You are on page 1of 3

ANG RILES SA TIYAN NI TATAY

I.

Panimula

MAIKLING KWENTO
a.

Ano ang Maikling Kwento

ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan, na nagsasalaysay ng isang kwento o


pangyayari sa iisa o maraming tauhan, hango man sa totoong buhay o hindi.
b.

Ano ang mga uri nito?

ang ilan sa mga uri ng maikling kwento ay apologo, kwentong bayan, kwento ng
pakikipagsapalaran, katutubong kulay, kwento ng katatakutan at kwento ng kababalaghan.
II.
A.

Pormalistiko
Buod/Sinopsis-

Ito ang isang kwento ng batang lumaki sa isang bayan, masaya sila ng kanilang pamilya, ang
kanyang tatay ay isang construction worker na siyang gumagawa ng mga tulay, overpass, at fly-over.
Siya rin ang gumagawa ang mga gusali at daanan sa may kabundukan. Ang bata ay ipinagmamalaki ang
trabaho ng kanyang ama, kahit na ang mga ama ng kanyang kaklase, ay nagtatayugan ang mga
karangalan mula sa trabahong kanilang kinalalagyan. Ikwenento ito ng bata sa kanyang amat ina, Ngunit
nung nakita niya ang tila malaking balat na hugis riles ng tren sa may tiyan ng kanyang ama, ay
nahiwagaan siya rito, napakaraming ideya ang agad pumasok sa kanyang isipan. Ngunit pagdating ng
isang araw, hindi siya nakatiis, tinanong niya kung bakit may malaking balat ang kanyang ama sa tyan
nito. Doon niya nalaman na ang kanyang ama ay isa sa mga donor ng bato sa mga mayayaman na tao,
upang madugtungan ang buhay ng bata, dahil sa mga oras na iyon, ay may sakit din ang bata. Mula
noon, hinangaan niya ang kanyang ama dahil sa ginawang iyon ng kanyang ama.
B.

Mga Elemento-

1.
Paksa- tungkol ito sa isang buhay ng ama na ibinigay ang isang bato para matawid ang buhay ng
kanyang mga anak.
2.

Tagpuan- Sa Bagong Lupa, Isang Araw

3.

Tauhan-

Bata- minsang nahiwagahan sa tila balat na nakalagay sa tiyan ng kanyang ama

Ama- isang consruction Worker: nagbenta ng isang niyang bato o kidney, upang maitawid niya ang
buhay ng kanyang mag-anak
4.

Banghay

A.

Panimula

Ano ang Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Panimula Sa Kuwento- ipinakilala ng bata ang kaniyang ama sa pamamagitan ng mga kanyang
pagkabilib dito.
B.

Saglit na Kakintalan-

Ano ang Saglit na kakintalan?- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.
Saglit na Kakintalan sa Kuwento- ipinagmamalaki niya ang kanyang ama, sa kanyang kaklase,
lalung-lalo na ang trabaho nito na isang construction worker.
C.

Papataas na Aksyon-

Ano ang Papataas na Aksyon- yugto sa kwento na nagpapaigting sa interes ng mambabasa sa


kwento, na nagiging tulay patungong kasukdulan o climax.
Papataas na Aksyon sa kuwento- isang araw, buong pagmamalaking isinalaysay ng bata ang
kanyang pagkabilib sa kanyang tatay; inihambing niya ang kaniyang tatay sa mga tatay ng mga kaklase
niya, na puro may medalya, at sinabi ng kanyang inang may medalya din ang kanyang ama, sabay pakita
sa tila balat na hugis riles ng tren sa kanyang tiyan.
D.

Kasukdulan-

Ano ang Kasukdulan- yugto sa kwento na makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kasukdulan sa Kuwento- Nahiwagahan ang bata sa kanyang ideya. Sa paglipas ng araw, ay
nadadagdagan ang kanyang mga tanong ukol sa marking iyon.
E.
-

Pababang Aksyon
Ano ang Pababang Aksyon- yugto ng kwento na nagtutuloy sa pagwawakas ng kwento.

Pababang Aksyon sa Kuwento- Hindi siya nakatiis. Isang araw, tinanong niya sa kanyang ama
kung ano ang nangyari sa tiyan ng kanyang ama; at nalaman niya na ang marking iyon ay mula sa
talamak na pagbebenta ng bato upang maitawid ang kanyang ama.
F.
-

WakasAno ang Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

Wakas sa Kuwento- Mula noon, ay bumilib sa kanyang ama, di lamang sa trabaho nito, kundi sa
kabayanihang ginawa nito.

G.

Tunggalian

Ano ang Tunggalian- ito ang paglalaban ng dalawang pwersa na namamayani sa kabuuan ng
kwento: May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan
Tunggalian sa Kuwento- tao laban sa lipunan; ang kanyang ama ay nakipaglaban bunga ng
kahirapan sa lipunan; binenta nito ang kanyang bato upang maitawid ang kanyang pamilya sa
pagkahikahos.
5.

Reaksyon- Maganda ang pagkakaayos ng kwento. Lumitaw ng maigi ang mga

You might also like