Professional Documents
Culture Documents
PANITIKANG
SINAUNA
(PANAHON NG ATING
MGA NINUNO)
Simula
n
NATIN!
I. Sanligang
Kasaysayan
1. ANG MGA NEGRITO
2. ANG MGA INDONES
3. ANG MGA MALAY
4. ANG MGA INTSIK
5. ANG MGA BUMBAY
6. ANG MGA ARABE AT
PERSIYANOS
NEGRITO
- Ang mga unang Negrito ay walang pirmihang tirahan.
- Kung saan may malalagong kagubatan na mapagkukunan ng
mga bungang-kahoy at iba pang pagkain ay naroon sila.
- Palipat-lipat sila ng tirahan. Hindi sila marunong
magbungkal ng lupa, si marunong magtanim at lalong di
marunong magluto. Kalasag nila sa paghahanap ng
ikabubuhay ang busog at pana.
INDONES
- Kauna-unahang nandayuhan sa kapuluan ang mga Indones,
higit na maunlad ang pamumuhay ng mga Indones.
- Kaiba sila sa mga dinantnang katutubo, sapagkat marunong
silang magbungkal ng lupa, magtanim at magluto ng kanilang
pagkain.
- Marunong silang magsaing sa tukil at may sariling
pamahalaan. Sila’y may dalawang pangkat:
MALAY
- Kasunod na nandayuhan ay ang mga Malay. Sila’y may
tatlong pangkat.
1. Ang unang pangkat ng mga Malay ay siyang nagging
ninuno ng mga Igorot, Bontoc at Tinguianes.
Sila’y pananampalatayang pagano at mag awiting
panrelihiyon.
INTSIK
Sumunod na nandayuhan sa Pilipinas ay ang mga Intsik.
Dalawang pangkat din ang mga Instik na nakarating sa
Pilipinas.
-Ang unang pangkat ay nagbuhat sa Fukien, Tsina na
tinawag na mga “Manggugusi”. May dala silang gusi na
may lamang mga abo ng kanilang mga ninuno at yaon ay
ibinabaon sa looban na kinatitirikan ng kanilang bahay na
tinitirhan.
BUMBAY
Sumunod na nandayuhan sa Pilipinas ay ang
mga Bumbay. Sila’y may dalawang pangkat.
Ang mga unang pangkat ay nanggagling sa
Borneo at may dalang pananampalatayang
Budismo. May dala rin silang mga epiko at
mahiya.
ARABE AT
PERSIYANO
Nandayuhan din sa Pilipinas ang mga Arabe at
Persiyano. Sila’y ilang panahon ding
nakipagkalakalan at nanirahan sa ating
kapuluan. Hatid nila ang impluwensiyang
pampanitikan gaya ng mga epiko, dula, alamat
at mga kuwentong bayan.
DALAWANG BAHAGI NG
MATANDANG PANITIKAN
1. Ang kapanahunan ng mga Alamat, na nagsisimula
sa lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi, ayon
sa kanyang maabot ng mga mananaliksik at
nagtapops sa paglipas ng ikalawang pandarayuhan sa
mga pulong ito ng mga Malay sa pali-libot ng taong
1300, A.D.
DALAWANG BAHAGI NG
MATANDANG PANITIKAN
2. Ang Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang
–Bayani, na nagsisimula sa pali-libot ng
taong 1300, A.D., at nagtatapos sa panahon
ng pananakop ni Legaspi noong 1565, A.D.
Ano ang
Alamat?
AnoAno
angang
Mito?
pinagkaiba ng
dalawa?
MGA ALAMAT AT
MITO
- Ang mga Alamat at Mito ay karaniwang sangkap ng sinaunang panitikan
ng alinmang lahi.
- Dala ng katapusan sa kaalamang maka-agham, ang mga phenomena o mga
pangyayari sa kalikasan ay binibigyan nila ng mga paliwang sa abot ng
kanilang malikhaing guni-guni.
- Naging kapani-paniwala sa kanila ang ganitong haka-haka – Lubaha pa’t
napatunayan ang pagkakahabi ng mga pangyayari – hanggang ang mga
alamat at mitong ito ay makapasok maging sa kanilang pananampalataya sa
lumikha.
HALIMBAWA:
1. Bakit Maliwanag ang Araw kaysa Buwan
(Kapampangan)
2. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya)
3. Ang Alamt nina Taor at Limimuut (Hilagang Sulawesi)
4. Ang Alamat ng Gunung Wayang (Kanlurang Java)
Karaniwan sa mga alamat na
nagpapasalin-salin sa bibig ng mga
mamamayan ay mapapansing may
himig kasaysayan ng pag-ibig, may
ibinibigay na aral at may
pagpapahalagang moral.
Kapansin-pansin din na ang karaniwan sa mga
alamat ay pumapaksa sa pinagmulan ng katawagan
sa mga pook tulad ng:
- Alamat ng Maynila
- Alamat ng Kanlaon
- Alamat ng Binangonan
- Alamat ng Angono
- Alamat ng Balintawak
At iba pa.
Kundi man pook ay pagsagot naman sa
tanong na bakit tulad ng:
- Bakit patayo matulog ang kabayo?
- Bakit higit na maliwanag ang araw kaysa sa
buwan?
- Bakit maluwang ang balat ng baka at bakit
masikip ang balat ng kalabaw?
Nagpapaliwanag din ng pinagmulan ng
mga bagay na tulad ng:
- Alamat ng Saging
- Alamat ng Pinya
- Alamat ng Bulkang Mayon
- Alamat ng Bulkang Pinatubo
- Alamat ng Niyog
At iba pa.
ANG MGA MITO
- Kabilang din ang mga mito sa panahon ng mga kiwentong
bayan.
- Ang mga ito;y ginagampanan ng mga diyus-diyosan.
- Ang mga alamat ng unang babae at unang lalaki ng mga
Tagalog na dili iba’t “Si Malakas at Si Maganda ay may pagka-
mito.
- May mito rin ang mga Ifugao:
Ano ang
Bulong?
MGA BULONG
- Bahagi pa rin ng panitikang katutubo ang mga bulong.
- Ito’y isang uri ng tradisyunal na dula.
- Naniniwala ang mga Pilipino sa mga bulong.
- Ginagamit nila ito sa panggagamot.
Ang iba naman ay sa paghingi ng pahintulot sa mga nuno sa
punso gaya ng:
“Habi-habi po lelong, lelang baka po kayo matakpan.”
MGA HALIMBAWA:
1. Daga, daga, heto na ang sira
kong ngipin, ibigay mo sa akin ang
bago at maganang ngipin.
2. Bikol Salin