You are on page 1of 27

Arellano University- Malabon

Elisa Esguerra Campus

PAGBASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ikalawang Semestre
Aralin #1: Kahulugan ng Pagbasa

Ano ang Pagbasa?


 Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag
na nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga
pinakagamitin sa lahat.

Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa


mambabasa.

Mga Uri ng Pagbasa:


Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring
skimming o scanning.

Iskiming:

Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto kung
paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat

Iskaning:

Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong


impormasyon na itinakda bago bumasa.

Kinapapalooban ito ng bilis at talas nga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng


mambabasa ang tiyak na kailangang impormasyon.

Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo o tiyak na sipi na
makakatulong sa iyo, iskaning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin.

Halimbawa: Paghahanap ng pangalan at numero sa phone directory, pangalan


ng pumasa sa board exam, pagbabasa ng pahayagan na tanging ang ulo ng
balita lamang ang tinitignan atpb.
Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.
Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog
ang pagbasa.

Mauuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin.

Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na


pagbasa at ginagamit ito sa mahihirap na seleksyon.

Hal. Pag-unawa sa Panuto/ dokumento

Matulin na pagbabasa:
Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa layunin ng
bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na
mambabasa.

Limang uri ng Estratehiya sa interaktib na pagbasa


 Pagtatanong (Questioning)-

Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa

 Paghuhula (Predicting)-

Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan

 Paglilinaw (Clarifying)-

Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga
tanong

 Pag-uugnay (Assimilating)-

Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.

 Paghuhusaga (Evaluating)-

Husgahan/suriin ang mga elemento ng teksto.


AKTIBIDAD #1

I. PANUTO: Orasan ang sarili at basahin nang tahimik ang napiling


babasahin.Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan:

ISKIMING

Pamagat ng Babasahin:

Tagal ng pagbabasa:

1.Ano ang kaisipang naglulunsad sa babasahin?

2. Ano ang tema ng materyal na binasa?

3. Ano ang kabuuang kaisipan ng babasahin?

4. Bakit isinulat ng may akda ang materyal?

II. PANUTO: Mabigay ng limang (5) kahalagahan ng Pagbasa.

Kahalagahan ng Pagbasa
1.
2.
3.
4.
5.
Aralin #2:IMPORMATIBO
ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Ito ay uri ng babasahing di piksyon.


 Naglalayon itong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba‟t ibang paksa.
 Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos kaya‟t hindi nito masasalamin ang
kaniyang pabor o pagkontra sa paksa.
 Kadalasan may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya nama‟y
nagsasgawa siya ng pananalliksik at pag-aaral ukol dito.
 Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa pahayagan o baita, magasin,
textbook, encyclopedia at web site sa internet.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda: Magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat niya ng isang
tekstong impormatibo. Ang nais nila ay magkaroon nang pag-unawa at malawak na
kaalaman ang mambabasa.
 Pangunahing ideya: Ang pangunahing ideya ay dagliang inilalahad sa mambabasa.
Nahahanap ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi at tinatawag itong organizational markers na nakatutulong upang makita
kaagad ng mambabasa ang pangunahing ideya.
 Pantulong na kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na
kaisipan o detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtampok sa bagay na
binibigyang-diin: Makatutulong sa isang mambabasa ang magkaroon nang malawak
na kaalaman at pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo, ang paggamit ng mga
estilo o kagamitan/sangguniang maagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng
sumusunod:

o Paggamit ng mga nakalarawang representasyon: paggamit ng larawan,


guhit, dayagram tsart, talahanayan, time line, at iba pa.
o Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto: pagsulat nang nakadiin,
nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi.
o Pagsulat ng mga talasanggunian: Inilalagay ng manunulat ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan


 Ito ay uri ng tekstong inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.
 Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng
manunulat.
 Maaari ding hindi direktang nasaksihan kundi mula sa katotohanang nasaksihan
at pinatunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical account.
 Ang uri nitong teksto ay ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang
mabisang panimula o introduksyon.
 Halimbawa na lamang sa isang balita, mababasa sa bahaging ito ang
mahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kalian at kung paano
nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi
naman ng katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon
 Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyong tungkol sa
tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay gayundin ang
pangyayari sa paligid.
 Halimbawa paksang kaugnay sa teknolohiya, global warming at cyberbullying.
 Ang pagsulat ng ganitong teksto ay kinakailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng
katotohanan ukol sa paksa.

