You are on page 1of 21

Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.

Hindi
lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba't ibang primarya at
sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong
interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang interpretasyong
ito ay ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik.
- Spalding, 2005

Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay,
tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
- Constantino at Zafra, 2010

Ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: Una, isinasagawa ito upang
makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid
ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang
kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
- Galero-Tejero, 2011

Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at


pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman,
o pareho.

Sulating Pananliksik
- limitado ang pokus
- Maaari kang lumabas, magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-sarbey.

Ordinaryong Ulat
- Higit na malawak ang pokus
- Limitado ang sanggunian sa libro o internet.

Katangian ng Pananaliksik

Obhetibo
- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa opinyon o kuro-kurong
pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik,
tinaya, at sinuri.

Sistematiko
- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng
isang katanggap-tanggap na kongklusyon.

Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan


- Nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sasuliraning kaugnay ng
kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong
pangkasalukuyan.
Empirikal
- Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan
at/o na- obserbahan ng mananaliksik.

Kritikal
- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at
kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at
paghahatol ng mananaliksik.

Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan


- Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging
masinop at malinis sa kabuuan.

Dokumentado
- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binibigyan ng
karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Pagbasa
- pagkilala sa mga simbolo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa isipan ng
mambabasa.

Pagsusuri
- isang proseso na kung saan nangangailangan ng malaliman pagsisiyasat o pag-
oobserba sa isang partikular na paksa. Ito rin ay hakbang upang ilabas ang
nakatagong kahulugan ng isang akda sapagkat nagkakaroon ng kritikal na pag unawa.

Tekstong Impormatibo
- Isang uri ng babasahing di-piksyon.
- Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa.

Mga Elemento ng Tekstong impormatibo


1. Layunin ng May- akda

2. Pangunahing Ideya

3. Pantulong na Kaisipan

4. Mga Estilo sa Pagsulat


4.1 Paggamit ng Nakalarawang Representasyon
4.2 Pagbibigay-diin sa Mahahalagang Salita sa Teksto
4.3 Pagsulat ng mga Talasanggunian
Layunin ng May-akda
- Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong
impormatibo.
- Maaaring layunin niyang magpalawak, magpaunawa, magturo, magsaliksik, at
maglahad.

Pangunahing Ideya
- Dagliang inilalahad ang ang mga pangunahing ideya ng mambabasa.
- Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi na
nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya
ng babasahin.

Pantulong na Kaisipan
- Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

Mga Estilo sa Pagsulat


1.) Paggamit ng Nakalarawang Representasyon

2.) Pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto

3.) Pagsulat ng mga Talasanggunian

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo


1. Paglalahad ng totoong Pangyayari/Kasaysayan
- Inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Maaaring personal na nasaksihan ng manunulat o mula sa ibang pinatutunayan ng
iba tulad ng sulating pangkasaysayan. Sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang
panimula. Mababasa ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng kung sino,
ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilalahad. Nagtatapos sa isang kongklusyon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon
- Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa iba't ibang
bagay at pangyayari. Mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming,
cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa. Nangangailangan ng masusing pananaliksik. Hindi dapat samahan
ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.

3. Pagpapaliwanag
- Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan. Ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang
mga paliwanag. Halimbawa nito'y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto.
Tekstong Deskriptibo
● Isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat, itinatala ng
sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

● Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari


o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook,
tao, o pangyayari.

Apat na mahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan

● Wika - Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang
kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang gamit
upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit
dito ang pang-uri at ang pang-abay.

● Maayos na detalye - Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng


mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o
pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o
nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon
upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan.

● Pananaw ng paglalarawan- Maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao,


bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan

● Isang kabuoan o impresyon - Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng


malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa
gayon ay makabuo silá ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sáma-sáma na
ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng
naglalarawan.

Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo

● Ang paglalarawan kasing ginagawa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba


pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang
ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay,
at iba pa.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

● Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng
mga kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng
magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo
ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya't kinakailangan ang mga salitang magbibigay
ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi
nito.

Limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal

● Reperensiya (reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o


maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong
maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino
ang tinutukoy) o kaya'y katapora (kung naunaang panghalip at malalaman lang kung
sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).

● Substitusyon (substitution) - Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling


ulitin ang salita.

● Ellipsis - May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan


o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

● Pang-ugnay - Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay


sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.

● Kohesyong Leksikal - Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito


ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.

Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto

● Paglalarawan sa tauhan - Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na


mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging
makatotohanan din ang pagkakalarawan dito mahalagang maging mabisa ang
pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos nabubuo sa isipan ang mambabasa ang
anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop
na mga pang-uri

● Paglalarawan sa damdamin - ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng


paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian
ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito'y ang kanyang damdamin o emosyong
taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat
ito ang nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa.

Ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon

● Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan - Maaaninag ng


mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin
emosyong taglay nito.

● Paggamit ng diyalogo o iniisip - Ipinakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang


emosyon o damdaming taglay niya.

● Pagsasaad sa ginawa ng tauhan - Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa


ng tauhan, minsa'y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o
emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan .

● Paggamit ng tayutay o matataling-hagang salita - Ang mga tayutay at


matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit
at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa

● Paglalarawan sa tagpuan - sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan


nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan
sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda .

● Paglalarawan sa isang mahalagang bagay - sa isang mahalagang bagay umiikot ang


mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan
dito. Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng
akda upang mabigyang-diin ang kahalagahan nito. Dapat mailahad kung saan
nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos
madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang
katangian nito.

Tekstong Naratib0
- pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan,nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
- maituturing na pinakamatandang anyo at pinakamalaganap na paraan ng
pagpapahayag
Layunin ng Tekstong Naratibo
- Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ay makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.

- Ito ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal,mahahalagang-aral at mga


pagpapahalagang pangkatauhan.

Mga uri ng Tekstong Naratibo

Naratibong Nagpapabatid (Informative Narrative)


- Ito ay isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga
mambabasa.
- Walang banghay (plotless)

Mga Halimbawa:
Maaaring nabibilang sa akdang di-piksyon

•Salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative)


•Salaysay na pangkasaysayan (historical narrative)
•Salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure)
•Salaysay na pantalambuhay (biological narrative)
•Anekdota (anecdote)
•Kathang salaysay (sketch)

Naratibong Masining (Artistic Narrative)

-Ito ay isinusulat upang makaaliw sa mga mambabasa.


-May banghay

Mga Halimbawa:
Maaaring nabibilang sa akdang piksyon

•Maikling kuwento
•Dula
•Nobela

Ang Maikling Kuwento Bilang Naratibong Masining


- isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at diwa na
napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balngkas na inilahad sa
isang paraang mabilis ang galaw ng mga pangyayari.

Sangkap ng Maikling Kuwento

Banghay, Tagpuan, Tauhan, at Ang Galaw ng mga Pangyayari.


Karaniwang Balangkas

1.Isang pangunahing tauhan ang may suliranin.


2.Gagawa ng mga paraan ang tauhang ito upang malutas niya ang kaniyang suliranin.
3.Siya ay nakatagpo ng mga sagabal kaya magkakaroon ng tunggaliang lumilikha ng
kapanabikan.
4.Ang tunggalian ay iigting hanggang sa umabot sa kasukdulan na
5.Kakalasan na siyang kinalabasan ng tunggalian.
6.Kakalasan ng kuwento.

Mga Mahalagang Elemento

-Panimula
-Hanay o galaw ng mga pangyayari
-Tunggalian
-Kasukdulan
-Kakalasan
-Wakas

Panimula
- Ang panimula ang bumabanggit ng tagpuan, mga tauhan, at pahiwatig na suliranin.
(Maaaring ang pook at panahon ay hindi tuwirang sinabi)

Gitna
- Ang gitnang bahagi ng salaysay ang nagsasabi kung ano ang nangyari sa mga tauhan
at ano-ano ang mga sinabi na tumutulong din naman sa pag-unlad o pagdaloy ng
kuwento.

