You are on page 1of 10

FPL REVIEWER M1

Aralin 1: MGA BATAYANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na gumagamit ng mga


simbolo (mga titik, bantas at espasyo) upang maiparating ang mga kaisipan at
ideya sa isang nababasa at nauunawaan na uri. Manunulat ang karaniwang
tawag sa mga gumagawa nito na maaaring gumamit ng panulat/lapis (sulat-
kamay) o keyboard (pag-type) upang maipahayag ang saloobin, damdamin, at
kaalaman. Kaya mula elementarya, isa ito sa mga pangunahing gawain at
mahalagang kasanayan na kinakailangan upang maging matagumpay sa
pakikipagkomunikasyon at pagkakaunawaan. Kung ito ay bahagi na ng pag-
aaral mula elementarya, bakit patuloy ang pag-aaral nito?

Ayon kay Badayos (2000) ang mabisang kakayahan sa pagsulat ay


sadyang mailap sa nakararami, kahit pa ang isang sulatin ay isinulat sa una o
ikalawang wika - ngunit napag-aaralan. Kaya, ito ay patuloy na
nangangailangan ng pagsasanay upang maabot ang mga layunin nito: (1)
makalikha at makagawa ng maayos at makabuluhang sulatin, (2)
makapagbahagi ng kaalaman, at (3) makakumbinsi ng ibang tao sa
katotohanan o ibinibigay na opinyon. Sa gayun, kapag ito ay natamo, tiyak na
isang biyaya na tanging ipinagkaloob dahil ito ay isang pangangailangan na
nakapagtatamo ng kaligayahan sa sinumang nakapagsasagawa nito (ayon kay
Keller (1985), sa Bernales et al. (2006)).

Karagdagan, ang pagsulat ay hindi natural na proseso. Upang mapagtibay


at maging mahusay dito, kailangan ng mga pagsasanay at isang malawak na
hanay ng mga kasanayan. Sa aralin na ito ay uunawain ang mga pangunahing
kasanayan sa pagsulat.

I. Wastong Pamamaraan ng Pagsulat


Ang una sa mga kasanayan sa pagsulat na kailangang linangin ay ang
wastong pamamaraan ng pagsulat. Kabilang sa kasanayan na ito ang (1)
tamang paggamit ng malaki at maliit na titik (capitalization), (2) tamang
baybay, (3) tamang paggamit ng batas sa pagbuo ng talata, at ang (4)
masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
epektibong sulatin. Kaya, mainam na ang manunulat ay may:
Kasanayan sa Pampag-iisip. Ito ang ugnayan ng ideya, imahinasyon,
nararamdaman, saloobin, at tiyak na kilos na nagiging pundasyon at batayang
sandigan ng manunulat na nakapagpapalawak, nakapagpapalalim, at
nakapagpapatibay ng anumang ipapahayag sa sulatin. Kasama din dito
ang kakayahang mag-analisa ng datos o impormasyon na ilalapat sa pagsulat.

1. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin. Ito ang kombinasyon ng


lahat ng kasanayan sa pagsulat na ipinakikita ang kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon (mula panimula hanggang wakas) na
maayos, organisado, obhetibo, at sa masining na pamamaraan.
Dapat ding tandaan na ang pagsulat ay hindi lamang gawaing
mental, dahil sa pagsasalin ng kaisipan sa papel o anumang kagamitang
maaaring pagsulatan ay nagiging isa ding gawaing pisikal. Mula ito sa
paggamit ng panulat/lapis (sulat-kamay) o keyboard (pag-type) upang
maipahayag ang saloobin, damdamin, at kaalaman.

