You are on page 1of 62

Sanaysay at

Talumpati
UNANG SEMESTRE
2019-2020

◦ SHIRLEY C. VENIEGAS, MAT


A premier university in a
global community

To develop an empowered, productive, and morally


upright citizenry through high quality, innovative, and
relevant instruction, research, extension, and
entrepreneurship programs adhering to international
standards.
An institution of higher learning is potent and
viable only when it can effectively and efficiently
Integrate and utilize its resources towards the develop
ment of well-rounded and productive learning
individuals who will ultimately become dynamic
leaders/citizens in their respective communities.
• A – Academic Excellence – Delivery of high quality, innovative, and relevant
instruction and acquisition of globally competitive skills.
• C – Cultural Diversity – Equitable access to education for students/clients
of diverse ethnic identities and sustained commitment to nourish indigenous
cultures.
• T – Technological Advancement –Continuing innovations for enhancing
resource utilization and management towards improved and harmonious
living conditions.
• S – Social Responsibility-Initiatives and priorities in contributing global
expertise to create positive impact on the University’s service areas to attain
the highest standards of organizational citizenship.
Deskripsyon ng Kurso
Ang kursong ito ay nakatuon sa masusing pag-aaral,
mabisa at mataas na paggamit ng wikang Filipino na pinaka-
instrumento sa pagpapahayag. Sumasaklaw ito sa maangkop at
masining na pagpili ng mga salitang gagamitin ayon sa
dalawang anyo ng pagpapahayag: pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Lilinangin dito
ang kakayahan at kahusayang pangkomunikatibo ng mga mag-
aaral sa pagdidiskursong pasulat man at/o pasalita.
Program Outcomes-
• PO1 nagpapamalas ng mataas na antas ng kaalaman sa pagtuturo ng wika
at panitikang Filipino;

• PO2 nagpapakita ng malawak at malalim na pang-unawa at kaalaman sa


ugnayan ng wika, kultura at lipunan;

• PO3 nakagagamit ng iba’t ibang kasanayan at kaalaman sa proseso ng


pagtuturo-pagkatuto;

• PO4 nagtataglay ng kaalaman hinggil sa usapin ng kultural at linggwistikong


dibersidad ng bansa;

• PO5 nakapagdidisenyo ng malikhain, inobatibo, at integratibong mga


alternatibong dulog sa pagtuturo at pagkatuto; at

• PO6 nakagagawa ng pananaliksik ukol sa ikauunlad ng wikang Filipino bilang


wikang panturo.
• CO1 Naipapahayag ang mga bagay-bagay, kaisipan at mga paraan
ng paglalahad na naiuugnay sa pagsulat ng sanaysay at talumpati;
• CO2 Natutukoy ang pamaraan ng pagsulat ng sanaysay at talumpati;
• CO3 Natitiyak ang pagkakaiba ng sanaysay at talumpati sa ibang uri
ng panitikan;
• CO4 Nagkakaroon nang ganap na kaalaman at kabatiran sa masining,
mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas na mahalaga sa
pagtatamo ng higit na pagkilala sa sariling kakayahan, pagpapaunlad ng
pakikitungo sa iba, pagpapataas ng kakayahang pampropesyunal at
kakayahang makatutulong sa ikauunlad at pagsulong ng ating bansa.
• CO5 Nakasusulat ng sanaysay at talumpati na maaaring ibatay sa
sariling;
• CO6 Nakapaglalapat ng angkop na paraan ng pagsusuri ng sanaysay;
• CO7 Nabibigyang-halaga ang mabisang pagbasa ng mga piling
sanaysay at talumpati.
Kabanata 1
Ang Sanaysay

1. Ano ang Sanaysay?


2. Ano-ano ang mga layunin at katangian ng Sanaysay?
3. Saan nga ba nagmula ang Sanaysay?
Gawain 1
• Pagbuo ng isang Sanaysay tungkol sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika
• Tema:
Gawain 2