3. Pagpapaliwanag
 Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay ng paliwanag kung paano o
bakit nagana pang isang bagay o pangyayari.
 Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa impormasyong nagsasaad kung
paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
 Karaniwan ginagamitan ito ng larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang
mga paliwanag.
 Halimbawa ay ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng pauparo.
Upang lubos na maunawaan ang tekstong impormatib narito ang isang halimbawa.
Sabado, Nobyembre 26, 2016
Marianne G. Boral ABM-A -- Batas Laban sa Bullying

Batas Laban sa Bullying

Nakakapangilabot at nakakaalarma ang tumataas na kaso ng pambu-bully lalo pa


nga minsan itoy nauuwi sa pagkasira ng buhay ng biktima at pagkitil ng sarili nitong buhay.
Ayon sa sarbey ng mga nagbabantay sa kaso ng bullying, mataas ang ranggo ng Pilipinas sa
larangan ng pambu-bully sa buong bansa. Ayon sa WikiFilipino sinasabing 30 porsyento ng
kabataan ang nakaranas na mapag-iwanan, 45 porsyento ang pinagawa ng mga bagay na
labag sa kanilang kalooban, 36 porsyento ang nagsasabing silay sinaktang pisikal, 39
porsyento ang nakaranas ng manakawan, at 57-58 porsyento ang nakaranas ng
mapagtawanan at gawan ng katatawanan ng ibang bata.

Ayon sa WikiFilipino , Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan


o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of
2011. Enero 2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House
Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012. Ayon sa batas na ito ang pambubully ay
nangangahulugan ng kahit anong paraan ng pangigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa
isa pa, pisikal man, berbal o mental na nagiging dahilan ng kawalang gana o takot na pumasok
ng isang estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cuber bullying.
Ayon sa GMA online noong Septembre 18, 2013 ang ating dating Pangulo na
si Benigno Aquino III ay nagbigay pahintulot sa pabibigay aksyon patungkol sa tumataas na
kaso ng bullying sa ating bansa. Isang batas ang kanyang ipinatupad na naglalayong ipagbawal
ang bullying sa mga paaralan sa buong bansa. Nilagdaan ni Aquino ang Republic Act 10627 o
ang Anti-Bullying Act 2013 noong Septyembre 12 ngunit itoy isinapubliko o ipingbigay alam sa
mga tao, higit limang araw na ang nakakaaraan.

Sa ilalim ng nasabing batas ang lahat ng paaralan sa elementarya at hayskul ay


kinakailangan gumawa ng mga polisiya laban sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga
nasabing polisiya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila. Layon ng batas na
maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng
mga polisiya upang mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng
pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
Alinsunod sa batas, ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying at
ang paghigantihan ang mga taong nagsuplong o nagbigay ng impormasyon tungkol sa
insidente ng bullying. Inuutos ng RA 10627 ang mga paaralan na parusahan ang mga
mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang suamailalim sa rehabilitation program na
pangangasiwaan ng paaralan. Nakasaad naman sa batas na kailangang gawing “confidential”
ang pagkakakilalan sa nasangkot sa bullying. Binibigyan din ng batas na ito ang Kagawaran ng
Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng kaukulang parusa sa mga indibidwal o
eskwelahang lalabag sa batas.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Anti-Bullying_Act

http://www.gmanetwork.com/news/story/327044/news/ulatfilipino/batas-laban-sa-
bullying-pinirmahan-na-ni-aquino#sthash.Qx9tMq9f.dpuf

Pangunahing ideya:

Pantulong na kaisipan:

Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto:

Pagsulat ng mga talasanggunian:

Uri ng tekstong impormatib: Pag-uulat pang-impormasyon


ARALIN #3: DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO
 Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha
ng pandama. Ginagamit ang mga pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng
manunulat.
 May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya,
paniniwala at iba pa.
 Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan.

Halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo

 Talaarawan
 Proyektong Panturismo
 Talambuhay
 Rebyu ng pelikula o palabas
 Obserbasyon
 Akdang Pampanitikan

DALAWANG ANYO NG DESKRIPTIBO

1. Karaniwang Deskriptibo

Pagbuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga


katangiang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng
kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at
damdamin ng naglalarawan.

Halimbawa

HALIMBAWA 1:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng


mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang
sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng
kanyang taas.

HALIMBAWA 2:

Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at


pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang bata kaysa sadya niyang
gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
2. Masining na Deskriptibo
Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskriptibo Higit sa nakikita ng
paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskriptibo masining. Ito ay
gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin.
Pinagaganda ito ng paggamit ng tayutay tulad ng talinhaga, pagtutulad, pagwawangis,
paglalarawang-tauhan at iba pa. Isinasaalang-alang din dito ang damdamin at kuro-kuro
ng manunulat.

HALIMBAWA #1:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang


mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-
alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan at
taas.

HALIMBAWA #2:

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-


iinit na noo ni Danding.

(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)

Apat na mahahalagang sangkap na ginagamit sa malinaw na


Paglalarawan

 Wika – ginagamit ang wika upang makabuo ng malinaw at mabisang


paglalarawan sa tulong ng mga pang-uri.
 Maayos na Detalye – dapat magkaroon ng masistemang paraan sa
paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang ganap na mailarawan ang
isang tao, bagay, pook at pangyayari.
 Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan
salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
 Isang kabuoan o Impresyon – Layunin nito makabuo ng isang malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mambabasa. Mahalaga sa isang naglalarawan
na mahikayat ang kanyang mambabasa o tagapakinig nang sagayon ay
makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.
Aralin#4: ARGUMENTATIBO
Tekstong Argumentatibo
Layunin nito na kumbinsihin ang mga mambabsa ngunit hindi nakabatay sa opinion o
damdamin ng manunulat kundi sa datos o impormasyon na nilalatag ng manunulat.
Ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason .
Ito ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto,angkop at magandang pananalita ay
makatutulong upang mahikayat na pakinggaan,tanggapin at paniwalaan ng nakikinig.

Ang Dalawang uri ng Tekstong Argumentatibo o Pangatwiran

1. Argumentatibong Pabuod o Induktibo – Nagsisimula sa mga halimbawa o


particular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o
katotohanan.
a. Pangangatwirang nagwawakas sa kongklusyong panlahat o paglalahat -
gumagawa ng pagsusuri ng ilang halimbawa ng bagay na napapaloob sa
isang pangkat o kaurian. At batay sa pagsusuring iyan nagpapahayag tayo ng
isang kongklusyong maikakapitt sa buong pangkat.
b. Pangangatwirang gumagamit ng pagkakaugnayan ng sanhi – Ang
kongklusyon ay isang pagpapahayag na sa dalawang magkaugnay na
pangyayari, ang isa sa kanila ay siyang sanhi ng pangalawa. Iyan ang
tinatawag na simulainb ng kasanhian. Bawat pangyayari ay may sanhi.
c. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad – Inilalahad dito ang
pagkakatulad ng katangian ng dalawang bagay ,sinusuri ang mga ito at dito
hinahango ang kongklusyon .
2. Argumentatibong Pasaklaw o Dedaktibo – Naglalahad ng pangkalahatang o
masaklaw na pangyayari . mula rito iisa isahing ilalahad ang maliliit o mga iyak na
pangyayari .

Ang pagkakaiba ng tekstong argumentatibo sa tekstong persuweysib.

