You are on page 1of 6

Mga Uri ng Pagpapahayag

a) Pasalaysay (Narativ) – may layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na


karanasan sa buhay

Karanasang Tuwiran o Direct – ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran (direct). Tuwiran ito
kung galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.

Karanasang Vaykaryos – kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o
mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.

Uri ng Pasalaysay/ Narativ:

a) Pagsasalaysay na totoo- base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

b) Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan ng mga mito, fabula, parabola, anekdota, palaisipan,


maikling kwento at nobela.

Pananaw sa Pagsasalaysay- Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang


tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.

Kasangkapan sa Pagsasalaysay:

a) Tema – may kabuluhan sa kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood

b) Tauhan – ang nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari

c) Aksyon o Pangyayari – ang aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap
para mabuo ang anyong kalamnan.

d) Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

e) Himig – kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang materyal para lumabas
nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay
b) Paglalarawan (Deskriptiv) – Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa
o tagapakinig; pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama.

Uri ng Paglalarawan:

1. Pangkaraniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito


naglalaman ng damdamin at kuro-kuro.

2. Konkretong Paglalarawan – ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang nga


pangkaraniwang paglalarawan gaya ng ,maganda ,maayos,malinis atbp..

3. Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhay na larawan

Abstraktong Paglalarawan - naglalarawan na gumagamit ng nga di literal na paglalarawan inaaniban ito


ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling damdamin ng sumusulat at gumagamit ng
mga tayutay sa ganitong uri ng paglalarawan

Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan:

 Pagpili ng Paksa – Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na


Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip

 Pagbuo ng Pangunahing Larawan – ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

 Pagpili ng Sariling Pananaw – pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

 Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong


sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan.

 Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan – Hindi lamang mga nagkakauri-


uring katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang
kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.

c) Paglalahad (Ekspositori) – Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-


aalinlangan.pagpapaliwanag; ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay
na kasagutan, pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan, pagsusuri sa maikling kwento at
mga nobela at pagpapaliwanag sa iba’t ibang aralin sa paaralan.
Expository Writing

— Madalas makita sa araw-araw nating binabasa tulad ng teksbuk, editoryal, artikulo sa dyaryo

— Pagpapaliwanag na obhektibo

Mga Bahagi ng Paglalahad

1. Simula- magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng katha

a. Katanungan

b. Pangungusap na makatawag-pansin

c. Pambungad na pasalaysay

d. Isang salitain

e. Isang sipi

f. Mabatas na pangungusap

g. Tahasan o tuwirang simula

2. Katawan – nilalaman ng isang pahayag

3. Wakas – maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning


binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan o siping angkop sa akda

Mga Kaanyuan ng Paglalahad

1. Paglalahad sa Anyong Panuto -pagiisa-isang mga hakbangin sa paggawa ng isang bagay

2.Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-Katuturan- pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o diwa

3.Paglalahad sa Anyong Interpretasyon -nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa isang layunin

4. Paglalahad sa Anyong Pagkilala- paglalahad sa mga kalagayang pantao

5. Paglalahad sa Anyong Editoryal o Tudling- napapanahong editoryal na punong-puno ng kahulugan at


pahiwatig
d) Pangangatwiran (Argumentativ) – may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan
ng makatwirang mga pananalita. Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa
pamamagitan ng makatwirang mga pananalita

Diskursong Argyumentativ (Pangangatwiran)

 isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan


sa pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya

 kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha.

 layunin nitong makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa


isang maayos, epektibo, at lohikal na pamamaraan

 ang paksa ng pangangatwiran ay tinatawag na proposisyon

Dalawang Uri ng Pangangatwiran

1. Pabuod o Inductive Method

 sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang


katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit
na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o
prinsipyo.

