You are on page 1of 4

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamagat ng Kurso : Dalumat sa Filipino


Pangkat : BSED-Filipino 2a
Talatakdaan : Marso 31, 2021
Pangalan ng Fakulti: Dr. Rico Tarectecan
Pangalan ng mag-aaral:Timario, Elnalyn E.

Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1:
Hanapin sa Hanay B ang katumbay ng Hanay A kaugnay sa salita/parirala. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

A B
E 1. Wika a. Pinaggaganapan ng ponemang katining
K 2. Ponolohiya b. Paraan ng Pagpapalabas ng hangin
A 3.Punto ng Artikulasyon c. Tagalaog
I 4. Sintaksis d. Filipino
C 5. Wikang Pambansa ng Pilipinas e. Instrumento ng Komunikasyon
J 6. Morpema f. Ponema
L 7. Pumapalag na Bagay g. Morpema
B 8. Paraan ng Artikulasyon h. Diskurso
F 9. Makahulugang Tunog i. Pag-aaraln ng mga pangungusap
H 10. Makahulugang palitan ng pangungusap j. maliliit na Yunit ng Salita
k. Pag-aaral ng mga tunog
l. Artikulador

Gawain 2:
Bilugan ang titik ng angkop na salita /parirala na makabubuo sa diwa ng mga sumusunod na pahayag.

11. Ang mga makahulugang yunit ng isang salita katulad ng panlapi at salitang -ugat ay tinatawag na
_____
a. ponema b. morpema c. pangungusap d. diskurso

12. Ang pag-aaral ng mga makahulugang tunog ng isang wika ay tinatawag na_________
a. ponolohiya b. morpolohiya c. sintaksis d. balarila

13. ayon kay Gleason, ang wika ay _______ upang maging mabisa ang paggamit nito.
a. pinipili b. isinasaayos c. pinipili o isinasaayos d. pinipili at isinasaayos

14. bawat nilalang ay may kanya-kanya at iba-ibang katangian, kakayahan at kaalaman sa paggamit ng
wika dahil ang wika ay _____.
a. masistema b. balangkas c. arbitraryo d. nagbabago

15. Upang manatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito’y patuloy na_____.
a. sinasaliksik b. isinasaaklat c. ginagamit d. itinuturo
16. Ang pagkakaiba ng katangian ng mga wika ay bunga ng pagkakaiba-iba ng mga bansa at pangkat.
a. panitikan b. kultura c. lahi d. edukasyon

17. Ang pagkawala ng ilang salita o bukabularyo at ang pagdaragdag ng mga bagong salita sa isang wika
ay mga patunay na ang wika ay_____.
a. nakabatay sa kultura c. masistemang balangkas
b. sinasalitang tunog d. nagbabago o dinamiko

18. lumalawak ang kahulugan ng mga bokabularyo ng isang wika kapag______


a. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong salita
b. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong kahulugan
c. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong kahulugan
d. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong paraan ng pagbigkas

19. ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin o kaisipan; kung gayon, ang wika ay
instrumento ng ____.
a. pagtuturo b. kabuhayan c. komunikasyon d. pag-aaral

20. maraming kaalaman ang naisalin sa ibang lahi at saling -lahi dahil ang wika ay ____ ng kaalaman.
a. tumutuklas at nagpapaunlad c. nag-iingat at nagpapalaganap
b. nababawasan at nadaraghdagan d. lumilinang ng malikhaing pag-iisip

Gawain 1:
Panuto: Magtala ng mga salitang Filipino gaya ng mga sumusunod na tanong:

A. Salitang hindi na uumiral B. Salitang Hindi na o bihira C. Mga Salitang may bagong
noon. nang gamitin ngayon. nang kahulugan ngayon.
Petmalu dalubhasa Noon: Bato - literal na bato sa
mga lupa
Ngayon: Bato - Shabu o
ipinagbabawal na gamot
Werpa Kubyertos Noon: Dinatnan - Nasaksihan o
napuntahan
Ngayon: Dinatnan - Nagkaroon
o mayroon ng regla
Lodi iniirog Noon: Nganga - Nakabukas ang
bibig
Ngayon: Nganga - Walang
magawa/nagawa
Pudra danyos Noon: Kasambahay - kasama sa
bahay
Ngayon: Kasambahay - katulong
Mudra karsunsilyo Noon: Konyo - salitang
eupemismo ng mga Kastila sa ari
ng babae
Ngayon: Konyo - ang tawag sa
mga taong inaartehan ang pagta-
Taglish
Charot abuhan Noon: Lagay - literal na
pagpatong o paglagay ng isang
bagay
Ngayon: Lagay - Perang iniaabot
na kalimitang iligal o isang uri ng
bribery
Eme silid Noon: Lobat o Low-Bat - kapag
walang nang karga ang baterya
ng gadget
Ngayon: Lobat o Low-Bat -
pagod o wala ng energy

Pagtataya/ Awtput

Panuto A : Magtala ng 10 salitang Filipino na walang katumbas sa wikang Ingles. Magtala rin ng mga
salitang Ingles na walang katumbas sa Filipino.

Salitang Filipino Katumbas sa Wikang Salitang Ingles Katumbas sa Wikang


Ingles Filipino
1. usog Sick computer kompyuter
2. tampo Mad/pissed refrigirator pridyider
3. basta Enough already mouse daga
4. gigil Squeezing/pinch speaker spiker
5. pagpag Dust off bag bayong
6. pasma Numbness/abdominal link Ikabit
pain
7. lihi Pregnancy sickness calculator Kalkulador
8. pitik Flip/snap keyboard tipahan
9. karton box basket basket
10. bitin Not enough tiles tayls

Panuto B: Gumawa ng isang replektibong pag-uulat kaugnay sa pinag-aaralan natin ngayon. Pumili ng
isang katangian ng wika at Talakayin.

Katangian: ANG WIKA AY NAGBABAGO

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga ninuno.
Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkaka unawaan at tulay sa magandang ugnayan
natin sa isa’t-isa. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas at matatag na Pilipino, ang ating sariling
wika ay regalong dapat natin pakaingatan para na rin sa mga susunod pang mga henerasyon. Ugaliin natin
itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo pumunta. Lagi nating pakatandaan na ang wika ang
sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.

Ayon sa modyul na ito ang wika ay nagbabago, at ako ay sang-ayon doon, sapagkat alam ko na may mga
bagay talagang kailangan baguhin upang umunlad tayo, kailangan natin sumunod sa napapanahon upang
hindi tayo maiwan o mapagiwanan ng panahon. At alam natin na ang pagbabago ay kailanman hindi natin
maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot ng positibong resulta. Mapapansin natin sa ating
kapaligaran na bawat araw ay napakaraming mga pagbabagong nagaganap maging sa ating mga sarili
mayroong mga pagbabagong nangyayari.
Ang pagbabago ay hindi masamang bagay marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang resulta ngunit
kadalasan naman ay maganda ang kinalalabasan.Kagaya ng ating sariling wika and wikang Filipino ito ay
sinasabing wikang mapagbago na kung saan maraming mga magagandang naidudulot sa bawat isa sa atin
kagaya na lamang ng mas nauunawaan natin ang ating mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti
ang ating mga nararamdaman at gustong sabihin sa ating kapwa.

Laging natin ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay at huwag itong abusuhin. Dahilan na
rin ng mabilis na paglipas ng panahon marami ng mga pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya
ng mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa wikang Ingles. Ang wika ay isa sa
napakahalagang aspeto upang maging maunlad ang isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating
pagkakakilanlan. Gamitin ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa sa ating mga Pilipino.

You might also like