pagtugtog ng
kanilang komponent.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
• Nakakaugnay sa paraang gagawin mo ang lahat para lang mabuhay, para lang
malagpasan ang buong araw. Gaya ng mga tao sa iskwater na
gustong-gusto ng umalis sa lugar na iyon ngunit hindi nila magawa dahil hindi rin
darating ang ipinangako ng gobyerno na ibibigay sakanilang bagong tahanan na
patuloy parin silang nagtitiis magkaroon lang ng tahanan at mabuhay, nakakaugnay
ako sa paraang sa buhay ko din ay may mga ninanais akong mangyari sa aking
buhay ko na malamo ko mang makamit ay ipinagpapatuloy ko pa rin siyang
ipaglaban kahit minsan natutumba ay nandyan pa rin upang tiisin ang hamon ng
buhay.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng


iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
• Marami kasing mga tao ang hindi naiintindihan kung ano nga ba ang meron
sa iskwater, yung iba akala nila sa iskwater nandoon lahat ng kriminal, madumi,
kadiliman at iba pa. Pero dahil sa pagtalakay sa sanaysay na ito nabubuksan ang
ating isipan kung ano ba talaga ang meron sa iskwater. Parehas parin ang aking
pananaw at nalalaman tungkol dito dahil alam ko na maliban sa sobrang hirap ng
buhay dito, naiintindihan ko sila kung bakit nila pinaglalaban ang kanilang tahanan
na nakatirik sa lupaing hindi nila pagmamay-ari ito ay dahil iyon na lang ang
natatanging pag-asa nila upang mabuhay. At dumagdag na lang sa aking kaalaman
na mayroon palang mga mayayaman na nakatira sa iskwater. Kaya’t sa
pamamagitan ng sanaysay na ito makikita natin ang tunay na kalagay sa iskwater at
bakit gusto nilang mapanatili dito.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?


Ipaliwanag.

• Kung hahanapin mo ang salitang “squatter” sa google ay makikita mo agad ang


mga lalabas na impormasyon ay mababasa mo ang bansang Pilipinas, dahil
madami pa rin sa ating bansa ang naninirahan sa iskwater dahil sa
wala silang mapag tirikan ng kanilang barong-barong o wala talaga silang
matinong tahanan. May mga mayayaman din talaga na sa iskwater nakatira upang
makaiwas sa pagbabayad ng buwis. Madalas sa iskwater din nakatira ang mga
mayayamang kriminal o negosyante na gumagawa ng illegal para doon sila ay
magtago. Ang mga teksto na nandito ay base sa tunay na larawan ng lipunan sa
ating bansa na kailanma’y hindi magawang resolbahin ng ating gobyerno
KABANATA III

PANITIKAN HNGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Aralin 1: Katuturan ng Karapatang Pantao

Pagtataya

Mungkahing Gawain

1. Mag-interbyu ng punong barangay at isang pulis sa iyong pamayanan. Itanong


kung ano-ano ang mga karaniwang kaso sa paglabag ng karapatang pantao.
Itanong din ang kanilang hakbang na ginawa upang mabigyang proteksyon ang
mga naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Isulat sa tsart ang iyong
nakalap na datos.
Mga Tinanong Mga Paglabag Hakbang na Ginawa
1. Child Abuse Binibigyan ng mababang
parusa at kinakausap ang
taong nag aabuso ng mga
Pulis
kabataan tapos nagbibigay
din sila ng
council sa mga tao.
2. Pagaabuso sa mga Kung subra na ang ginawa
babae ng lalaki ay binibigyan nila
ito ng mababang parusa
kagaya ng pagkakulong at
pagmumulta ayon sa
kagustuhan ng nag
sampa.

3. Child traffiking Kinikuha nila ang mga bata


sa poder ng tao na
gumagawa nito at dinadala
sa DSWD at iniimbestigahan
nila ang tao na gumagawa
ng child
trafficking
1. Hindi pagsuporta ng Binibigyan ng council ang
magulang sa anak. magulang upang malaman
nito ang kanyang Karapatan
Punong Barangay
sa kanyang mga anak.
Karamihan nangyayari ito
sa mga maagang
pagaasawa.