Tekstong argumentatibo

 Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon na nilalatag


 Nakakahkayat dahil sa merito o mga ebidensya na nakalap
 Obhetibo
Tekstong persuweysib

 Nangungumbinsi batay sa opinion


 Nanghihikayat batay sa emosyon ng manunulat
 Subhetibo

Tatlong uri ng Proposisyon


1. Pangyayari – Ito ay panindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na
makatotohanan
2. Kahalagahan - ito ay panindigan na pinakikitang kahalagahan ng isang bagay tulad
kung tayo ay mangangatwiran at bumubuo ng mga argumento na nagtatanggol sa
kabuuan ng isang bagay , isang palakad o isang pagkilos.
3. Patakaran - karaniwang ginagamit sa pampublikong pagtatalo. Ito a isang
proposisyong nahaharao ng isang paraan ng isang pagkilos o isang binalak na
solusyon.

Ang isang mahusay na Proposisyon ay dapat:


1. Napapanahon ang paksa]
2. Walang Kinikilingan
3. Nagtataglay ng isa lamang ideya para sa isang argumento
4. Maaari itong patunayan ng mga ebidensya
5. Malinaw at tiyak
6. Ito ay nag -aanyaya ng isang pagtatalo.

Mga gamit ng Tekstong argumentatibo

 Para sa adbokasiya o kompanya


 Para sa propaganda
 Para sa pananaliksik o pag-iimbistiga
 Sa mga pormal na talakayan at debate
 Sa mga kritisismo

Mga Hakba sa pagsulat ng tekstong argumentatibo

 Pumili ng angkop na paksang isusulat para sa tekstong argumentatibo


 Itanong sa sarili kung anong panig na nais mong panindigan at ano ang dahilan sa
pagpanig dito
 Mangalap ng ebidensya
 Gumawa ng borador (draft)
Gawa sa paggawa ng borador (draft)

 Panimula
 Kaligiran o ang kondisyong nagbibigay-daan sa paksa
 Ebidensyang susuporta sa posisyon
 Counter-argument
 Konklusyon sa lalagom sa iyong isinulat
 Ikawalang konklusyon at tanong na “ E ano na ngayon kung „yan ang iyong posisyon?”
 Isulat na ang draft o burador ng iyong tekstong argumentatibo
 Basahin muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at
mekaniks
 Muling isulat ang teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang pinal na kopya.

Mga dapat iwasan sa tekstong argumentatibo

1. Argumentum Ad Hominem (Laban sa tao o pamemersonal)


2. Argumentum Ad Misericordiam (Panghihikayat sa awa)
3. Pagbabalik sa gintong nakalipas (Fallacy of the golden past)
4. Argumentum Ad Baculum (pananakot o paggamit ng pwersa)
5. Tu quoque (Ikaw parin)
6. Ang dalawang mali ay lumikha ng tama (Two wrongs make a right)
7. Panlalahat (Hasty Generalization)
8. Bilang (Large number)
Aralin#5: PERSUWEYSIBO

TEKSTONG PERSUWEYSIBO
 Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa
pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng mga matibay na
patunay o ebidensya.

 Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa na maniwala, o kung hindi na ma‟y
magkaroon ng matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.

 Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng tekstong gagawin ng isang manunulat,
kinakailangang mayroon itong katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at
mapasang- ayon ang mga mambabasa

Sangkap ng Tekstong Persuweysibo


1. Pili, Maayos, at Epektibong gamit ng mga Salita
 Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang makapanghikayat. Isinasaalang- alang
din ang target na mambabasa sa paggamit ng mga salita upang masiguro na
maunawaan nila ang teksto. Kinakailangang makuha, hindi lamang ang interes,
kundi pati na ang “puso” ng mga mambabasa.
2. Disposisyon
 Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga nanghihikayat, at kung siya ba ay naniniwala
sa kanyang inilalahad o hindi. Mababakas ang paninindigan ng manunulat, batay sa
paghabi niya ng mga salita sa organisadong paglalahad ng mga ideya.
3. 3. Matibay na Patunay
 Makikita ito sa pamamagitan ng mga datos ayon sa napatunayang pag- aaral ,
sinaliksik, o istatistika. Marami sa mga tekstong persuweysibo ay nagpapakita rin ng
grap o tsart.

