You are on page 1of 19

PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

PAGSULAT NG
LAKBAY-
 Lakbay Sanaysay
SANAYSAY  Ito ay sanaysay na ang
pinanggagalingan ng mga ideya nito ay
mula sa pinuntahang lugar.
 Ngunit hindi lamang ang lugar ang
tinatampok dito pati na rin ang mga
kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng
mga tao, damdamin ng isang taong
nakaranas pumunta sa partikular na
lugar at lahat ng aspektong natuklasan
ng isang manlalakbay.
NONON CARANDANG
 Tinawag ang lakbay sanaysay na
sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, galing tatlong
konsepto:
 Sanaysay,
 Sanay
 Lakbay.
 Naniniwala siyang ang sanaysay
ang pinakaepektibong pormat ng
sulatin upang maitala ang mga
naranasan sa paglalakbay.
MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY
SANAYSAY
 Ayon kay DR. LILIA ANTONIO, et al. sa kanilang
aklat na Malikhaing Sanaysay (2013) may apat na
pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
 Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa
pagsusulat.
 Pangalawa, layunin nitong makalikha ng patnubay para
sa posibleng manlalakbay.
 Pangatlo, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan
sa paglalakbay tulad ng pagpapahilom o pagtuklas sa
sarili.
 Pang-apat, upang maidokumento ang kasaysayan,
kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing
pamamaraan.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
LAKBAY-SANAYSAY

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang


turista.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
Ayon kay Antonio,(2013) ang susi sa mainam na pagsulat
nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na
kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga
larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
5. Ilahad ang mga realisyasyon sa ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
Uri ng Sanaysay
 Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral.

 Di-Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga paksang


magaan, pangkaraniwan, pang araw-araw at personal.  

Bahagi ng Sanaysay  
 Panimula - ito ang bahaging pinakamahalaga sa isang sanaysay dahil
ito ang unang tinitingnan ng mga magbabasa.

 Katawan - ito ang bahaging makikita ang pagtalakay sa mahalagang


puntos ukol sa tema at nilalaman nito.

 Wakas - ito ang bahaging nagsasara ang pangyayaring naganap sa


katawan ng sanaysay.
ANG PAGSULAT NG
TALUMPATI
ANO ANG TALUMPATI?
 Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya
o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa
isang particular na paksa.
 Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
 Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging
ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa
harap ng madla.
 Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan
ang kanyang paniniwala, pananaw, at
pangangatwiran sa isang particular na paksa
URI NG TALUMPATI
Dagli - o kilala din sa tawag na “Impromptu”ay isang
uri ng talumpati kung saan walang paghahanda ang
isang mananalumpati.
Maluwag - o kilala din sa tawag na “Extemporaneous”
kung saan may panahon para maghanda at magtipon ng
datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan - o kilala din sa tawag na “Prepared” ay
maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na
pag-aaral sa paksa ang mananalumpati.
Manuskripto – ang talumpating ito ay ginagamit sa mga
kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasliksik kaya
pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salu-salo.
Talumpating Panghikayat
Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati
sa pamamagitang ng pabgigigay-katwiran at mga patunay.
Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga
pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at
pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Papuri
Layunin ng talumpating ito na magbigay
ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan.
Talumpating Pampasigla
Layunin ng talumpating ito na magbigay
ng inspirasyon sa mga nakikinig.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG TALUMPATI
A. URI NG TAGPAKINIG
Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat
na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang
ilan sa dapat mabatid ng mananalumpati sa
kanyang mga tagapakinig ang mga sumusunod:
1. Edad o gulang
2. Bilang ng tagapakinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas ng lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN

 Ayon kina Casanova at Rubin (2001)


sa kanilang aklat ng Retorikang
Pangkolehiyo, upang higit na kawili-wili ang
talumpati, dapat makitaan na may sapat na
kaalaman ang mananalumpati hinggil sa
paksa.
Ang kaalaman niya ay dapat na nakahihigit
sa kanyang tagapakinig. Ito nangangahulugan
lamang na sa pagsulat ng talumpati,
kailangan ng sapat na paghahanda,
pagpaplano, at pag-aaral tungkol sa paksa.
C. HULWARAN SA PAGBUO NG TESIS
Ayon parin kina Casanova at Rubin (2001), may talong
hulwarang maaring gamitin sa pagbuo ng talumpati.
1. KRONOLOHIKAL – gamit ang hulwarang ito, ang mga
detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
2. TOPIKAL- kung ang paksa ay kailangan hatiin sa mga
tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang
ito.
3. PROBLEMA-SOLUSYON – kalimitang ginagamit ang
hulwarang ito sa mga uri ng talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.
• Nahahati sa dalawang bahagi.
 ang paglalahad ng suliranin
pagtatalakay sa solusyon na maaring isagawa .
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA
BAHAGI NG TALUMPATI
Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng
talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos
ito ay napakahlaga ring isaalang-alang upang
higit na maging mahusay, komprehensibo, at
organisado ang bibigkasing talumpati.

Ayon kay Alchimitser P. Tumangan, Sr. et al.


may akda ng retorika sa kolehiyo, ang isang
talumpati ay kailangan magtaglay ng bahagi.
BAHAGI NG TALUMPATI
• Simula - sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng
paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa
simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
• Katawan o Gitna  - dito nakasaad ang paksang
tinatalakay ng mananalumpati.
Ito ay pinaka-kaluluwa ng talumpati. Narito ang mga
katangiang kailangan taglayin ng katawan ng
talumpati.

a. KAWASTUHAN
b. KALINAWAN
c. KAAKIT-AKIT
• Haba ng Talumpati - dito nakasalalay
kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas o presentasyon nito.

• Katapusan o Wakas  - ito naman ang buod


ng paksang tinalakay ng mananalumpati.
• Nakalahad dito ang pinakamalakas na
katibayan, katwiran at paniniwala para
makahikayat ng pagkilos mula sa mga
tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.
KATAPUSAN NG UNANG SEMESTRE

MARAMING SALAMAT ! HANGGANG SA


MULI !
Binibining LOYCE PRECIOUS C. QUEZON, LPT

You might also like