2. Pagaabuso sa mga babae Tinatawag sa barangay ang


lalaki upang kausapin at
bigyan ng mababang parusa
para mapanagutan
ang kanyang nagawa.
3. Hindi biniyaran na utang. Pinapatawag sa barangay
ang taong inireklamo para
harapin ang nireklamo sa
kanya at kinakausap nila ito
kung
kailan niya ito babayaran.

2. Ano ang iyong masasabi sa mga hakbang na ginawa ng:

a. Pulis
• Sa mga hakbang na ginawa ng mga pulisya ay maganda at naka ayon talaga sa
batas na dapat gawin. At nakaayon din sa kung ano ang dapat na gawin o aksyon
sa mga suliranin pagdating sa karapatang pang tao.
b. Baranggay
• Sa Baranggay naman ay maganda din dahil tinatawag o pinapapunta mon a
sa barangay yung mga inireklamo at kausapin. Kapag hindi na kaya ng barangay na
aksyonan ito ay idalhin na sa pulisya para ang mga pulis ang gumawa ng aksyon
para dito.
Aralin 2: Akdang Pampanitikan hinggil sa Karapatang Pantao: Sanayan lang ang
Pagpatay

Pagtataya

Suriin ang akdang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri ang mga


sumusunod na katanungan:

1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?


• Ang persona o may akda ng tulang "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY" ay
si Fr. Albert Alejo, SJ. Ang sinasabi ng tulang sinulat ni Fr. Albert Alejo, SJ ay tungkol sa
sektor nating pumapatay ng tao.

2. Anong hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa


pagpaslang sa tao?
• Ang hayop na pinatay sa tula ay ang butiki. Ang pagpatay ng butiki ay para
narin pagpatay ng tao, taong pinapatay ng walang kasalanan katulad sa pagpatay ng
butiki, pagpatay sa tao ng walang laban, pagpatay na parang hayop. Minsan bago
nila patayin paglalaruan muna nila, kagara ng sa butiki pagnahuli mo puputulin
muna ang buntot, babalatan, puputulan ng ulo hanggang sa mamatay at itatapon
nalang.

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?


• Para sa akin ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula na "Habang ako'y
pumapatay, kayo namay nanonood" ay habang siya ay pumapatay ng tao, ang
kasama niya naman o mga kaibigang tinitukoy niya sa tula ay nanonood lamang
habang sya ay pumapatay na parang wala siyang maling ginagawa, o parang hindi
mali ang ginagawa niya na parang tama lnag na pumatay o kumuha ng buhay ng
isang tao, at nanonood lnag na parang sanay nang makakakita ng ganung payayari.

4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?


• Inaalay ng may akda ang tula sa mga pare o kaibigan nya at para na rin siguro
sa mga makakabasa ng tula na sinulat niya. Sila yung mga taong naging
kasama niya at nakakaalam ng mga ginawa niyang pagpatay.
Mungkahing Gawain

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng


kasalukuyang administrasyon. Pagkatapos, gumawa ng maikling reaksyong
papel hinggil sa kasong nasaliksik.
Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis sa Paniqui, Tarlac

Buhay na ipinahiram ng panginoon, buhay na aalagaan, buhay na walang makakakuha


kundi ang panginoon, sapagkat ang buhay na iyon ay pinahiram lamang ng Diyos. Ang
pagpatay sa isang inosenteng tao, pagkuha ng buhay na hindi mo dapat gawin, pumatay sa
isang ina na walang ginawa kundi ang protekta ang kanyang anak, pagpatay sa dalawang tao
ay isang hindi matatawaran na kasalanan, ang pagpatay ay dapat ding kamatayan ang kapalit.

Disyembre 20, 2020 sa Paniqui Tarlac Philippine isang masamang insidente ang ikinagulo
ng mundo at binago ang pananaw ng mga tao sa pulisya. Dalawang tao ang pinatay nang
walang away, pumatay ng inosente, pinatay sa kanilang sariling tahanan, at pinatay sa harap
mismo ng kanilang pamilya. Ang mag-inang Gregorio ay pinatay ng isang pulis na dapat
protektahan ang mga tao, at ang pulis ay pinatay dahil lamang sa akusasyon ng kanyang anak
na babae, ang pulis na ito ay maaaring tawaging walang awa at walang puso dahil sa ginawa
niya sa pamilyang Gregorio.

