You are on page 1of 3

Lakbay Sanaysay

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan


ng lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o
tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na komunidad.
Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng
lugar at kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang
uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa
pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa
mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng
mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-
pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi
katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri. Higit sa
lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang
nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-
halaga ang pagkilos sa lugar na narating, natuklasan sa sarili, at
pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong
nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y
tila pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng


Lakbay-Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.

• Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay o layunin.


Para sa isang manlalakbay, sinisikap niyang maunawaan ang kultura,
kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Mahalaga ang mga ito sa
pagsulat upang malalim niyang maipaliwanag o mailarawan ang mga
bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.

• Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig,


naunawaan, at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig
ng lakbay-sanaysay.

• Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni


sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay.

• Sikaping maisali ang sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng


imersiyon sa mga pangyayari.

• Makipamuhay kagaya ng mga taong naninirahan sa lugar na iyong


pinuntahan, kumain ng mga natatanging pagkain sa lugar, makisalamuha sa
mga tao, at higit sa lahat ay maging adbenturero.

• Sa pamamagitan ng pagsasagawa nito, magiging makatotohanan at may


lalim ang gagawin mong paglalahad ng iyong mga karanasan.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.

• Tandaang iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring


itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

• Maaaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng paglalakbay.

• Halimbawa, ito ay maaaring tungkol sa espirituwal na paglalakbay,


magagandang pook, mga hayop o halaman, mga kakatuwa o kakaibang
bagay, mga pagkain, libangan, kultura, at marami pang iba.

• Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop


ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat
ng isang akda.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa


dokumentasyon habang naglalakbay.

• Ang mga pangunahing gamit ng dapat dala ng taong susulat ng lakbay-


sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal, at kamera.

• Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran,


gusali, at iba pa.
• Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita,
nabisita, o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay.
Makatutulong din ng malaki kung makukuhanan ng litrato o larawan ang mga
lugar, tao, o pangyayari. Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng
sanaysay.

• Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mga


mambabasa. Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito
matatagpuan, maikling deskripsiyon nito, o kaya naman ay maikling kasaysayan
nito.

• Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang ito ay


kawilihang basahin ng mga mambabasa.

5. Ilahad ang mga reyalisasyon o matutuhan sa ginawang paglalakbay.

• Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay,


mahalaga ring maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan
habang isinasagawa ang paglalakbay.

• Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang
paglalakbay.

• Maaaring talakayin kung paano nabago ang buhay o pananaw ng may akda,
kung paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa kanyang mga naging
karanasan, at mga karagdagang kaalamang natuklasan mula sa ginawang
paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

• Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng


wika.

• Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at


malaman. Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na
iyong bubuoin.

• Maaaring gumamit ng tayutay, idyoma, o matatalinghagang salita upang higit


na maging masining ang pagkakasulat nito. Tiyaking makakakuha ng atensiyon
ng mambabasa ang iyong susulating akda.

Sa pangkalahatang, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa


paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa

You might also like