Isa pa sa mga dapat isaalang-alang upang maging wasto ang


pamamaraan ng pagsulat ay ang pagbatid sa kung anong uri ang gagawing
pagsulat:

1. Pormal na Pagsulat. Ito ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay


impormasyon, paglalahad ng isyu na may basehan, at pananaliksik na
ang tono ng pagsulat ay pormal o seryoso kaya piling-pili ang salitang
ginagamit dito. Ang pagpapahayag din ay nasa ikatlong panauhan, at
mahigpit na sinusunod ang proseso upang magkaroon ng malinaw na
daloy ang kaisipan mula sa paksa hanggang sa mga detalye nito.
2. Di-Pormal na Pagsulat. Ito ang karaniwang ginagamit sa mga kwento at
mga sanaysay na karaniwan at personal ang paksa kaya parang
nakikipag-usap lamang ang manunulat nito. Magaan din ang tono at
pananalita nito na madalas na inilalabas ang pagkamalikhain ng
manunulat at naglalayong makapagbigay-aliw.

Kung tutukuyin naman ang uri ng pagsulat ayon sa gamit at sa mambabasang


pinaglalaanan nito, narito ang iba pang uri ng pagsulat:

1. Teknikal. Ito ay isang uri ng sulatin na may partikular na paksa na


nangangailangan ng direksyon, pagtuturo, o pagpapaliwanag. Ito ay
madalas na ginagamitan ng teknikal na terminolohiya at nakatuon sa
espisipikong audience o pangkat ng mga mambabasa. Halimbawa:
Feasibility Study, User’s manual, Project Proposal at mga
Korespondensyang Pampangangalakal.

2. Propesyonal. Tulad ng teknikal na pagsulat/sulatin, ito ay may partikular


na paksa at ginagamitan ng teknikal na terminolohiya dahil sa ang
sulating ito ay ginagawa lamang ng mga nasa tiyak na propesyon o
larangan, at ang mga propesyonal lamang ang maaaring sumulat at
magsagawa nito. Bilang paghahanda, ang mga mag-aaral sa ganitong
larangan ay hinuhubog upang maging dalubhasa rito. Halimbawa:
Medical Report ng mga nars at doktor, Police report ng mga police, at Legal
Forms ng mga abogado.

3. Reperensyal. Ito ang uri ng sulatin na nakatuon sa pagbibigay


impormasyon at pagsusuri sa paksa. Upang maging wasto, tumpak, at
makatotohanan, tinutukoy ng manunulat ang pinaghanguan ng iba’t
ibang sors o reperens gamit ang pagtatalang parentetikal, talababa,
endnotes at marami pang iba na ginamit sa sulatin. Halimbawa:
Pamanahong Papel, Disertasyon at Interbyu.
4. Dyornalistik. Ito ay madalas na sinusulat sa iba't ibang pormat ng media
upang mag-ulat ng mga importante at detalyadong impormasyon
tungkol sa mga iba't ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa.
Ang mga journalist o mamamahayag ang malimit na gumagawa nito.
Halimbawa: Balita, Editoryal, at Kolum o Lathalain sa magasin.

5. Malikhain. Ito ang mga sulating nasa larangan ng literatura na uri ng


panitikan at lumalabas sa mga hangganan ng propesyonal, jornalistik
(pamamahayag), o teknikal na pagsulat/sulatin. Maaaring ito ay di-
piksyonal (batay sa katotohanan) o piksyonal (mula sa imahinasyon ang
mga pangyayari at tauhan). Halimbawa: Tula, Dula, at Nobela.

May isa pang uri ng pagsulat o sulatin na madalas na ginagawa sa isang


akademikong institusyon, at ito ang pag-aaralan sa susunod na aralin.

II. Wastong Pagbuo ng Teksto

Ang susunod na kasanayan na kinakailangan ay ang wastong pagbuo ng


teksto. Ang teksto ay ang anumang isinulat ng isang may akda na maaaring
isang mensahe, direksyon o resipe. Ito ay maaaring mula sa ilang mga salita o
mga talata, ngunit para maging malinaw, maayos, at kaaya-aya ay kailangan
na (1) wasto ang pagpili ng tamang salita (bokabularyo) na maaaring maging
teknikal, pormal, o di pormal (kolokyal at bulgar) depende sa inaasahang uri ng
pagsulat, (2) mayroong lohikal na daloy ng mga kaisipan o kaugnayan ng mga
parirala, salita, talata, at iba pang pantulong na kaisipan, at (3) mayroong
pagkakaisa ang mga bahagi at istruktura ng isang teksto (kung buong sulatin,
inaasahan na nasa panimula ang pagpapakilala, nasa gitna ang pag-unlad ng
kaisipan, at nasa wakas ang konklusyon).

