You are on page 1of 14

Liceo de San Jacinto

F O U N D A T I O N, I N C.

Modyul
sa
SANAYSAY AT TALUMPATI

ERNESTO F. DIANO, JR.

Instructor

LAYUNUIN
• Nasasabi ang kahulugan ng Sanaysay
• Nakikilala ang mga bahagi ng Sanaysay

• Naipapaliwanag ang kahalagahan ng Sanaysay

ARALIN 1
KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT BAHAGI NG SANAYSAY

PANIMULA

Ang pagsulat ay isang gawaing nakalilibang lalo na sa mga taong may kakayahan at
kasanayang lumikha at magpahayag ng sariling opinyon. Sa pamamagitan ng pagsulat
naisisiwalat ang kaisipan o ideya ng isang manunulat, namamalas din ang mga ideolohiya o mga
pananaw na maaaring batayan sa pag-unawa sa mga kaganapan sa lipunan. Sa modyul na ito
tatalakayin ang kahulugan , uri at kahalagahn ng pagsulat ng Sanaysay.

NILALAMAN

Kahulugan ng Sanaysay

Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon


ng may akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at pananaw, mayroong tiyak na paksa at
laging nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat upang magbigay ng impormasyon,
manghikayat, o para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng manunulat. Ito ay
hinango sa salitang Pranses na “ESSAYER”, na ang kahulugan ay sumubok o tangkilikin.

Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan na tumutulong upang
maipahayag ang maikling komentaryo sa buhay ng tao.

Sa depenisyon ni Alejandro G. Abadilla, isang sikat na Pilipinong manunulat ay “


Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ito ay nanggaling sa dalawang
salita, “sanay at salaysay”. Ito ay nakasulat sa anyo ng panitikang tuluyan na kung saan
naipahahayag ng manunulat ang kaniyang matalinong kuro-kuro, damdamin, at reaksyon
tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa. Ayon nman sa manunulat na si Paquito Badayos, ito
ay naglalahad ng matalinong kuro at makatuwirang paghahanay ng kaisipan. Nabanggit din niya
na ito ay naglalahad ng personal na pananaw ng manunulat.

Dalawang Uri ng Sanaysay

1. Pormal

Ito ay sulatin na mayroong seryosong paksa at nilalaman. Ang komposisyong ito ay


nililikha upang makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa mga mambabasa. Bago ito
isinulat ng may akda ay dumaan muna sa ito sa proseso nang maingat na pananaliksik at
pagsusuri ng mga datos. Hindi ito nakabatay lamang sa opinyon ng awtor. Sa halip, ito ay
nakabase sa maasahan at mapapagkatiwalaang pinagkukunan mg impormasyon. Karaniwang
paksa nito ay mga isyu sa lipunan at kung paano ito masusulusyunan.

2. Impormal

Ito ay uri ng sanaysay kung saan mas naipamamalas ng manunulat ang kanyang
katauhan. Sa komposisyong ito, mas malayang naipahahayag ng may akda ang kanyang mga
pananaw at saloobin sapagkat hindi na niya kailangang magbase sa iba. Ang pagkakabuo ng
mga pangungusap sa komposisyong ito ay tila nakikipag-usap sa mga mambabasa. Ang sulating
ito ay nagtataglay din ng mga nakakaaliw at kaakit-akit na nilalaman. Karaniwang paksa ng
impormal na sanaysay ay ang mga karanasan ng manunulat at kanyang pananaw sa mga bagay
at pangyayari sa paligid.

Tatlong Bahagi ng Sanaysay

Ang sanaysay ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay ang panimula, katawan, at wakas.
Ang bawat bahagi ay naglalaman ng mga ideya na nagbibigay linaw sa temao paksa.

1. Panimula - Sa panimula, binibigyan ng pakilala ang paksang tatalakayin. Dapat ito ay


malinaw, nakapupukaw ng damdamin at nakatatawag ng pansin sapagkat ito ang unang
makikita ng mga mambabasa.

