You are on page 1of 19

ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

Sa Ingles na salita, ito ang tinatawag na ''informative text". Ito ay uri ng
teksto na naglalahad o nagbabahagi ng mga bago at mahalagang kaalaman at
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pang
maaaring maging paksa.
Ang tekstong ito ay batay sa mga tunay na pangyayari at ipinapaliwanag ito
ng detalyado sa paraang maipapabatid ang ideya o kaisipan ng paksa sa
pamamagitan ng tamang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye.
PAG-ISIPAN!
IBA’T IBANG IMPORMASYONG MAKUKUHA
MULA SA TEKSTONG IMPORMATIBO
1. IMPORMASYONG HANGO SA ISANG SANGGUNIANG
NASALIKSIK
 ito ay tumutukoy sa kaalamang mula sa nasaliksik ng sumulat ng
tekstong impormatibo
2. IMPORMASYONG NATUKLASAN BUHAT SA TEKSTONG
BINASA
 ginagamit sa pagtatalakay ng mga paksa sa isang teksto at malaon
ay natutuklasan at nagagamit sa iba pang pamamaraan ng pagsulat.
3. IMPORMASYONG NAUUGNAY SA ISANG REALIDAD NA
NAGING IMPORMATIBO
 may mga impormasyong nahahango sa isang teksto at nauugnay
sa kasalukuyang estado ng buhay na malaon ay nagagamit sa
realidad.
4. IMPORMASYONG BAGO BUHAT SA MAS MALALIM PANG
PANANALIKSIK NG SUMULAT
 natutulunagn ng pagbabasa at lubos na pananaliksik ang
pagtuklas ng mga kaalamang buhat sa kakayahan ng isang
manunulat.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
PANIMULA
 ito ang magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon
ang isang tekstong impormatibo
PAMUNGAD NA PAGTALAKAY SA PAKSA
 dito nakasaad ang buwelo ng pagtatalakay sa paksa
GRAPHICAL REPRESENTATION
 maaaring gumamit ng kahit ng alin sa mga sumusunod: matrix,
mapa, kolum graph
ACTUWAL NA PAGATATLAKAY SA PAKSA
 dito mabubuo ang komprehensibong pagtatalakay sa paksa.
MAHAHALAGANG DATOS
ito ang magpapatunay kung ano ang kahalagahan ng
tinatalakay ng paksa
PAGBANGGIT SA MGA SANGGUNIANG GINAMIT
 may mga format o anyong dapat sundin bilang pagsasaalang-
alang sa mga taong sumulat at nakapagisip ng mga ideyang
ginamit sa partikular na teksto
PAGLALAGOM
 upang magkaroon ng sapat na pagkapit o pagkakaayon sa
isinasagawang pagtalakay
PAGSULAT NG SANGGUNIAN
 dito inililista o isinusulat ang lahat ng pinagsasangunian nang
kompleto at buo ayon sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG
IMPORMASYON SA TEKSTONG IMPORMATIBO

• Maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan o


estratehiya ang isang manunulat upang matulungan ang
mambabasa na makuha nang mabilis ang nilalamang
impormasyon ng teksto.
Narito ang ang ilan sa mga pamamaraang ito:

• Pagbibigay-depinisyon ng mga salitang bago sa mambabasa

• Pagbibigay-diin (hal., paggamit ng boldface o italics) sa ilang salita upang


makita ito nang mabilis

• Paglalagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks

• Paggamit ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon, tsart, at larawan.


ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO

  Ito ay naglalayong magpinta ng isang matingkad at


detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at
damdamin ng mga mambabasa.
 Ito ay tumutulong upang mabigyang buhay ang
imahinasyon ng isang mambabasa.
 Ito ay naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
PARAAN NG DESKRIPTIBO
• Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng
mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
• Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
• Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na
saloobin ng naglalarawan.
• Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayar
DALAWANG URI NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. Karaniwan
 Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
Halimbawa :
Maganda si Marcha, Hugis puso ang kanyang mukha at may mamula-mulang
pisngi at labi. Mayroon din siyang biloy sa kanyang pisngi, may matangos na
Ilong at may makapal na pilik mata at kilay.  Mahaba ang kanyang buhok na
abot hanggang balikat na kinulayan ng kulay dilaw. Siya ay matangkad at may
balingkinitang katawan.
2. Masining

Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay,tayutay at
idyoma. Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin  at pang malas ng may akda.
Halimbawa :
Muling nabuhay si Grace sa katauhan ni Marcha. Ang hugis
puso niyang mukha na tila  anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng anak ni Adan. Mayroon siyang
ginintuaang buhok na abot hanggang balikat.
MGA ESTRATEHIYA SA MABISANG
PAGLALARAWAN

• UNA, mahalagang pumili ng anggulong gagamitin sa paglalarawan.


Halimbawa:
Kung ang ilalarawan ay isang aktibidad sa paaralan, pagpasiyahan
kung ang paraan ng paglalarawan ay mula sa anggulo ng nanonood sa
aktibidad o ng mga taong mismong kasama sa aktibidad.
PANGALAWA, paggamit ng mga salitang naglalarawan na kauganay
sa mga pandama.
• Nagpapakita ito na ginagamit nang mabisa ng manunulat ang
kaniyang paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at pandama.

• PANGATLO, makatutulong ang paggamit ng mga tayutay o


matatalinghagang salita.
APAT NA MAHAHALAGANG
KASANGKAPANG GINAMIT SA MALINAW
NA PAGLALARAWAN
• WIKA
• MAAYOS NA DETALYE
• PANANAW NG PAGLALARAWAN
• ISANG KABUOAN O IMPRESYON

You might also like