You are on page 1of 33

ARALIN 4

SULYAP-DIWA
Sinasabing bahagi na ng buhay ng bawat nilalang
ang suliranin o problema.

Bawat suliranin ng tao ay may katugunan ó


kasagutan.
Tulad ng tao, ang bawat pananaliksik ay may taglay
ding suliranin. Ito ang maituturing na pinakasentro ng
isang pananaliksik sapagkat dito nakatuon ang lahat ng
prosesong kinapapalooban ng gawaing ito.
(E. De Leon)

Ang mga suliraning inilalahad sa isang pag-aaral


ay inaaasahang mabibigyan ng katugunan sa dulo
nito na siyang tatangkain ng bawat mananaliksik
gamit ang iba't ibang paraan at instrumento.
Ang Suliranin

Ang buong paligid ay puno ng suliranin (Espiritu,


2006). May mga suliraning madaling malutas subalit
ang ibang suliranin ay masalimuot at
nangangailangan ng plano at mga hakbang na
kinasasangkutan ng lugar at tao. Kinakailangang ang
suliranin ay makaakit sa interes ng mananaliksik.
Mga Katangian ng isang
Mahusay na Suliranin (Espiritu,
2006)

D. Ito ay dapat na nagtataglay


A. Mahalaga na may interes dito. ng bagong kaisipan

B. Kailangan ay may kapaki-


pakinabang na halaga ito sa E. Kailangang saklaw nito ang
mananaliksik, sa kanyang paaralan, o karanasan ng mananaliksik.
komunidad.

F. Dapat na matapos ito sa loob


C. Dapat ay hindi pa ito ng panahong itinakda.
lubhang nasasaliksik.

G. Dapat na maging libre ito sa


legal o moral na balakid.
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagpili ng Suliranin o Paksa (De
Leon, 2014)

1. Ito ba ay naaayon sa iyong


kaalaman o larangan? 2. Ito ba ay naaayon sa iyong
interes?

3. Ito ba ay naaayon sa
iyong resorses?
Paano Isinuslat ang
pamagat?
• A. Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral.

• B. Ito ang batayan ng buong pag-aaral.

• C. Maaangkin na ang pag-aaral ay talagang sa


mananaliksik.

• D. Ito ay makatutulong sa ibang mananaliksik na


sumangguni sa naunang ginawang pag-aaral habang sila
mismo ay nagsasarbey ng ilang teorya.
Ang Pamagat

Ang pamagat ay dapat na nasusulat nang maliwanag at


tiyak. Mas mabuti kung ang mga baryabol na kasama sa
pag-aaral ay nakasulat at kasama rin sa pamagat. Ginagawa
nitong mas tiyak ang pamagat.
1 . Paunang Pamagat: Isang Pag-aaral Tungkol sa mga
Damdamin ng mga Biktima ng Pambubuska

Nirebisa: Damdamin, Pagtingin sa Sarili at Karanasan


ng mga Mag-aaral na Biktima ngPambubuska sa
Mababang Paaralan ng Maligaya
Paano binubuo ang
pangkalahatang layunin?

Ang layunin ng pag-aaral ay maaaring ilahad sa anyong


pangungusap na nagpapahayag ng layunin o yaong anyong
patanong na nanghihingi ng kasagutan.
Madalas ang nagiging pormat ng karamihang pananaliksik
(bagaman hindi palagi), lalo na sa mga pag-aaral na
kwantiteytib ay ang sumusunod:

