You are on page 1of 6

Jastine Migul J.

Eguia

11- St. Pedro

TEKSTO

ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o

impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.

MGA URI NG TEKSTO

1. Narativ[pagsasalaysay] - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng

mgapangyayari at may layuning magkuwento.

2. Descriptiv [paglalarawan]- naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng

mga pangunahingtauhan at ang ilang mga bagay.

3. Expositori [paglalahad]- paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga

konseptoat mga palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw.

4. Ergumentativ [pangangatwiran]- isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan

ang katotohanan ngipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang

iyon.5.

5. Prosidyural [proseso]- nagpapaliwanang ng mga paraan sa pagsasagawa ng

isang bagay.

6. Persweysiv [panghihikayat]- naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay

upang ang isangpaksa ay maging kapani-paniwala.

7. Informative- naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot

saisipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

KATANGIAN NG MGA URI NG TEKSTO


Narativ:

 Ang textong narativ ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang

nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan .

 Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng

mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari.

 Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ

at ng isang matibay na kongklusyon

Descriptiv:

 May isang malinaw at pangunahing imposmasyon na nililikha sa mga

mambabasa.

 Ang tekstong ito ay maaaring maging obhetibo at subhetibo at maaari ding

magbigay ng pagkakaroon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at

paraan sa paglalarawan.

 Ang teksto ay mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng mga detalye.

Expositori:

 Obhektibong pagtatalakay sa paksa

 Sapat na kaalaman sa inilalahad nateksto

 Malinaw na pagkakahanay ngkaisipan o ideya.

Ergumentativ:

 Maikli ngunit malaman at malinaw

 Malinaw at lohikal na transisyon

 Maayos na pagkasunod - sunod ng mga talata


 Matibay na ebidensya para sa argumento

Prosidyural:

 Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.

Nakapokus sa pangkalahatan.

 Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan.

 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksyon.

 Gumagamit na malinaw na pang - ugnay at cohesive devices upang ipakita ang

pagkakatulad - sunod at ugnayan ng mga bahagi.

 Mahalaga ang detalye at tiyak na deskripsyon.

Persweysiv:

 Layunin ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang

mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos

upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.

 Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasaMga

pangangatwirang hahantong sa isang lojikal na konklusyon

 Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na

maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang paglalahad

Impormatibo:

 Makatotohanan ang mga datos.

 May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.

 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at

may kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa

mga pangkalahatang sanggunian.

ELEMENTO NG MGA URI NG TEKSTO

Narrativ:

 Paksa - kalansay ng isang teksto

 Estruktura

 Oryentasyon

 Pamamaraan ng Nareysyon - setting o mood

Descriptiv:

 Deskripsiyong Teknikal

 Deskripsiyong Impresyonistiko

Expositori:

Ergumentativ:

 proposisyon - pinagtatalunan

pahayag na inilalaan upang pagtuonan

 argumento - ebidensya or dahilan

- paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran

ang isang panig.

Prosidyural

Persweysiv:

 Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.

 Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa


 Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

Impormatib:

 Layunin ng may-akda-Layunin nitong maglahad o magbigay ng impormasyon.

 Pangunahing Ideya-Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa

mambabasa. Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa bahagi –tinatawag din

itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng

mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

 Pantulong na kaisipan-Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na

pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng

mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na

binibigyang-diin-Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga

malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng

mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi.

HALIMBAWA NG BAWAT URI NG TEKSTO:

Narrativ:

 Talambuhay ni Rizal

 Ang Alamat ng Lanzones

Descriptiv:

 Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng labi ang pagkipot.

 Ang pag ngiti ay nakatutulong upang pagaanin ang damdamin ng iba.

Expositori:

 Mga script ng pelikula o palabas sa telebisyon.


 Mga parte ng kuwentong fiction at non-fiction.

 Mga script sa mga dulaan.

 Mga dokumentaryo.

Ergumentativ:

 Debate

 Editoryal

 Balagtasan

 Fliptop

Prosidyural:

Pagsasaing

 Magtakal ng bigas at ilgaya sa kaldero ayon sa tamang dami.

 Hugasan ang bigas ng dalawang ulit.

 Isalang sa kalan ang kaldero at hintayin na maluto.

 Ihain habang mainit.

Persweysiv:

 Patalastas sa radio at telebisyon

 Talumpati ng mga kandidato tuwing kamapanya bago ang eleksyon

Impormatib:

 artikulo sa dyaryo

 .artikulo sa magasin

 blog at website

 estadistika at datos (statistics and data)

 talambuhay at sariling talambuhay

You might also like