Panuto: Basahin at sagutin ang mga


sumusunod:
1. Ano ang sanaysay?
2. Paano ito nakatutulong sa paglinang ng
kakayahang komunikatibo at sa personal na
buhay ng isang tao?
3. Saan nagmula ang sanaysay?
Ang Sanaysay
Introduksyon
Kung ang maikling katha ang itinuturing na
pinakapopular na sangay ng panitikan, ang
sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng
larangang kinasasangkutan ng mga
mamamayan-pampulitika, panlipunan, pang-
edukasyon, atb.
Ang Sanaysay

• Sa Pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit


sa pagsulat ng liham, pag-uulat at
pananaliksik, sa paglalahad ng mga
kautusan palibot-liham at alintuntunin,
ang sanaysay ang lagi nang ginagamit.
1. ALEJANDRO ABADILLA (1950)

• Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas


• Ama ng Sanaysay

Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng


pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
Ang sanaysay ay hango sa pahayag
na “Pagsasalaysay ng isang sanay”
kung saan ito ay kakikitaan ng
dalawang sangkap ang “Salaysay” at
“Sanay”-dalawang salita na
pinaghanguan ng salitang sanaysay.
• Ito ay bunga na rin ng pagkahilig ng mga
Pilipino sa pagsasalaysay bilang anyo ng
pagpapahayag, samantalang ang sanay
naman na binanggit sa aklat ni Lilia
Antonio, ay maiugnay sa pagiging sanay
ng mananaysay sa paksang tinatalakay,
lalo na, ang paggamit ng kasanayan sa
wika at gamit ng wika.
2. Lilia Santiago (2006)

• Ayon kay Santiago, malimit na


narration sa Ingles ang itinutumbas
natin sa salitang pagsasalaysay,
subalit napakalawak kung susuriin ang
sakop ng salitang ito kung isasama o
iuugnay sa iba pang uri ng
pagpapahayag.
Lilia Santiago (2006)

• Isang halimbawa nito ang salitang


kasaysayan na binigyan ng depinisyong
“mga salaysay na may saysay.” Sa
kabilang banda, ang sanaysay ay may
paglilinaw ng mga bagay-bagay,
paglalatag ng paninindigan upang
humikayat o kumumbinsi sa iba ukol sa
isang punto.
• Maaaring maglaman ito ng pagsusuri
at pagmumuni, pag-uulat at
pagpapaliwanag o pangangaral o
sermon.

Lilia Santiago (2006)


3. Arrogante, 2007
• Ang sanaysay ay isang uri ng akda na
nasusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa tungkol sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na
sadyang kinapupulutan ng aral at aliw
ng mga mambabasa.
Arrogante, 2007

• Komposisyon itong taglay ang tatak


ng panlasa at hilig, reaksyon at
palagay, saloobin at paniniwala,
kalagayan at katauhan, karanasan at
kaalaman ng bawat may-akda.
4. Michael de Montaigne

• Ang lumikha ng sanaysay, ang sangay


ng panitikang ito ay pagtatangka o
pagsubok sa bagong larangan ng
panitikang ang mga kaisipan ay
maaaring makipagtalastasan sa
kanino mang mga kaibigan o kakilala.
5. Diksyunaryo