Narito ang iba’t ibang uri ng teksto at halimbawa ng pagbuo ng diskurso


nito:

1. Tekstong Deskriptibo. Ito ay naglalayong makabuo ng malinaw na


larawan sa isip ng mambabasa o tagapakinig kaya kinakailangan ang
paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw, at iba pang
kauri nito (madalas itong tinatawag na masining na paglalarawan).
Maaari din itong maisagawa sa pagbibigay katangian sa paksa o pinag-
uusapan (tinatawag naman ito na karaniwang paglalarawan). Ilan sa mga
sulatin dito ang mga sulating pampanitikan, suring-basa, obserbasyon na
sanaysay, at iba pa.

Halimbawa ng paglalarawan:
Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng coronavirus na kayang
magdulot ng malalang sintomas o kamatayan. Ang karaniwang mga sintomas
nito ay lagnat, ubo, pangangapos sa paghinga, namamagang lalamunan, sakit
ng katawan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagtatatae, atbp.

2. Tekstong Ekspositori/Impormatibo. Ito ang paglalahad, pagpapahayag


at pagbibigay kaalaman, kabatiran o kuro-kuro sa mga pangyayari,
bagay, lugar o kapwa-tao. Ito ay madalas na nagbibigay-linaw upang
lubos na maunawaan ng may interes ang isang paksa. Ilan sa mga sulatin
na kabilang dito ay ang mga aklat, pananaliksik, lab report, business
report, balita, at iba pa.

Halimbawa ng pagbibigay impormasyon:

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang virus ay maaaring kumalat mula sa isang


tao patungo sa ibang tao kaya kung nakasalamuha ng hinihinalang positibo sa
COVID-19 ay kailangang bantayan ang kalusugan mula sa unang araw na
nakasalamuha ang nasabing tao na may sintomas hanggang sa 14 na araw
matapos ito. Kapag nagpakita ng isa o higit pa ng mga sintomas dapat nang
sundin ang prevention steps.

3. Tekstong Naratibo. Ito ang pagsasalaysay o pagkukwento ng mga


magkakaugnay o sunod-sunod na pangyayari na maaaring totoo o
likhang isip ng mga sariling karanasan o pangyayaring nabasa, nakita,
napanood, napakinggan o nabalitaan. Ilan sa mga sulatin dito ang mga
sulating pampanitikan, talambuhay, balita, at iba pa.

Halimbawa ng pagsasalaysay:

Ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay nakumpirma noong Enero 30, 2020.
Pagkalipas ng dalawang araw, naitala naman ang unang pagkamatay. Kasunod
na nito ang pagtaas ng mga bagong kumpirmadong kaso, at upang mapigilan
ang mabilis na lokal na transmission, ang gobyerno ng Pilipinas ay nagdeklara ng
isang emerhensiyang pangkalusugan.

4. Tekstong Argumentatibo. Ito ang pangangatwiran at di-mapapasubaling


pagsisiwalat ng prinsipyo o paninindigan kalakip ang mga ebidensya mula
personal na karanasan, kasaysayan, resulta ng pananaliksik o pag-aaral.
Ang madalas na layunin nito ay mahikayat na pumanig o sumang-ayon
ang mambabasa sa paniniwala ng manunulat. Ilan sa mga sulatin na
kabilang dito ay ang editoryal, talumpati, at marami pang iba.