Sa pangyayaring iyon maraming nagbago at marami din kaming natutunan, isa sa mga
nagbago ay ang pagtingin ng mga tao sa pulisya na nawawalan ng tiwala sa pulisya dahil lang
sa naapektuhan ng pulis ang lahat ng pulisya, nalaman din natin na hindi lamang ang mag-ina
ang napatay ng pulisya ngunit pumatay din siya ng ibang tao, kaya maraming mga katanungan
ang mga tao kung bakit siya ay malaya pa rin at kung bakit siya ay nagtatrabaho pa rin, ang
mga bagay na nangyari ngayon ang dahilan kung bakit ang mga tao sa ating bansa ay hindi na
nagtitiwala sa ating pulisya, sapagkat kahit pumatay ka ng maraming tao ay hindi ka pa rin
nagkakasala kahit na mayroon kang matibay na ebidensya na hindi pa rin sapat para sa kanila.
Hindi natin masisisi ang mga taong hindi nagtitiwala sa ating pulisya sapagkat kung talagang
ang pulis ang magpoprotekta sa atin, ang bagay na iyon ay hindi dapat mangyari, kung
talagang nagmamalasakit ang pulisya sa buhay ng mga Pilipino dapat silang gumawa ng
paraan upang maiwasan ang pagpatay na iyon.

Hindi pa man ako isang pulis, pero sana isa ako sa magiging pulis na may mabuting
magagawa at pulis na susunod at gagawin ang lahat para sa bayan, gagawin ang lahat ng tama
para sa bayan. Hindi lang ako sana kaming lahat na mag- aaral ngayon ay isa sa magiging
mabuti at tapat na pulis sa susunod.

KABANATA VI

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA, AT


PAMBANSA

Aralin 1: Panitikan Hinggil sa Isyung Pang Manggagawa

Pagtataya

Gabay sa Pagtataya

1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?


• Sa kasalukuyang nangyayari ngayon dahil sa pandemya, isa sa pangunahing isyu
na kinahaharap ng maraming manggagawa ay ang kawalan ng trabaho o
hanapbuhay. Maraming mga negosyo at establisyemento ang nagsara dahil
kinailangan upang hindi na lalo pa kumalat ang nakakahawang virus. Isa pang
kalaban ng mga manggagawa ay ang kapitalismo. Halos lahat ng mga tao ngayon
ay hindi sapat ang kinikita o suweldo lalo na at mataas pa ang presyo ng mga
bilihin. Mababa ang kanilang sahod partikular na sa mga probinsya. Ang ilang mga
kumpanya o ahensya rin ay may maling pamamalakad kaya naman marami sa mga
karapatan ng mga manggagawa ang naaabuso. Isang halimbawa nito ay hindi sila
nakakatanggap ng kanilang sahod sa araw na itinakda.

2. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga


manggagawa sa kasalukuyang?
• Maaaring mawalan sila ng gana mag trabaho dahil sa mga isyong
paggawa. Hindi nila alam kung saan magsimula o hindi sila sigurado kung
may patutunguhan ba ang kanilang pagtatatrabaho o
paghahanapbuhay.

3. Ano ang iskemang sub-contracting? Bakit ito umiiral sa sector ng paggawa sa


bansa? Sino ang mga self-employed without any paid employee at unpaid family
labor?

• Ang subcontracting ay isang uri ng sistema na kung saan ang isang kumpanya ay
kumukuha ng mga manggagawa mula sa ibang kumpanya o grupo para gumawa
ng isang proyekto. Ang pangunahing dahilan ng subcontracting ay ang mababang
halaga ng paggawa ng proyekto. Mas mapadadali ang mga malalaking proyekto
sa paggamit ng subcontracting. Walang pang matagalan na obligasyon ang mga
kumpanya sa isa't isa
• Ang mga self employed without any pay o ang unpaid family labor ay
madalas na mga manggagawa na hindi nakatatanggap ng sapat na kita o hindi kaya
ay binabayaran sa kanilang serbisyo.