• Ang sanaysay ay isang


komposisyong pampanitikan sa
isang natatanging paksa na
higit na maikli at pormal kaysa
alinmang akda.
6. Genoveva E. Matute
• Ang sanaysay sa malawak na kahulugan
ay sumasakop sa lathalain, tangi o hindi,
sa artikulo, paliwanag, pag-aaral, tesis,
monograph, panunuri, pitak at iba-iba
pang tinatawag na iba’t ibang pangalan;
may nagsabing ang katawagang
sanaysay ay maikakapit sa ano mang
sulatin hindi tula, dula o maikling katha;
Genoveva E. Matute
• Sa makitid na kahulugan, ito’y
pagtalakay sa isang paksa sa paraang
tuluyan at malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro,
palagay, at ng kasiyahan ng
sumusulat, upang umaliw, magbigay-
kaalaman o magturo.
Genoveva E. Matute
• Ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higit na
nagpapaisip, nagpapalawak at nagpapalalim sa
pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa
isipa’t damdaming-bayan. Sa anyong ito lalong
lumulutang ang kakanyahan, ang istilo ng
manunulat-ito man ay may pigil, magsalita,
maluwag, maigting, palabiro, seryoso,
mapakla, mapang-uyam, kaibig-ibig;
Genoveva E. Matute
• Ang kanyang isipan, palagay, damdamin,
reaksiyon sa buhay at sa mga bagay-
bagay sa buhay. Sa sanaysay, lalo na sa
sanaysay na palagayan o impormal, lalong
madaling mangibabaw ang katauhan o
personalidad ng manunulat.
7. Gonzales. Et. al.,1978

• Ang sanaysay ay tumutukoy sa


kathang pampanitikan na naglalahad
ng mga kaisipan, damdamin at kuro-
kuro ng sumulat tungkol sa isang
paksa.
8. Salazar. Et al.1995

• Ang sanaysay ay
pagpapahayag ng kuro-kuro o
opinyon na may akda tungkol
sa isang suliranin o
pangyayari.
9. Francis Bacon
• Manunulat sa Ingles ang nagpasimuno sa
mapanuring pagmumuni, analitikal,
pilosopikal at impersonal na gamit ng essay.
Magagamit ang essay upang magpamansag ng
malalim na kabatiran, palaisipan at katuturan
ng pag-iral.
10. Sanaysay sa Kasalukuyan

Sa kasalukuyan, ang sanaysay ay


naglalaman ng maikling pag-aaral sa
prosa na nagtataglay ng mga sariling
pananaw, paniniwala at kaisipan ng
sumusulat.
Mga Layunin ng Sanaysay

• Ang dalawang uri ng sanaysay sa


panlahat na pahayag ay parehong
naglalayong magbigay kaalaman
at magdulot ng aliw.
Layunin ng Sanaysay

• Ang tanging pagkakaiba ay nasa prayoridad na


rin ng bawat uri.
• Ang pormal na sanaysay at nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat, at magturo
tungo sa pangkaunlarang isip, moral at
hilagyo(espiritu) ng mga mambabasa.
Layunin ng Sanaysay

• Samantala:
• Ang pamilyar o di pormal na sanaysay
ay nagmimithing mangganyak,
magpatawa, kaya ay manudyo o
magsilbing salamin sa lahat ng mga
saloobin at kondisyong pansikolohikal
ng mga mambabasa.
Katangian ng Sanaysay
• Ang isang mahusay na sanaysay ay may
isang malakas na panimulang talata na
may isang malakas na sanaysay na
maaaring nagtalo. Naisusulat ang talata
na may sumusuportang ebidensya at
kapani-paniwalang pag-aaral, at isang
malakas na pagbibigay ng kongklusyon sa
talata.
Pinagmulan ng Sanaysay
MICHAEL de Montaigne (Renaissance-ika
16 na siglo)
-isang pilosopong pranses na gumawa ng
sanaysay bilang isang literary genre. (The
Essay, Book-Complete Works: Essays,
Travel, Journal, Letters)
• Isang Pranses na pinamagatang ESSAIS
• ESSAIS-isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang pagsubok sa anyo at
mga pagsisikap ng may-akda.
Francisco Bacon (English
Pilosopher/1561-1626)
• Nagsimula siyang magsulat ng
sanaysay 1597 na naglalaman
ng mga saloobin at kaisipang
punong-puno ng buhay.
• Tinaguriang “ Ama ng sanaysay
na Nasusulat sa Ingles”
Sir Izaak Walton
• The Compleat Angler noong 1653
• Naging paksa niya ang tungkol sa
pamimingwit at pagkakaibigan.
Sir Thomas Browne
• Tungkol sa mga katutubong kaugalian
• Masusi niyang inilarawan sa Religio
Medici at Urn Burial.
John Dryden
• Ang mga opinyon niya tungkol sa panitikan at
sining ay kinalugdang basahin ng mga
nagpapahalaga sa dalawang disiplinang
nabanggit.
• An Essay od Dramatic Poesy-itinuturing na
pinakamahusay na sanaysay ni Dryden.
Mga kinikilalang Mananaysay noong ika-
18 dantaon
• Richard Steele
• Joseph Addison
• Samuel Johnson
• Oliver Goldsmith
Ika-19 dantaon-paglaganap ng panitikan,
sining, paksang panrelihiyon at panlipunan.