2. Silohismo o Deductive Method

 pangangatwiran na lohikal na lohikal kung maghayag ng katotohanan

 panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan
at dito ngayon ibabase ang konklusyon.
EDITORYAL

-pinakamahalagang bahagi ng pahayagan o magasin-KALULUWA


-paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan na bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isang
pangyayari sa bayan, pamahalaan, tanghalan, atbp.
-kasasalaminan ng kalakaran, programa at paninindigan ng isang pahayagan lalo na sa isang isyu o
pangyayari na may malaking kahalagahan sa bayan
-kababakasan ng kahusayan sa pagmamasid, sapat na kinalaman tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay,
katalasan ng pagkakilala sa tunay na kahulugan ng mga pangyayari at ang mayamang damdamin ng
sumusulat
-kilala rin sa tawag na pangulong-tudling
-maaaring tungkol sa pulitika, relihiyon, sining, edukasyon, isport o kultura

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG EDITORYAL


-subuking hikayatin ang mga mambabasa
-gawing malinaw ang pagpapahayag ng kuru-kuro
-gawing makatwiran ang mga kaisipan, palagay o kuru-kuro
-gawing sistematiko ang paglalahad ng mga kaisipan mula sa simula hanggang wakas
-isang paksa lamang ang talakayin
-huwag mangaral
-huwag magbigay o gumawa ng mga impormasyon batay sa mga palagay lamang
-hayaang makabuo ng sariling pagpapasya ang mambabasa

BAHAGI NG EDITORYAL
PANIMULA-bumabanggit sa isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan
KATAWAN-nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng pahayagan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o
paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawain at malinaw para sa mga mambabasa. Dito nagbibigay
ng tala, ng pagpanig o pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa ang sumulat.
WAKAS-nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa kaisipang
tinatalakay. Dito ipinahahayag ang panghihikayat at pagpapakilos sa mambabasa tungo sa pagbabago.

URI NG EDITORYAL
1. Nagpapabatid-nagpapaliwanag tungkol sa isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa
kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol sa
tinatalakay na paksa.
2. Nangangatwiran-lohikal na pinangangatwiranan ang isang panig ng isyu upang patunayan ang isang
paninidigan
3. Nanghihikayat-tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa, balak
o kilos. Nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang gawain.
4. Nagpapakahulugan o Nagkokomentaryo-ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba pang
pangyayari
5. Namumuna-ibinibigay ang mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu
6. Nagpapahalaga-pinahahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon o
gawain o pinararangalan ang isang dakilang adhikain
7. Nanlilibang-naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang
gawain
8. Nagbabalita-nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan sa buong
kapuluan. Nagbibigay ng opinyon ng editor tungkol sa isyu
9. Sumasalungat-tuwirang pagsalungat sa opinyon ng ibang editor na inilathala sa ibang pahayagan

PAGBIBIGAY-DEFINISYON O KAHULUGAN – pagbibigay katuturan sa isang salita o termino

Sa pagpapahayag, gamitin ang mga salitang familiar.sakaling hindi maiwasan ang paggamit ng
mga di-familyar o mahihirap intindihing salita o konsepto, tulad sa mga salitang teknikal, sayantifik, o
kaya’y legal, dahil ganito ang mga rejister ng ispiker ayon sa kanyang kinasanayang profesyon, mas
makabubuting paraanin sa paglilinaw ang pagbibigay ng definisyon.

Mga Uri ng Definisyon (Paraan ng Pagbibigay Definisyon)

1. Diksyunaryong definisyon – kumakategorya sa bagay o konsepto at tumitiyak sa mga katangian


nito

2. Definisyong istipyulativ – nakakondisyon sa gamit ng salita sa konteksto

3. Definisyong negatibo – nabibigyan ng kaibang pananaw ang isang karaniwang bagay

4. Definisyong eksemplar – o pagbibigay halimbawa, ang isa sa itinuturing na pinakamagaling at


pinakagamiting uri ng pagbibigay-definisyon

5. Definisyong kontekswal – inaayon sa partikular na sitwasyon ang gamit ng salita

You might also like