You are on page 1of 26

FIL 17

“Mga Natatanging
Diskurso sa Wika
at Panitikan”
DISKURSO

2
DISKURSO
      Ang salitang diskurso ay mula sa wikang
Latin na discursus na nangangahulugang
“running to and from” na maiiugnay sa pagsalita
at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong
gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon. 
3
Ayon sa Webster (1974) ay may iba’t ibang
depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang
diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon
tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang
pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang
paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng
disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso
ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa
isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang
diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
4
Ayon sa diksyunaryong Ingles-filipino (1984), ang
diskurso ay nangangahulugang magsulat o magsalita nang
may katagalan o kahabaan.

Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary


(1995), ang diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa
isang paksa, pasulat man o pasalita.

5
DALAWANG ANYO
NG DISKURSO

PASALITA PASULAT

6
Pasalitang Diskurso - Karaniwang
magkaharap ang mga partisipant kung
kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din
ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng
komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas, tono, diin, kilos ,kumpas ng
kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng
pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng
mensahe.
7
URI NG PASALITANG
DISKURSO

PRIBADO – ITO PAMPUBLIKO–


AY ANG PALITAN ITO AY ANG
NG MGA IDEYA PAGSASALITA SA
SA PAGITAN NG HARAP NG
DALAWA O HIGIT MARAMING TAO.
PANG TAO NA
MATATAWAG NA “
HAL.
KUMBERSAS-
YUNAL” - DEBATE
- REPORT SA
KLASE
8
Pasulat na Diskurso –
Higit na pag-iingat ang
isinasagawa ng isang manunulat.
Sa sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na
diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang
nabasa,hindi na maaaring baguhin
ng manunulat ang kanyang
sinulat. 9
Diskursong Pasalita
Diskursong Pasulat
-naririnig
-binibigkas -gumagamit ng -nababasa
-di halos wika -sinusulat
napaghahandaan ang -may layunin/mensahe -may mahabang
mga ideya -may encoder at decoder panahon ng paggawa

10
-Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang
mambabasa, upang maging sila ay
maranasan din ang naranasan ng
manunulat.

MGA LAYUNIN -Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang


tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang
NG DISKURSO makalikha ng isang impresyon o
kakintalan.
Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

-Makapagbigay ng isang sapat at matibay


na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig
upang makahikayat o makaengganyo ng
mambabasa o tagapakinig. 11
SALIK NA
NAKAKAPEKT
O SA DALOY NG
DISKURSO
12
a. paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng
konteksto dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay
pambabae o panlalake.

b. layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong
sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskuro sa pamamaraang magiging
daan sa katuparan ng layunin, maaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa.

c.pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t


saring pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may
kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan
ay makakaapekto sa pagtanngap ng kinakausap.

d. tagatanggap – ang tagahatid ar tagatanggap ay dalawang magkaibang nilalang na


may iba’t ibang takbo ng pag-iisp; nangangahulugan na kahit sa pakiramdam ng
tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng
tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.
13
URI NG DISKURSO

A.DESKRIPTIB/ B. NARATIB/ C.EKSPOSITORI/ D.ARGUMENTATIB/


PAGLALARAWAN PAGSASALAYSAY PAGLALAHAD PANGANGATWIRAN

14
A. Deskriptib/Paglalarawan

• Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang


tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang
makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
• It ay teksto na naglalayong magsalaysay ng
isang pangyayari na may tiyak na ayos ng
pagkakasunod-sunod sa galaw at kilos.
• Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan
ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay
maranasan din ang naranasan
15
ng manunulat.
Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan


• ang pisikal na anyo
• antas ng pamumuhay
• pag-uugali
• mga nakasanayan

2. Masining na Paglalarawan – pinagagalaw ng masining na paglalarawan ang guni-


guni ng bumabasa o nakikinig upang Makita ang isang larawang buhay na buhay.
• Tula
• Nobela
• Maikling kwento

3. Teknikal na Paglalarawan – pangunahing layunin ng siyensya ang dapat


mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa
mundo at kalawakan.
 
• Halimbawa:
Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.
16
B. Naratib/Pagsasalaysay

• Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng


kalakip ng isang partikular na pangyayari
upang maibahagi sa iba ang
mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay
na ating nasaksihan.

• Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng


kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos
at sistematikong kaayusan.
17
Ang mga mapagkukunan ng paksa:

• likhang-isip – mula sa imahinasyon,


katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng
isang salaysay.
• panaginip o pangarap – ang mg panaginip at
hangarin ng tao ay maaari ding maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.
• nabasa – mula sa anumang tekstong nabasa
kailangang ganap na nauunawanaan ang mga
pangyayari. 18
Mga Uri ng Pagsasalaysay

• Maikling Kwento – nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa


sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
• Tulang Pasalaysay – patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
saknong.
• Dulang Pandulaan – binibigyang-diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng
buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
• Nobela – nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
• Anekdota – pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
• Alamat – tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
• Talambuhay – tala ng buhay ng isang tao, pangyayaring naganap sa buha ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
• Kasaysayan – pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
• Tala ng Paglalakbay – pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbiyahe o
paglalakbay sa ibang lugar.
  19
C. Ekspositori/Paglalahad

• Ito ay anyo ng diskurso kung saan


nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang
kaalaman na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang magkaroon
ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.

• Layunin nito na makapagbigay ng


impormasyon.
20
Paraan ng Paglalahad

• pag-iisa-isa – ang isa-isa o sunod-sunod


na pagkakaganap ng mga pangyayri ay
isina-ayos ayon sa bahagi.
• pagsusuri – ang maingat na pagiisa-isa
ng mga detalye.
• pagbibigay halimbawa – ang
pagbibigay ng elaborasyon at
klaripikasyon upang maipakita ang
kabuuan. 21
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad
• Kalinawan – ang mga detalye at impormasyon ay ipinababatid ng walang
pag-aalinlangan.
• Kaliksian – walang mahaba at nakalilitong mga pahayag at paliwanag.
• Katiyakan – sapat at angkop ang mga patunay at pagpapatibay.
• Kabisaan – nababatid lamang ang mga ito sa pamamagitan ng aplikasyon
ng mga mambabasa.
• Kaayusan – wasto ang organisasyon ng mga datos at kaalaman.
• May Diin at Emfasis – nakatuon ang lahat ng mga sumusuportang kaisipan
sa pangunahing paksa, lahat ng ideya ay nagpapatatag dito.
 
Mga Bahagi ng Paglalahad
• Simula – ang simula ng pahayag
• Katawan – ang nilalaman ng pahayag
• Wakas – maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaring mangyayari,
pagsariwa o suliraning binanggit sa simula, paggamit ng kasabihang
angkop sa akda.
 
Halimbawa ng Paglalahad
• Talinghaga ng Buhay ni Armando A. 22 Rayos
D. Argumentatib/Pangangatwiran

• Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa


pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa
o tagapakinig.

• Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang


isyu o panig.
23
Uri ng Pangangatwiran
 
1. Pabuod o inductive reasoning – nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang
panlahat na simulain o paglalahat.
 
Bahagi ng Pangangatwirang Pabuod

a.Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad (analogy) – inilahad dito ang


magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang
nabuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang at
maaaring pasinungalingan. Maaaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang
katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

Maaaring maging mali ang paggamit ng pangangatwirang pagtutulad.


 
Kung ang A at B ay may magkaparehong katangian
May katangiang X si A
Kung kaya, may katangiang X din si B
 
Halimbawa:
Ako at si Manny Pacquiao ay parehong Pilipino
Magaling sumuntok si Manny
Kaya magaling din akong sumuntok. 24
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag- uugnay ng pangyayari sa sanhi -
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang
pangyayari.
 
Halimbawa:
S’ya ay sakitin sapagkat hindi sya kumakain ng gulay at nageehersisyo.
 
Malalim ang kanyang mata sapagkat sya’y gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot.
 
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay
-Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatotoo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
 
Halimbawa:
Si Lucio ay itinuturong salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang tsinelas sa tabi
ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong ipinamalo sa namatay. Si
Lucio ay nakagalit ng napatay. 25
2. Silohismo/Pangangatwirang Pasaklaw o deductive reasoning -
Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng katotohanan;
panghahawakan muna ang isang pangunahing Batayan, saka
susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang
konklusyon.
 
Halimbawa:
Ang patimpalak ay ginaganap tuwing Martes o kaya naman sa
Biyernes. Nalaman ko kanina na hindi ito gagawin sa Martes,
kaya ang patimpalak ay gagawin sa Biyernes.
 
Kung ang A = B at ang B = C, samakatuwid ang A = C
 
Lahat ng tao ay mortal. Ako ay tao
Kaya ako ay mortal. 26

You might also like