2. Katawan - Sa bahaging ito matatagpuan ang kabuuang nilalaman ng sanaysay. Nakapaloob


dito ang mga kaisipan at mga ideya na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Maaari itong
sumagot o sumuporta sa mga tanong at ideya na nabanggit sa introduksyon. Sa bahaging ito,
dapat maipaliwanag ng maayos ang mga detalye upang lubos na maunawaan ng mga
mambabasa ang teksto.

3. Wakas - Dito nagsasara ang talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Matatagpuan sa


bahaging ito ang pangwakas na salita ng may akda. Dito mababasa ang konklusyon ng
manunulat tungkol sa nasabing paksa.

Kahalagahan ng Sanaysay

Sa pagsulat ng sanaysay nalilinang ang kakayahan ng isang indibidwal sa pagpapahayag


ng opinyon o kuro-kuro hinggil sa isang bagay. Narito ang ilang kahalagahan ng pagsulat ng
sanaysay.

1. Nagpapaliwanag ng isang paksa tungkol sa tao, lipunan, kultura o paniniwala maaaring payak
o masalimuot.
2. Nagpapabatid ng kaalaman hinggil sa isang bagay o paksa.
3. Nagbibigay linaw sa iba’t ibang usapin hinggil sa nangyari sa kapaligiran.
4. Nagsusulong ng isang paniniwala hinggil sa ideolohiya ng isang manunulat.
5. Nagpapalawak sa personal na kakayahan ng isang indibidwal sa pagpapahayag ng personal
na damdamin o opinyon.

PAGSASANAY

Panuto: Magbigay ng sariling pananaw o opinyon hinggil sa sumusunod na pahayag


Pagkahawa

Kailangan ko bang alalahanin ang pagkahawa sa bagong coronavirus?

Alam namin na nag-aalala ang lahat tungkol sa bagong coronavirus. Ang nalalaman
ngayon ay ang sakit ay nasa Santa Clara Country at nagpapalipat-lipat, ngunit mahalaga, hindi
alam kung gaano kalawak. Ang prayoridad ay ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa kalusugan
ng publiko upang matukoy ang lawak ng pagkalat na lokal. May kakayahan na ngayon na
magsubok ang laboratoryo ng pampublikong kalusugan at ngayon ay mabilis na suriin kung ano
ang nangyayari sa ating komunidad.

Nakipagtulungan ang Country sa mga kasamahan sa kalusugan ng publiko mula sa mga


Departamento ng buong Country pati na rin mula sa Departamento ng Pampublikonh
Kalusugan ng California at ang Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit para sa tulong.
Magpapatuloy ang Country sa pakikipagtulong sa mga kasosyo upang tumugon sa mga kaso,
upang masubaybayan ang mga contact, at maunawaan kung ano ang nangyayari sa ating
komunidada. Naging aktibo na sa maraming linggo ang Emergency Operations Center at
patuloy na magiging aktibo bilang tumugon sa krisis na ito.

Rubriks

Nilalaman - 20 puntos

Kaugnayan ng ideya - 20 puntos

Kawastuhang panggramatika - 10 puntos

ABSTRAKSYON

Sa pamamagitan ng mga nababasang artikulo na naglalaman ng mga paniniwala at


opinyon ng mga manunulat nabubuksan ang isipan ng mga mambabasa sa mga isyu na
tinatalakay sa lipunang kanilang kinabibilangan.

ARALIN 2

LAYUNIN

• Natutukoy ang mga paraan ng pagsisimula sa


pagsulat ng sanaysay.
• Naipapahayag ang saloobin hinggil sa isang paksa
sa pamamagitan ng pagsulat.
• Nagagamit ang ilang paraan sa pagsisimula sa
pagsulat ng isang sanaysay.