• Pangunahing layunin (tunguhin ng pag-aaral na sumasalamin sa


pamagat)
• Tiyak na layunin (sa anyong patanong o palahad)
• Tanong 1: Propayl (kung kinakailangan)
• Tanong 2: Unang Baryabol
• Tanong 3: Ikalawang Baryabol
• Tanong 4: Pagkakaiba ng kinalabasan mula sa pangkat ng mga
respondent
• Tanong 5: Pagkakaugnay ng mga baryabol
• Tanong 6: Iba pang baryabol (kung kinakailangan)
• Tanong 7: Awtput (kung kinakailangan)
Bilang pagtitiyak, hinangad ng pag-aaral na ito na masagot ang mga
Hal. Kakayahang Komunikatibo sa Filipino sumusunod na katanungang pampananaliksik. 1. Ano ang propayl ng
mga respondent batay sa kanilang: (Baryabol 1: propayl (makapag-
ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng iisa) 1.1 Gulang; 1.2 Kasarian; 1.3 Antas ng pamumuhay; 1.4
Dalubhasaang Olivarez: Batayan sa Eksposyur sa midya; 1.5 Antas ng pag-aaral ng magulang? 2. Ano
ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga respondent ayon sa
Paglinang ng mga Lunsarang Pandiskurso saklaw na: (Baryabol 2: Di-malaya) 2.1 Pagbasa; 2.2 Pagsulat; 2.3
Pangkalahatang Layunin Nilayon ng pag- Pagsasalita; at 2.4 Pakikinig? 3. May kinalaman ba ang antas ng
aaral na ito na mataya ang kakayahang komunikasyon ng mga respondent sa kanilang propayl? (haypotesis
hinggil sa kaugnayan) 4. May pagkakaiba ba sa antas ng kakayahang
komunikatibo sa Filipino ng mga mag-aaral komunikatibo ang mga respondent ayon sa kanilang pangkat na
sa unang taon ng Dalubhasaang Olivarez kinabibilangan? (haypotesis hinggil sa pagkakaiba) 5. Anu-ano ang
mga salik na may kinalaman sa kakayahang komunikatibo na
bilang batayan sa paglinang ng mga pinaniniwalaan ng mga respondent? (Baryabol 3: Karagdagang
lunsarang pandiskurso. (De Leon, 2014) baryabol) 6. Anu-ano ang mga naging sagabal o hadlang sa
pagtatamo ng kakayahang komunikatibo na naranasan ng mga
respondent? (Baryabol 3: Karagdagang baryabol)
Samantala, kadalasan naman sa mga pananaliksik na
kwaliteytib ang nagiging pormat (bagaman hindi palagi) ay
ang sumusunod:

Pangunahing tanong (Central question): Pansuportang/kaugnay na tanong


(Corollary questions)
1. Paglalarawan ng buhay at karanasan ng sabjekt
2. Mga pansuhay na tema (themes)
3. Paghango ng repleksyon at implikasyon
Halimbawa 2: Ang Karanasan ng mga Taong Naipit sa Labanan ng mga Rebelde at
Sundalo sa Mindanao (Kwaliteytib) Pangunahing layunin Tinangka ng pag-aaral
na ito na mailarawan ang karanasan ng mga taong naipit sa labanan ng mga
rebelde at sundalo sa Mindanao. Tiyak na layunin (Corollary Questions) Bilang
pagtitiyak, inasam sa pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Paano inilarawan ng mga kapwa mananaliksik (co-researchers) ang kanilang
karanasan habang patuloy na naglalabanan ang mga rebelde at sundalo sa kanilang
lugar? 2. Anu-anong tema (themes) ang maaaring mahango mula sa inilahad na
karanasan ng mga kapwa mananaliksik? 3. Anong repleksyon ang maaaring
mabuo batay sa mga nahangong tema mula sa inilarawang karanasan ng mga
kapwa mananaliksik? ang maaaring idulot ng mga naging karanasang ito sa 4.
Anong implikasyon kanilang sarili, maging sa ibang tao at sa lipunang kanilang
ginagalawan sa kabuuan?
ARALIN 5
SULYAP-DIWA
Sa bawat gawain natin dito sa daigdig ay sinasabing
palaging sa atin ay may gumagabay, nagbibigay liwanag
at kung magkaminsan ay nagsisilbing pundasyon o
haligi ng ating kalakasan at kahinaan.
E. De Leon

