You are on page 1of 3

ARALIN 1 Unang bahagi ng sanaysay na kailangang gawing makatawag-pansin upang maiwasan ang pagkabagot ng mga mambabasa.

ANG SANAYSAY Sa puntong ito, mahalaga ang agarang koneksyon sa atensyon at damdamin ng mambabasa upang sa simula pa lang taglay na
Kahulugan ng Sanaysay ang kasiyahan hanggang sa huling bahagi ng pagbabasa.
 isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
2. Gitna o Katawang Bahagi
 Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang
Sa bahaging ito ay tinatalakay ang detalyadong mga nilalaman batay sa paksa. Iniisa-isa sa bahaging ito ang mga
sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru- detalyeng makapagpapataas ng kasiyahan ng isang mambabasa para sa pagkamit ng kaalaman sa tema ng sanaysay.
kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa, ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at Mahalaga sa bahaging ito ang mapanuring paghahanay ng mga kaisipan upang makakonekta maging sa karanasan ng
napapanahong paksa o isyu. mambabasa.
 Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na 3. Wakas na Bahagi
kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng Itinuturing na mabigat na pamamaraan ang bahaging ito sapagkat kailangang ipatamo ang tagumpay ng kaalaman mula
pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa. sa binasa ng mga mambabasa. Ito ang bahaging pagsasara sa kabuuang bahagi ng sanaysay na nag-iiwan ng kasiyahan
sa mambabasa.
Sangkap ng Sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay sa Pilipinas
 Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat
Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat nina Rizal sa nito at kaisipang ibinahagi. Ito ay maaaring naglalarawan ng iyong mga karanasan sa buhay, nagbibigay-puna,
kanyang The Indolence of the Filipino People at the Philippines. naglalarawan ng pangyayari sa kapaligiran o pagbibigay-reaksyon sa nabasang akda.
Ang A Century Hence ni Marcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapamahala ng La Solidaridad at itinuring na  Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa
nanguna sa pangkat ng mga mapanghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong
Mabini. sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at Literary  Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilong pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng
Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mananaysay sa panahong ito sina I.V. Mallare, Francisco B. Icasiano, Salvador P. mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
Lopez, atbp. Mga Karagdagang Istilo sa Pagsulat ng Sanaysay:
Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklak nina Pascual Poblete, Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed 1. Pagbuo ng simulang bahagi
Regalado, atbp. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway na naglathala ng maikling kwento at sanaysay.  maaaring gumamit ang manunulat ng masining na tanong
Bago makadigma, ang mga sanaysay nina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga tao.  pagpili at paggamit ng mga nakakapukaw na maka-Pilipinong sipi.
Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigido Batungbakal, Genoveva  Pagkuha ng mga hiram na elemento sa panitikan at pamamahayag.
Edroza, Alfredo Enriquez, Pablo Glorioso, Efipanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejadro G. Abadilla, Narcsiso 2. Pagbuo ng katawang bahagi
G. Reyes, at Vito C. Santos.  Gumamit ng iisang ideya sa talata upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.
Marami ring katipunan ng mga sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G.  Gumamit ng transisyonal na talata. Ito ay isang talata sa isang sanaysay, pagsasalita, komposisyon, o ulat na
Abadilla, Buhat sa Aming sulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza. nagpapahiwatig ng paglilipat mula sa isang seksyon, ideya o diskarte sa isa pa.
Sa bahaging ito ay nakita natin ang pagsimula ng sanaysay sa ating bansa. Kung paano ito ginamit at umunlad.
 Paggamit ng mga pansuportang detalye. Ilagay at pagsama-samahin sa isang bahaging talata ang mga ito at tiyaking
Uri ng Sanaysay nagpapaliwanag ito sa sinusundang talata ng mga pangungusap.
1. Pormal o Maanyo
Ang sanaysay na pormal o baguhan – sanaysay na tinatawag din na impersonal – Naghahatid ng
mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw
ARALIN 2
ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na
URI NG SANAYSAY
pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay.
Mga Uri ng Sanaysay
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-
akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walanghalong pagbibiro.
2. Impormal o Di-pormal Maaari tayong gumamit ng pormal na sanaysay kung saan ang paksa ay base sa ating mga nabasa at ang ilang mga
impormasyon ay may pinagbatayan. Ang isa pa ay ang di pormal na sanysay na naglalaman lamang ng mga paliwanag na base sa
Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
sariling opinyon o pananaw. Mahalaga na malaman ang mga uring ito upang maiakma ng susulat ng sanaysay ang titulo nito mas
pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilalang personalidad
higit ang nilalaman nito upang ‘di magkaroon ng pagkalito ang mga susulat at babasa.
ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito ditto ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at
mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng
mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang 12 Uri ng Sanaysay
may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan.
Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito 1. Pasalaysay – ang sanaysay na ito ay katulad din ng pormal na sanaysay dahil ito ay sanay na gumagamit ng mga
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw. salitang pormal.
Bahagi o Elemento ng Sanaysay 2. Naglalarawan – ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay, inilalarawan niya lahat ng detalye.
1. Panimula o Simulang Bahagi 3. Mapang-isip o Di-praktikal – ito ay naghahayag ng mga salita na nagbibigay sa mga mambabasa na mapag-isipan ang
kanilang binabasang sanaysay.
4. Kritikal o Mapanuri – ang kritikal na sanaysay ay isang papel na nangangailangan ng isang malalim na pag-aaral ng
isang paksa at inilalantad nito ang malakas at mahina na tampok.
5. Didaktiko o Nangangaral – ito ay nagpapahayag ng kanyang sariling karanasan na nabibigay pangaral o inspirasyon sa Mahal na Tagapangulo:
mga mambabasa. Kagalang-galang/KGG – ay natatanging pagbati sa mga taong may mataas na katungkulangaya ng pangulo ng bansa,
6. Nagpapaalala- nagpapahayag ng sariling opinyon upang makapag-paalala sa mga mambabasa ng kanyang mga iniisip. mga senador at kinatawan, atbp.
7. Editoryal – ginagamit sa mga balita at may mga paksa tungkol sa mga nangyayari na trahedya sa kapaligiran. e. Katawan ng Liham (body of the letter) – ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa
8. Maka-siyentipiko – nakapaloob ang mga maka-agham na mga pangyayari o naglalahad ng tungkol sa kalusugan. sinusulatan. Ito ay may panimula, katawan at huling talata.
9. Sosyo-politikal – nagpapatungkol sa mga politika na mga gawain tulad ng paksa sa mga tauhan ng gobyerno o kaya f. Pamitagang pangwakas (complimentary close) – nagsasaad ito ng pamamaalam sa liham. Ang bating pambungad at
naman ay naglalahad ng mga pangyayari sa loob ng politika. pamitagang pangwakas ay inaangkop sa katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan.
10. Sanaysay na pnagkalikasan – pumapaksa sa kapaligiran tulad ng paksa sa kagubatan. g. Lagda (signature) - Binubuo ng pangalan, lagda at posisyon ng sumulat.
11. Bumabalangkas sa isang tauhan – nakapokus sa isang tauhan, inilalahad nito ang paksa tungkol sa tauhang ito. 3. Talaarawan - Ang kahulugan nito'y isang talaan na aklat na naglalaman ng mga pangyayari, saloobin o kaisipan na
12. Mapangdili-dili o Replektibo – isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa nagaganap sa araw-araw. Ito'y personal at maaaring naglalaman ng lihim ng isang tao kaya hindi kadalasang
isang partikular na pangyayari. pinababasa sa iba.
4. Lakbay-sanaysay - isang di-pormal na sanaysay na tumatalakay sa karanasan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
Uri ng Di-pormal na Sanaysay Layunin ng Lakbay sanaysay:
1. Talambuhay – isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao na isinulat ng iba. Ito ay may  Maitala ang karanasan ng manunulat
dalawang uri, ang karaniwan at di-karaniwan.  Maitala ang nararamdaman, natuklasan o nalaman ukol sa paglalakbay
 Karaniwang Talambuhay – lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama. Ito ay nagsisimula sa  Sa lugar at sa sarili
kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw. Apat na Dahilan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
 Di-karaniwang Talambuhay – pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng  Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat.
gagamiting mga pangyayari.  Makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay.
2. Pagsulat ng Liham - Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang tiyak na  Maitala ang pansariling kasaysayan tulad ng spiritwalidad, pagpapahilom o pagtuklas sa sarili sa paggamit ng daily
pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o naisatitik. Ang isang liham din ay katulad din ng personal journal o diary, maitala ang bagong bagay na nakita, narinig, naranasan, realisasyon o natutuhan sa proseso ng
na pakikipag-usap na kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumulat. paglalakbay.
 Maidokumento ang kasaysayan, kultura at heyograpiya ng isang lugar sa malikhaing paraan.
Katangian ng Liham:
 Malinaw – una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham. Iplano ang ARALIN 3
pagkakasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob at suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat ideya. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaysay
 Wasto – laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugmaan ay dapat magtaglay ng lahat ng Bakit Sumusulat?
angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon Noong unang panahon, kahit wala pang mga aklat sa ating kapuluan, sumusulat na ang ating mga ninuno. Pabigkas
sa prayoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang mga impormasyon bago isulat. ang paraan ng pagtula at pagkukuwento. May ilan tayong kababayan na sumusulat ng tula sa bumbong ng kawayan. May mga
 Buo – pagsama-samahin ang lahat ng kanilang impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na naisulat na mga alamat at mito upang ipaliwanag ang mga misteryo ng ating kapaligiran. Bakit sumasabog ang bulkan? Bakit
kailangan ng sumulat, lalabas nak apos o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. mabango ang bulaklak? Bakit maalat ang dagat? Lahat ng iyan ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng pahkukuwento na kung
 Magalang – hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. tawagin ay alamat.
 Maikli – sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang Sa mga gabi, pagkatapos ng mga gawain, may umaawit ng epiko na nagdudulot ng aliw at pagkamangha sa bawat
paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan sapagkat ito ay isa lamang pag-aaksaya ng panahon at nakakapawi ng miyembro ng pamayanan. Mahabang salaysay ang epiko na naglalaman ng mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang
interes ng nilihaman. bayani tulad nina Bantugan, Humadapnon, Aliguyon, at Lam-ang.
 Kumbersasyonal – masasabing mahusay ang pagkakahanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay parang Ngayon, magpasalamat tayo sa mga manunulat dahil sa kanilang kontribusyon sa ating kultura at kasaysayan. Bakit
personal na kausap ang sumulat. Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang pagkamaligoy. nga ba sumusulat ang mga tao?
 Mapagsaalang-alang – pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Sikaping maging mapagbigay sa lahat
ng pagkakataon nang sa gayan ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.  Sumusulat dahil may nais sabihin. May mahalagang mensahe nan ais iparating sa kapwa gaya ng mga liham na
nagbabahagi ng mga karanasan o panawagan upang bumuti ang kalagayan sa isang bayan.
Mga Bahagi ng Liham:  Sumusulat upang ibahagi ang nalalaman. Nais ng manunulat na magturo sa pamamagitan ng isinusulat na lathalain,
a. Pamuhatan (Heading) – binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, address, telepono, at numero ng fax. sanaysay sa paglalakbay, o kaya’y kasaysayan ng isang lugar.
Makikita rin dito ang logo ng tanggapan kung mayroon.  Sumusulat dahil pagbubukas ito ng sarili. Paraan din ng paglalabas ng emosyon ang pagsusulat upang hindi ito masarili
 Nilimbag na pamuhatan (printed letterhead) – karaniwang nasa gitnang itaas o sa itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng lamang. Halimbawa nito ang mga tula na nagpapahayag ng kagandahan ng paligid o mg awitin na nagpapahayag ng
tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan. pagmamahal sa ina at sa Inang bayan.
 Minakinilya (typeset) o Sulat-kamay na pamuhatan – ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½) hanggang dalawa (2)  Sumusulat dahil kailangan ng kausap. Ang tao ay likas na nakikipagkapwa-tao. Mahalaga ang pagsusulat bilang paraan
o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel. Bawat linya nito ay nilalagyan ng isa lang na espasyo. Simula ito ng pagpapahayag o komunikasyon. Ang mga sulatin ang nagsoisilbing tulay ng manunulat sa kaniyang kapwa.
sa sentro pakanan, o kung maikli, isulong sa kananna hindi lalampas sa palugit sa kanan. Maaaring ilagay sa  Sumusulat dahil nais mang-aliw. Kapag nanonood tayo ng telebisyon o pumupunta sa sinehan, ang napapanood nating
kalagitnaan ng papel. programa at pelikula ay nilikha ng mga manunulat na kung tawagin ay scripwriter o mandudula.
b. Petsa (Date) – maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan para sa anyong semi-block.  Sumusulat dahil nais pagyamanin ang wika. Yumayaman at yumayabong ang wika dahil sa ambag ng mga manunulat.
c. Patunguhan (Inside address) – ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong susulatan. Naging maunlad ang wikang Tagalog noon dahil sa mga naisulat ni Balagtas, partikular na ang bantog niyang awit na
d. Bating pambungad (Saltutation) – ito ay pagbati sa sinusulatan. Karaniwang ginagamit ay: Mahal na Ginoo: Florante at Laura.
 Sumusulat dahil may nais ibahagi sa lipunan. Ang ating mga bayani ay manunulat din gaya nina Jose Rizal at Andres
Bonifacio. Pareho silang nagbunyag ng mga katiwalian ng mga mananakop at humiling ng pagbabago para sa ikabubuti
at ikalalaya ng bansa.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Mananaysay

