You are on page 1of 7

DAILY LESSON PLAN

GRADE LEARNING QUARTER: DATE:


LEVEL: AREA: THIRD FEBRUARY 26,2024
GRADE 8 FILIPINO 8 QUARTER
Teacher: ERICA O. MORA

I. Mga Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag- unawa sa panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag- aaral ay nkabubuo ng kampanya sa panlipunang
Pagganap kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign )
C. Kompetensi Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa(F8PB-IIIe-f-
32
Layunin
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
 Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa
 Napapahalagahan ang malalim na emosyonal na koneksyon
sa ideya at konsepto ng isang akda;
 Nakakasulat ng isang epektibong sanaysay na may tiyak na
paksa ,layon at tono

II. Paksang-Aralin Paghihinuha sa Paksa, layon at tono


III. Kagamitang
Pampagtuturo
A. Sanggunian
1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang ng PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO Filipino 8, Kwarter 3,
mga Mag-aaral Ikaapat na Linggo

3. Pahina
B. Iba Pang Laptop, hand-outs, visual Aids
Kagamitan
IV. Pamamaraan
Pagbabalik Aral Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang paksa.

“Sino ang nakaka-alala sa paksang ating tinakalay noong nakaraang


linggo?”
A. Aktiviti/Gawain Activity/Gawain:Decode Me!

Tukuyin ang isinasaad na salita base sa mga larawang


ipapakita.Gamitin ang chart bilang gabay.

1.PAKSA

2.GALIT

3.SAYA

4.LUNGKOT

5.IMPORMASYON

Gawain 2
Pamilyar ka ba sa nasa larawan ?Ano sa palagay mo ang dahilan
kung bakit ito pinapanood ng tao ?Punan ng angkop na kasagutan
ang mga patlang .Sagutan sa sagutang papel.

Ang mga pelikulang ito ay tungkol sa ___________________ at


___________________.Ito ay pinapanood ng mga tao dahil nais nitong
mgbigay nang _________________.Kinapapalooban ito ng mga damdamin
ng pagka__________________ at _____________________________.
Magtatanong ang guro base sa ginawang gawain.
B. Pagsusuri/Analysis
“Base sa ginawa nating gawain ,ano sa tingin ninyo ang ating paksa
ngayong araw?”

Pagkatapos ay magbibigay ang guro ng mga karampatang tuntunin


at layunin sa oras ng talakayan.

Tuntunin:
1.Itaas ang kanang kamay kung nais sumagot.
2. Huwag magsasalita o mag-ingay ,kung nagsasalita ang
guro,maliban na lamang kung ikaw ay tatanungin.
3. Bawat partisipasyon ay may katumbas na puntos.
Layunin:
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
 Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa;
 Napapahalagahan ang malalim na emosyonal na koneksyon
sa ideya at konsepto ng isang akda;
 Nakakasulat ng isang epektibong sanaysay na may tiyak na
paksa ,layon at tono

C.Abstraksyon Paghihinuha ng Paksa,layon at tono


(Pamamaraan ng
Pagtalakay) Paghihinuha-ito ay proseso ng pagkuha ng kaisipan ng binabasa
batay sa mga ebidensya o mga impliskasyong ipinapakita sa isang
kwento, pangyayari or akda.

Paksa- ang binibigyang toon sa akda.Tinatalakay nito ang mga


pangugusap na bumubuo sa akda.
Halimbawa: Ang paksang tinatalakay nito ay Covid19.

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus SARS-CoV-2.


Inaapektuhan nito ang iyong baga, daanan ng hangin at iba pang
mga bahagi ng katawan.

Ang mga coronavirus ay mula sa isang malaking grupo ng mga virus


na nagsasanhi ng mga karamdaman. Kabilang dito ang karaniwang
sipon, severe acute respiratory syndrome (SARS) at ang Middle East
respiratory syndrome (MERS).

Ang SARS-CoV-2 ay unang natuklasan sa China at malamang


nagmula sa mga hayop. Hindi pa rin malinaw kung paano
naapektuhan ng virus ang mga tao. Ang virus ay nagmu-mutate sa
paglipas ng panahon dahil binabagayan (adapted) nito ang mga tao.
Ang ilan sa mga mutation na ito, gaya ng bagong anyong Delta, ay
maaaring kumalat nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at
nagsasanhi ng mas malubhang sakit.

Tono-ang damdaming nangingibabaw o namamayani sa


akda.Ang mga ito ay maaaring
galit,saya,pagkalungkot,pangamba,pag-asa, takot,
seryoso ,agam-agam at iba pa.

Halimbawa:Ang tono ng akdang binasa tungkol sa Covid19 ay


seryoso.

Layon-ang nais iparating ng akda sa mambabasa.Ang mga ito ay


maaaring :

1.magbigay impormasyon

2.maghikayat

3.manlibang

4.magmulat ng kaisipan

5.magbigay ng babala

6.magturo at iba pa.

Halimbawa:Ang layon ng akdang binasa tungkol sa Covid19 ay


magbigay ng impormasyon.

D. Aplikasyon/ Pangkatang Gawain:Lakad Tayo!


Paglalapat
Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat na kung saan ay
maglilibot sila sa tatlong estasyon na naglalaman ng iba’t ibang akda
.Pagkatapos ay bubunot sila isa na kung saan ay maghihinuha sila
ng paksa, layon at tono ng napiling akda. At babasahin sa harap ng
klase.

ESTASYON 1:Bullying o Pangungutya(Spoken Poetry)

ESTASYON 2: Pagmamahal sa Magulang(Patula)

ESTASYON 3: Global Warming(Pabalita/News)

Pamagat:______________________________________

Paksa:_________________________________________
Layon:_________________________________________

Tono:__________________________________________

Rubriks

Kooperasyon 30%

Nilalaman 50%

Istilo 20%

Kabuuan 100%

E.Paglalahat Pagbibigay ng paglalahat sa Paghihinuha sa Paksa, layon at tono.


(Generalisasyon)

(Magtatanong ang guro tungkol sa kanilang natutunan sa talakayan.)

“ Paano mo nakikita ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa tono


ng isang teksto at paano ito nakakatulong sa pag-unawa mo sa
layunin ng may-akda?”

V. PAGTATAYA Gawain

Panuto:Basahin ang talata at pagkatapos ay sagutin ang


sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot.

“Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang


magturo.Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan
minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kanyang
klase.Marami kaming natutunan sa kanya, at sa lahat ng ito siya ay
aming pinasasalamatan .Sanay marami pang tulad niya upang
maraming mag aaral ang mahasikan niya ng karunungan.”

1.Ang paksang pangungusap ng talata ay matatagpuan sa


pangungusap bilang_________.

a.1 b. 2 c. 3 d. 4

2.Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay ____.

a.paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan

3.Ang layon ng tekstong binasa ay _________.

a. manghikayat b.magpaliwanag c. magbigay -parangal


d.magbigay kaalaman

VI. KARAGDAGANG Gawain:Bumuo ng isang sanaysay na may kaugnayan sa inyong


GAWAIN karanasang hindi niyo malilimutan..Kinakailangang tiyak ang paksa ,
layon at tono ng iyong sanaysay.

VII. REMARKS

Prepared by: Checked by:

ERICA O. MORA GNG.WILLNOR GERALDINO


Practice Teacher Cooperating Teacher

You might also like