PARAAN NG PAGSISIMULA SA PAGSULAT NG SANAYSAY

PANIMULA

Maraming nagpapalagay na upang makuha mo ang interes ng isang mambabasa,


kailangang sa simula pa lamang ay kaakit-akit na ang paraan ng pagpapahayag. Wika nga’y ang
simula ang buhay ng isang akda o komposisyon sapagkat dito isinasalig ng mga mambabasa
kung ipagpapatuloy pa nila o hindi ang kanilang pagbabasa. Maaari natin itong maikumpara sa
isang tindahan na ang inilalagay sa kanilang “display” ay iyong mga magaganda at makukulay
na paninda upang mapukaw ang pansin ng mga mamimili na pumasok at mamili sa nasabing
tindhan.

Ibig sabihin, sa simula pa lamang ay dapat nang makuha ang pansin at interes ng isang
mambabasa. At iyan ang layunin ng isnag mabuting sanaysay…ang makuha ang interes ng mga
bumabasa upang ipagpatuloy pa nila ang kanilang pagbabasanang sa gayo’y madagdagan pa
ang kanilang mga kaalaman, maaliw at matukoy ang mga bagay na binibigyang-diin ng isnag
manunulat, at maimpluwensiyahan ang mga ito sa kanilang mga paniniwala at saloobin hinggil
sa isang pangyayari.

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga saloobin o


damdamin, opinyon, o mga palagay, reaksiyon o mga pagtingin ng isang manunulat hinggil sa
isang napapanahong isyu o paksa, at may layuning magpahayag o magbigay ng mga
impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan…Ito ay binubuo ng tatlong bahagi:
ang panimula o introduksyon, katawan at wakas.

NILALAMAN

Sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang panimula o introduksyon na itinuturing na


pinakamahalagang bahagi o pinakamukha ng sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng
mga mambabasa. Kailangang sa sulyap pa lamang ay pagtutuunan na agad ng pansin ang
kanyang binabasa at mahahatak ang kanilang kuryosidad para lalong ipagpatuloy ang kanilang
pagbabasa. Ang malabong panimula, ay hindi nauunawaan ng mga mambabasa ang salita o
kung ano ang sinasabi ng may akda kaya’t tiyak na magdudulot ng pagkayamot, pagkainip, at
tuluyang pag-iwan sa binabasa. Kung ito’y magiging mabisa, asahan ang kapanabikan at
kaaliwang idudulot nito sa lahat.

At upang makamit ang mga ito ng isang akda, narito ang mga mabisang paraan sa
pagsisimula sa pagsulat ng isang sanaysay.

Mabisang Panimula

1. Pasaklaw na Pahayag - Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin o
pagsunud-sunurin.

2. Tuwirang Sinabi - Karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat tapat sa pagsipi sa pahayag ng


bantog na tao, awtoreidad, dalubhasa at maari ring karaniwang tao lamang ngunit ang
sinasabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay.

3. Pagkakaligiran - Ginagamit na panimula kapag binibigyang-larawan ay pook.

4. Pagsusumbi - Maikli lamang na karaniwang binubuo ng isang salita.

5. Paglalarawan - Uri ng panimula na ginagamit pag nagtatampok ng tao.

6. Pagbubuod - Nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hango sa mga salawikain,


kawikaan, at sa pamilyar at makatotohanang kaalaman.

7. Panlahat na Pahayag - Naghahayag muna ng pinakadiwa ang panimulang ito bago tuntunin
ang sadyang talakay.

8. Pagsalungat - Binibigyang-diin ay ang pagkakaiba.

9. Pagtatanong

ABSTRAKSIYON

Sa araling ito ay natututuhan ng mga mag-aaral ang paggamit ng mga paraan sa


mabisang panimula sa pagsulat ng isang sanaysay at isinaalang-alang na gawing kawili-wili ang
kanilang mga panulat, makapaglahad ng mga natatanging reaksiyon at pananaw na
makatutulong sa mga mambabasa na mamulat ang kanilang kaispanhinggil sa umiiral na
katotohanan sa pamumuhay ng mga tao.

Gayundin naman ay maging mapagmasid sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran at


ilahad ang mga nararamdaman at saloobin na may kinalaman sa kanilang mga paniniwala, sa
relihiyon man, pampulitikal, sosyal, emosyunal at kung paano makisalamuha at makipagkaisa
sa mga taong kanilang nakakasama sa pang-araw-araw nilang buhay, sa pamayanan, paaralan,
at sa tahanang kanilang kinabibilangan.