3 Uri ng Panghihikayat ayon kay Aristotle


 ETHOS- naiimpluwesyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala
ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan,kailanagng nagtataglay ng sapat na kasanayan
sa pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita.
 PATHOS- pag- apila sa damdamin ng tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang
paraaupang makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang
damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
 LOGOS-paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na
katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakaaapekto sa panghihikayat.

Halimbawa ng Tekstong Persuweysibo

1. Talumpati sa pangangampaya at rally


2. Catalog
3. Brosyur
4. Editoryal sa pahayagan
5. Mga advertisement sa radyo at telebisyon
6. Flyers
Aralin#6: NARATIBO
TEKSTONG NARATIBO : Mahusay na pagkukuwento

 Ang tekstong ito ay isinusulat batay sa magkakaugnay at tiyak na mga pangyayari ayon
sa pagkakasunod- sunod.
 Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga kaganapan.
 Nasaad ang ganitong layunin sa paglalahad ng mga mahahalagang pangyayari ayon sa
panahon at pagkakataon.
 Kadalasang halimbawa ng mga sulating ito ay mga maikling kwento o katha, nobela,
sanaysay at iba pang uri ng tekstong naratib.

KAIBAHAN NG PAGSASALAYSAY O NARATIBO SA SALAYSAY SA MAIKLING


KWENTO
 Mas simple ang pagsasalaysay pagdating sa pagpili ng mga detalte sa
epektibong pagpapaintindi ng isang ideya o isang pangyayari.
 Ginagamit din sa pagsasalaysay ang aspektong panretorika ng pagsasalaysay,
ngunit iba ang tunguhin ng pagsasalaysay o sa paanong ginagamit ang
pagsasalaysay.

KAIBAHAN SA PAGLALARAWAN
 Mas pinagtutuunan nito kung paano nagkakadustong-dugtong ang mga
pangyayari, at hindi ang mismong pangyayari lamang.
 Kinakailangan ang pagsubaybay ng mgfa mambabasa o mga tagapakinig
hanggang sa wakas para maunawaan ang ideya o kaisipang nais nitong
ipamahagi.

TEKSTONG NARATIBO/NAGSASALAYSAY

1. URI – Pormal at Di-pormal


2. Porma
a. Pagsasalaysay na Nagpapabatid – kasaysayan,
pakikipagsapalaran, anekdota, kathang salaysay
b. Masining na Pagsasalaysay – Alamat, Pabula,
Maikling Kuwento, dula, nobela
3. Pananaw
a. Unang Panauhan – personal ang tono
b. Ikatlong Panauhan – may distansya
MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTONG NAGSASALAYSAY/
NARATIBO
1. Nakapupukaw-pansin na pamagat
2. Ginagamitan ng sanhi at bunga
3. Tempo
4. Punto de bista
5. Punto ng Pagsasalaysay
6. Ayos ng Pagsasalaysay
7. Kaisahan
8. Kakintalan
9. Kasukdulan
10. Wakas

Mga Bahagi ng Tekstong Naratibo


1. Banghay
 Ang daloy ng kwento ay tinatawag na banghay. Ang Freytag Pyramid ang madalas na
ginagamit na pormat ng banghay.

FREYTAG PYRAMID
Rurok

Pataas na Aksyon Pababang Aksyon

Eksposisyon Resolusyon

EKSPOSISYON

 Ang paglatag ng manunulat ng mga tauhan at tagpuan ng kwento.


PAPATAAS NA AKSYON

 ay tumutukoy sa mga dagdag na pangyayaring nakatutulong upang maging kapana-


panabik ang kwento.

RUROK

 Ang yugto ng kontradiksyon sa kwento.

PABABANG AKSYON

 Ay pangyayaring bunga ng rurok.

RESOLUSYON

 Pagbibigay- solusyon naman sa tunggalian ang resolusyon.

