You are on page 1of 6

Sosyedad at Literatura

I. Pagbubuod
“Panitikan Tungo Sa Kalayaan” ni V. Almario
Kritika sa panitikang Tagalog sa pakikipaglaban ng bansa para sa kalayaan.

Taong 1945, natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa

Pilipinas. Isinauli nila ang karapatang kalayaan sa mga Pilipino. Noong

panahong iyon, naging balakid na ang pagsasarili ng ekonomiyang naapektuhan

ng digmaan. Dahil sa kalagayang natamo, sumigla ang pampanitikang

pambansa. Maraming tao ang nag sipag sulat ng wikang Tagalog at Ingles.

Naging masigla ang mga pahayagan sapagkat bago pa man sila sumulat ay

minabuti nilang alamin kung aling pahayagan ang makapagbibigay ng malaking

halaga. Maraming Pilipino ang humanga sa kahusayan na naipamalas ng mga

manunulat. Isa si Ernest Hemingway sa naging ulirang manunulat ng mga

Amerikano kasama sina William Saroyan at John Steinbeck. Isa sa kanilang

akda ay pinamagatang “Kalupitan ng mga Hapones, Kahirapan ng pamumuhay

sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones at Kabayanihan ng Guerilla.” Sa

pagpasok ng panahong bagong kalayaan, ang panitikan ay nagkaroon ng

malaking pagbabago. Simulan natin sa tulang tagalog, maikling kuwento, nobela

at bigkasin. Nagbukas rin ang palimabagan na liwayway, bulaklak, ilang – ilang,

sinagtala. Ang ilan dito ay binigyan ng gawad pagkilala tulad ng Republic

Cultural Reward, Gawad ni Balagtas at pati narin Taunang Gawad ng Surian ng

Wikang Pambansa. Dahil sa panahon ng bagong kalayaan sumigla ang

pagkakaroon ng mga pahayagan sa mga paaralang pang kolehiyo. Si Alejandro

Abadilla ang isa sa mga tanyag na manunulat. Siya ang may akda ng

pinamagatang “Ako ay Daigdig, Isang lipang langit.” Ito ay tumutuloy sa pag

asang maabot pa at matatanaw ang sikat ng araw na tanda ng tagumpay

habang nasa loob ng bilangguan. Parang mga Pilipinong umaasang makalaya


Sosyedad at Literatura
sa kamay ng mga dayuhan. Pilipinong nag aaklas sa mga mananakop sa

kadahilanang ang bawat isa ay may karapatang mabuhay sa mundong ito.

Sumisimbolo ito na ang pagiging matatag sa mga pagsubok sa buhay,

pagtatanggol sa sariling karapatan, pagtitiwala sa sarili at pananalig sa diyos

ang magiging daan sa kaligtasan upang magkaroon ng kalayaan.

II. Concept Mapping


“Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo”
nina J. Barrios et al.

Panitikan

Ito ay nagsasabi o Nagmula ito sa salitang


nagpapahayag ng mga "pang-titikan" na kung saan
kaisipan, mga ang unlaping "pang" ay
damdamin, mga ginamit at hulaping "an".
karanasan, hangarin at Ang salitang "titik" naman
diwa ng mga tao. Ito rin ay nangunguhulugang
ang pinaka payak na literature (literature), Ito ay
paglalarawan lalo na sa galing sa Latin na littera na
pagsulat ng tuwiran o nangunguhulugang titik.
tuluyan at patula.

Naipadarama
ang
Nababatid pagmamahal sa
ang kahinaan
sa pagsulat Kahalagahan kultura sa
pamamagitan ng
at ng Panitikan pagpapakita ng
pagsasanay malasakit sa
upang ito ay panitikan
maisaayos at
maituwid.