Wakas
- Sa bahaging ito, dinadala ang kasaysayan sa kongklusyon. Maaaring ang wakas ay
kasabay na rin ng kasukdulan.

Bagaman ang salaysay ay may tatlong bahagi, hindi silá nagtataglay ng magkakatimbang na
kahalagahan. Ang mga salaysay na nasulat noong unang panahon ay may mahahabang
panimula at mahahabang kongklusyon. Ang mga makabagong salaysay ay nagbibigay ng
higit na diin sa gitnang bahagi o sa pinakapusod ng salaysay/kuwento.

Mga Katangian ng Tekstong Naratibo

- May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View)

- May paraan ng pag-papahayag ng Dialogo, Saloobin, o Damdamin

- May mga Elemento


May iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view)
- Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga
pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan.
Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo
tulad ng nobela ay maaaring hindi lang isa kundi nagbabago-bago ang ginagamit na
pananaw.

1. Unang Panauhan
- Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “AKO”.

2. Ikalawang Panauhan
- Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento
kaya’t gumagamir siya ng mga panghalip na KA o IKAW.

3. Ikatlong Panauhan
- Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kay ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay SIYA.
Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.

May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:

• Maladiyos na panauhan
- Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang
isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng
mga ito sa mga mambabasa.

• Limitadong panauhan
- Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba
pang tauhan.

• Tagapag-obserbang panauhan
- Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi
lang ang kanyang isinasalaysay.

4. Kombinasyong Pananaw o Paningin


- Dito ay hindi lang tisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan
ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming
tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo

1.Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

- Sa direkta o tuwirang pagpapahayag, ang mga tauhan ay tuwirang nagsasabi ng


kanilang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito’y ginagamitan ng panipi. Sa ganitong
paraan, mas natural at malinaw ang mensahe na ibinabahagi ng mga tauhan, at ito’y
nagpapakita rin ng kanilang damdamin.
- Ang tauhan ay direkta o tuwirang nag sasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo,
saloobin, o dam damin. Ang PANIPI ay ginagamit bilang pangtapos sa mga salita.
Para sa paghihiwalay ng sinabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.”

"Sa aking dugo nananalaytay ang walang kamatayang binhi ng kagitingan." - Carlos P.
Romulo

2.Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

-Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi,


Iniisip o Nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.

Halimbawa
- Sinabi ni Jose Rizal na ang hindi nagmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa
malansang isda.
- Binanggit ni Carlos P. Romulo na sa kanyang dugo nanalaytay ang walang
kamatayang binhi ng kagitingan.

May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo


- Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento
kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay
daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga
elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong
deskriptibo.

1. Tauhan
- Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng
tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang
magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring
magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan ang expository at
ang dramatiko.
a. Pangunahing Tauhan
- Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula
hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang
kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan
sa kabuoan ng akda.

b. Katunggaling Tauhan
- Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga
tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento
at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.

c. Kasamang Tauhan
- Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasáma o
kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay
sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

d. Ang May-Akda
- Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa
kabuoan ng akda. Bagama't ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan,
sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang
maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:

a. Tauhang Bilog (Round Character)


- Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad
ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at
damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan,
halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o
pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at
lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.

b. Tauhang Lapad (Flat Character)


- Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o
predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga
ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta,
mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa.
Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan
ng kuwento.

Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa
tekstong naratibo. Bagama't madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi
niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang
masalamin pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
2. Tagpuan at Panahon
- Ito ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda
kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
Halimbawa:
May kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan.
Romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang
naghahapunan sa isang hardin.
Matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw.

3. Banghay at Elemento
Banghay
- Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga
magkakaugnay na pangyayari sa paksa. Inilalahad dito ang maayos na pagsasalaysay
ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at
kahulugan ng mga pangyayaring ito sa binasang akda.

