You are on page 1of 8

Ano nga ba ang Pagsulat?

- Ang Pagsulat ay isang pinakamabisang paraan upang maipahayag ang ating nadarama o naisin
sa ating kapwa.

- Ang pagsulat ay pagbuo o paggawa ng mga simbolo, titik at mga salita. Sang-ayon kay Alcomtiser P.
Tumangan, ang pagsulat ay paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa
pamamagitan ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.

Di- matatawaran na ang pagsulat ay napakahalaga sa dahilang ang mga taong magkakalayo ay
nagkakaroon ng kabatiran tungkol sa bawat isa. Nababatid ang kalagayan ng mga itinatanging kaanak,
kaibigan, kabansa, at maging ang mga nasa malalayong pook.

Nang dahil sa pagsulat, ang mga naging karanasan, kaunlaran, pakikipagsapalaran ng isang lipunan,
komunidad at bansa ay natutuklasan at natututunan.

URI NG PAGSULAT

1. Akademikong Pagsulat – Ito ay pangunahing pangangailangan ng halos lahat ng mga paaralan o


institusyong pang-edukasyon ang pagbibigay ng mga gawain na may kinalaman sa pagsasanay ng
mahusay na pagsulat.

Halimbawa:

- Sanaysay

- Pamanahong Papel

- Papel Pananaliksik

2. Teknikal na Pagsulat – Ito ay isang pormal na pagsulat na ginagamit ng mga propesyunal at


negosyante.

3. Jornalistik o Pampahayagang Pagsulat- ito ay pagsulat hindi para itanghal ito ay responsableng
pagsulat tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng lipunan. Ang mga napapanahong isyu ang
karaniwang paksa nito. Sa uring ito ng pagsulat karaniwang mababatid ang katotohanan at laging
tinitimbang at sinasaliksik ang tama at maling impormasyon.

4. Reperensyal na Pagsulat – ito ay pagsulat na kung saan mabusisi sapagkat nangangailangan ito ng
aktuwal na katotohanan.

Halimbawa:

Ulat, aklat, Pananaliksik

5. Malikhaing Pagsulat – ito ay ang masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang


binibigyang pansin ang wikang ginagamit sa susulatin.

Halimbawa:

Tula, Maikling Kuwento, nobela, dula


Katangian ng Pagsulat

1.Nakapagpapalawak ng bokabularyo ang pagsulat.

2. Nakapagpapatalas ng isipan ang pagsulat.

3. Nagiging instrument ang pagsulat sa paglalahad ng kuro-kuro, pala-palagay o opinyon tungkol sa


mahahalagang bagay, isyu o paksa.

4. Nakalilinang at nakapagpapalawak ng karanasan ang pagsulat.

Uri ng Sulatin

1.Personal na sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas at pansarili.

Halimbawa

Diary, dyornal, Talambuhay, Grocery List

2. Transaksyunal na Sulatin – Pormal, maayos ang pagkakabuo at binibigyang pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.

Halimbawa

Liham pangangalakal, Memo, Proposal, Rules and Regulation, Panuto.

3. Malikhaing Sulatin – Masining ang paglalahad ng naiisip o nadarama.

Halimbawa

Tula, Maikling Kuwento, Awit, Bugtong, Nobela

Kategorya ng Pagsulat ayon kay James Kinneavy:

1.Expresiv/Expressive- Pansarili

2. Formulari/Formulary- Ito ay istandardisado ang pagsulat tulad ng kasulatan at mga kasunduan.

3. Imaginativ/Imaginative- dito ginagamit ang imahinasyon sa pagsulat.

4. Impormatibo/Informative- ginagamit upang makakuha ng mahahalagang impormasyon.

5. Persweysiv/Persuasive- Panghihikayat.

Proseso ng Pagsulat

1.Bago Sumulat/Pre-Writing- sa bahaging ito, ang manunulat ay nagpaplano at nangangalap ng


impormasyon o mga datos para sa kanyang susulatin. Ito ang pagmumulan ng kanyang balangkas na
siyang magiging gabay sa kanyang pagsulat.

