layuning ekspresib sosyal na gawain sapagkat ginagamit sa layuning panlipunan na tinatawag din bilang transaksyunal. 3 LAYUNIN NG PAGSULAT (BERNALES, ET. AL) 1. Impormatib 2. Mapanghikayat 3. Malikhain Impormatib na Pagsulat kilala sa tawag na ekspository writing. Ito ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.
halimbawa: Report, obserbasyon,
istatitiks Mapanghikayat na Pagsulat kilala sa tawag na persuasive writing ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal, talumpati, sanaysay Malikhaing Pagsulat ang pangunahing layunin ay magpahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya at damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
Halimbawa: maikling katha,
nobela, tula, dula Mga Hakbang sa PAGSULAT 1. Pumili ng paksang susulatin ito ay dapat makabuluhan at mahalaga sa mga mambabasa 2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales aklat, babasahin, peryodiko 3. Plano ng pagsulat gumawa muna ng story line. Buuin muna sa isang papel o sa isip ang paksang susulatin 4. Aktwal na pagsulat maaaring magsimula sa pamagat ng akdang susulatin 5. Pagrebisa sa akda Pagtatama sa mga kamalian, pagbabawas sa mga isipang naisama na hindi dapat naisama Mga uri ng PAGSULAT
1. Akademik- pagsulat sa paaralan
mula sa antas ng primarya hanggang sa doktoradong pagsusulat. Ito ay isang intelektwal na pagsusulat 2. Teknikal – nagsasaad ng impormasyong maaring makatugon sa isang kumplikadong suliranin 3. Journalistik – ginagawa ng isang journalist na makikita sa columnar ng dyaryo tulad ng editoryal, balitang sulatin, lathalain 4. Reperensyal – sulatin naglalayong magrekomenda ng iba pang mga sors. Halimbawa: thesis 5. Propesyonal – uri ng pagsulat na eksklusibo sa isang propesyon Hal.: pulis report, investigatory report 6. Malikahain – masining na pokus ng imahinasyon na maaring piksyunal at di-piksyunal Mga Bahagi ng Teksto 1. Panimula: Paksa at Tisis nagsisilbing pang akit sa mga mababasa Nagbibigay ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwal o asersyon ng awtor 2. Katawan: Istraktura, Nilalaman at Order ang katawan ang pinakamahalagang bahagi ng isang teksto ang istraktura at order ang pinaka kalansay ng teksto. Kung wala ito ay hindi makatatayo ng sarili ang teksto kailangang ito ay maayos at lohikal 3. Wakas: Paglalagom at Konklusyon ito ay kinakailangan makatawag - pansin ang pangunahing layunin nito ay pag iiwan ng isa o ilang mahalagang kakintalan sa mga mambabasa ang lagom ang pinkabuod ng kabuuan ng teksto ang konklusyon ang inferences, proposisyon, deductions na maihahangon sa pagtalakay ng teksto Ibigay ang salita/terminolohiya hinihingi sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Ito ay kilala sa tawag na
expository writing. 2. Ang pangunahing layunin nito ay magpahayang lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito, 3. Isa sa mga hakbang ng pagsulat na kung saan maaring buuin muna sa papel o isip ang paksang susulatin.
4. Isang uri ng pagsulat na kung saan
ay nagsasaad ito ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin. Bakit kinakailangan maging maingat sa mga salitang gagamitin sa pagsulat? Magbigay ng 2-3 kaalamang inyong natutunan sa araw na ito. Ibigay ang mga sumusunod: 1. 3 layunin ng pagsulat 2. Mga hakbang sa pagsulat 3. Mga uri ng pagsulat