4. Paano umiiral ang iskemang sub-contracting?

• Ang sub-contracting ay isang kaayusan sa paggawa kung saan kumukontrata ang isang
kompanya ng isang ahensiya o indibidwal ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon. Dalawang umiiral na anyo
ng subcontracting: Ang Labor-only Contracting tumutukoy sa pagakaktaon kung saan
walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo ang sub- contractor at
ang manggagawa na ipinasok ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya.
Ang job-contracting naman ay ang labaliktaran ng labor-only contracting. Ibig sabihin
may sapat na puhunan ang sub-contractor para maisagawa ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Ang job-contracting ay hindi
pinahihintulutan ng batas dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa
sa trabaho.

5. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng iskemang sub-contracting sa mga


manggagawang Pilipino?
• Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga mabuting epekto ng pagkakaroon ng
iskemang subcontracting: Mas mababa ang halaga ng pagkuha ng lakas ng
paggawa dahil ito ay naggagaling sa ibang kumpanya o sub-contractor. Mabilis ang
nagiging proseso ng paggawa at mababa ang nagiging risk. Mas nakatutulong ito sa
mga malalaking proyekto. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga di-mabuting epekto
ng pagkakaroon ng iskemang subcontracting: Maaaring hindi makicooperate ng maayos
ang isang subcontractor. Maaaring iba ang style at paraan ng paggawa ng isang
subcontractor. Mababa ang halaga ng sahod.

6. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito ang


patuloy pa rin sa mga hamong hinaharap ng mga manggagawang Pilipino?
Ipaliwanag.
• Patuloy pa din ang mga hamong hinaharam ng mga manggagawang Pilipino
kahit na may mga naitalang programa ang pamahalaan sa kasalukuyan dahil sa
maraming dahilan. Una, kahit na maganda ang programa ng
gobyerno, pwedeng hindi ito nai-execute ng maayos ng mga taong may responsibilidad
nito. Pangalawa, ay ang korapsyon na laganap pa din sa pamahalaan. Kahit na maganda
ang programa, nais pa din ng mga mayor, kagawad, kapitan na may kickback sila kaya
naghihirap pa din ang ordinaryong Pilipino. Pangatlo, walang feedback mechanism
para makapagbigay ng kanyang opinyon ang manggagawa.

Mungkahing Gawain

1. Kapanayamin ang iyong magulang o iba pang kaanak ukol sa kanilang trabaho.
Sikaping malaman ang pangkalahatang danas niya/nila sa industriya o sektor ng
paggawa kung saan siya/sila nabibilang. Matapos ay sumulat ng maikling tula
tungkol sa iyong kinapanayam.

MANGGAGAWA
Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim, Mula
umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim. Hindi
inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim,
Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim.

Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo, Sanay


mapansin sila ng mga tao sa gobyerno,
Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero, Sa
pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo.

Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto,


Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino.
Kumilos na sana ang ating gobyerno, Huwag
nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.

Aralin 2: Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmagsasaka

Mungkahing Gawain

1. Mag-interbyu ng dalawang (2) magsasaka at itala ang mga isyu hinggil sa


pagbaba ng presyo ng palay.

• Sa una kung na interbyu ayon sa kanya hindi nagging sapat ang kita sa
pagod na ginawa nila bilang magsasaka. Mahirap maging isang
magsasaka pero maliit ang presyo ng palay. Para lang daw sila
nagaalkansya pero hindi nababayaran ang pagod nila.

• Ayon naman sa ikalawa kung na interbyu para daw walang pakialam


ang gobyerno sa mga magsasaka na dapat ang magsasaka ang tuonan
nang pansin dahil kung hindi dahil sa kanila wala tayong bigas na
kakain. At gusto daw nila magreklamo pero walang may nakikinig.
Sana daw ay pataasin ang presyo ng palay na nakaayon sa market
price.
2. Magbigay ng mga suhesyon na maaaring gawin hinggil sa mga
isyung inilahad ng mga magsasaka.
• Dapat bigyang pansin ang mga magsasaka lalo na pagdating sa presyo ng palay.
Bigyan din nang laan na pundo para sa magsasaka at libreng paggamit ng mga
makenarya. Dahil sila ang pangunahing pinagkukunan ng bigas na kakainin bigyan
din sila ng mga programa kagaya ng paglalago ng kanilang mga produkto at mga
bagong kasanayan sa pagsasaka. Tuonan din ng pansin ang kanilang mga hinaing
hinggil sa mga isyu na kanilang naranasan.