2. Pagsulat ng Burador/Draft Writing- ito ang malayang yugto ng pagsusulat sapagkat hindi rito
isinaalang-alang ang mga pagkakamali, bagkus ay ang kaisipan o ideya ng nagsusulat ay malayang
naipapahayag.
3. Muling Pagsulat/Rewriting- Kinakailangang muling sulatin ang burador at dumaan ito sa proseso ng
rebisyon at pagwawasto.

Rebisyon – ito ay ang pagsusuri ng kabuuang isinulat upang malaman ang mga bagay na dapat alisin o
baguhin, iwasto at palitan ng higit na angkop na salita at kaisipan.

Pagwawasto – ito ay ang pagsasaayos ng estrukturang balarila at mga mekanismo ng pagsulat.

Iba pang Proseso ng Pagsulat

1.Planning – Pagpaplano

2. Shaping – Pagsasaayos

3. Drafting – Paggamit ng burador

4. Revising – Pagrerebisa

5. Editing – Pag-eedit

6. Proofreading – Pagbasang muli ng pinal na kopya.

Elemento ng Pagsulat

1.Paksa

2. Layunin

3. Awdyens/Tagatugon

4. Wika – Balarila/Gramatika

Layunin ng Pagsulat ayon kay Antonio (2005)

1.Ekspresiv/Expressive – Gumagamit ng unang panauhan na ako. Karaniwang ginagamit din dito ang
ikatlong panauhan tulad ng siya, sila, niya, nila.

- Naglalarawan ito ng personal na damdamin, saloobin, at paniniwala.

- Malaya ang paraan ng pagsulat dito, hindi gaanong mahalaga ang gramatika at palabaybayan ng mga
salita.

- Layunin nitong maipahayag ang sariling pananaw, kaisipan, at damdamin sa pangyayari.

2. Transaksyunal – gumagamit ng ikatlong panauhan tulad ng siya, sila, niya, nila.

- Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may porma at estilo na kailangang sundin.

Para sa Unang Awtput/Output: Sa isang Buong Papel (1 whole sheet of paper).

Bumuo ka ng EKSPRESIV/EXPRESSIVE o di kaya ay TRANSAKSYUNAL na pagsulat tungkol sa saloobin mo


hinggil sa mga sumusunod na paksa. Maaari kang mamili ng isa lamang.
1.Pamahalaan

2. Pag-ibig

3. Edukasyon

4. Pasasalamat sa mahal sa buhay

5. Mga pinagsisisihan mo sa iyong naging desisyon sa buhay

6. Pangarap

ABSTRAK

Pamilyar ba kayo sa mga sumusunod na kulturang Popular? Ano ang masasabi mo sa mga ito?

1.Pangako Sa’yo

2. Jose Rizal

3. Bata…Bata…Pa’no Ka Ginawa?

4. Moro Ami

5. Ang Tanging Ina

Ayon sa aklat ni Atanacio H.C, et.al.,2009, ang Abstrak ay pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o
sulatin.

-Sa mga sulatin tulad ng Tesis o Disertasyon, naglalaman ito ng kabuuan ng buong aklat kasama na ang
mga layunin ng pag-aaral, teoryang ginamit, metodolohiya, resulta ng pag-aaral, kongklusyon, at
rekomendasyon.

- Ang Abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o introduksyon ng isang tesis
o disertasyon.

Gabay na Terminolohiya para sa ikalilinang ng pagsulat ng Abstrak.

1.Buod – Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.

2. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging
kontribusyon nito sa napiling larangan. Gayundin kung sino ang makikinabang at ang posibleng
implikasyon ng pag-aaral.

3. Resulta – Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.

4. Kongklusyon – Inilalarawan ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral.

5. Rekomendasyon – Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang
mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi nagawa dahil sa limitasyon
ng pag-aaral.
Iba pang terminong ginagamit sa salitang Buod:

a.Sintesis

b.Sinopsis

c.Abstrak

d.Lagom

Ano nga ba ang “Buod”?

