You are on page 1of 1

A.

Saglit na kasiglahan
Mag aalas onse na nang araw ding iyon ng dumating ang alkalde sa san roque kasama ang hepe ng mga
pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abu’t abo tang busina ng dyip na sinasakyan ng dalawa upang
mahawi ang noo’y di pa nag aalisan na mga tao. Itinaas ng may katabaang alkalde ang kamay upang
payapain ang ingay, nanulak naman ang malaking hepe.

B. Suliranin
Pinuntahan ni Kabesang tano si tata selo sa sakahan nito, pilit na pinapalayas ng Kabesa si Tata selo dahil
ipapasaka nito ang kanyang lupa sa iba. Nang makiusap si Tata Selo sa halip na pakinggan ay tinungkod
sya nang tinungklod ni Kabesa kaya nataga ito ni Tata Selo. Pagkatapos, nakulong si Tata selo sa iskated ng
munisipyo.

C. Tunggalian
Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinaka mayamang propitoryo sa San Roque.
Nagpaliwanag si Tata Selo kung bakit nya napatay si Kabesang Tano kaya ipinagtatanggal nya ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagsasalaysay kung paano nagsimula ang insidente. Huling dumating ang alkalde
at ang hepe ng pulisya na galling sa bahay ng Kabesa. May galit na tiniyak ng alkade ang hatol sa
pagkakabilanggo ni Tata Selo. At hindi pa din sya pinapakinggan ng mga may kapangyarihan.

D. Sukdulan
Kinabukasan, dakong alas dos dumating si Saling na anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama ay
mahigpit syang napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling
at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal si Tata Selo naman ang ipinakaon at dalawang pulis
ang umalalay sa kanya. Nahihirapan sa paglalakad si Tata Selo ng makita nya ang batang nakaupo sa harap
ng mesa ng president.

E. Kakalasan
Inutusan ni Tata Selo ang batang magbubukid na bumisita sa kanya sa kulungan. Sinabihan nya itong
pumunta sa bahay ng alkalde dahil naroon ang anak nyang si saling at sunduin ito mula sa tahanan ng
alkalde at yayaing umuwi si Saling at pabayaan na lamang sya kung saan man sya ilalagak.

F. Wakas
Mag iika apat na ng hapon, nasa init si Tata Selo, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked.
Nakatingin sya sa labas, at nakita nya ang batang inutusan nya para pauwiin na si Saling sa tanggapan ng
alkalde ngunit sinabi ng bata na ayaw syang papasukin ngunit hindi sya pinakinggan ni Tata Selo. Habang
nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi nyang lahat ay kinuha na sa kanila.

ARAL new

You might also like