Aralin 3: Panitikan Hinggil sa Isyung Pambansa

Mungkahing Gawain

1. Iista ang sampung isyu sa Pilipinas na binigyang solusyon ng Pangulong Duterte


sa pangako niyang “Change is coming”,

• Change is coming ang pangako ng pangulong Rodrigo Duterte mula sa


kanyang kampanya at ito ang kanyang mga binago sa bansa ito ay ang
Kontraktuwalisasyon, trapik sa Metro Manila, Mass Transport System,
De-kalidad at makamasang edukasyon, pagpapalaya sa mga bilanggong
pulitikal, tunay na reporma sa lupa, biktima ng bagyong Yolanda,
freedom of information bill, pagresolba sa problem sa droga, at pagresolba
sa kahirpan.

2. Lumikom ng datos at impormasyon hinggil sa antas o intensidad ng pagbibigay-


solusyon ng gobyerno sa mga isyung priyoridad ng administrasyongDuterte.

• Libo-libong tao ang napaslang sa Pilipinas nang inilunsad ni Pangulong


Rodrigo Duterte ang “giyera kontra droga” noong Hunyo 30, 2016, araw ng
pagkakaluklok niya sa puwesto. Kabilang sa mga namatay ang dose- dosenang
kabataan, 18-anyos pababa, na tinarget o aksidenteng nabaril habang may anti-drug
raids. “Collateral damage” ang tawag ng mga awtoridad dito. Nasa 101 ang bilang
ng napaslang na kabataan mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2018, ayon sa
children’s rights at
nongovernmental organizations (NGOs) na tinarget o nadamay. Marami pang bata
ang napaslang sa mga ulat ng media noong 2019 at 2020. Sa pangkalahatan, ang
bilang hanggang Enero 31, 2020 ng Philippine National Police at ng Philippine
Drug Enforcement Agency na napatay sa “drug war” ay nasa 5,601. Sa halos lahat
ng kaso, giit ng pulisya, tulak o gumagamit ng droga ang napatay sa raid dahil
ang mga suspek ay hindi nagpaaresto at nanlaban. Naniniwala ang Commission on
Human Rights at lokal na human rights groups na libo-libo pa — tantiyang 27,000
— ang napatay ng pulisya, ahente ng pulisya, o di-kilalang assailant.

Aralin 4: Akdang Pampanitikan hinggil sa Isyung Pambansa: Tata Selo

Pagtataya

Suriin ang akdang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri ang sumusunod na katanungan.

1. Saan ang lunan ng pangyayari? Ilarawan ang tagpuan ng maikling kwento.


• Sa munisipyo kung saan maraming tao ang nagsisiksikan at
nagtutulakan sa bakuran nito.

2. Sino-sino ang mahahalagang tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa at


ipaliwanag ang kanilang papel sa kwento.
• Tata selo – siya ang ama ni Saling at nakapatay kay Kabesang tano
• Kabesang Tano – siya ang kabesang bumabawi sa sinasakahaan ni Tata
Selo. Siya ay pinatay ni Tata Selo
• Saling – maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila sa ina.
• Alkalkade – maghahatol kay Tata Selo.

3. Bakit nagawa ni Tata Selo ang krimen laban kay Kabesang Tales?
Ipaliwanag ang pangyayari batay sa pagsasalaysay ni Tata Selo.

• Dahil binabawi ni kabesang tales ang lupa kay Tata Selo.


Pero nakikiusap si tata Selo na hindi kunin at wag silang
paalisin kasi wala silang mapuntahan. Pero tinungkod ng
tinungkod ng kabesa hanggang sa pumutok ang kaniyang noo.

4. Sa tingin mo ba ay may pagsasamantalang nangyari laban kay Tata Selo?


Pangatwiranan.

• Wala, dahil mali ang ginwa ni Tata Selo.

5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tata Selo kay Kabesang Tales? Ipaliwanag.

• Hindi kasi may batas na magsasabi kung ano ang dapat at ano ang tama.
Kung may problema hayaan natin ang batas ang magsasabi kung ano ang
dapat gawin. Kasi ang paglabag ng batas o pagpatay ng tao ay malaking
kasalan na sa mata ng batas at Diyos.