- Ang buod ay maaari ring iuri na sinopsis, ito ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong
patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikli lamang ang buod subalit malaman. Karaniwan itong
ginagamit na panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay
sa simpleng pamamaraan. Ginagamit din ito sa nobela sa pamamagitan ng pagpapaikli ng buong nobela
mula sa simula hanggang sa wakas.

Ayon naman sa “How to write an effective summary” (2008), ang buod o sintesis na madalas ding
tawaging lagom ay muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.
Ang mahusay na buod ay naglalaman ng tatlong mahahalagang katangian:

1.Concise o pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom.

2. Akyureyt o accurate, malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang muling maipahayag ang
wastong detalye.

3. Objective, punto de bista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw at hindi ang sa mambabasa na
siyang gumawa ng buod.

Nabibilang ka sa henerasyon ng makabagong teknolohiya, naglipana ang mga cellphones, cameras,


computers, laptops, at kung ano-ano pang gadgets. Sa paggamit ng mga tao sa mga makabagong
teknolohiya kasama na rin diyan o nakaranas ka na rin na magselfie at groupie.

“Looking Beyond Myself”

1.Masaya ka habang nagseselfie o groupie.

2. Binubura mo ang mga larawang hindi maganda ang kuha mo.

3. Pinopost mo sa facebook o Instagram ang iyong larawan.

4. Inaabangan mo kung sino ang magla-like ng larawan mo.

5. Masayang-masaya ka kasi maraming nag-like sa larawan mo.

Sa pagse-selfie at groupie ay hindi masasabing kilala na tayo nang lubusan ng mga taong nag-like o nag-
comment sa ating mga ipinost na larawan. Mangyari na ang nakikita lang nila ay ang kabuuan ng larawan
at nakaliligtaan ang maliit na detalye tungkol sa iyo.
Kahalintulad rin ng pagsulat ng Bionote, Awto-Biograpiya, at Biograpiya. Pinipili lang natin ang mga
bagay na mahalaga o malaki ang impluwensiya sa ating pagkatao.

Bionote – ito ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring makita sa
likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang larawan/litrato ng awtor.

Awto-Biograpiya – dito isinasalaysay ang lahat ng tungkol sa may akda, buhay, at karanasan nito.

Biograpiya – buhay ng ibang tao, isang matapat na pagpipinta sa kaluluwa ng tao batay sa kanyang
pakikipagsapalaran sa buhay, ibig sabihin ito ay mula sa pagsilang, pagtanda, at pagkamatay ng tao.

Halimbawa:

-Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

-Talambuhay ni Pang. Ferdinand E. Marcos

Panukalang Proyekto o “Project Proposal” – Ito ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil
nakitang kinakailangan ng pagkakataon. Upang makamit ang inaasam, kinakailangan kung minsan ang
paghingi ng tulong pinansiyal para maisagawa ang isang proyekto. Ito ay nangangailangan ng ibayong
pagpaplano at pananaliksik dahil dapat mapatunayan nito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng
proyekto.

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto:

1. Pangalan ng Proyekto – makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na isasagawang


proyekto, kung saan isasagawa at kung sino/alin ang mga tagatanggap. Dapat ito ay tiyak at
maikli hangga’t maaari.

2. 2. Proponent ng Proyekto – sa bahaging ito, ipinakikilala kung sinong indibidwal o aling


organisasyon ang nagmungkahi ng proyekto. Ibabahagi rin rito ang tirahan, telepono at
tungkulin ng utak ng proyekto.

3. 3. Klasipikasyon ng Proyekto – Ilarawan kung sa aling gawain kabilang ang panukalang


proyekto. Ito ba ay pang-agrikultura, pang-edukasyon, pangkalusugan o iba pa.

4. 4. Kabuuang Pondong Kailangan – isa-isang itatala ang lahat ng mga kagastusan at ang
kabuuang pondong kinakailangan upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto.