EBALWASYON
Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na video clips sa ibaba na nagpapakita ng mga reyalidad
sa ating buhay. Pumili ng isa sa mga ito at sumulat ng isang sanaysay na ginagamitan ng
mabisang paraan ng pagsisimula ng isang sanaysay.

https://www.scribd.com/document/400876449/Ang-Mabisang

Mga Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka sa Pagsulat ng Sanaysay

PAMANTAYAN PORSYENTO (%)


Nilalaman

a. Kalinawan sa Paglalahad ng Paksa…..20 40


b. Orihinalidad………………………….20

Organisasyon

a. Kaisahan/Pagkakaugnay……………..20 40
b. Diin…………………………………...20
Mekaniks

Wastong gamit ng mga salita, wastong baybay 20


at bantas

KABUUAN 100

ARALIN 3

LAYUNIN

• Natutukoy ang mga paraan sa pagwawakas ng


isang sanaysay.
• Nakakapagsulat o nakapagbuo ng sariling
komposisyon.
• Mapahahalagahan ang mga angkop na paraan ng
pagwawakas sa pagsulat ng sanaysay.

PARAAN SA PAGBUO NG PANGWAKAS NG ISANG KOMPOSISYON

PANIMULA

Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong


pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng
saysay ang kagandahan ng komposiyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng
isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang
inilahad sa komposisyon.

NILALAMAN

Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga sumusunod:

1. Tuwirang Sinasabi

Ang tuwirang pahayag ay tumutukoy sa istilo ng pagsulat kung saan isinusulat ang
eksaktong sinabi ng ispiker. Ginagamitan ito ng panipi.

Halimbawa:

“The Us Presidentia election teaches us to become more aggressive and make


an intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral
system, “ ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Representantes ang anumang
butas upang ipatupad ang batas modernisasyon. Taliba (Nobyembre 5, 2004)

2. Panlahat na Pahayag

- Nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa


mga kawikaan , at mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.

Halimbawa:

…Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapait din
kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod

- Ito ay ang pagkuha ng pinakamahalagang detalye sa ginawang sanaysay.

Halimbawa:

Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.

4. Pagpapahiwatig ng Aksyon

Halimbawa:

…Kung hindi madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong


magugutom. Kung ganon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang
pamahalaan para mapigil ang pagdami ng tao.

5. Pagtatanong

- Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng retorikal na tanong.

Halimbawa:

Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at


karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang pwede mong gawin
para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan
ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?

6. Pagsisipi

- Kumukopya ito ng isnag linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na
angkop sa tinatalakay na paksa.

Halimbawa:

Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at


sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”

ABSTRAKSIYON

Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-
siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga
katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang
pangmatagalan sa mga mambabasa.

PAGSASANAY
Panuto: Gumawa ng balangkas ng isang di-pormal na sulatin. Gamitin batayan ang mga gabay
na katanungan sa pagsulat at mga hakbang sa tamang pagsulat.

PAKSA: “BAKIT MAHALAGA ANG EDUKASYON”

Pamantayan:

Husay ng Paglalahad ng impormasyon - 25 puntos

Kaugnayan sa Talakayan - 25 puntos

Kabuuan - 50 puntos

ARALIN 4

LAYUNUIN

• Nalilinang ang kritikal na pag-iisip tungkol sa isyu


o paksang tinalakay sa sanaysay.
• Napahahalagahan ang mga pangyayari sa
binasang sanaysay.
• Naiuugnay ang sarili sa mga kontemporaryong
isyu o paksa.

KONTEMPORARYONG SANAYSAY

PANIMULA

Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa. Halos kalahati ng
ating populasyon ang nagsasabi na nabibilang sila sa isang maralitang pamilya. Kaya naman
naging laman ng mga sanaysay ang mga totoong nangyayari. Namayani ang mga akdang
realism. Sa kontemporaryong panahon, inilalarawan ng mga manunulat ang mga masasama at
magagandang pangyayari sa lipunan tulad ng kahirapan, karahasan, pagbaba at pagtaas ng
krimen at iba pa.

