You are on page 1of 4

Tekstong Impormatibo

Ang tekstong impormatibo ay ang pagbibigay at pagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon sa


mainam at malinaw na pamamaraan. Kinakailangan nito ng masusing pagbibigay ng mga detalye, fokus
at magkakaugnay na paksa sa mga kaalamang ibinibigay. Sa pagsusulat ng ganitong teksto, dapat na pili
at tiyak ang mga salitang nais gamitin upang lubos na maintindihan ng mambabasa.

Halimbawa:Ito ang mga halimbawa ng tekstong impormatibo:

1.pamplet, polyeto at brosyur (pamphlet, leaflet, brochure)

2. blog at website

3. estadistika at datos (statistics and data)

4. talambuhay at sariling talambuhay

5. artikulo sa dyaryo

6. artikulo sa magasin

7.libro at aklat-aralin

8. sanaysay

9. mga tala (notes)

10. listahan (directory)

11. diksyunaryo

12. rekord ng pagpupulong (minutes of the meeting)

13. ensiklopedya

14. ulat

15. mga legal na dokumento

16. arawang tala (diary)

17. manwal panturo (instructional manual)

18. mga patnubay at gabay hinggil sa paggawa ng isang kagamitan (guides)

19. paglalarawan at pagtatampok ng isang produkto (product descriptions and specifications)

Tekstong Nararibo
Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa pagsasalaysay sa mga pangyayaring naganap; ito ay
naglalahad ng katotohanan o datus sa isang pangyayari na naganap na o magaganap pa. Ang karaniwang
halimbawa nito ay ang mga ulat, balita, pagpresenta ng mga datus o impormasyon sa isang negosyo o
kompanya, imbestigasyon, testimonya ng saksi sa isang sunog o krimen, at iba pa. Ang mga ito ay
maaaring galing sa sariling karanasan, napakinggan, nasaksihan, nabasa, at maaari ring piksyonal.

Halimbawa:Halimbawa ng tekstong naratibo ang maikling kwento, kasaysayan , talambuhay at iba pang
mga tekstong naglalahad ng mga kwento.

Tekstong Prosidyural

Ang mga tekstong prosidyural ay kahalintulad ng isang manwal. Naglalaman ito ng mga hakbang na
kailangang sundin upang makamit ang ninanais na resulta. Ito ay isang maliit na aklat na makakatulong
sa mga nangangailangan ng gabay upang maisagawa ang isang bagay.

Halimbawa:

Kung nais kong magluto ng Adobo, kailangan kong sumangguni sa isang tekstong prosidyural.Nilalaman
ng isang prosidyural na teksto tungkol sa pagluluto ng adobo.

1. Hugasan ang kasangkapan pang luto at ang mga lulutuing sangkap.

2. Sa isang kawali, mag gisa ng mga sibuyas at bawang.

3. Isunod ang manok at palambutin ng 10 minuto.

4. Lagyan ng toyo, suka at paminta.

5. Ang adobo ay luto na pagkalipas ng 5 minuto at maaari nang ihain.


Tekstong Argumentaribo

Ito ay naglalayong mapatunayan ang katotothanang naisa ipahayag sa mga mamababasa. Naglalalhad ito
ng proposisyon na nangangailangan na pagdiskusyunan o pakakaroon ng pagtatalo base sa nais na
patunayan sa teksto.

Halimbawa:

Debate - karaniwan na nating nasasaksihan ito nitong nakaang halalan mula sa mga kandidato.

ItEditoryal- nakikita ito sa mga dyaryo, magsin at mga babasahin.

Balagtasan- ito ay pagpapaplitan ng opinyon at kuru-kuro ng dalawang panig na magkaiba ang opinyon
ssa isang tema. Nagmula eto sa pangalan ni Franciso Balagtas.

Fliptop -isa itong palitan ng mensahe na idiadaan sa RAP sa kasalukuyang panahon

Tekstong Panghihikayat

Ang tekstong nanghihikayat ay isang uri ng teksto kung saan nagbibigay ang may-akda ng mga detalye,
pruweba, o dahilan upang mahikayat ang mga mambabasa na paniwalaan ang kanyang prinsipyo o
argumento. Tinatawag din itong Persweysiv o persuasive sa Ingles.

Ang halimbawa ng isang pahayag ng panghihikayat ay:

Propaganda tuwing Eleksyon

Patalastas sa telebisyon

Poster ng isang organisasyong naghahanap ng bagong miyembro


Activity
In
General
Biology

Submitted by: Jed M. Siron

Submitted to: Ms: Juncor C. Sabanal

You might also like