Halimbawa ng pangangatwiran at panghihikayat:

Dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakasakit at


namamatay mula sa COVID-19, gumawa ang mga eksperto ng mga bakuna
para mabilis na makontrol ang pagkalat ng virus at maiwasan ang maraming
mga nasa ospital at pagkamatay. Gayunpaman, marami ang nangangamba sa
pagiging epektibo at kaligtasan ng pagkuha ng bakuna. Kailangan ba talagang
matakot sa mga bakuna ukol sa COVID-19? Ayon sa mga hakbang ng BIDA at
pagsunod sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko, ang
pagbabakuna sa sarili laban sa virus ay isang mahalagang paraan upang
maprotektahan ang sarili. Gumagana ang mga bakuna sa pamamagitan ng
paggaya sa virus o bakterya na nagdudulot ng sakit, at sa gayon ay hinihimok
ang katawan na lumikha ng mga antibodies. Ang mga antibodies na ito ay
magbibigay ng proteksyon kapag ang isang tao ay aktwal na nahawaan ng virus
o bakterya na nagdudulot ng sakit. Ang mga bakuna din ay binigyan ng
Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration kaya ligtas
at epektibo ito.

Nakakatulong din sa wastong pagbuo ng teksto ang layunin ng pagsulat na ang


pangunahin sa mga ito ang layuning ekspresibo o personal na gawaing
makapagpahayag ng iniisip at nararamdaman, at ang transaksyonal o sosyal na
gawaing may pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

EKSPRESIBONG
TRANSAKSYONAL NA PAGSULAT
PAGSULAT
• Malaya • Kontrolado
• Impormal • Pormal
Paraan ng Pagsulat
• Subhetibo • Obhetibo

Panauhan ng
Unang Panauhan Ikatlong Panauhan
Panghalip
(Ako, ko, akin, atbp.) (Siya, sila, nila, atbp.)
na Panao
Ibang tao na may
Target na Mismong sarili ng
tiyak na layunin, at
Mambabasa manunulat
tiyak na paksa
• Sariling Pananaw,
• Mga Impormasyon na
Kaisipan,
naglalahad ng katotohanan
Damdamin at
(maaaring nanghihikayat,
Karanasan
nangangatwiran, o
Paksa/Tinatalakay • Saloobin at
nagtuturo)
palagay sa mga
• Pagsusuri
bagay at
• Pagbibigay interpretasyon
pangyayari

• Talambuhay
• Talaarawan
• Balita
• Dyornal
• Editoryal
• Personal na Liham
• Liham Pangangalakal
• Kwento
• Dokumentaryo
Mga Halimbawa • Tula
• Artikulo
• Awit
• Pananaliksik
• Iba pang sulatinng
• Rebyu
Pampanitikan
• Patalastas
III. Maayos na Pagpaplano at Pag-edit
Bahagi ng proseso ng pagsulat ang maayos na pagpaplano, pagrerebisa, at
pag-edit ng gawa. Ang mga kasanayang ito ay kailangang-kailangan sa
pagiging isang
mahusay na manunulat.

Ang mga sumusunod ay maaaring maging gabay o pormat sa


pagsasagawa ng isang sulatin.

A. BAGO SUMULAT

1. Bumuo ng komprehensibong paksa. Ang paksa ang pangunahing pinag-


uusapan sa pangungusap o kabuuan ng sulatin. Ito ay maaaring mula sa
mga nakalap na datos o sa interes ng manunulat, at madalas na
kinakailangang kawili-wili at napapanahon.
2. Tiyakin ang layunin ng pagsulat. Ang layunin ang nagbibigay kahulugan
na maaaring batay sa paksa o sa madla ng sulatin; maaari ding maging
motibasyon at gabay sa pagbuo ng sulatin na kailangang may tiyak na
patutunguhan.
3. Ilapat ang naaayong paraan ng pagsulat. Ito ang hakbangin o proseso na
nakabatay sa paksa, layunin ng pagsulat, at inaasahang uri ng teksto.
4. Mangalap ng kakailanganing impormasyon. Upang mapadali ang
pagbuo ng sulatin at maging makatotohanan at mapananaligan ito,
kailangan na makangalap ng sapat na impormasyon. Sa pangangalap ng
impormasyon, dapat ay galing sa eksperto na may awtoridad at
kredibilidad sa pagbibigay ng ganoong uri ng impormasyon. Ito rin ay
dapat na angkop sa paksa at layunin ng gagawing sulatin na may
wastong dokumentasyon: maaaring sa paggamit ng sanggunian
(bibliography) o talababa (footnote).

