You are on page 1of 3

MODYUL NG PAGKATUTO 1.

1
Pangkalahatang Ideya:
Sa modyul na ito matatalakay ang kahulugan, pinagmulan ng pelikulang Pilipino. At
matatalakay rin dito ang mga bumubuo sa isang mahusay na pelikula, at ang elemento
at sangkap ng isang pelikula.

Aralin 1: Pinagmulan ng Pelikulang Pilipino

I. Layunin:
a. Nakapaglalahad ng mga Pelikulang Pilipino
b. Nakapagpapahayag ng mga pansariling pananaw nnag malinaw
c. Nakapagbibigay kahulugan sa terminong Pelikula

II. Nilalaman ng Paksa

Huling Bahagi ng Panahong Kastila

Taong Enero 1, 1897 may tatlo na pelikulang pinamagatang:


Un Homme au Chapeau  o (Kalalakihang may Sumbrero) 
Une scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) 
La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon
de Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang nangangalang Antonio Ramos na
isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere sinematograph na may
30 pelikula mula sa kayang account sa isang bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga
bansang Pransiya Alemanya at sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.
Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere
para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa
Pilipinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta
de Quiapo o Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la
Callejeras o ang Sayawan sa kalye.
Marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula ang pumunta sa Pilipinas tulad ni Burton
Holmes na Ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong mga pelikula sa
Pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha ng ilang mga tanawin
sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng American Biography at
ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang pagkakahilig ng mga Pilipino
sa Sabong.

Panahon ng Amerikano
Noong 1900 Ang isang Ingles na nagngangalang Walgrah ang nagpalabas ng ilang mga
pelikula sa Pilipinas nagbukas siya ng sinehan na nagngangalang Cine Walgrah sa No.60.calle
Santa Rosa sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang negosyante
na si Samuel Rebarber, tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa No.80
calle Crespo sa Quiapo.
Noong 1903, ang isang Pilipinong na si Jose Jimenez ay nagtayo ng isang sinehang Gran
Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa tapat ng
Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon ang pelikula ay popular na sa
Pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng tunog
ng Piano at mga mang-aawit sa Manila Gran Opera House.
Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire Department,
si Albert Yearsly ay kumuha ng eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa Luneta noong 1909;
Noong 1910, Ang Manila Carnival noong 1911, Ang ilang mga kuha mula sa pag putok
ng Bulkang Mayon;Ang kuha mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng
Maynila niBud Mars At ang mga kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati
ang kuha mula sa pag-alis ng mga Igorot papunta sa Barcelona at ang pananalasa ng bagyo
sa Cebu ngunit ang mga pangunahing pelikulang ito ay hindi naging popular sa ating mga
Pilipino dahil sa ito para lamang sa kaalaman ng mga dayuhan,
Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pagpapahalaga sa pelikula dahil ito ay isang
magandang gamit sa pag hahatid ng Komunikasyon, impormasyon at pang aliw, kaya noong
1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang Laboratoryo ng
Pelikula sa Tulong ng Pathe, at ng isang Photographer na si Charles Martin, mula
sa Pransiya at nagsanay ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula, at nang matapos
magsanay ng mga tinuruan ay nagsimula na silang bumuo ng pelikula.
At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan
na Chronophone, ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at
kumuha ng magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng Pagsanjan noong 1911 ng
Kinemakolor, At noong 1912, ang isang kumpany sa sa Hollywood ay gumawa ng isa ng
pelikula na ang pamagat ay La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang
Bayani, at dito nagsimula ang pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.
Noong 1914 ang Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag hahatid sa
Edukasyon at Propaganda, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay
pansamantalang itinigil ito.

Unang Pelikulang Pilipino


Ang kauna- unang Nagawang Pelikulang ginawa ng Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa
direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 base sa Zarzuela na isang higly-acclaimed
MeloDrama ni  Hermogenes Ilagan  at ni  Leon Ignacio  Ang mga unang taga-gawa ng pelikula ay
gumagaya sa mga sa Hollywood kung hindi man ay sa mga aklat.
Noong 1929, ang Syncopation, na isang kauna-unahang pelikulang may tunog ay ipinalabas
sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na
tunog sa mga lokal na produser ng pelikula at noong Disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang
tagalog na Pelikula na pinamagatang Ang Aswang, na isa ng pelikula na may tema ng
katatakutan base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang nakakatanda sa pelikulang ito ay hind
talaga ito purong may tunog, at ang Punyal na Ginto ay naipinalabas noong Marso 9,1933 sa
Lyric Theater,
Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ang tumulong sa pag papaunlad pa ng
industriya ng pelikula ang mga Tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pag
pili ng tema ng pelikula, karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa
mga mananakop, tulad ng Patria Amore; Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na
mayroong elemento ng propagandang Anti-spanish .
Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas ay gumawa rin ng mga ilang
pelikula tulad ng Magkaisang Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939 sa ilalim
ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng Pananakop ng
Hapones
Noong panahon ng mga Hapones, Ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang tumigil. Ang
mga Hapon ay nagdala ng kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito naging popular sa
mga Pilipinong manonood, Ang mga Propaganda laban sa mga Hapon Ang ginagawa ng mga
iilang mga drektor kasama si Geraldo de Leon na tungkol sa relasyon ng Hapon sa Pilipinas
Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na sa direksiyon ni Abe Yukata at
Geraldo de Leon. At sa mga panahong iyon, ang Komedya nila Pugo at Togo, ay naging
popular sa mga panahong iyon na ang tema ay tungkol sa pananakop ng Bansang Hapon sa
Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil si Togo ay katunog ng Tojo na isang
Punong Ministro sa Bansang Hapon noong dekada 40.
Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa
entablado lalo sa maynila Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.

Dekada 50
Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang mga tao ay
gusting gusto na makapanood ng mga pelikulang karamihan sa tema ay propaganda, tulad
ng Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang Kamatayan at Gerilya na isang uri ng
naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng ng mga sundalo noong panahon ng
digmaan.
Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas batay sa mga buhay ng Pilipino tulad
ng tungkol sa mga napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa
panahong ito ay naging popular rin ang komedya at drama.

III. Sanggunian:
www.freewebs.comwww.ricojr.wordpress.comwww.kabayancentral.comFilms
www.josephscalice.comwww.addu.edu.phwww.gmarecords.com.phwww.vilmasantos1.trip
od

IV: Pagsasanay ( Ilagay ang kasagutan sa long coupon, isulat ang pangalan, taon at kurso, at petsa.

Gawain 1: Ano ano ang iyong obserbasyon tungkol sa paksa at teknikal na aspekto ng ating mga
pelikula?

Gawain 2: Masasabi mo ba na ang mga pelikulang Pilipino sa dekadang ito ay higit nang mahusay
kaysa sa mga pelikula noon? Bakit?

Gawain 3: Patunayan na ang ilang pelikulang Pilipino ay maituturing na world class. Magbigay ng


halimbawa.

Margin: 1 in
Saint Columban’s College
SY 2020-2020

Pangalan: Taon at Kurso:


Petsa:
Pagsasanay Blg. 1 Margin: 1 in
Margin: 1.5 in

Margin: 1 in

You might also like