You are on page 1of 27

Panalangin

Modyul
8
Pagsulat ng

Lakbay-Sanaysay
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

mabigyang-kahulugan ang lakbay-sanaysay;


 matiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na
episodyo ng isang programang pampaglalakbay;
 makilala ang mga katangian ng mahusay na lakbay-sanaysay
sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa;
 matukoy ang mga kalakasan at kahinaan ng binasang lakbay-
sanaysay;
matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay;
makasulat ng organisado, malikhain, at tapat sa katotohanan
na lakbay-sanaysay;
makabuo ng sulatin batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika; at
maisaalang-alang ang etika sa binubuong lakbay-sanaysay.
Pagpapanood ng video
Lakbay-sanaysay
Ang lakbay-sanaysay ay isang
uri ng sulating tumatalakay
sa karanasan sa paglalakbay.
HALIMBAWA:
Baguio Trip
Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang
talaraawan na basta lamang isusulat ang
lahat ng nakita, nalasahan, narinig,
naamoy, naramdaman, o naisip sa
paglalakbay. Hindi ito record o
simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga
pangyayari. Nangangailangan ang sulating
ito ng malinaw na pagkaunawa at
perspektiba tungkol sa naranasan habang
naglalakbay (O’Neil, 2005).
Tungkol Saan o Kanino ang
Lakbay-Sanaysay?
Ang lakbay-
sanaysay ay
tungkol sa
lugar.
Ang lakbay-
sanaysay ay
tungkol sa
sarili.
Ang lakbay-
sanaysay ay
tungkol sa
ibang tao.
Paghahanda ng Lakbay-Sanaysay
Upang makapagsulat ng isang mahusay na
lakbay-sanaysay, maaaring magsasaliksik
tungkol sa lugar na pupuntahan.
Makatutulong din ang pagbasa tungkol sa
kasaysayan at kultura nito at ang pagiging
pamilyar sa politika, ekonomiya, at mga
tradisyon at relihiyon sa pupuntahang
lugar.
Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng nasa
paligid. Amuyin ang mga bulaklak, tikman ang
tsaa, pakinggan ang tunog ng lengguwaheng
hindi pamilyar, o damhin ang init ng araw o
lamig ng niyebe. Maglakad-lakad. Kausapin
ang mga lokal na tao, kilalanin ang
sariling kultura.
Maaaring gumamit ng mga elemento ng katha
upang bigyan ng buhay ang sulatin.
Makatutulong ang paggamit ng diyalogo,
ritmo, imahen, at mga eksena sa pagbibigay ng
kulay sa sanaysay.
Gamitin ang unang panauhang punto de bista ang
isusulat na lakbay-sanaysay at tiyaking hindi
magiging talaarawan. Planuhin muna ang
organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag
itong limitahan sa paglalarawan at pagbibigay
lamang ng impormasyon. Kailangang maipakita sa
mambabasa na may malalim at malinaw na
pagkaunawa ang naging paglalakbay
Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling
anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono at
mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon
ng mambabasa. Ito ay upang hindi sila bumitiw
sa pagbabasa.
Iwasan ang mga cliché o gasgas nang
paglalarawan tulad ng: “pagsasalubong ng langit
at dagat,” “sumilip ang araw sa likod ng mga
bundok,” at iba pa. Sikaping bumuo ng orihinal
na paglalarawan. Iwasan din ang paggamit ng
mga salita o pariralang hindi naman
ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Maging natural sa
pagsulat. Huwag magpasikat. Iwasan ding
magpatawa kung hindi naman nakatatawa ang tono
ng sanaysay.
Aktibiti Blg. 2 sa Fourth Quarter

Ilapat ang natutuhan 8.3 ( Sa tunqay na Buhay)

Pahina 52 ( Genyo)
Ano ang
paglalakbay na
hindi ninyo
makakalimutan?
Bakit?
Isa kang travel Blogger. Tinatangkilik ang iyong
blog ng mga Pilipinong manlalakbay sapagkat bukod
sa magaganda ang iyong mga karanasan, lubos pang
nauunawaan ang iyong sanaysay dahil nasa wikang
pambansa. Sa pagkakataong ito , susulat ka ng
bagong lakbay- sanaysay batay sa pinakahuli ninyong
biyahe ng pamilya (kung hindi naglalakbay , maaring
manood ng isang travel show at ibatay ang sanaysay
sa palabas). Magbigay ng mayamang impormasyon
tungkol sa transportasyon, akomodasyon, pagkain at
inumin, mga gawain, mga pasalubong at iba pang
elemento na maaring danasin sa destinasyon..
Talakayin din ang kabuluhan ng karanasan sa
iyong buhay at ang halagang pangkultura nito.
Isulat ang sanaysay sa anyo ng isang blog at
ibigay ang isang blog at ibigay ang link sa
inyong guro. Maaring lakipan ng larawan. Bumuo ka
din ng isang pamagat sa iyong lakbay sanaysay.
Tatayain ito sa pamamagitan ng Rubriks na
ibinigay ng guro.
Ipapasa ang Lakbay sanaysay na ginawa sa Mayo 30,
2022 sa gdrive link na ibibigay ng guro.
Maraming
Salamat !
SA PAKIKINIG

You might also like