You are on page 1of 23

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T-
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Layunin ng pagpapahayag:
• Magbigay ng daan tungo sa
pagkakaunawaan
• Makapaglahad ng tamang impormasyon
at kapaki-pakinabang na kaalaman
• Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o
isyung dapat mabigyang-pansin,talakayin,
at dapat suriin ng mga mamamayan
• Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng
iba’t-ibang kaisipan, damdamin, at
saloobin ng tao.
MGA URI NG TEKSTO
Tekstong Impormatibo
• Naglalahad ng bagong kaalaman,
pangyayari, paniniwala, at mga
impormasyon ang tekstong
impormatibo.
• Layunin ng tekstong ito na magbigay
ng mahahalagang impormasyon
upang alisin at linawin ang mga
agam-agam.
• Ang mga kaalaman ay nakaayos nang
sekwensyal at inilalahad nang buong
linaw at may kaisahan.
ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Layunin ng may-akda – Iba-iba ang
layunin ng may-akda sa pagsulat ng
tekstong impormatibo.
2. Pangunahing Ideya – Dagliang
inilalahad sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi na tinatawag na.
“Organizational Markers”.
ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Layunin ng may-akda – Iba-iba ang
layunin ng may-akda sa pagsulat ng
tekstong impormatibo.
2. Pangunahing Ideya – Dagliang
inilalahad sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi na tinatawag na.
“Organizational Markers”.
Organizational markers –
Nakatutulong upang agad na
makita at malaman ang
pangunahing ideya ng teksto.
3. Pantulong na kaisipan –
Mahalaga ito upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
Malaking bagay ang pagkakaroon
ng mas malawak na pag-unawa sa
binasang tekstong impormatibo.
Tulad ng paggamit ng estilo at mga
kagamitan gayundin sa mga
sanggunian na nagbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng mga
nakalarawang representasyon
halimbawa ng larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan,
timeline at iba pa.
Isa pa ang pagbibigay diin sa
mahahalagang salita sa teksto,
maaring nakadiin, nakalihis,
nakasalungguhit o lagyan ng panipi
upang madaling makita o mapansin
ang mahahalagang salitang
binibigyang
PANGUNAHING LAYUNIN NG
TEKSTONG IMPORMATIBO
Makapaghatid ng impormasyong
hindi nababahiran ng personal na
pananaw o opinyon ng may-akda.
Halimbawa:
• Pag-uulat impormasyon-
Nilalahad ang mga kaalaman
tungkol sa TAO, HAYOP, BAGAY NA
NABUBUHAY AT DI NABUBUHAY
AT PANGYAYARI SA PALIGID.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
Tekstong Deskriptibo
• Pagpapahayag ng mga impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng;
-pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at pansalat.
• Paglalarawan ng mga detalye na
naranasan.
• Naglalayong magsaad ng kabuoang
larawan ng isang bagay, pangyayari o
magbigay konseptong Biswal ng mga
bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Dalawang uri ng paglalarawan

Karaniwan
Karaniwan ang paglalarawan
kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin
o pangmalas.
Masining
masining naman kung ito ay
nagpapahayag ng isang buhay na
larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda.
Karaniwang pili ang mga
ginagamit na salita sa
paglalarawan, kabilang na ang
paggamit ng mga pang-uri, pang-
abay, tayutay, at idyoma.
Pang-uri (adjectives) – Ito ang
salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan
o panghalip. Nagsasaad din ng uri
o katangian ng tao, bagay, hayop,
pook, o pangyayari.
Pang-abay (adverb) – Ang pang-
abay ay salitang naglalarawan ng
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-
abay.
Halimbawa: Si Junjun ay mahusay
magdrowing ng mga tao.
Tayutay (Figure of speech) –
Isang pahayag na ginagamit
upang bigyan diin ang isang
kaisipan o damdamin.
Idyoma (Idioms) – di-tuwiran o
di-tahasang pagpapahayag na
may kahulugang patalinghaga.
Apat na mahalagang
kasangkapan na ginagamit
sa malinaw na paglalarawan
1. Wika – ang isang manunulat
ay wika ang gamit upang
makabuo ng isang malinaw at
mabisang paglalarawan.
Karaniwang ginagamit dito ang
pang-uri at ang pang-abay.
2. Maayos na detalye –
masistemang pananaw sa
paglalahad ng mga bagay na
makatutulong upang
mailarawang ganap ang isang
tao, bagay, pook, o pangyayari.
3. Pananaw ng paglalarawan –
maaaring magkaiba-iba ang
paglalarawan ng isang tao sa
mga bagay o pangyayari
depende kung ito ay nagdulot
sa kanya ng isang di magandang
karanasan.
4. Isang kabuoan o impresyon–
mahalaga sa isang naglalarawan
na mahikayat ang kanyang mga
mambabasa o tagapakinig nang
sa gayon ay makabuo sila ng
impresyon hinggil sa inilalarawan.
Dito ay sama-sama na ang bisa ng
wika, maayos na paglalahad ng
mga detalye, at pananaw ng
naglalarawan.
ADIOS!
HASTA LA PROXIMA!!

You might also like