Mga Tunggalian o Conflict

a. TAO LABAN SA TAO


 Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng mga tauhan sa kwento, ng bida sa kontrabida.

b. TAO LABAN SA SARILI


 Nagaganap ang tunggalian sa isipan ng tauhan.

c. TAO LABAN SA KALIKASAN
 Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at kalikasan tulad ng ng pagdating ng
napakalakas na bagyo at lindol, pagputok ng bulkan, at iba.

d. TAO LABAN SA HAYOP


 Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at hayop. Hal. Ang pagsuwag ng
kalabaw.

e. TAO LABAN SA LIPUNAN


 Nagaganap ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at lipunang kanyang ginagalawan.

f. TAO LABAN SA MAYLIKHA


 Nagaganapa ang tunggalian sa pagitan ng tauhan at DIYOS. Isinisisi ng tauhan ang
nangyayari sa kanyang buhay.

Ayos ng Banghay

a. Linyar
 Isinasalaysay nito ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Tinatawag din itong
kronolohikal na ayos.

b. Pagbabalik- Tanaw
 Binabalikan at inaalala ng punto de bista ang mga naganap sa isang tauhan o sa isang
lugar.Tinatawag itong in-medias res.

c. Sorpresa
 Ito ang mga kagulat-gulat na mga wakas.
 Kung lohikal ang daloy ng kwento, may mga pahiwatig o foreshadowing na ibinibigay sa
unahan pa lamang ng kwento. Sa kabilang banda, maaaring may twist na dulot ng
swerte kung kaya nagiging Masaya ang wakas ng kwento.Tinatawag itong dues ex-
machine.

2. Tauhan
 Ang mga gumaganap sa kwento.

Iba‟t ibang Klasipikasyon ng Tauhan


a. PROTAGONISTA
 Ang bida ang gumaganap ng pinakamahalagang papel sa kwento. Sa karakter na bida
umuiikot ang o nabubuo ang kwento.
b. ANTAGONISTA
 Ang kontrabidanna siyang maituturing na kaaway ng bida o iyong iinisip nating masama,
sa takbo ng kwento.

c. DYNAMIC
 Pinararanas ng may- akda ng matinding karanasan ang mga tauhan na sa huli ay
nagdudulot ng pagbabago sa kanyang naipintang katauhan.

d. STATIC
 Na kung saan simple lamang ang papel ng tauhan. ( Pansuportang tauhan)

e. ROUND
 Misteryoso ang karakter ng isang tauhan.

f. FLAT
 Paglalarawan sa karakter ng isang tauhan sa ugali at pisikal na anyo.

3. Punto de Bista
 Ang punto de bista ang mata ng buong kwento.

Panauhan sa Punto de Bista

a. Unang Panauhang Punto de Bista


 Ay mula sa perspektibo ng isa sa mga tauhan sa kwento. Maaaring siya ang bida o
kontrabida, o kaibigan ng bida o kapitbahay sa kwento. Makikilala ang punto de bista ng
unang panauhan, sa pamamagitan ng mga panghalip na nasa unang panauhan, maging
isahan man o maramihan.

b. Ikalawang Panauhang Punto de Bista

c. Ikatlong Panauhan ng Punto de Bista


 May isang boses na lumulutang na hindi kabilang sa mga tauhan.
 Sa pagsasalaysay na ito, tila ba nasa isang tanghalan ang mga karakter na gumaganap
at nakikita ng mambabasa ang galaw ng mga tauhan sa pamamagitan ng
tagapagsalaysay.
LIMITADO- kapag tila isang karakter lamang ang tagapagsalaysay na nagkukwento ng
nagaganap sa isang tanghalan.

OMNISCIENT- kapag ang tagapagsalaysay ay tila pumapasok sa katauhan ng bida o iba pang
tauhan sa kwento upang ilarawan ang damdamin o iniisip nito. Kung baga, malalim ang
pagsasalaysay sa galaw ng tauhan.

