You are on page 1of 3

REVIEWER SA FILIPINO SA PILING LARANG

I. LAKBAY-SANAYSAY

 Ano ang Lakbay-Sanaysay


- Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang
uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan
sa paglalakbay.
- Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay,
sanay, at, at lakbay.
 Mga Dahilan
- Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
- Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa
nito ay paggawa ng travel blog.
- Pangalawa, layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
- Pangatlo, sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay.
- Pang-apat ay upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
 Mga Dapat Tandaan
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
- Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na
isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang
turista kundi isang manlalakbay.
- Mahalaga ang mga ito upang sa kanyang pagsulat ng kanyang lakbay-sanaysay
ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan ang mga kaisipan o
impormasyong itatala kundi malalim niyang maipapaliwanag o mailalarawan ang
mga bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
- Ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang unang panauhang punto de-bista.
Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig,
naunawaan, naranasan ng manunulat.
- Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon
o pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakay-sanaysay
- Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-
sanaysay batay sa human interest.
- Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop ng
nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng
isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon
habang naglalakbay
- Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita,
nabisita o napuntahan ang magbibigay kredibilidad sa sanaysay.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
- Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang
paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
- Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at
malaman. Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na
iyong bubuoin.

1
- Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa
paglalatag ng mga impormasyon.
 PICTORIAL ESSAY - Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami
ang larawan kaysa sa salita o panulat.
 Mga Dapat Tandaan
1. Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang Mabuti sapagkat ito
ang magpapakita ng kabuoan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.Tungkol sa uri
(maxim of quality)
2. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
3. May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng
mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
4. Isipin ang mga manonood na titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa

II. TALUMPATI
 Ano ang Talumpati?
- Ang talumpati ay isang paraan ng pagpapahayag ng ideya sa isang partikular na
paksa, karaniwang ibinibigkas sa harap ng mga tagapakinig. May apat na uri ng
talumpati batay sa paraan ng pagbigkas.
 Uri ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati – Ang Biglaang Talumpati ay isang impromptu na pagsasalita
na walang paghahanda. Ang tagumpay nito ay nakasalalay sa pagbibigay ng
mahalagang impormasyon sa tagapakinig sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag – Ang Maluwag na Talumpati (Extemporaneous) ay binibigyan ng ilang
minuto para bumuo ng kaisipan batay sa ibinigay na paksa bago ito ipahayag.
Madalas, isinusulat lamang ang outline ng talumpati.
3. Manuskrito – Ang Talumpating Pampasigla ay layong magbigay-inspirasyon sa
tagapakinig, kung saan mahalaga ang makapupukaw at makapagpapasigla ng
damdamin at isipan. Dapat handa at focused ang magsasalita para mas maabot ang
layunin. Karaniwang isinasagawa ito sa mga pagdiriwang tulad ng pagtatapos sa
paaralan, anibersaryo ng samahan, kumbensiyon, at iba pang okasyon.
4. Isinaulong Talumpati – Ang Talumpating Panghikayat ay naglalayong hikayatin
ang tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng nagsasalita sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at patunay. Halimbawa nito ay mga sermon sa simbahan,
politikal na kampanya, talumpati sa Kongreso, at mga pahayag ng abogado sa
hukuman.
 Uri ng Talumpati ayon sa Layunin
1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran - Ang Talumpating
Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran ay naglalayong ipabatid sa mga tagapakinig
ang mahalagang impormasyon ukol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat itong
malinaw, makatotohanan, at may suportang dokumento. Maaaring gumamit ng
panayam, ulat, larawan, tsart, at iba pa para mapadali ang pag-unawa. Isang
halimbawa nito ay ang State-of-the-Nation Address (SONA) ng mga pinuno ng bansa.
2. Talumpating Panlibang - Ang Talumpating Panlibang ay naglalayong magdulot ng
kasiyahan sa mga tagapakinig. Mahalaga ang paggamit ng nakakatawang biruan na
may kinalaman sa tinatalakay na paksa. Karaniwang itinatanghal ito sa mga salusalo,
pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan.
3. Talumpating Panghikayat - Ang Talumpating Panghikayat ay naglalayong hikayatin
ang tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng nagsasalita sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at patunay. Halimbawa nito ay mga sermon sa simbahan,
politikal na kampanya, talumpati sa Kongreso, at mga pahayag ng abogado sa
hukuman.
4. Talumpati ng Pagbibigay-Galang - Ang Talumpati ng Pagbibigay-galang ay
naglalayong tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon, kabilang na
ang pagtanggap sa isang bagong opisyal na may bagong tungkulin.