Tulad ng pananaliksik, may taglay itong konseptwal na balangkas na


naglalayong maging gabay, ilaw-tanglaw, haligi at pundasyon ng
buong pag-aaral. Ito ay nagpapatibay sa mga konseptong inilatag ng
mananaliksik at nagsisilbing batayan at saligan ng kabuuan ng pag-
aaral tungo sa inaasahang bunga o resulta ng nasabing pag-aaral.
Konseptwal na
Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ay kumakatawan sa


paglalahat ng isang mananaliksik ng kanyang
literatura at kung paano ipaliliwanag ang isang
kaganapan.
Regoniel (2015)

Ito ay gabay sa direksyon ng mga kilos na kailangan


sa pagtataguyod ng isang pag-aaral mula sa mga
konsepto at pananaw sa mga naunang kaugnay na
pag-aaral maging ang kanilang pagmamasid sa paksa
o suliraning pampananaliksik.
Ayon kay
McGaghie, et.al
(2001)

Ang konseptwal na balangkas ay naglalahad ng tiyak


na mga katanungang pampananaliksik na siyang
pangunahing lunsaran na nagsisilbi ring suliranin o
layunin ng pag-aaral.
Mga Hakbang na Makatutulong sa Pagbuo ng
Disenyo ng Konseptwal na Balangkas
Bago pa man simulan ang pagdisenyo ng
konseptwal na balangkas, kinakailangang
bigyang-diin at ikonsidera ang mga sumusunod
na patuntunan:
1. Pumili ng nais na paksa. Pag-isipang
3. Ihiwalay ang mahahalagang baryabol. Tukuyin
mabuti ang paksang gagawan ng isang pag-
ang mga tiyak na baryabol na inilahad at
aaral. Tiyaking ito ay naaayon sa kaalaman,
inilarawan sa mga literatura at datos, gayundin
interes at antas ng pinag-aralan/pinag-
ang pagkakaugnay ng mga ito.
aaralan ng mananaliksik.
4. Bumuo ng konseptwal na balangkas, Gumawa
ng konseptwal na balangkas gamit ang mga
2. Magsagawa ng pagtuon sa ilang literatura
pinag-ugnay na baryabol mula sa syentipikong
hinggil sa nais pag-aralan. Magsaliksik at
artikulo na binasa. Ang inilahad na suliranin ang
mag- analisa ng mga kaugnay at
nagsisilbing sanggunian sa pagbuo ng
napapanahong pag-aaral ng paksa/araling
konseptwal na balangkas.
nais imbestigahan.
Mga Tungkulin ng
Teorya (Teoretikal na
Balangkas)
1. Tinutukoy ang simula para sa suliraning sinasaliksik sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga puwang (gaps), mahihinang puntos, at mga inkonsistensi sa
pag-aaral ng balangkas na konseptwal o teoretikal para mabigyang katwiran ang
pangangailangan sa imbestigasyon.

2. Pinagsasama-sama nito ang lahat ng konstrakt o mga konsepto na kaugnay sa


paksa para sa imbestigasyon. Ang teorya ay nagbibigay-daan sa mga tiyak na
katanungan para sa imbestigasyon.

3. Ipinakikita ang relasyon ng mga baryabol na naimbestigahan na. Ang


prosesong ito ay nagbibigay-daan upang makita ang paksang kaugnay ng resulta
na dati nang nailahad.
Ang Saklaw at
Limitasyon ng Pag-aaral

