You are on page 1of 7

Impormatibo

• Ano nga ba ang Tekstong Impormatibo?Ito ay naglalahad ng mahahalagang Impormasyon ,Kalaman,Kabatiran.


Nagpapaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa isang paksa.
Hayop
Sports
Agham
Syensya
Gawain
Paglalakbay
Heograpiya
Kalawakan
Panahon
Ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag batay sa katotohanan o
datos .
Tandaan :Ang tekstong impormatibo ay hindi nakabase sa pansariling opinion kundi sa katotohanan lamang at mga datos .
Ano ang pagsulat?

Ayon kay Emery Et al.(2004) ang pagsulat ay isang epektibong larangan upang maipakita ang karunungan ng
isang tao gamit ang mga isinasatitik na salita.
• Ayon naman kina Peck at Bukkingham (Rodillo,1998) ang pagsulat ng ekstensyon ng wika at karanasang
natamo ng isang nilalang sa kanyang kasanayan sa pakikinig,pagsasalita at pagbasa.
Ano naman ang pamamaraang impormatibo ?

• Ayon naman kay mabilin (2010),ang pagsulat ay katulad din ng pagbasa na kinakailangang gamitan ng
wastong pag-iisip ibayong damdamin at karanasan.
4 na elemento ng tekstong impormatibo

1.layunin ng may-akda

Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo layuning mapalawak ang kaalaman ukol sa
isang paksa.

2.Pangunahing Ideya

Di tulad ng tekstong nratibo di agad inihahayag ng mga manunulat ang mga mangyayari upang mapabot ang interes ng
mambabasa sa kasukdulan ng akda.

Sa tekstong impormatibo naglalagay ng pangunahing ideya nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi. Tinatawag din itong organizational markers upang makita ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

3.Pantulong kaisipan mahalaga ang ang paglalagay ng pantulong na angkop na kaisipan o mga detalye upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideya na nais nyang matanim na nais nyang iwan sa kanila.

4.Mga estilo sa pagsulat,kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga binibigyang-diin.

a.Paggamit ng mga nakalarawang representasyon

b.Pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto

c.Pagsulat ng mga talasanggunian


3 uri ng tekstong Impormatibo

1.Paglalahag ng totoong pangyayari/kasaysayan

Dito inilalahad ang mga pangyayari sa naganap na panahon o pagkakataon.

2.Pag-uulat pang-impormasyon

Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon sa tao hayop o nabubuhay at di
nabubuhay gayunsa mga pangyayari sa paligid.

Hal.mga paksang kaugnay ng teknolohiya,global warming ,cyberbullying mga hayop na malapit ng maubos
eksperemento at iba pa.

3.Pagpapaliwanag
Tinutukoy dito kung bakit o paano naganap ang isang pangyayari layunin nitong makita ng mambabasa ang
mga impormasyong nagsasaad kung papaanong humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

You might also like