Sa pamamagitan
Naipapabatid Nakikilala at ng panitikan
sa daigdig ang nagagamit ang naipakikilala ang
kadakilaan at mga kakayahan pagka - Pilipino
karangalan ng sa pagsulat at at naibabahagi
tradisyong maging masigasig ang yaman ng
Pilipino na sa paglinang at isip at ang
sandigan ng pagpapaunlad angking talino ng
kabuuan ng nito. lahing
ating kultura. pinagmulan.
Sosyedad at Literatura

Sanaysay

Tinuturing ang sanaysay bilang Ang isang sanaysay


isang uri ng panitikan na hindi ay maaaring
mauubusan ng gamit. Ito ay tumalakay ng iba't
isang uri ng sulatin o ibang paksa gaya
komposisyon na naglalayong ng pag-ibig,
maibahagi ang saloobin ng kapaligiran,
nagsulat nito. Ito rin ay maaaring pamilya, lipunan,
magbahagi ng impormasyon, mundo, at iba pa.
magpahayag ng nararamdaman,
magbahagi ng opinyon o
damdamin, manghikayat ng
ibang tao, at iba pa.

Mga Uri ng
Sanaysay
Mga Bahagi
ng Sanaysay
Panimula o Simula
Ito ang pinakamahala dahil
Pormal na Sanaysay kinukuha nito ang atensyon
Ang pormal na sanaysay ay may ng mga mambabasa. Dito
maayos na pagkaka sunod-sunod at nagbibigay ng ideya ang
gumagamit ito ng mga salitang akma may-akda tungkol sa paksa
sa paksa. Ito ay batay sa ng sanaysay.
pananaliksik at pag-aaral. May
seryoso o pormal na tono ito ukol sa
paksa nito.
Gitna o Katawan
Dito naman sinasalaysay ang
mga mahahalagang ideya tungkol
sa paksa. Dito nagbibigay ng
Di-Pormal na Sanaysay
paliwanag o halimbawa ukol sa
Sa kabilang banda, ang di-pormal na
paksa.
sanaysay naman ay batay sa mga opinyon
at pananaw ng nagsulat nito. Ito ay
maaaring galing sa karanasan o
obserbasyon ng may-akda. Ang mga
paksa ng mga di-pormal na sanaysay ay Wakas
pang-karaniwan, personal, at pang-araw- Ito ang huling bahagi ng sanaysay na
araw. Bukod dito, hindi kinakailangang nagtatapos sa sanaysay. Dito
seryoso ang di-pormal na sanaysay. Ito rin nagbibigay ng hamon ukol sa paksa ang
ay mas madaling maintindihan at sundan. may-akda sa kanyang mga mambabasa.
Ito ay para maisakatuparan ang mga
nabanggit na puntos sa katawan ng
sanaysay.
Sosyedad at Literatura

III. Reaksyong papel


“Kasaysayan, Sining, Lipunan: Ang Politika ng Panitikan sa Makabagong
Panahon” ni E. San Juan Jr.
Sa aking mga nabasa, ipinapakita na nais isakatuparan ng araling panliteratura

ang pagbibigay kalayaan sa bawat tao na mangatwiran. Kapag may bagong

naisabatas kahit ito pa ay nakakabuti at ikatitiwasay ng mga nakararami ay

mayroon talagang sasalungat dahil yun ay naging ugali na ng karamihang pinoy.

Natatakot din ang karamihan na sumubok ng panibagong tatahaking daan lalo

na't lahat ay maapektuhan, hindi rin maiwasan na nag aatubili ang karamihan sa

mga darating na kahihinatnan.Napapanahon na dapat ng baguhin ang ating

curriculum dahil totoong napag-iwanan na tayo sa global standards. Isa ang

Pilipinas sa workforce provider sa buong mundo kaya lang kalimitan hindi

kinikilala kung anuman ang ating napag aralan dahil sa education standard.

Gayunpaman, hindi pa rin ito hadlang upang di makilala ang Filipino sa mga

angking kakayahang taglay. Ang pelikula, higit pa sa pagiging isang sining, ay

isang repleksyon ng lipunan, isang pagkilos laban sa pwersang para lamang sa

iilan, isang pangarap para sa pagbabago at isang gabay para sa hinaharap. Wala

pang nakaaarok sa tunay na lawak at gamit ng cinema ngunit para sa

kasaysayan at lipunang Pilipino, malaki ang naging papel ng mga pelikulang

kritikal sa nangyayari lipunan sa paghubog ng kaisipan ng ating mga

mamamayan. Ito ang ginamit na sandata ng mga direktor bilang alagad ng sining

sa pag-aklas laban sa pagtatago ng katotohanan at pagtapak sa hustisya. Ang

dagok na ito noong panahon ng Martial Law ang siyang nagging hasaan ng

kadakilaan ng mga director. Si Brocka ang sinasabing matapang na


Sosyedad at Literatura
probinsiyanong nagpakita ng mga realidad ng lipunang nakabalot sa melodrama