6. Ano sa tingin mo ang nangyari kay Saling at bakit siya pilit na pinauwi ni
Tata Selo?
• Si Saling ay may sakit kaya pilit na pinauuwi ito ni Tata Selo. At sa
tingin maaaring pagsamantalahan ng alcalde kasi wala siyang kalaban
laban.

7. Sa bandang huli ay ayaw papasukin ang bata sa Opisina ng alkade upang


yayaing umuwi si Saling. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng bahaging ito ng
kwento?

• Ang pagbawalan ang bata sa opisina ng alkalde upang yayain umuwi si


Saling ay nagpapahiwatig ng pagsasamantala, pang- aabuso at paggamit
ng namamahala ang kanilang kapangyarihan para sa immoral na Gawain.
Pinapahiwatig nito na hindi lahat ng mambabatas ay ginagawa ang
tamang tungkulin.

8. Bakit sinasabi ni Tata Selo na kinuha na ang lahat sa kanila? Ipaliwanag ito.

• Nasabi ni TataSelo na kinuha na ang lahat sa kanila dahil alam niya sa


sarili niya na hindi lang ang kaniyang lupa ang Nawala
kundi ang puri at dangal ng kaniyang anak dahil malamng ito ay
napagsamantalahan na ng alkalde.

Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon, ibuod ang kwento gamit ang angkop na graphic
organizer (halimbawa: story sequence, story ladder, story pyramid, at iba pa).

nabawi niya ang kaniyang lupaing kaniyang sinasakahan ng dati ay pag-aari niya pero naisanla kasi nagkasakit ang kanyang asawa. Sala
Sa bakuran ng Munisipyo, maraming tao ang nagsisiksikan at nagtut
Simula

Gitna

At dinala ulit si tata Selo sa istaked habang ang kaniyang anak ay nasa

Wakas
KABANATA V

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN

Aralin 1 – Isyung Pangkasarian

Mungkahing Gawain

1. Mag-interbyu ng isang miyembro ng komunidad ng LGBTQ. Alamin ang mga


karaniwang hirap at sakit na kanyang nararanasan.

• Ayon sa akin nakapanayam, ayong sa kaniya ang karaniwang hirap at


sakit na kanilang nararanasan ay ang diskrimiasyon. Karamihan sa
mga tao sa isang lugar ay hindi talaga tanggap ang LGBTQ sa isang
lipunan. Kaya napagdaanan nila ang diskriminasyon at hindi
matanggap sa lipunan ang kanilang kasarian.

2. Magsaliksik tungkol sa SOGIE Bill at iba pang mga kaugnay na babasahin mula
sa mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki- pakinabang na
sanggunian.

Pagkatapos, sumulat ng isang akademikong sanaysay gamit ang mga datos at


impormasyong iyong nakalap.

▪ Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga


panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng
diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender
identity or expression" (SOGIE bill) — bagay na proprotekta sa mga
lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp.

Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang


isang transwoman sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng
banyo ng babae kahit may anti-discrimination ordinance na umiiral sa
lungsod.
Aralin 2 – Akdang Pampanitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian: Babae ka

Pagtataya
Suriin ang akdang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri ang sumusunod na katanungan.

1. Paano inilarawan ang babae sa awit?


• Inilawan ang babae sa awit bilang isang mahina at gawaing bahay lamang ang
kayang gawin pero sa kasulukuyan ay pinapakita na ang babae ay may lebel
na kagaya ng lalaki nakaya din nila gawin ang mga kayang gawin ng isang
lalaki.
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang
at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

• Hindi ako sang ayon sa sinabi sa awit, ang mga babae ay may kakayanan
din na gawin kung ano kayang gawin ng isang lalaki kagaya na lamang ng
pamumuno sa isang bayan o grupo, pagpapatayo at pagpapatakbo ng
isang trabaho o Negosyo at kung basihan sa kasalukuyang panahon ay
madami na ang babaeng nakapagtapos sa mataas na antas ng
edukasyon.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban
ang kanyang karapatan at kalayaan.
• Kaya ng babae na ipagtanggol ang kaniyang Karapatan una una ay
karapatang pantao, karapatang makapag trabaho, karapatang
makapagaral at makapagtapos at huli ay karapatang makapagmuno sa
isa bayan o bansa.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
• Wag maliitin ang kakayanan ng mga babae dahil kaya din nila gawin o
higitan pa ang ginagawa ng mga lalaki.
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba
sa kasalukuyan ang gayong akala?

