You are on page 1of 4

PAGSUSURI SA MAIKLING KUWENTONG “SA LUPA NG SARILING

BAYAN”

I. PAMAGAT NG TEKSTO

Ang akdang ito, nararamdaman ko ang impresyon ni Layo na parang


gusto niyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanya. Gusto niyang
ipamukha sa kanila na “Heto nako Ngayon” Ngunit hindi niya ito magawa
dahil kahit papaano ay utang parin niya sa kanyang Amain ang kanyang
buhay sa pagkupkop sa kanya. Ginawa na lamang niya itong inspirasyon

II. TALAMBUHAY NG MAY AKDA

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay


isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya
ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong
Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-
anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may
Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo
Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo.


Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling
kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino
(Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway,
isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang
nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa
"Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-
Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at


mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994.
Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong
Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang
"Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa
pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at
teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay
sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman
sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle
ng isang National Book Award para sa pagsasalin wika.
III. BUOD NG TEKSTO

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya’t Inampon ito ng


kanyang tiyuhin na si Tata.

Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang


Amain. Kaya’t siya’y nagsumikap.

Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang


pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang
sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa
quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at
nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa
rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit
na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang
panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng
kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang
Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa
paghingi ng tulong kay Layo.

Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis


ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot
na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil
sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na
sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong
nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque
at doon na rin Inilibing.

IV. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. MGA TAUHAN

Layo - Atty. Pedro Enriquez

- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at


kuripot na Amain nakapatid ng kanyang Ama.

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.

Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo.


Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio.

Ising - Ang asawa ni Layo.

Fe - Ang Anak ni Layo at Ising.

Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain


na nag ampon sa kanya.

Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay –ari ng isang


poultry.

B. TAGPUAN

San Roque, Quezon City, San Fernando,

C. BANGHAY AT DALOY NG PANGYAYARI

Naulila si layo mula ng kaniyang pagkabata at siya’y inampon ng


kaniyang amain na si tata Indo .Kinamuihan nya ito dahil sa kaniyang
kalupitan at nadala nya ang pagkamuhing iyon hanggang sa kaniyang
paglaki .Nakapagaral sya ng abogasya at nagging kilalang abogado sa
Manila nagging matagumpay siya at nagkaroon ng maraming pagaari
pati sa ibang lugar.hanggang sa dumating yung araw na nagkasakit
siya ,hinang hina siya sa hospital habang kausap siya ni tiyo Julio at
ben at sinabi niyang pagpunaw siya ay wag siyang ililibing sa san
roque kung saan siya nanggaling sapagkat sa lugar na iyon ay
madaming masamang nangyari sa kaniyang buhay

D. TUNGGALIAN

Pinagaawayan ni tata indo at layo kung saan sya ililibing kung


siya’y pumanaw na sapagkat gusto ni layo nasa manila siya mailibing
ngunitang gusto ni tata indo nasa kaniyang bayan siya mailibing
E. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

A. TEORYANG REALISMO

Sa pahayag na ito nagpapakita ng totong nangyayari sa ating


bayan,tulad na lamang ni Layo nanakaranas ng matinding paghihirap
dahil sa mga taong akala niyay makakatulong sa kaniya bagkos ang
ginawa sa kaniyan pinahirapan kayat siya ay nagtanim ng galit sa
kaniyang sariling bayan

B. TEORYANG MORALISMO
Anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at
umalila sa atin ay dapat matuto tayong magpasalamat at patawarin
sila sapagkat kung hindi nila ginawa iyon ay hindi tayo makararating
kung anuman tayo ngayun.Kung hindi natin nararanasan ang
ipinaranasnila sa atin ay hindi tayo lalago at matututo

F. MGA BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP

Kailangan nating harapin ang kinabukasan na walang sakit at poot sa


ating pusot isipan at kalimutan na lamang ang nangyari sa nakaraan
upang maging malaya tayo sa sakit na naidulot nito sa atin

A. BISA SA DAMDAMIN

Malungkot at nanghihinayang dahil hanggang sa pagkamatay ni


layo ay hindi niya napatawad ang kaniyang bayan.

B. BISA SA KAASALAN

Matuto tayong magpatawad na kahit napakapait ng ating


pinagdaanan sa nakaraan matuto tayong bumangon,matutong
magpatawad sa mga taong nagbigay sa atin ng napakapait na
karanasan dahil ang pagpatawad ang magiging daan para mapalaya
mo na ang sakit na iyong nararamdaman.

C. BISA SA LIPUNAN

Walang hindi umuuwi sa kaniyang bayan

You might also like