You are on page 1of 44

ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?

• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o


kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa,
pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawanng
mga detalye na kanyangnararanasan.

• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay,


pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN

LAYUNIN: Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng


tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buonglarawan.

KAHALAGAHAN:
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang
mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais
ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak
maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan
at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat.
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ngmga
tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

 Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig


 Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personalna
saloobin ng naglalarawan.
 Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
KARANIWAN
obhetibo
Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ngimpormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin opangmalas.

Sa Karaniwang Paglalarawan:
 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ayhindi
dapat isinasama
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular
na detalye sapayak na paraan
KARANIWAN
Halimbawa #1
Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang
pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba angang
kanyang buhok na umaabot hanggang sabaywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng
kanyang taas.
Halimbawa #2
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang
katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang
bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay
palaging anyong banal.
MASINING
subhetibo
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng
mga pang-uri, pang-abay, tayutay, atidyoma.

Sa Masining naPaglalarawan:
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ngimah
inasyon, pananaw at opinyong pansarilingtagapagsalaysay.
 may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o
sadyang naranasan nitong damdamin sainilalarawan
MASINING
Halimbawa #1
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet.
Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon angkanyang
buhok na bumagay naman sa kainggit inggit niyang
katawan at taas.

Halimbawa #2
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
WIKA

•Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan


niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat
naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw
at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamitdito
ang pang-uri at pangabay
MAAYOS NA DETALYE

Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga


bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao,
bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahadng
mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.
PANANAW NG PAGLALARAWAN

Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay,


pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaring maganda
sa isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay
nagdulot sa kanya ng isang di-magandangkaranasan.
ISANG KABUOAN O IMPRESYON

Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na


larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil
sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos
na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
.
PAGLALAGOM
• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ngpandama.
• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan o isang konseptongbisw
al ng mga bagay-bagay.
• kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAG PARAAN NG PAGLALARAWAN


AMIT SA MALINAW NAPAGLALARAWAN
•Wika •Batay sa Pandama
•Maayos na detalye •Batay sa Nararamdaman
•Pananaw ng paglalarawan •Batay sa Obserbasyon
•Isang kabuoan o impresyon

URI NG PAGLALARAWAN:
1.) KARANIWAN - Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
2.) MASINING - Masining ito kung itoay nagpapahayag ng isang buhay
na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat-


etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga

dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti

at makulay ang kanilang kasuotan.Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up

ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay

maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at hiyas at

katawan.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:

KALIKASAN
Ang tekstong binasa ay naglalayong makapaglahad ng larawan o
ideya tungkol sa mga katangiang taglay ng pangkat-etnikong T-boli na
matatagpuan sa Timog Cotabato, Mindanao.

KATANGIAN
Ang tekstong binasa ay naglalaman ng mga salita at pangungusap na
ginamit sa paglalarawan ng pamumuhay, pananamit, at pag-uugali ng
mga taong kabilang sapangkat-etnikong T-boli.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:

ANYO
Tekstong Deskriptibo
PAKSA
Katangian ng pangkat-etnikong T’boli

KAISIPANG NAKAPALOOB SATEKSTO:


Ang pangkat etnikong T’boli ay mayroong mapayapa at simpleng
pamumuhay.
Ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa larangan ng
kasuotan at hiyas at katawan.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:

Mahalaga ito…
 Sarili – upang magkaroon tayo ng ideya sa kung paano nga ba namumuhay ang
mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa bansa at mas maisasaisip natin sa kung
ano-ano ang katangiang kanilang taglay.

 Pamilya – Upang magkaroon tayong mas malalim na pag-unawa at kaalaman


sa ng mga katutubong etniko na matatagpuan sa bansa.

Komunidad – upang ating mas makikilala ang mga pangkat-etniko na


naninirahan sa ibang lugar na malayo sa lungsod.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:

Mahalaga ito…

Bansa –Upang ito ay magsilbing daan tungo sa pagpapaunlad ng ating kultura at


ating tulungan na mas lalo pa itong pagyamanin at pangalagaan.
Daigdig – Upang maipamalas at maipagmalaki natin sa lahat ang galing at talento
ng ating mga katutubong pangkat tulad ng T’boli sa buong daigdig.

Sa kabuuan, ang tekstong ito ay may layuning bigyan tayo ng ideya o konsepto
sa kung paano nga ba namumuhay ang mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa
Pilipinas.
T’BOLI TRIBE
Gamit ng cohesive devices o
kohesyong grammatical sa
pagsulat ng tekstong
Deskriptibo
•Upang mas maging mahusay ang
pagkakahabi ng tekstong
deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng teksto o kaya’y maging
mas malinaw ang anumang uri ng
teekstong susulatin, kinakailangan
ang paggamit ng mga cohesive
device o kohesyong gramatikal.
Limang pangunahing
cohesive device
o
kohesyong gramatikal
Reperensiys (reference)
•Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
•Maaari itong maging anapora
(kung kailangan bumalik sa
teksto upang malaman kung ano
o sino ang tinutukoy) o kaya’y
katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang
kung sino o ano ang tinutukoy
kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto)
Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay
tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap
upang malaman ang tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat para sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan
kundi ng aking puso at damdamin. Siya si
Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang
taon pa lamang
(ang siya sa unang pangungusap
ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya o niya kapag
ipinagpatuloy ang pagbasa.)
Substitusyon (substitution)
•Paggamit ng ibang salitang ipapalit
sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang
pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay ang
aklat.)
ellipsis
•May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makakatulong
ang unang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at
si Rina nama’y tatlo.
(nawala ang salitang bumuli gayundin ang
salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad
ni Gina, siya’y bumuli rin ng tatlong aklat
dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
Pang-ugnay
•Nagagamit ang mga salitang pang-
ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala,
at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na
nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng
mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal
sa kanilang mga magulang.
Kohesyong leksikal

•Mabibisang salitang ginagamit sa teksto


upang magkaroon ito ng kohesyon.
Maari itong mauri sa dalawa:
reiterasyon at ang kolokasyon
Reiterasyon
•Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari itong
mauuri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon,
pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan
Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok
sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtratrabaho na sa murang gulang pa
lamang
Pag-iisa-isa

Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito ay
tatlong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
Pagbibigay kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
kolokasyon
•Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha may kaugnayan sa
isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa

ay naiisip din ang isa. Maaaring


magkapareha o maaari ring
magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay- tatay, guro- mag- aaral,
hilga-timog, doctor- pasyente,
puti- itim, maliit- Malaki,
mayaman-mahirap
Mga pinagkunan:
Marquez, S.T.(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo saPanana
liksik. Sibs Publishing House
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-pagpapaha
yag.html

You might also like