4. Tagpuan
 Ang tagpuan ang sumasagot sa tanong na kalian at saan naganap ang pangyayari, na
nagbibigay- kaligiran sa kwento.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY/NARATIBO

 Pumili ng isang paksang isasalaysay gamit ang maliwanag na pag-aayos ng mga


kaganapan at mga salitang magbibigay ng karagdagang paliwanag o detalye.
 Piliin kung nasa una o ikatlong panauhan ang pananaw na gagamitin sa pagsasalaysay.
 Pagpasiyahan ang iba pang layunin ng pagsasalaysay. Nais mo bang magturo,
manghikayat, o manlibang sa mga mambabasa?
 Sikaping ang paksang pangungusap ay nagpapahayag ng isang pangkalahatang ideya
o nagbibigay-tanda ng pagsisiwalat ng isang salaysay.
 Isa-isahin ang mga pangyayari at palaging isaisip ang tono o pananaw sa
pagsasalaysay kung ito ba ay nasa una o ikatlong panauhan.
 Bigyang-pansin din ang mga detalye at mga salitang makabubuo ng mga
makatotohanang pagsasalaysay.
 Isaayos ang mga pangyayari batay sa nais na maging daloy ng pagsasalaysay.
 Tiyaking konsistent sa ginagamit na pananaw at nakaaantig sa damdamin ng mga
mambabasa ang mga salitang ginamit.
 Isulat ang pinal na pagsasalaysay.
 Makatutulong ang mga sumusunod na Cohesive Devices sa pagsulat ng salaysay:
MGA COHESIVE DEVICES
A. Pagpapahayag ng Dahilam - kaya/kaya naman
o Resulta ng Isang Pangyayari dahil/dahil sa/sa mga/kay
Pagkat/sapagkat/dahil
Dito/bunga nito

B. Pagpapahayag ng kondisyon - sana/kung/kapag


Bunga/Kinalabasab sa sandaling/basta‟t

C. Pagpapahayag ng - kasabay nito/niyan


Sabay na Kalagayan o -kaalinsabay nito/niyan
pangyayari
D. Pagpapahayag ng Pagbibigay - sa madaling salita/sabi
Linaw, pagbubuod at Paglalahat bilang paglilinaw
Bilang pagwawakas, kung
gayon, Samakatuwid, kaya
Aralin#7: PROSIDYURAL

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ito ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang
isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod.

IBA’T-IBANG URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL

• Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural.

• Panuto (Instructions) – Ito ay gumagabay sa mga mambabasa kung paano


maisagawa o likhain ang isang bagay.

• Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay
na dapat nilang sundin.

• Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang


isang bagay.

• Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin


alam.

• Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para


makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

1. Recipe ng spaghetti

2. Recipe ng Adobong Manok

3. Paano magluto ng fried chicken

4. Paano gumawa ng silya

5. Paano patakbuhin ang kotse

6. Paano maggawa ng DIY explosion box

7. Paano maghanda ng chicken buffet


APAT NA PANGUNAHING BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL

• Layunin – Tumutukoy ito sa nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain.

• Mga Kagamitan / Sangkap – Tumutukoy ito sa mga kagamitan na dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain.

• Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.

• Konklusyon / Ebalwasyon – Ito ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa


paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.

ANG KARANIWANG PAGKAKAAYOS/PAGKAKABUO NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan.

2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon


upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.

3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.

4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural

• Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong


deskriptyon.

• Gumamit ng tiyak na wika at mga salita

• Ilista ang lahat ng gagamitin

• Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)
Aralin#8: PANANALIKSIK

MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALISIK

1. MASIPAG- Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung
magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan
para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang kongklusyon.

2. MATIYAGA- Kakambal na ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangan
maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos,
maaaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa naunanang mga nakalap
na datos.

3. MAINGAT- Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangan maging maingat


ang isang mananaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunan ng datos at
pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga
resulta ng pananaliksik.