• John Ruskin
• Thomas Henry Huxley
• Matthew Arnold
Ika-17 dantaon
• Gintong Panahon ng Panitikang Pranses
* Francois de Rochefouldcauld Voltaire-ang akda niya
tungkol sa mga sawikain ay nakaiimpluwensya nang
malaki sa ibang mananaysay.
1. Sainte-Beauve
2. Jules Lemaitre
3. Ferdinand Brunetiere
4. Anatole France
Estados Unidos
Washington Irving-
Sa kanyang SKETCH BOOK (1819) ay tulad ng mga
sanaysay na naisulat ng mga mananasaysay na Ingles.
Nagkaiba lamang sa istilo, sapagkat higit na matimpi
ang istilo ni Irving.
Estados Unidos
Edgar Allan Poe
Isang mahusay na makata’t manunulat at isa ring
institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.

Ralph Waldo, Emerson, John Burroughs-mga iba pang


mananalaysay sa Estados Unidos.
Dalawang Magasing naglathala ng mga
Sanaysay
1. The Atlantic Monthly
2. Harper’s Magazine
Sinasabing karamihan sa mga sanaysay na
nailathala rito ay panunuring pampanitikan.
Pilipinas
JOSE RIZAL
- THE INDOLENCE OF THE FILIPINO PEOPLE
- THE PHILIPPINES, A CENTURY HENCE
Marcelo H. del Pilar
• Patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad
• Itinuturing na nanguna sa pangkat ng mga mapanghimagsik
na mananaysay kabilang sina
• Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, Apolinario Mabini,
Rafael Palma, Teodoro M. Kalaw, Trinidad Pardo de Tavera
1945 at 1950
1. Teodoro A. Agoncillo