• Dati hindi nakikita ang halaga ng mga babae dahil hindi sili
pinapayagan na gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kalalakihan
at wala pang Karapatan ang mga babae dati para sa kanilang sariling
kagustuhan.

Mungkahing Gawain
1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.

Babae masipag
maganda

May halaga at gampanin


madiskarte

Aralin 3 – Akdang Pampanitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian: Ang Pagiging Bakla ay


Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
Pagtataya

Alamin Mo…

I. Isulat sa patlang ang TAMA kung tama ang diwa ng pangungusap. Kung mali, isulat
sa patlang ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang maging
tama ang diwa ng pangungusap.

likong kultura’t tradisyon 1. Ayon sa akdang “Ang Pagiging Bakla…,” ang


palad at paa ng bakla ay ipinako ng lipunan sa krus ng kalbaryo.

kasalanan 2. Ayon sa “Ang Pagiging Bakla…,” ang bulok na paniniwala


ay nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang biyaya.

tama 3. Ang Babae Ka at Babae ay inawit ng duo na may pangalang Inang Wika.

tama 4. Ang Tulang Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
ay Tungkol sa nararanasang pangungutya ng mga bakla.

tama 5. Sa Babae Ka, hinihikayat ng may-akda ang mga babaeng lumaban upang
lumaya.
II. Suriin ang tulang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri ang sumusunod
na katanungan.

1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

• Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay


sa krus ng kalbaryo dahil nga sa katayuan at kalagayan
nila ay Hindi maiiwasan Ang pangungutya, pang
mamaliit at pan didiri ng mga taong nakapalibot sa
kanila na para bang Wala Silang karapatan na
mabuhay ng may dignidad .Ganon Ang sinabi ng may
akda sa pamagat dahil Ang mga bakla ay may mabigat
na pinapasan kanilang na Dito Ang pang iinsulto at
panglalait sa kanila at Sabi nga sa tula na papasanin
mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa
kung saan-saaang lansangan.‘Di lagging sementado o
aspaltado ang daan,madalas ay mabato, maputik o
masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o
mangangahas na bumulalas ng pangungutya .dahil
karamihan Ngayon sa mga tao ay walang respeto sa
mga bakla at Sila ay kinasusuklaman ng iba.

2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
• Ang sinasabi sa tula na may iba't-ibang mukha ay ang mga
taong nakapalibot sa mga bakla. Sila ay Ang mga bata,
matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman
o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala, Ang ginagawa nila ay
Hindi Sila sumasang ayon sa isang bakla at Sila Ang
pinapasan ng bakla dahil sa kanilang mga masasakit na
salita ,pangungutya at panlalait. dahil Hindi maitatangi na
mabigat Ang pasanin ng mga bakla sa ating lipunan dahil
Minsan kahit kapamilya na nila ay hindi pa sila suportado
nito.

3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok


na paniniwala.
• Ang sinasabi sa tulang likong kultura't tradisyon at
bulok na paniniwala ay Ang hindi pantay na karapatan
ng mga bakla dahil sinasabi sa tula na ang pagiging
bakla ay isang kasalanan na nararapat na pagdusahan
sa krus ng
kalbaryo kahit pa ikaw’y magpumilit na
magpakamarangal .sinasabing bulok na paniniwala
dahil Hindi naman kasalanan Ang maging isang bakla
dahil sa tao lang din Sila na nagkakamali ,at yun Ang
tinitibok ng kanilang puso at Hindi natin ito
mababago ,likong kultura't tradisyon dahil sa ating
nakasanayan na sa mga bakla dahil karamihan sa ating
Pilipino ay hinuhusgahan agad ang mga bakla. at Hindi
natin naiisip Ang kanilang mga nararamdaman Kung
Sila ba ay ayos lang sa ating pinag-sasabi kaya't
Mahalaga sa kanila ang respetuhin Ang kanilang pag-
katao at iwasan Ang pangungutya sa kanila dahil tao
din Sila na marunong masaktan.
KABANATA VI
PANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG MGA PANGKAT
MINORYA

You might also like