at si Bernal naman ang itinuring na mapanimdim pilosopo na humuhulma ng mga

mapang-uyam na mga istorya. Iiba ang estilo, lente at prespektibo ngunit

parehong nag-uugat sa realidad at sikolohiya ng lipunan. Umusbong ang

kanilang tunay ng galing sa apoy ng panahon ng rehimen Marco at nagpatuloy

hanggang sa sumunod ng administrasyon. Maaring naging isang oportunidad

ang diktadurya para sa pelikula ngunit and pagusbong nito ay hindi dala ng

kagustuhan nga mga nanunungkulan, ito ay ang pagpapamalas ng tapang at

pagtayo laban sa mga gustong umapi sa bayan gamit ang medium na dati ay

panlibang lamang. Ang mga opisyal na masyadong pa importante at idinidikit nila

ang anumang kanilang naisulong kuno, sa kanilang mga pangalan. Na nakalimot

na wala silang mga magagawa kundi dahil sa mga pangkaraniwang tao na

nagsisikap. Nakakalungkot nga isipin na iilan lamang ang nakikinabang na kung

tutuusin ay taong bayan naman talaga ang nararapat na pasalamatan kundi dahil

sa pakikiisa at sa mga ibinayad na buwis walang malaking pondo ang gobyerno.

Bilang isang estudyante dapat nating gampanan ang papel bilang isang

manunuring estudyante upang mapaliwanag ng mabuti kung anu ang dapat

nating gawin upang magampanan ang ating sariling pangangatwiran. Kailangan

nating mapaunlad ang kakayahang mag-isip ng walang alalay o hindi na

magbabase sa kahit anong libro. Naitampok sa pagsasalaysay ng buhay nina

Ana at Roy ang predikamento ng pamilyang nabuwag at mga kabataang

napahamak sa pakikibaka sa ngalan ng kalayaan at hustisya, sa kalakaran ng

krisis ng neokolonyal sa rehim. Kung saan natuklasan ng mambabasa ang tunay

na pagkatao ng mga sabjek sa proseso ng pagtataguyod ng nebolusyonaryong

balak. Sa nobela, madarama ang tunay at nakatotohanang pinagdaraanan ng


Sosyedad at Literatura
bawat Pilipino. Dahil sa krisis, pahirap ng pahirap ang pamumuhay ng bawat tao

dahilan ng hindi sapat ang kinikita at sahod sa bawat araw ng pagtatrabaho. May

mga pamilyang naghihirap at nagtitiis sa paglaban arawaraw at hindi na alam

ang gagawin matustosan lamang ang pangangailangan sa bawat araw na

lumilipas. Sa kagustohan ng mga anak na makatulong sa mga magulang,

nakikibaka din sila at makikipagsapalaran sa ulan at araw kumata lang din kahit

kakarampot lamang. Hindi nag aalinlangan kahit na magkasakit man o

madisgrasya. Ginagawa ang lahat makalaya lamang sa kahirapan. Ang iba pa ay

napapasama sa mga sindikato para mapagaan ang buhay. Makakita an

malakilaki sa madaling paraan pero sa dilikado maaaring bumagsak.

Pangkaraniwang dumadaan sa ating pang araw-araw na minsan ay ating

nadaranasan. Nahihirapan bagkus ay lumalaban. Nobela man kung ituring ngunit

dama natin ang katotohanan na dala nito. Sumasalamin sa kultura at reyalidad

nang ating lipunan. Patuloy na nagpapaalala sa hirap ng ating sistema.

Nakakalungkot man isipin pero ito ang dapat nating harapin. Tiyak na ito ay isang

kolektibong proyekto na dumudulog sa lahat at humahamon sa ating budhi, puso,

katapangan at katapatan.

You might also like