NILALAMAN

Kahulugan ng Kontemporaryo

“Kontemporaryo”

Etimolohiya / Pinagmulan ng Salita: Galing ito sa salitang Medieval Latin na


“contemporarius”, Ang ibig sabihin ng “con” - “together with” (pinagsama) at ang
“tempus, tempor” ay “time” (oras).

Kahulugan ng salita:

Ang ibig sabihin ng kontemporary ay kasalukuyan, at/o nabubuhay. Maaari ring


nangangahulugang moderno, uso, at/o napapanahaon.

Kontemporaryong Isyu o Paksa

Ang kontemporaryong isyu o paksa ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya,


opinion o paksa sa kahit na anong larangan. Hindi ito limitado sa kasalukuyang panahon
lamang, kabilang din dito ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga kontemporaryong isyu ay maaaring panlipunan, pangkalusugan,
pangkapaligiran, pangkalakalan at iba pang saklaw. Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo
ng makatotohanan, kaisipan at impormasyon tungkol sa bansa, gobyerno, ideolohiya,
kasaysayan, mga pangyayaring lokal at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal sa
aktibong partisipasyon.
Kontemporaryong Sanaysay

Sanaysay Tungkol sa KAHIRAPAN

Kahirapan sa Pilipinas

Akda ni Gie

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating
sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o
tayong mga Pilipino na tamad?

Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang
mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan , kaya sila
naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ang
nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa
nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat
na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita
lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang
pagbubulsa ng kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga
mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga
pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero
patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.

Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala
kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA
Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin , hindi kasya ang
sweldo ng isnag empleyado lamang.

Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan
dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo
ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.

Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang


kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsable lamang ang mga magulang ng mga
batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging
bata na nanghihingi ng limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang
makikita natin.

Kung pinag-aral lamang sila ng kanilang mga magulang, malamang ay magkakaroon sila
ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho
pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang lokal para sa libreng pag-aaral,
pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakakapag-aral at
ibabalik nman ang sisi sa gobyerno.

Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga
mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay
mababago rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay
dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

PAGSASANAY
Panuto: Anu-ano ang mga kontemporaryong isyu o paksa na saklaw ng iyong isipan na
nangangailangan ng malawakang pagtugon o pakikisangkot ng sambayanang Pilipino? Ibigay
ang kasagutan gamit ang Habing Semantiko.

Kontemporar
yong paksa

ABSTRAKSYON

Ang kahirapan na isa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa ay nag-uugat sa


katamaran. At dahil sa kaalaman ito at sa iba pang mga kontemporaryong isyu, nahuhubog ang
kaisipan ng mga mag-aaral na pahalagahan at unawain ang edukasyon (isa ring
kontemporaryong paksa) at iba pang mahahalagang paksang kinasasangkutan ng lahat lalo’t
higit ng mga kabataang siyang pag-asa ng bayan. At ang mahahalagang isyung ito ay maaring
pag-ugatan ng mga mabubuting bagay. Gayon pa man ang mga maling hakbang at bunga nito
ay hindi marapat na isisi sa mga namumuno o pamahalaan lamang, sa halip ay ituon sa sarili,
bilang kabahagi ng umiiral na sistema. At ang pagtugon, paghakbang at pagbabago ay mag-
uumpisa sa sarili.

SANGGUNIAN

https://www.google.com/searc?q=mahalagang +kaalaman+sa+kontemporaryong+isyu

Google.comimgres?imgurl=%3A%2Fimage.slidecdn.com

https;//www.youtube.com/watch?v=INh2rweHVwA&t=91s
https://www.youtube.com/watch?v=ik9lbgVtGf8&t=81s

https://www.youtube.com/watch?v=wR7IqRqbd-k&t=31s

https://www.youtube.com/watch?v=Dj4_fbnA1UO

https://www.scribd.com/document/400876449/Ang-Mabisang

You might also like