You are on page 1of 12

MGA AKDANG

PAMPANITIKAN
1. NOBELA
 Ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga
kabanata.

 Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at


sumasakop sa mahabang panahon.

 Ginagalawan ito ng maraming tauhan.


2. MAIKLING KWENTO
 Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

 Ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari


sa kakintalan.

 Nag iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.


3. DULA
 Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo.

 Ito rin ay tinatanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw


ang kaisipan ng may-akda.
4. ALAMAT
Ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan.
Tinutukoy rito ang pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa mundo.
5. ANG PABULA
 Ito ay salaysayin hubad sa katotohanan ngunit ang layanin nito ay
gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos.

 Pabula ay isang maikling kuwento na nagmula noong unang


panahon kung saan ang mga tauhan ay hayop na nagsasalita. 
 
6. ANEKDOTA
 Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga
makiling salaysaying ito na ang tanging layunin ay
makapagbigay-aral sa mga mambabasa.

 Maaari ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata.


7. SANAYSAY
 Ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-akda tungkol
sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa
nito ay ang bahagi ng Editoryal sa isang pahayagan.

 Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng


pananaw ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga
elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-
araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang
tao.
8. TALAMBUHAY
 Ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaari ito’y pang-
iba o pansarili.

 Mula sa salitang Griyego na “AUTOS” na nangangahulugang sarili


at “BIOS” ay buhay na may literal na pagpapakahulugan na
pagsulat ng sariling karanasan sa mga mahahalagang pangyayari sa
buhay.
9. BALITA
 Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong
dagat.
10. TALUMPATI
 Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng
impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay
ng opinion o paniniwala.
11. PARABULA
 Ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang
layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig.

 Ito ay mga maikling kwento na karaniwang galing sa Bibliya.


Nagtuturo ito ng moral at relihiyosong aral na naglalarawan ng
katotohanan o tunay na nagyayari sa ating buhay.

You might also like