Narito ang iba pang dapat isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon:

▪ May katotohanan, kawastuhan, at katumpakan ang


Impormasyon. Dapat ay mahusay na sinaliksik ang
impormasyon at may sapat na mga sanggunian (mga
pagsipi, footnote, o isang bibliograpiya) na nakapagbibigay
ng ebidensya at naipapakita ang kalidad ng impormasyon.
▪ May layunin at nilalayon na madla. Ilan sa madalas na
layunin ay makapagbigay ng impormasyon,
makapanghikayat o makapagtaguyod ng impormasyon para
sa tiyak na madla (publiko o mamamayan, mga iskolar,
akademikong mananaliksik, atbp.)
▪ Obhetibo. Ito ang walang pagkiling at may batayan na
katotohanan o istatistikal na datos at impormasyon.
▪ Napapanahon. Ang impormasyon ay madalas na nasa
limang taon lamang, pero kung makasaysayan ay maaaring
katanggap-tanggap pa rin ang higit sa limang taon.
5. Bumuo ng balangkas. Ito ang nagsisilbing pangkalahatang plano sa
pagkakasunod at pagkakahati ng kaisipan, at nagiging batayan sa
pagrerebisa ng sulatin. Ang kayarian nito ay dapat na may kaisahan at
balanse upang maipakita ang lohikal na daloy ng kaisipan at pahayag.

Narito ang dalawang pangunahing uri ng balangkas:

• Balangkas na Papaksa. Ang ideya ay inilalahad gamit ang isang salita o


parirala.

I. Paggalang sa Guro bilang Tungkulin

II. Mga Paraan ng Paggalang sa Guro

A. Paggamit ng Po at Opo

B. Pagiging mapagpakumbaba

C. Pagrespeto sa alituntunin

III. Kabutihan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa Guro

• Balangkas na Pangungusap. Dito ay gumagamit ng pangungusap sa


paglalahad ng pangunahin at suportang ideya.

I. Ang paggalang sa guro ay isang tungkulin ng mag-aaral.

II. May iba't ibang kaparaanan upang maipamalas ng isang mag-aaral ang
kanyang paggalang sa guro.

A. Ang may paggalang na mag-aaral ay gumagamit ng "Po" at "Opo" sa


tuwing nakikipag-usap sa guro.

B. Ang may paggalang na mag-aaral ay mapagpakumbaba at nababatid


ang hangganan o limitasyon bilang isang mag-aaral.

C. Ang may paggalang na mag-aaral ay may respeto sa alituntunin tulad


ng pagtupad sa itinakdang oras ng pagpapasa ng gawain.

III. Ang kabutihan ng pagpapamalas ng paggalang sa guro ay nakakatulong


ang mga ito sa kaayusan ng klase, at napatitibay ang samahan ng guro at mag-
aaral.

Kung ang nilalaman ay hindi lamang pangunahin at suportang ideya kundi


pati ang pantulong na detalye (na maaaring gawin habang nangangalap ng
impormasyon at bumubuo ng burador) ay maaari itong ilahad sa paraan na
isang talata.
B. HABANG SUMULAT

Dito naipapamalas ang wastong pamamaraan ng pagsulat at pagbuo ng


teksto.

1. Bumuo ng burador. Dito isinasagawa ang malayang pagdaloy ng ideya at


pagsasatitik ng kaisipan.

• Panimula. Dito ipinakikilala ang paksa o pagbibigay ng pangunahing


kaisipan na nasa uring pahayag o tanong. Inilalahad din ito sa mabisang
kaparaanan dahil ito ang nagsisilbing batayan ng mambabasa kung
itutuloy o hindi ang pagbasa.
• Gitna/Katawan. Dito pinauunlad ang kaisipan o ang pagbibigay
detalye/impormasyon at pagtalakay sa paksa. Ito ay tinitiyak na
organisado, at naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag.
• Wakas. Ito ay maaaring sa uri na isang buod o lagom, at maaari din na
mag-iwan ng mensahe sa mambabasa. Ito ay tinitiyak na maigsi at
nakakapukaw din ng atensyon (tulad ng panimula) dahil ito ang
nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga
mambabasa.

