You are on page 1of 3

Panitikang Filipino

Kabanata 4 - Gawain 1
(pahina 63-69 sa modyul)

GAWAIN 1
Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera:

1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?


- Inihayag ni Bienvenido Lumbera na simula pa lamang ng panahon ng mga
Kastila sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pag iral na sanaysay na ginamit ng ating
mga katutubo, ito ang siyang naging daan ng mga prayle upang mapahayag nila
ang kanilang mga nararamdaman o damdamin sa pagpapalawak ng kristyianismo
sa bansa. Nagsimula ang pagbubuo ng sanaysay bilang wika na ginagamit sa
komunikasyon na kaaunay nakabuo ng mga di inaasahang sanaysay at doon
nagsimula ang pag-iral nito. Naipahayag din dito kung ano ang naging papel ng
sanaysay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Kalauna’y
nadebelop at nabuo ni Bayani Abadilla ang depinisyon ng katagang “sanaysay”
mula sa pagbilang lamang sa mga pormal na sulatin, hanggang sa kasalukuyang
pagtanggap sa mga sermon ng pari, talumpati, editorial, magasin, feature article,
liham at talaarawan bilang bahagi sa kategorya ng sanaysay. Binigyan niya ito ng
kahulugan na ginagamit at kinikilala hanggang sa kasalukuyan.

2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?


- Ang isang sanaysay ay masasabing mahusay kung ito ay mayroong matatag at
matinong paghawak sa wika upang maging mabisa sa pagpapaabot sa
mambabasa ng layon nitong sabihin. Ang pagkakaroon din ng maingat na
pagkakaayos ng damdamin, kaisipan at obserbasyon ayon sa layunin ng sanaysay
ay mahalaga upang makamtan ang bisa at epekto ng akda sa mga mambabasa.
Isa rin sa dapat ilagay sa ating isipan ang pamimili at pagsasaalang-alang ng mga
salitang pipiliin upang maipalaman sa mambabasa nang mabuti ang layong
iparating ng buong sanaysay. Mahalaga ang lahat ng nabanggit gunit lagi natin
iisipin na sa huli ay nakasalalay pa rin ang pagiging mahusay ng isang sanaysay
sa kabuluhan ng nilalaman nito at kung paano ito isinulat ng may akda.

3. Paano magiging kapaki-pakinabang pang pagbasa ng sanaysay?


- Ang sanaysay ay magiging kapaki-kapakinabang, mahalaga na maintindihan
muna ito ng mga mambabasa, lalo na ng mga kabataan o estudyante.
Makakamit ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng may akda ng mga linyang
hindi magbibigay ilang sa mga mambabasa. Kilala ang sanaysay bilang
“akdang walang pintig ng buhay” kaya’t hindi nakakapagtaka kung mabagot
ang mambabasa kapag sinimulan nila itong basahin. Mahalaga na mabasa
nang buo ang isang sanaysay upang maintindihan ang mga kontekstong
napapaloob dito kaya’t nararapat lamang na himahimayin ang bawat parte
upang ipaintindi sa mga mambabasa. Sa mga paraang ito ay magiging kapaki-
pakinabang ang pagbabasa ng sanaysay dahil tagumpay na maipapaabot sa
kaisipan ng mga mababasa ang pinakalayunin at paksa ng sanaysay kung saan
ay ipoproseso na ito ng utak at saka matatamo na ang pagintindi at pagkatuto.

4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?


- Ang mga katangian na dapat taglayin ng isang sanaysay ay dapat itong maging
isang boses ng may akda upang maibahagi ang layunin at paksa na gustong
isiwalat sa sanaysay Ang konkesyon sa pagitan ng may-akda at ng
mambabasa, na parang ang may-akda ay direktang nagsasalita sa kanila, ay
kinakailangan. Ang tono ng sanaysay ay mahalaga dahil ito ay naghahayag ng
layunin ng manunulat, na kadalasang nakabatay sa isang emosyonal na tugon.
May koneksyon din ang sanaysay kung saan titingnan ng mambabasa kung
paano nauugnay ang tono at boses ng sanaysay sa paksang tinatalakay. Ang
panghuli ay ang kuro-kuro sa sanaysay kung saan ang palitang-kuro ang
magbubukas ng pintuan para sa mga mambabasa upang isa buhay at
mapakinabangan ang mga estilong ipinakita ng may akda sa pagbuo ng
sanaysay. Ang sanaysay ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay linaw sa mga
paghihirap sa lipunan, kultura, at indibidwal. Pinalalakas din nito ang
pilosopiya ng pagbabasa, pagsusuri, at pagtingin sa mga bagay na
pangkultura. Nag-aalok din ito ng mga rekomendasyon at mga bagong
interpretasyon ng mga kaganapang panlipunan. Itinataguyod din nito ang
paniniwala sa pagbasa at paglikha alinsunod sa ideolohiya at paniniwala ng
may-akda. at pangkultura, at sa wakas, ito ay gumagawa ng makabuluhang
kontribusyon sa paglago ng kultura, ilang siyentipikong disiplina, ekonomiya,
pilosopiya, at marami pang ibang larangan.

***

You might also like