1. Mabilis mag-isip
2. Sensitibo sa kapaligiran
3. May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay
4. May kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay
5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. May mapiling panlasa
7. May kalugurang mapagkakatiwalaan
8. May mga kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan
9. Pamilyar sa mga mabubuting panitikanat iba pang sining

Mga Uri ng Pagsusulat


Maraming uri ng sulatin ang maaaring likhain ng isang manunulat. Lahat ng mga ito ay nangangailangan ng sapat na
pagsasanay, karanasan at, pag-aaral upang makabuo ng masinop na panulat.
Sinusukat ang talino sa husay at nilalaman ng sulatin.
1. Pagsulat ng impormasyon
Isa ito sa pinakateknikal na uroi ng pagsusulat. Kailangan ng maingat na pananaliksik upang makasulat ng mga aklat ng
impormasyon. Halimbawa nito ay ang almanac na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa panahon, mga
pagdiriwang, datos tungkol sa mga bansa at marami pang iba.
2. Teknikal na panulat
Ito ay mga pormal na sanaysay na kadalasang ginagamit bilang sukatan ng talino o natutuhan ng isang mag-aaral.
3. Peryodismo o Pamamahayag
Ito ang mga panulat na nililikha para sa radyo, telebisyon, diyaryo at maging sa mga website. Kasama sa ganitong uri
ng panulat ang mga balita, interbyu, editoryal, rebyu, lathalain, at mga maiikling sanaysay na naglalaman ng opinyon at
imbestigasyon sa mga nagyayari sa paligid.
4. Malikhaing Pagsulat
Natatangi sa lahat ng panulat ang malikhaing pagsulat. Naiiba ito sa ibang sulatin dahil kailangan nito ng imahinasyon at
makabagong paraan ng pagpapahayag. Kailangang mayaman ang manunulat sa karanasan upang maging malikhain.
5. Akademikong Pagsulat
Layunin ng pagsulat na ito na makapaglahad ng kabuuang proseso hanggang sa resulta ng mga pananaliksik at
pagsusuri. Halimbawa nito ang panahunang papel, tesis at disertasyon.

Ang mga Kaibigan ng Manunulat


Hindi ka nag-iisa sa pagsusulat. Marami kang makakasama sa iyong hangaring makalikha ng isang obra. Ang mga
sumusunod ay maituturing na instrumento sa pagsusulat. Kinikilala ang mga ito bilang mga kaibigan ng manunulat.
1. Ang mga Aklat.
Ito ay magsisilbing modelo at guro para sa mga nais magsulat. Sa pgbabasa ng mga aklat, malalaman kung paano
ginagamit ang wika at omahinasyon sa paraang malikhain. Ang mahusay na manunulat ay mga taong mahilig ding
magbasa.
2. Ang mga notebook o journal.
Ito ay mahalaga sa pagtatala ng mga ideya. Kailangan na dala mo ito araw-araw kung sakaling may maisip kang ideya.
Kahit saan ay maaari kang makahanap ng ideya kaya dapat laging handa ang iyong notebook.
3. Ang lapis at ballpen.
Kakambal ng notebook ang tamang instrumentong panulat gaya ng lapis at ballpen. May kalayaan pumili ng alinman sa
mga ito. May mga manunulat na gumagamit ng lapis dahil madaling burahin ang nakasulat kapag may pagkakamali.
4. Lugar kung saan susulat.
Mainam na mayroon kang komportableng lugar para makapagsulat. Kailangan ng sapat na liwanag at bentilasyon
habang nagsusulat. Maaaring nais mo ang lugar na may malamig na temperatura o kaya’y tahimik na lugar.

You might also like