2. Liwayway Arceo

3. Brigido C. Batungbakal

4. Genoveva Edroza

5. Alfredo Enriquez

6. Pablo Glorioso

7. Epifanio Matute

8. Clodualdo del Mundo

9. Macario pineda

10. Alejandro Abadilla

11. Narciso reyes

12. Vito Santos


Mga Mananalaysay sa Amerika
• Oliver Wendell Homes
• Ralph Waldo Emerson
• Samuel Clemens
• Mark Twain
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
1. Maimpormasyon-naghahatid 1. Pamilyar o palagayan
o nagbibigay ng mahalagang naman ito kung mapang-
kaisipan o kaalaman sa aliw-nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng makaagham
at lohikal na pagsasaayos ng
pamamagitan ng
mga materyales tungo sa pagtalakay sa mga
ikalilinaw ng pinakapiling paksaing karaniwan, pang-
paksang tinatalakay. May araw-araw at personal.
paksang seryoso
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
2. Pampanitikan kasi 2. Idinidiin dito ang mga
makahulugan, matalinghaga at bagay-bagay, mga
matayutay. karanasan at mga isyung
bukod sa kababakasan ng
personalidad ng may-akda
ay maaaring empatiyahan
o kasangkutan ng
mambabasang madla.
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
3. Obhetibo sapagkat kailangan 3. Subhektibo sapagkat
nitong makalikha ng isang pumapanig sa damdamin
talakayang magtatanghal ng at paniniwala ng may-
isang impormasyong
isinusulong ng disiplina at
akda ang pananaw. May
kaalamang pinagbabatayan ng malayang anyo.
mga isinasagawang pagsusuri.
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
4. Maanyo rin ito kung 4. Ang pananalita ay
turingan sapagkat mahigpit parang pag-uusap lamang,
itong pinag-aaralan. Maingat at ang mambabasa ang
na pinipili ang pananalita kaya
mabigat basahin.
tagapakinig, kaya magaan,
madaling maintindihan,
nahahaluan paminsan ng
kolokyal.
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
5. Ang modo nito ay seryoso, 5. Palakaibigan ang tono
painteklektwal, walang halong dahil panauhang ginagamit
pagbibiro. Mapitagan ang tono ay unang panauhan.
dahil bukod sa ikatlong
panauhin ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa
damdamin ng may-akda.
Uri ng Sanaysay
Pormal Di-Pormal
6. Hindi gaanong masining 6. Sinusulat sa malikhaing
paraan.
Apat na Uri ng Pagsulat ng Sanaysay
(Purdue University Estados Unidos)
1. Sanaysay na naglalahad-isang uri ng
sanaysay na nangangailangan ng pagsusuri sa
ideya, pagtataya ng mga patunay,
pagpapalawak ng kaisipan at pagtakda ng
pangangatwiran ukol sa ideya o kaisipan sa
malinaw at tiyak na paraan. Ito ay
ginagamitan ng paghahambing at
Pagkokontrast, paglalahad, pagbibigay ng
halimbawa, pag-aanalisa ng sanhi at bunga at
iba pa.
Apat na Uri ng Pagsulat ng Sanaysay
(Purdue University Estados Unidos)
2. Sanaysay na naglalarawan-sanaysay na
ginagamit sa paglalarawan ng isang tao, bagay,
lugar, pangyayari, damdamin, sitwasyon at iba
pa.
Ito ay uri ng sanaysay na humihimok sa
kakayahan. Higit pa rito, hinahayaang ang mga
manunulat na gamitin ang kalayaan sa
paglikha, layunin nitong magkintal ng imahen
sa isip ng mga mambabasa.
Apat na Uri ng Pagsulat ng Sanaysay
(Purdue University Estados Unidos)
3. Sanaysay na nagsasalaysay- maaaring isipin na ito
ay isang uri ng pagkukuwento, ang ganitong uri ng
sanaysay ay malimit na gumagamit ng anekdota,
karanasan, at may pagkapersonal-hinahayaang nitong
ang mga mag-aaral na ihayag ang kanilang saloobin
gamit ang pagiging malikhain.
Apat na Uri ng Pagsulat ng Sanaysay
(Purdue University Estados Unidos)

4. Sanaysay na nangangatwiran-isang uri ng


sanaysay na matamang nagsusuri sa isang paksa,
nangongolekta ng datos, nakalilikha at
Nakapagsusuri ng mga ebidensya at
nakapagpapatibay ng tindig o panig ng isang
paksa sa tiyak na paraan sa pagbuo ng
argumento o pangangatwiran.
KABANATA II Pagtalakay sa Ilang mga Piling Sanaysay
1) Sa mga Kababaihang Taga-Malolos ni Jose P. Rizal
2) Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
3) Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan ni Andres Bonifacio
4) Kaiingat Kayo ni Marcelo H. Del Pilar
5) Ang Tunay na Sampung Utos ni Andres Bonifacio
6) Ang Satanas sa Lupa ni Celso Al Carunungan: Repleksyon ng Kamalayang Politikal ng Bansa.
7) At iba pa
• Ugnayan: Panitikan at Lipunan
• Israel DC. Saguinsin
• Rose Ann S. Tanghal
• Francelaida F. Baluyot

You might also like