4. SISTEMATIKO- Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkasunod-sunod.

5. KRITIKAL O MAPANURI- Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos
ng isip, kailangan maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-ieksamen ng mga
impormasyo, datos, ideya o opinyon upan

Aralin#9: URI NG PANANALIKSIK

URI NG PANANALIKSIK

1. Analisis- Sa pananaliksik na ito, kinalap ang iba‟t ibang uri ng datos at pinag-aaralan
upang hanapan ng pattern na maaaring magsilbing gabay sa mga susunod pang
hakbangin.
2. Aral-Kaso o Case Study- Inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang sabjek
sa isang sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaaring
maging tugon o reaksyon sa panibagong kaligiran.
3. Komparison- Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o sabjek ang pinag-aaralan ditto
upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba
4. Korelasyon-Prediksyon- Sinusuri dito ang mga istatistikal na datos upang maipakita
ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa‟t isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan
ng mga baryabol sa katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.
5. Ebalwasyon- Inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga
itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at
sinusuri kung nakamit baa ng mga inaasahang bunga.
6. Disenyo-Demontrasyon- Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mga tuklas ng
nakaraang pananaliksik upang subukin ang validity at reability ng mga iyon.
7. Sarbey-Kwestyoneyr- Sa pamamagitan ng talatanungan, inaalam at iniinterpret sa
pananaliksik na ito ang mga gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preferensya ng iba‟t
ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin.
8. Istatus- Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga
natatanging katangian at kakayahan.
9. Konstruksyon ng Teorya- Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang makahanap
o makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanag sa pagkabuo, pagkilos o ang
pangkalahatang kalikasan ng mga bagay-bagay.
10. Trend Analisis- Hinuhulaan dito ang maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o
pangyayari batay sa mga napansing trend o mga pagbabagong nagaganap sa mga
sitwasyong sangkot sa pag-aaral.

Isyu ng Plagyarismo
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, programa, himig at iba pa na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng
pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Bernales, et. al, 2009).

Sina Atienza, et al. (1996) ay nagtala ng mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang
maaaring ipataw sa isang plagyarista. Ito ang ilan sa plagyarismong kanilang itinala:

a. kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi;

b. kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag;

c. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba‟t ibang akda at pinagtagpi-tagpi;

d. kung isinalin ang ideya, termino, pahayag at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi
itinala na salin na ito;

e. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan
ng inspirasyon at;

f. kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang
siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

Samantala, ang mga parusang maaaring ipataw sa plagyarista ay ang mga sumusunod:

a. para sa magaang na parusa, bigyan ng lagpak na marka ang estudyante para sa kurso;

b. kung mapapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa ay maaaring patalsikin ang


estudyante sa unibersidad;

c. kung nakagradweyt na at kahit ilang taon na ang nakalipas ngunit natuklas na ang kaniyang
pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri
d. maaari ring ihabla ang sinumang nangopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring
sistensyahan ng multa o pagkabilanggo.

Aralin#10: PAGPILI NG PAKSA


MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA

1. Kasapatan ng Datos- Kailangang may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin. Magiging
labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga aveylabol
na datos hinggil doon.

2. Limitasyon ng Panahon- Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semester lamang.
Magiging konsiderasyonh sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa kasing
mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestree, upang maisakatuparan.

3. Kakayahang Finasiyal- Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad
ng pananaliksik, Samakatuwid, kailangan pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finasyal ng
mananaliksik.

4. Kabuluhan ng Paksa- Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhgan
ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluha. Samakatuwid, kailangan pumili ng
paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaaring ring pakinabangan ng mananaliksik at ng
iba pang tao.

5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga
datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya rin kailangang
pilitin pa ang sarili sa pananaliksiki kung ang gianagwa niya ay nauukol sa bagay na gusto
naman talaga niya.

PAGLILIMITA NG PAKSA

 Panahon
 Edad
 Kasarian
 Perspektib
 Lugar
 Profesyon o Grupong kinabibilangan
 Anyo o Uri
 Partikular ma Halimbawa o Kaso
 Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan

You might also like