5. 5. Rasyonale ng Proyekto – ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto. Ipapakita rito ang
kahalagahan ng panukalang proyekto. Sa madaling salita, ito ang pagkilala sa problema.

6. 6. Deskripsyon ng Proyekto – Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw. Makatotohanang


ilarawan ang kaligiran ng proyekto. Huwag haluan ng kasinungalingan o pagyayabang.

7. 7. Layunin ng Proyekto – isasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng gawain, dapat na ang
pangkalahatang layunin ang inyong proyekto ay lunasan ang problema na isinaad sa kaligiran ng
proyekto.
8. 8. Mga Kapakinabangang Dulot – ilalahad kung sino ang mga makikinabang at isasaad din ang
mga kapakinabangang makukuha matapos ang proyekto.

9. 9. Kalendaryo ng gawain – ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na gawain


tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin.

10. 10. Lagda – Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda upang mapagtibay ang
panukalang proyekto.

Sa mga taong may katungkulan mababa man o mataas ay hindi maiiwasang mahilingang magbigay o
bumigkas ng isang talumpati. Sa mga dinadaluhang okasyon o mga pagtitipon kailanman at saanman
ay maaaring hingan ng talumpati ang dumadalo.

Ano ang Pananalumpati?

- Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng isang
publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa.

Mga Hangarin ng Pananalumpati

1.Magbigay Kabatiran – kabatiran sa mga bagay na hindi pa alam ng publiko.

2. Magturo – ituro sa publiko ang nararapat na paraan o paniniwala hinggil sa isang kaisipan.

3. Manghikayat – hikayatin ang publiko sa katotohanan at kabutihan ng isang kaisipan.

4. Magpaganap/magpatupad – gaya ng pagpapaboto sa isang kandidato, pagpapaambag sa isang


kawanggawa, pagpapagawa ng bagay na mabuti at kailangan ng iba.

5. Manlibang – hangaring dapat maging laging kakambal ng unang apat sapagkat ang bawat
talumpati, anuman ang hangarin ay dapat makawili.

TATLONG BAGAY ANG DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANANALUMPATI:

1.Mananalumpati – kailangang ihanda ng magtatalumpati ang kanyang sarili.

2. Talumpati – dapat na matugunan ng nilalaman ng talumpati ang layunin ng magtatalumpati.

3. Publiko – isinaalang-alang rin ang mga manonood o tagapakinig ng talumpati.

IBA’T IBANG LAYUNIN NG TALUMPATI AYON SA URI NITO:

1.Talumpating Pampalibang at Pampasigla – talumpating karaniwan na sa usapan sa araw-araw.


Anumang uri ng pampalibang na makapagbibigay ng kagalakan sa tagapakinig.

2. Talumpating nagbibigay kabatiran o impormasyon – kinakailangan sa talumpating ito ang


pagsasaliksik, pag-aaral at pagbabasa ng mga aklat at iba pang sanggunian na makadaragdag ng
pagpapaliwanag sa paksang tatalakayin.

halimbawa:
Training at Seminar.

3. Talumpating Panghikayat – ginagamit ang ganitong talumpati sa paksa o isyu na ninanais mong
panigan ang katuwiran o impormasyon.

Halimbawa:

Pagbili ng produkto, pangangampanya sa eleksyon.

4. Talumpating Papuri – ito ay isinasagawa sa pagpupuri, paghahandog at pag-alala.

Halimbawa:

Pagbibigay mensahe sa isang pumanaw.

5. Talumpating nagbibigay-galang – ito ay inihahandog sa pagpapakilala ng bagong kaanib,


pagtanggap ng tungkulin, pag-alala sa taong nagkaroon ng malaking ambag o gampanin.

Halimbawa:

Pagpapakilala sa bagong empleyado ng kompanya.

6. Talumpati na Nagmumungkahi – talumpating nagbibigay ng opinyon o suhestiyon sa mga


paksang pinag-uusapan.

Halimabawa:

Nominasyon ng mga miyembro sa organisasyon

You might also like