You are on page 1of 20

ANG TEKSTONG PAGLALARAWAN

(DESKRIPTIB)
AMONOY
PAMPLONA
QUILANG
ROSQUETA
VILLA
ANO NGA BA ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy,
panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
• LAYUNIN: Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa
isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong
larawan.

• KAHALAGAHAN: Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas


nakatutulong ito upang mas malawak na maintindihan ng
mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng
manunulat.
PARAAN NG PAGLALARAWAN
• Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o
pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

• Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at


narinig
• Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na
saloobin ng naglalarawan.
• Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
URI NG PAGLALARAWAN (DESKRIPTIB)
KARANIWAN
• Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon
sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

Sa Karaniwang Paglalarawan:
• Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat
isinasama
• Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na
detalye sa payak na paraan.
MASINING
• Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili
ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang
paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.

Sa Masining na Paglalarawan:
• Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imah
inasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay.
• may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang
naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
APAT NA MAHAHALAGANG KASANGKAPAN NA
GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
WIKA
• Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan
niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat
naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw
at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-
uri at pangabay.
MAAYOS NA DETALYE
• Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga
bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao,
bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng
mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.
PANANAW NG PAGLALARAWAN
• Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay,
pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaring maganda sa
isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay
nagdulot sakanya ng isang di magandang karanasan.
ISANG KABUOAN O IMPRESYON
• Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil
sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos
na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
PAGSUSULIT
1. Ang ______________ ay isang tekstong
nalalarawan.
2-5. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong
may kaugnyan sa mga katangian ng ____, ____,
____, _____.
6. Naglalayon itong maglarawawan sa detalyadong
pamamaraan.
7. Naglalayong itong maglarawan ayon sa
pansariling pananaw o personal na saloobin.
8. TUKUYIN ANG GINAMIT NA
KATANGIAN SA TEKSTONG DESCRIPTIV:
Ang mahaba niyang buhok, mabining paglakad, at
mahusay na pagsagot ang nagdala kay Pia
Wurtzbach sa tagumpay.
a. masining
b. teknikal
c. impresyunistik
d. karaniwan
9. TUKUYIN ANG GINAMIT NA
KATANGIAN SA TEKSTONG DESCRIPTIV:
Nakakatuwa ang masisipag na magaaral ng
kanilang paaralan dahil sila ay pawang kabataang
patuloy na nagsusunog ng kilay upang makauha
ng mataas na marka
a. gamit ng wika
b. impresyonistiko
c. karaniwan
d. masining
10. PILIIN ANG PAHAYAG NA
MAGTAGLAY NG KATANGIAN NG
TEKSTONG DESCRIPTIBO
A. Bilog ang mundo.
B. Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng
panitikan.
C. Bakit naging mabilis ang pagtaas ng baha?
D. Ang eleksyon ay magaganap sa susunod na
buwan.

You might also like