You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan:_______________________ Baitang/Pangkat:__________________ Petsa:_____________

1. Ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.


2. Ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso
sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit
at maingat na paghahanap ng kahulugan.
3. Ito ay may layuning makuha ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa.
4. mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay upang hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago magbasa.
5. mabilisang pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung
paano inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at
layunin ng manunulat.
6. Bahagi ng proseso ng kasanayan sa pagbasa na sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong
babasahin upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.-
7. Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang
maunawaan ang teksto.-
8. Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon,
pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa
at pag-alala sa teksto.-
9. mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng mga emperikal na
karanasan,pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.-
10. mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip
ng isang tao. Ginagamitan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa
akin”, “gusto ko” o “sa tingin ko”.
11. Ito ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag
at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano.
12. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa..
13. isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak
na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.-
14. .Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung
paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
15. Ito ay upang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
16. Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-
ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
17. uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari. Nagpapakita ito ng
direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging
resulta nito (bunga). Ito ay nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang mga pangyayari sa
nakaraan sa mga kaganapan sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
18. ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay,
konsepto, at maging pangyayari.
19. sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang
salita, terminolohiya, o konsepto.
20. sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t-ibang kategorya upang magkaroon ng
sistema ang talakayan.
21. Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat. Halimbawa nito ay malaki ang
paniniwala natin particular na sa mga sangguniang aklat na ating binabasa gawa ng karaniwang
sumusulat nito ay ga eksperto na larang na kanilang isinusulat.
22. Paggamit ng emosyon ng mambabasa. Halimbawa nito ay ang madali tayong nadadala ng
wattpad o mga kuwentong ating nababasa gawa ng napupukaw ng manunulat ang ating
damdamin at napapapaniwala tayo karaniwan sa desisyong ginagawa ng mga pangunahing
tauhan gawa ng mga sitwasyong kanyang kinaharap at damdaming nakauugnay tayo kaya tayo
pumapanig sa kanya.
23. Paggamit ng lohika at impormasyon.
24. tuwirang ineendorso o pinopromote ng isang tao ang kanyang tao o produkto gamit ang
kunwaring o totoong karanasan nila sa paggamit ng produkto.
25. pagsasabi ng puna na pawang magaganda lamang sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang
masamang epekto nito o pangit bahagi nito.
26. Pamamaraan sa tekstong naratibo na nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano
ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
27. isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw
upang magbigay linaw sa kuwento.
28. ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
29. Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.-
30. nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
31. Pagkuha sa aklat, journal, magasin, at pahayagan ng isang silid-aklatan o library, upang
makahanap ka ng mga impormasyon na kailangan sa iyong pag-aaral.
32. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa iyong sarili sa isang karanasan o
pakikisalamuha sa isang grupo ng tao ng pagkukuhaan ng tiyak na kaalaman
33. Pagpapasagot sa mga respondente ng talatanungan kung saan ang kanilang tugon ay
makatutulong sa iyong pag-aaral.
34. inatawag na hanguang elektroniko
35. Datos na nagmula sa tuwirang pinanggalingan ng impormasyon.
36. Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon.
Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o
nakaranas ng pinag-aaralang pangyayari.
37. Ang mga nabasang pahayag o sinabi ng isang tao ay maaaring tuwirang kuhain lalo na at malaki
ang kinalaman sa ginagawang sulatin.
38. Mula sa sa kumpletong datos ay Isinusulat ito sa sariling pangungusap na mas pinaikli ngunit ang
diwang tinataglay ay nananatiling naroon. Makikita ang kabuuang kaisipan o pananaw ng
orihinal na tekstong binasa.
39. ang lagom ng isang pinal na papel o tesis. Bagamat hindi konkreto; naglalaman ito ng
introduksyon, suliranin, saklaw at limitasyon ng pagaaral, metodo, buod, kongklusyon at
rekomendasyon.
40. galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “karakter.” Katumbas ito ng salitang
character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino.
41. uri ng proteksyong ipinagkakaloob ng batas ng Pilipinas sa mga awtor o may-akda sa kanilang
mga orihinal na likha o imbensyon.
42. pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang pagkilala rito
43. Isa itong samahan ng mga propesyonal na sikolohista sa Estados Unidos na naglatag ng mga
estilo o format sa wastong paraan ng pagsulat. Ang estilong ito ay madalas na ginagamit sa 10
mga sulating pananaliksik o research sa larangan ng edukasyon, sikolohiya, agham panlipunan,
at maging sa agham.
44. . Ito ay prospesyunal na samahang itinatag ng mga guro at iskolar para itaguyod ang pagaaral ng
wika at panitikan. Ang ganitong format ay karaniwang ginagamit sa mga sulating pananaliksik o
research sa larangan ng humanidades, lalo na sa wika at panitikan.
45. Mga kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PART 2: MODULE 10-18

1.

You might also like