Banghay at Elemento
- Karaniwang nilalaman ng tekstong naratibo o balangkas ng isang naratibo:
- Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan,
tagpuan, at tema (orientation or introduction)
- Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang
pangunahing tauhan (problem)
- Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin
ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
- Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)
- Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling
action)
- Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Anachrony
- pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa
tatlo:

a. Analepsis (Flashback)
- dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

b. Prolepsis (Flash-Forward)
- dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa hinaharap.

c. Ellipsis
- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinggal o hindi naisama.
4. Paksa o Tema
- Ang sentral na ideya sa isang tekstong naratibo ay ang pangunahing konsepto o tema
kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Ito ang pinakamahalagang ideya
na nais iparating ng may-akda sa kanyang mambabasa. Mahalagang malinang ng
may-akda ang sentral na ideya sa kabuuan ng akda upang maipakita nang maayos
ang mensaheng
nais niyang maiparating.

Sa pamamagitan ng tema o paksa, mahuhugot ng mambabasa ang mga pagpapahalaga,


mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhan na makatutulong sa
mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa

Tekstong Prosidyural
- Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung
paano isagawa ang isang bagay o gawain. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Sa tekstong ito, pinapakita
ang mga impormasyon sa kronolohikal na paraan o mayroong pagkakasunod-sunod.

- Layunin nitong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon, hakbang o


impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain na
ligtas, episyente at angkop sa paraan

MGA ELEMENTO

1. Layunin
⁃ Madalas mahihinuha sa pamagat
⁃ Tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa ng wasto
ang lahat ng mga hakbang

2. Kagamitan
⁃ Nakalista sa pinakaunang bahagi
⁃ Nakalista ayon sa pagkakasunod-sunod ng paggamit nito

3. Mga Hakbang
⁃ Pinakamahalagang bahagi
⁃ Nakalahad dito ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang
makamit ang layunin
⁃ May pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap batay sa hakbang
⁃ Maaaring gumamit ng numero, bullet, o mga pang-ugnay
⁃ Ang maling panuto ay magbubunga ng maling proyekto

4. Mga Tulong na Larawan


- Nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at masigurong wasto
ang pagsunod sa isang hakbang.

Uri ng Tekstong Prosidyural


Paraan ng pagluluto (Recipes)
- ito ang karaniwang uri ng tekstong Prosidyural. Nagbibigay ng panuto sa mambabasa
kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang
pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.

Recipe ng adobong manok


Hal. Igisa ang bawang hanggang sa magkulay kape at saka ihalo ang manok.
Panuto (Instructions)
- ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano gawin o likhain ang isang bagay.

Pagsagot sa isang lagumang pasulit.


Hal.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Panuntunan sa mga laro (Rules for Games)


- Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin.

Manwal - Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang
bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at
appliances.

Panuntunan sa paglalaro ng Sepak Takraw


Hal.Bawal hawakan ang bola. Paa, ulo, balikat, dibdib, tuhod, hita at binti lamang ang
maaaring gamitin.

Mga eksperimento
- Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang
nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa
madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.

Karaniwang ginagawa sa Agham na asignatura.


Hal. Paggawa ng "Egg Lamp"

Pagbibigay ng direksyon
- Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na
destinasyon ang ating ginagabayan.

Pagtuturo ng direksyon ng isang lugar.


Hal. Ang bahay nila Ana ay malapit lamang sa palengke.

Katangian ng Tekstong Prosidyural


- Nasusulat sa kasalukuyang panahunan

- Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang. Tinutukoy


ang mga mambabasa sa pangkahalatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit
ng mga panghalip.

- Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.

- Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang


pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto. Ito ay mga panandang
pandiskurso na naghuhudyat ng pagkasunod sunod. Ang ilan sa halimbawa na
naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ay pagkatapos, sa huli, ang susunod at kasunod.

- Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).

Tekstong Persuweysib
- pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin
ang pananaw ng manunulat. Mabibilang dito ang advertisement, sanaysay na
politikal, editoryal, brochure, catalog, at mga kauri nito.

Dalawang anyo ng tekstong persuweysib

1. Commercial - ang anyong commercial ay iyong ginagamit ng mga kompanya upang i-


promote ang kanilang mga produkto tulad ng mga advertisement.

2. Non-Commercial - ito ay higit na pormal na panghikayat tulad ng mga manipesto,


editoryal, mga adbokasiya, at iba pang kauri nito.