Sa isang pananaliksik, ang saklaw at limitasyon ay tumutukoy sa


parametro o saklaw ng pag-aaral na makaiiwas sa mga mananaliksik
na matunton ang ibang anggulo ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa
laang panahon at kakapusan ng badyet. Sapagkat nararapat na
matapos o mabuo ang isang pag-aaral sa loob ng nailaang panahon
para rito, kaya naman, makabubuting isaalang-alang ang lawak at
limitasyon ng isang pag-aaral.
Ang lawak ng pag-aaral ang nagtatakda kung saan
at kailan isasagawa ang pag-aaral at kung sino
ang mga kalahok sa naturang pag-aaral.
Ang limitasyon naman ay isang bahagi o aspeto
ng imbestigasyon na maaaring makaapekto nang
sobra sa resulta subalit walang kontrol.
Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang
sa pagsulat ng saklaw at limitasyon ng pag- aaral
at ang kinabibilangan nito.
4. Ang populasyon na kung saan hahanguin ang
1. Isang maikling pahayag ng sampol na kakatawan sa mga respondent ng pag-
pangkalahatang layunin ng pag-aaral. aaral na panggagalingan ng datos at
impormasyon. Nararapat na may sapat na bilang
2. Ang paksa at suliranin ng pag-aaral. o kalakihan ang sampol upang maging
makabuluhan at relayabol ang paglalahat ng
3. Ang lugar kung saan magsasagawa ng resulta.
pag-aaral o kung saan manggagaling ang
mga respondent o informant. 5. Ang panahong inilaan sa pagbuo ng naturang
pag-aaral. Ito ay ang oras, petsa, buwan, o taong
gugugulin sa pagkalap ng datos o impormasyon
at pagtatapos ng kabuuang pag- aaral
Kahalagahan ng Pag-
aaral

Ang bahaging ito ay tumutukoy sa kapakinabangan ng isang pag-


aaral sa isang indibidwal, pangkat, samahan o pamayanan.
Nagbibigay diin ito sa malinaw na paglalahad at pagpapatunay ng
kabuluhan ng naturang pag-aaral bilang isang gawaing kapaki-
pakinabang.
Pagbibigay Kahulugan sa
mga Termino

Ito ay paghawan ng mga termino o teknikal na salita o mga baryabol


na maaaring sa pag-unawa makasagabal sa buong pag-aaral o
pagbibigay linaw kung paano ginamit ang mga sa kabuuan ng
pananaliksik.
Mga Mungkahi sa Pagbibigay Kahulugan sa
mga Termino (Locke, atbp., 2007)
1. Bigyang kahulugan ang mga termino sa unang 3. Ang pagpapakahulugan sa mga termino ay
beses na pagbanggit dito sa inihandang hindi dapat sa antas na wikang pang-araw araw,
mungkahi o proposal. Ang isang termino ay bagkus ay gumamit ng wikang matatagpuan sa
nangangailangan ng kahulugan upang literatura ng pananaliksik. 4. Ang mga
matulungan ang mga mambabasa na maunawaan mananaliksik ay maaaring magpakahulugan sa
ang suliraning pampananaliksik at tanong o mga termino upang matamo nila ang kanilang
haypotesis ng naturang pag-aaral. 2. Isulat ang iba't ibang layunin. 5. Bagamat walang iisang
kahulugan at ayon sa antas ng pagkakagamit sa pormat para sa pagpapakahulugan sa mga
pag-aaral. At ito ay isinusulat sa tiyak na wika termino, kaya naman nararapat na magkaroon ng
kaysa sa isang abstrak at konseptwal na hiwalay na bahagi para sa "Kahulugan ng mga
pagpapakahulugan. Termino".
Mga Uri ng Kahulugan o
Depinisyon

1. Konseptwal na Depinisyon. Tinatawag din itong konstityutib. Ito


ay ang pagpapakahulugan sa isang termino na mula sa diskyunaryo.

2. Operasyunal na Depinisyon. Tinatawag din itong panksyunal na


depinisyon. Ito ay ang pagpapakahulugan ayon sa kung paano ito
ginamit sa buong pag-aaral. Ayon kay Espiritu (2006), ang depinisyon
ang siyang nag-oopereyt o nagpapagalaw sa isang imbestigasyon.

You might also like