2
5. Talumpati ng Papuri - Ang Talumpati ng Papuri ay layunin na magbigay ng
pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Ito ay maaaring isagawa sa iba’t ibang
okasyon tulad ng pagtatalaga sa bagong opisyal, eulogy para sa namayapa, at
paggawad ng medalya o sertipiko sa mga nag-ambag nang malaki sa isang samahan o
lipunan.

 Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati


1. Edad o Gulang ng mga Makikinig – Ang edad ng mga tagapakinig ay mahalaga sa
pagpili ng tamang paksa at wika sa talumpati. Dapat tukuyin ang interes at nilalaman
ng paksa batay sa edad ng mga tagapakinig. Iwasan ang paksang hindi kapani-
paniwala para sa mga bata o masyadong simpleng paksa para sa matatanda.
2. Mga Bilang ng Makikinig - Mahalaga ang pag-alam sa dami ng mga tagapakinig sa
talumpati. Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang iba't ibang paniniwala at
saloobin ng maraming tagapakinig. Mahalaga ang maayos na paghahanda ng
talumpati, lalo na kung malaki ang bilang ng tagapakinig.
3. Kasarian - Ang kalalakihan at kababaihan ay madalas na may magkaibang interes,
kawilihan, karanasan, at kaalaman. Nagkakaroon din sila ng magkaibang pananaw sa
iba’t ibang paksa. Kaya’t mahalaga na malaman kung ang pupuntahan na pagtitipon
ay para sa kalalakihan, kababaihan, o kung may magkahalong kasarian.
4. Edukasyon o Antas sa Lipunan - Ang edukasyon at lipunan ng madla ay mahalaga
sa pagtatasa ng kanilang kakayahan na maunawaan ang paksa sa isang pagtitipon.
Para sa masang pangkat, importante ang pagsasaalang-alang sa kanilang background,
habang para sa edukado at mataas ang antas ng lipunan, ibang paraan ng pagtalakay
ang dapat gamitin.
5. Mga Saloobin at Dati nang Alam ng mga Nakikinig - Mahalaga ang malaman
kung gaano karami ang alam at naranasan ng mga tagapakinig sa paksa. Kung
mayroon na silang kaalaman, gawing kaakibat ang bagong impormasyon upang
mapanatili ang kanilang interes at maiwasan ang pagkabagot.
6. Tema o Paksang Tatalakayin - Ang mahalaga sa pagsulat ng talumpati ay ang
tamang balangkas o hulwaran ng nilalaman, ayon kay Casanova at Rubin (2001).
May tatlong hulwarang maaaring gamitin, at ang pagpili nito ay may malaking epekto
sa pag-unawa ng mga tagapakinig. Dapat itong aakma sa uri o katangian ng mga
makikinig para maging epektibo.
Tatlong Hulwaran:
 Kronolohikal na Hulwaran - Sa hulwarang ito, ang nilalaman ng talumpati
ay nakabase sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Ang detalye
ay maaaring inilalahad mula sa unang pangyayari, sumunod na mga
pangyayari, hanggang sa panghuling pangyayari.
 Topikal ng Hulwaran - Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay
batay sa pangunahing paksa, at ang hulwarang ito ay mainam gamitin kung
kinakailangan hatiin ang pangunahing paksa sa tiyak na mga aspeto o paksa.
 Hulwarang Problema-Solusyon - Ang pagkakahabi ng talumpati sa
pamamagitan ng paglalahad ng suliranin at pagtalakay sa solusyon ay
karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.

Hiraya manawari
HIRAYA MANAWARI!

You might also like