You are on page 1of 15

Lakbay Sanaysay

Inihanda ni: G. ROMAR M. AMADOR


SANAYSAY

Ito ay isang sulating gawain na kung saan ay kadalasang naglalaman


ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon na ang ukol
nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu.

6/11/2023 PRESENTATION TITLE 2


TATLONG URI NG SANAYSAY
1. Ang Personal na sanaysay ay tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o
naoobserbahan.
2. Ang Mapanuri o Kritikal na sanaysay ay
tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa
kanyang nakikita o naoobserbahan.
3. Ang Patalinhagang sanaysay ay tungkol sa
mga kasabihan o sawikain.
3
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay
isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakabay.

Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanay lakbay kung
saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay,
sanay, at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinaka-epektibong
pormat ng sulatin upang maitala ang naranasan sa paglalakbay.
4
Ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang
pinanggalingan nito ay mula sa mga pinuntahan o
nilakbayang mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura,
tradisyon, pamumuhay, uri nga mga tao,
eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong
naalaman ng isang manlalakbay.
Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung
saan ito ay mula sa personal na paningin ng awtor at
Richard Branson

nagpapakita, pinag-usapan, at pinag-aaralan ang


isang paksa.
6/11/2023 PRESENTATION TITLE 5
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa
paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang
ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa
paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam,
panlasa, pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo,
at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-
sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng
impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o
hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
6
MGA MUNGKAHING GABAY SA
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
>Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat
magsa!iksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang
sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
> Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot
ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na
pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
>Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat
isulat.Kumuha ng larawan para sa dokumentasyon.

7
MGA MUNGKAHING GABAY SA
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng
mga kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat
higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento.
Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-
alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon
ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa
susulating lakbay-sanaysay.
8
Ayon kay Dr. Lilia Antonio
et al. sa kanilang aklat na
Malikhaing Sanaysay ,
may apat na pangunahing
dahilan ng pagsulat ng
lakbay-sanaysay.
1. Itaguyod ang isang lugar & kumita sa pagsusulat
Halimbawa: Paggawa ng Travel Blogs na maituturing na
pagkakakitaan.
2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
- Marami ang makikinabang sa Travelogue
- Para sa mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman
sa bibisitahing lugar.
- Ayon kay Dr. Jose Rizal “Alamin muna ang kasaysayan ng
bansang pupuntahan upang higit na makilala ang
katangian at kultura nito”

10
3. Maitala ang pansariling kasaysayan tulad
ng ispiritwalidad, pagpapahilom & pagtuklas
sa sarili.
- Paggamit ng Daily journal o Diary
- Maitala ang bagong bagay na nakita,
narinig, naranasan
- Mga realisasyon, natutuhan sa proseso g
paglalakbay
11
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura, &
heograpiya ng isang lugar sa malikhaing
paraan
Tipikal na Halimbawa:
- Antonio Pigafetta: Nagtala ng
mahahalagang Datos na nakita sa Pilipinas
- Pagtatala ng ginawa ni Marco Polo
(Venetian Businessman) : The Travels of
Marco Polo
12
MGA BAHAGI NG LAKBAY SANAYSAY

1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga


na bahagi dahil dito ang inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang
sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at
damdamin ng mambabasa.
13
MGA BAHAGI NG LAKBAY SANAYSAY

2. Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito


mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa
paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng
maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o
binibigyang pansin.
14
MGA BAHAGI NG LAKBAY SANAYSAY

3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang


paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat
niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng
mga mambabasa na maisakatuparan ang mga
isyung tinatalakayan niya.
15

You might also like