2. Wastuhin ang burador.

• Pagrerebisa. Ito ay maaaring pagdagdag o pagkakaltas ng ideya.


• Pag-eedit o pagwawasto. Dito ang pagsasaayos ng kamalian sa
pagbabaybay ng mga salita, paggamit ng mga bantas, at iba pang kauri
nito.

C. PAGKATAPOS SUMULAT

1. Isulat ang pinal na sulatin. Bago isagawa ang pinal na pagsulat, basahing
muli ang sulatin upang masigurado ang kaayusan nito.
2. Ilathala ang sulatin. Dito isinasagawa ang pagpapalaganap ng
gawa/sulatin sa target na madla (audience) na maaaring sa mga
pahayagan, social media, atbp.

Sa anumang uri ng sulatin, kailangan ang mga kasanayan na ito upang


makalikha at makagawa ng maayos na sulatin na makapagbabahagi ng
kaalaman at makakakumbinsi ng ibang tao sa katotohanan o ibinibigay na
opinyon.

Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na gumagamit ng mga


simbolo (mga titik, bantas at espasyo) upang maiparating ang mga kaisipan at
ideya sa isang nababasa at nauunawaan na uri. Sa pagsasalin ng kaisipan sa
anumang kagamitang panulat ay nagiging gawaing mental at pisikal ito, kaya
kailangan ang kasanayang pampag-iisip, kasanayan sa paghahabi ng buong
sulatin, at kaalaman sa gagamitin na instrumento sa pagpapahayag ng
saloobin, damdamin, at kaalaman.

Ang pagsulat ay hindi din isang natural na proseso, kaya nangangailangan


ng mga pagsasanay upang malinang ito. Ang una sa mga kasanayan sa
pagsulat na kailangang linangin ay ang wastong pamamaraan ng pagsulat.
Kabilang sa kasanayan na ito ang (1) tamang paggamit ng malaki at maliit na
titik (capitalization), (2) tamang baybay, (3) tamang paggamit ng batas sa
pagbuo ng talata, at ang (4) masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan
upang makabuo ng isang epektibong sulatin. Ang wastong pamamaraan ng
pagsulat ay naka-depende din sa uri ng pagsulat (pormal o di pormal, at sa iba
pang uri ng pagsulat ayon sa gamit at sa mambabasang pinaglalaanan nito), at
kaugnay ng wastong pagbuo ng teksto na kinabibilangan ng (1) wastong pagpili
ng tamang salita (bokabularyo), (2) pagkakaroon ng lohikal na daloy ng mga
kaisipan, at ang (3) pagkakaisa ng mga bahagi o istruktura ng isang teksto.
Nakakatulong din sa wastong pagbuo ng teksto ang layunin ng pagsulat
(ekspresibo at transaksyunal) at diskurso (Deskriptibo, Naratibo, Impormatibo, at
Argumentatibo).

Ang pagsulat din ng anumang sulatin ay nangangailangan ng


sistematikong proseso na nararapat na dumaan sa masusing pagkilatis mula
pagpaplano hanggang sa pagwawasto (bago sumulat, habang sumusulat, at
pagkatapos sumulat) bago ito maging pinal at ipabasa o ipagamit sa madla o
mga mambabasa.

Aralin 2: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Bilang mag-aaral, ano ang madalas na uri ng pagsulat at sulatin ang iyong
ginagamit at pinag-aaralan sa klase? Sa iyong palagay, bakit ganoon ang mga
uri ng pagsulat at sulatin ang ibinabahagi o ipinagagawa ng iyong guro?
Nakakatulong ba ang mga ito sa paglinang ng kakayahan at paghahanda sa
iyong kinabukasan?

