You are on page 1of 9

SALAWIKAIN

Mga kaurian o kategorya ng salawikain ayon sa mga


paksa:

 Ang mga salawikaing etikal


 Ang mga salawikaing nagmumungkahi ng mga
pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo.
 Ang mga salawikaing nagpapadama ng isang sistema ng
mga pagpapahalaga.
 Ang mga salawikaing naglalahad ng mga pangkalahatang
katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at
kalikasan ng tao.
 Ang mga salawikaing nakakatawa.
MGA HALIMBAWA:

 Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang


tuloy.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
 Lahat ng gubat ay may ahas.
 Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.
 Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
PAGLALAHAD
Ang Paglalahad o Ekspositori ay isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong
mabigyang-linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang
lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
Mga Katangian ng Mahusay na
Paglalahad
 Kalinawan - Dapat maunawaan ng nakikinig o bumabasa
ang anumang pahayag.
 Katiyakan - Dapat nakatuon lamang sa paksang
tinatalakay.
 Kaugnayan - Kailangang may kaugnayan ang lahat ng
bahagi ng talata o pangungusap at nagkakaugnay sa bagay
na pinag-uusapan.
 Diin - Dapat may wastong pagpapaliwanag sa
pagtatalakay.
Mga Bahagi ng Paglalahad:

 Panimula Kailangang may magandang panimula, na


makatatawag-pansin sa manbabasa.
 Gitna / Katawan Kaugnay ng panimula. Ito ang nagbibigay
ng detalye ng isang paksa.
 Pangwakas Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap
o mga pangungusap na magtatapos sa paliwanag tungkol sa
paksa o kaisipan.
Mga Uri ng Paglalahad

 Pagbibigay-Kahulugan - Ito ay paglalahad na kung ano ang isang bagay o


isang salita.
 Pangulong-tudling / Editoryal - Ito ay sariling kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag na naglalagay ng kanilang sarili sa katayuan ng mga
mambabasa. Layunin nito ang magpaliwanag, magbigau-puri,
magpahalaga, magtanggol o manuligsa.
 Suring-basa - Dito matatagpuan ang kuro-kuro, palagay, damdamin at
sariling kaisipan ng sumulat sa binibigyang suri.
 Panuto - Ito ang nagbibigay-patnubay o direksiyon sa paggawa ng isang
bagay.
 Paggawa ng Tala - Dito maaaring isulat sa maikling salita pangungusap,
parirala o pabalangkas. Sa pamamagitan ng paggawa ng tala
mapagtutuunan ng pansin ang isang bagay na nangangailangan ng oras o
panahon.
 Sanaysay - Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ginigising
nito ang damdamin ng isang tao tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu.
 Balita- Ito ay isang uri ng paglalahad kung saan nalalaman
ang pangyayari sa loob at labas ng bansa. 8. Buod -
Tinatawag din itong lagom ng pinaikling akda o katha.
 Ulat - Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon at mga
dapat gawin sa mga bagay na maaaring nangyari.
 Pitak - Isang uri pa rin ng paglalahad na makikita sa mga
pahayagan o magasin. Tinatawag ring kolum.

You might also like