Ang Tekstong Persuweysib

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa


mambabasa ng teksto.

Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din
nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng


manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o


pangungumbinsi.
Tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi

1. Ethos
- Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan
tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay buka hindi silá mahikayat na maniwala
rito.

Halimbawa:

Ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas
gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay maaaring maging kaduda-duda. Gayunman, may
iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga
upang magkaroon ng kredibilidad.Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto
upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng
sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang
mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga datos at impormasyon ay wasto at
napapanahon upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.

2. Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang


mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paraan upang makumbinsi silá.

Halimbawa:

Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan
upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

3. Logos - Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang
dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang
paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan ang manunulat ay sumasalungat sa
personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o
anong uri ang mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay mga taong may
hawak na mataas na posisyon o mga negosyante, makabubuting gumamit ng may
kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos upang silá ay makumbinsi, habang
mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon.
Maaari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na ibang paraan na
magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

Propaganda Devices
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato ay isang
bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa
telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang nakapupukaw ng atensiyon upang
mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginagamit na
propaganda device.

1. Name-Calling - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o


katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng
politika.

Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo (traditional politician)

2. Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang


produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.

Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong maputi sa Ang inyong damit ay mas magiging puting-
puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

3. Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto
o tao ang kasikatan.

Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. -Grace Poe; Manny Pacquiao gumagamit
ng kapag nasasaktan.

4. Testimonial - Tuwirang iniendorso o pinopromote ng isang tao ang kanyang produkto na


ang mismong nag-eendorso ay napatunayan ang bisa ng isang produkto na kanyang
iniendorso.

5. Plain Folks - Ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad


ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan.

Tekstong Argumentatibo
- isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran.
- Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang
katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban.
- Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na
pagkalap ng mga datos o ebidensya.
- Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng
mananaliksik ang iba't ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso. Dahil
may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para sa kanya
ang pumili ng posisyon o papanigan.
- Ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang layunin
lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.

Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo o Nangangatwiran


1. Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)
- Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ito sa
tatlong bahagi:

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilalahad dito ang mag katulad na


katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lámang at maaaring
mapasinungalingan. Maaaring maging pareho ang paghahambing sa isa lámang katangian
subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

Halimbawa:
- Magtatayo na rin ako ng karinderya. May karinderya ang kapatid ko at malaki ang
kanyang kinikita at pakinabang.
- Palagay ko'y lahing Tsino iyan, tingnan mo singkit ang kanyang mga mata, ang kulay
ng kanyang balát, at mahilig siyang kumain ng lugaw. Bukod sa kanyang garil na
pananalita ay nakita ko rin siya ng maliliit ang hakbang sa paglalakad.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi. Nananalunton


ito sa paniniwalang may sanhi kung kayâ nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:
- Hingal na hingal at nanlulupaypay ang katawan ng manlalaro.
- Hindi magkakagayon iyon nang walang dahilan.
- Hindi napasáma ang pangalan niya sa talaan sa kompyuter dahil sa pagkahuli niya sa
itinakdang araw ng pagpapatala.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito


ng mga katibayan o ebidensiyang higit na magpapatunay o magpapatotoo sa tinutukoy na
paksa o kalagayan.

Halimbawa:
- Siya palá ang nanalo sa halalan. Hayun at nanunumpa na sa pangulo ng pamantasan.
- Gáling nga ang telang iyan sa lloilo. Doon lang hinahabi anghablon.

2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)


- Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkapit ng isang simulaing
panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong
pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangunguna ng batayan, isang pangalawang
batayan, at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang
silohismo.
Halimbawa:
- Ang mga Ayala ay mayayaman at marurunong.
- Si Oliver ay isang Ayala.
- Samakatwid, si Oliver ay mayaman at marunong.
- Magsasaka ang bayani ng kabuhayan sa bansa.
- Si Mang Nardo ay isang magsasaka.
- Si Mang Nardo ay bayani rin ng kabuhayan sa bansa.

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.


Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum

2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan
mo sa pagpanig dito.