Ang madalas na isinasagawang pagsulat sa isang akademikong


institusyon ay ang akademikong pagsulat. Ang mga sulatin dito ay isinusulat at
ginagamit ng mga guro, mag-aaral, at mga iskolar upang mapalawak ang
kanilang kaalaman at mapagtibay ang kanilang mga pahayag, kaisipan, o ideya.
Sa paglilinang nito, ang guro ay nagtatakda ng isang partikular na pagsulat at
pangangailangang pampag-unlad upang makapagpahayag ang mag-aaral ng
mga impormasyon tungkol sa isang paksa ng makabuluhan at may
kapakinabangan sa sarili, pamilya, lipunan at bansa. Kaya, nagbibigay daan ito
sa intelektwal na pagbabahagi ng mag-aaral ng kanyang kaisipan o ideya
bilang manunulat o mananaliksik ukol sa isyu o paksa.

Bilang ito ay pagsulat na ginagawa sa akademiya, nangangailangan ito ng


mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat na inaasahang magiging epektibo
at katanggap-tanggap. Paano magiging katanggap-tanggap ang pagsulat? Ito
ay kailangan na hango sa mga kaisipan mula sa iba't ibang sorses, perspektibo,
dulog, teorya at pag-aaral, at kapag maayos na naisagawa ay maaaring
maging batayan ng marami pang pag-aaral.

Makakatulong ang unang aralin sa unang gabay sa pampagkatuto upang


maisagawa ng mainam at maayos ang akademikong pagsulat. Mula sa iyong
napag-aralan, pakatandaan na ang kinakailangan dito ay ang mga kasanayan
at proseso na masinop at sistematiko, sa pagtuklas at pagbabahagi ng
karanasan, obserbasyon, at impormasyon. Bakit kailangan na maging masinop
at sistematiko sa pagsulat nito? Sa kadahilanang ang mga akademikong sulatin
ay inilalaan sa isang madla ng iskolar, samantalang ang ibang uri ng pagsulat ay
naglalayon sa sarili at publiko. Kaya sa malimit na pagkakataon, ang paraan din
ng pagsulat ay umiikot lamang sa apat na batayang diskurso (magsalaysay,
maglarawan, maglahad, at mangatwiran), at ang mga kalikasan ng pagsulat na
dapat pakaisipin, batay kay Fulwiler at Hayakawa (2003), ay:

• walang pagkiling o obhetibo;


• balanse sa paglalapat ng impormasyon;
• nasasalamin ang katotohanan sa mga datos (balido at gumagamit
ng angkop at wastong metodo); at
• may mapagkakatiwalaang katibayan o ebidensya.

Sa kalikasan at mga katangian ng akademikong sulatin, masasabi na tunay na


malawak ito, dahil hindi lamang nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan
kundi interdisiplinari o multidisiplinari (disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham,
humanistiko, at iba pa). Naglalaman din ng maraming kaalaman na madalas ay
bunga ng mga pananaliksik. Kaya, nakapagpapalawak ng kaalaman at
kabatiran, nasusuri at nawawasto ang kaisipan o hinuha, at nakapagdudulot ng
kapakinabangan sa sarili, pamilya, lipunan at bansa.

Sa pagsulat nito, natututo ang mga mag-aaral sa:

1. wastong pangangalap ng mga impormasyon at pagsasagawa ng ulat;


2. pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto/sulatin na magagamit;
3. paglinang ng kritikal sa pag-iisip: obhetibo na pagtalakay sa paksa,
organisadong pagbuo at pagkakaugnay ng ideya at kaisipan (Halimbawa:
(a) nakatutukoy ng sanhi at bunga, (b) nakapaghahambing, (c)
nakabubuo ng konsepto, at (d) nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti
ng kanyang sulatin); at
4. pagiging inobatibo (nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto
mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral) at sa
pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Ang mga kaalaman at kasanayang ito ay tunay na makakatulong sa


pagbuo pa ng iba pang uri ng sulatin - na kailangan bilang paghahanda sa mas
malaking hamon sa kolehiyo at sa paghahanapbuhay.

You might also like