You are on page 1of 3

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamagat ng Kurso : Dalumat sa Filipino


Pangalan : Timario, Elnalyn E.
Pangkat : BSED Filipino 2-A
Talatakdaan : Abril 13, 2021
Pangalan ng Fakulti : Dr. Rico C. Tarectecan

Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

Gawain 1:
PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

WIKA 1. Ito ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.


BALBAL 2. Itinuturing itong pinakamababang antas ng wika.
PAMPANITIKAN3. Karaniwang ang antas na ito ang ginagamit ng mga manunulat,
dalubhasa at mananaliksik.
PERSUWEYSIB 4. Nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala.
PERPORMATIB 5. Hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang isang tao upang isagawa ang
isang bagay.

Gawain 2:
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pahayag at M naman kung mali ang
isinasaad ng pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

M 1. Impormatib ang gamit ng wika kung nagagawa nitong makapagpahayag ng


saloobin.
T 2. Persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang
paniniwala.
M 3. Bawat isa sa atin ay di kailangang makipagkomyunikeyt upang maptatag ang
relasyong sosyal.
T 4. Gamit ang wika nagagawa ng tao na mapaunladang kanyang sarili.
T 5. Bawat tao sa daigdig ay may wikang ginagamit.
Gawain 3:
PANUTO: Itala ang mga hinihingi sa bawat katanungan.

Ito ay Instrumento ng Komunikasyon, hindi na mahalaga ang mataas


na kaalaman ng wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang
wika.

KAHALAGAHAN Ito ay Nagbubuklod ng Bansa, dahil wika ang naging dahilan kung
bakit nagka-isa ang mga tao, umunlad na nakamit/makamit ang
NG WIKA kalayaan.

Ito ay Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip, ito ay nagpapalawak n


gating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika.

ANTAS NG
WIKA
PAMBANSA KOLOKYAL
PAMAPANITIKAN

LALAWIGANIN BALBAL

Pagtataya/ Awtput:

Panuto: Sumulat ng isang replektibong pagpapaliwanag batay sa natutuhan sa araw na ito.

1. Pumili ng isa sa mga kahalagahan ng wika. Talakayin ito sa paraan ng pagsulat. Magbigay ng
iba pang halimbawa.
Wika ang instrumento tungo sa pagkakaisa, bakit nga ba ? Nang dahil sa wika ang
bawat isa ay nagkakaisa, kung ang isang bansa ay may sariling wika, ang bawat tao na
naroroon ay nagkakaintindihan, sa kanilang pagkakaintindihan nagkakaroon ng mga
hakbang upang mapagbuklod ang mga tao at maging produktibo ang bansa.

Halimbawa na lamang sa panahon ng mga hapon. Sa mga panahon na ito na ang


mga hapon ay hindi pinapayagan na gumamit ng wikang Ingles upang  (na kasalukuyan na
may hidwaan sa pagitan ng hapon at amerika) kung kaya't napilitan ang mga pilipino
noon na gamitin ang wikang Filipino na kung dati-rati ay sa wikang ingles ang
nakasanayan ng karamihan ng mga manunulat noon. Sa madaling salita, hindi naging
hadlang na iparating ng mga Pilipino noon ang kanilang mga gustong iparating lalo na
sinuportahan ito ng husto upang mabura ang mga bakas ng Kanluran. Kaya nga
yumabong dito ang mga akdang maikling kwento at tulang tagalog na kahawig sa haiku ng
mga hapon.

2. Subukang makipag-ugnayan sa iyong kamag-aral sa loob ng labinlimang minuto (15) via


google meet nang hindi gumagamit ng wikang pasalita o pasulat. Talakayin ang mga naging
karansan ninyo sa gawing ito.

*Base sa aking obserbasyon, walang pagkakaunawaan ang naganap sa aming


pagkikita via googlemeet, sapagkat hindi kami nagsalita at nagsulat ng mga nais naming
sabihin sa isa’t-isa. At kahit gesture ay hindi naming naunawaan.

3. Punan ang sumusunod na talahayan ng iba pang salitang mababanghay sa iba’t ibang antas

PORMAL IMPORMAL
PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL
1. Kapatid Kapusod igsoon Bro/Sis Tol/utol
2. Malaki Ga-higante dako laki daks
3.Kasambaha Katuwang Katabang/katulong yaya longkatuts
y
4. pera salapi atik pera datung
5. ina/mama Ilaw ng tahanan Inang/nanay Nay ermats
6. ama/papa Haligi ng Itang/tatay tay erpats
tahanan
7. pulis Alagad ng batas Pulisya pulis parak
8. hindi alam aywan ambot ewan idk
9. gutom Walang laman gigutom gutom tomguds
ang tiyan
10. umiiyak Mababaw ang naghilak iyak emotera
luha

You might also like