3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong


posisyon.

4. Gumawa ng borador (draft)


- Unang talata :Panimula
- Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay.daan sa paksa.
- Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaringmagdagdag ng talata
kung mas maraming ebidensiya.
- Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi
sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan
kung bakit ito ang iyong posisyon.
- Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat
- Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon
kung 'yan ang iyong posisyon?”

5. Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.

6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at
mekaniks.

7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal
na kopya.
Ilan sa mga batikang peryodista na nagsusulat ng editoryal ay ang sumusunod:
- Si Teddy Benigno ay batikang manunulat ng isang sikat na peryodiko. Nagsimula siya
bilang manunulat ng isports, naging boksingero rin siya. Noong panahon ng
pamamahala ni dating Pangulong Corazon C. Aquino, itinalaga siya bilang kalihim ng
press mula 1986 hanggang 1989.
- Si Randy David ay isang manunulat sa peryodikong laganap sa buong bansa. Isa
siyang respetadong kolumnista, sociologist, professor, television host, at sumulat na
rin ng maraming aklat.
- Si Solita Monsod ay kilalá sa taguring “Mareng Winnie." Isa siyang broadcaster,host,
ekonomista, at manunulat. Naging ikalimang direktor-heneral siya ng National
Economic and Development Authority (NEDA) at kalihim ng Socio-economic Planning
of the Philippines.

Uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy sa Ingles


1. Argumentum ad hominem (Argumento laban sa karakter)
- Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang
argumento dahilang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong
kausap.

Halimbawa:
Balot ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at tatlong beses umulit
ng barexam.

2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot)


- Awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.

Halimbawa:
Anak: Bakit ko pa kailangang pag-aralan pati ang mga paksang hindi pa namin tinatalakay?
Magulang: Kapag hindi mo yan pinag-aralan,papaluin kita.

3. Argumentum ad Misenicordiam (Paghingi ng awa o simpatya)


- Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at
simpatya ngkausap.

Halimbawa:
Maam,ipasa ninyo na po ako.Kailangan ko pong makapagtapos dahil ako na lang ang
inaasahan sa aming pamilya. Kailangan ko na pong magtrabaho para mapagamot ang nanay
ko na may TB dahil karpintero lang po ang trabaho ng tatay ko,at pinag-aaral pa po ang apat
kong batang kapatid.

4. Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng naniniwala sa argumento)


- Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng
naniniwala rito.
- Halimbawa:
- Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang diabetes kaya
naman hindi akonaniniwalang masama ito sa kalusugan.
- Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung
magsinungaling paminsan-minsan.

5. Argurmentum ad Igonarantiam (Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya)


- Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang
kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.

Halimbawa:
Wala pa namang tumututol sa bagong patakaran ng pagsusuot ng
uniporme,samakatuwid,marami ang sumasang-ayon dito.

6. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)


- Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa
o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang pangyayari ito.

Halimbawa:
Masuwerte sa akin ang kulay pula.5a tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko.

7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod ng mga Pangyayari)


- Ang pagmamatuwid aybatay sa magkakasunod-sunod na pattern ng mga
pangyayari,ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan ngkasunod na pangyayari.

Halimbawa:
Tumilaok na ang manok.Ibig sabihin ay umaga na.

8. Non Sequitur(Walang Kaugnayan)


Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naumang pahayag.

Halimbawa
Hindi nagagalingan si Ronald sa musikang bandang iyan dahil baduy raw manamit ang
bokalista.

9. Paikot-ikot na pangangratwiran (Circular Reasoning)


- Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw napunto.

Halimbawa:
Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng Diyos ay nasa Bibliya.

10. Padalos-dalos na Paglalahat(Hasty Generalization)


- Paggawa ng panlahatang pahayag o kongklusyonbatay lamang sa ilang patunay o
katibayang may kinikilingan. Bumubuo ng argumento nang walanggaanong batayan.

Halimbawa:
Nang minsan akong dumaan sa lugar na iyan ay nadukutan ako. Kaya huwag kang
mapapagawi diyan dahil pawang mandurukot ang mga nariyan.

You might also like