You are on page 1of 10

PALARO

Pagsulat ng
Burador
Ailse Jermaine
Garcia
Ang Burador ang unang hakbang sa pagsulat ng kabuuang nilalaman ng isang
pananaliksik. Tinawag itong burador dahil ito ay tentatibo pa lamang.

Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsulat ng sulating pananaliksik upang


makita ang kabuoan nito at mapagpasyahan kung mayroon pa bang
kinakailangang impormasyon, may paliwanag na kailangang palitan o burahin, o
Kailangang palitan ang organisasyon ng ilan sa mga ideya, na tutulong sa
pagsulong ng tesis.

Hangga't hindi pa naipapasa at nadedepensahan sa harap ng isng panel ang


pananaliksik at hindi pa narerebisa ayong sa bunga ng depensa, itinuturing pa rin
itong burador at hindi pa pinal.
Mga Gabay sa Pagsulat
ng Burador
1. Balikan ang balangkas
2. Tipunin at organisahin ang mga notecard
3. Dapat na may kaisahan ang mga tala
4. Higit na pagtutuunan ang lohika at linaw ng pagpapahayag ng mga ideya
5. Gumagamit ng iba't ibang uri ng teksto sa pagtalakay ng mga ideya o paksa
7. Gumamit ng wastong dokumentasyon.
Paggamit ng Dokumentasyon
Ang pagsasagawa ng dokumentasyon ay paglalaan ng ebidensya upang maging kapani-
paniwala ang binubuong pag-aaral. Nagiging matibay na batayna ng maayos at kapani-
paniwalang pananaliksik ang dukumentasyon ng mga materyal upang maiwasang
mapagbintangan ng pangongopya.

Sistemang Talababa (footnote)


Nakasulat dito ang mga sanggunian, komento, at iba pang impormasyon binabanggit sa loob
ng teksto.

Iba't ibang paraan ng pagsulat ng Talababa


1. Ibid
2. Idem
3. Op.cit
4. Loc.cit
Sistemang Parentikal-
Sanggunian
Ginagamit ang ganitong pagkilala kung binabanggitt sa loob ng teksto ang pinaghanguan ng
ideya. Sa paraang ito ang pangalan ng may-akda at pahina o petsa ay ikunukulong sa loob ng
panaklong upang bigyan ng kaukulang pagkilala ang pinaghanguan ng tala.

May dalawang estilo na maaaring gamitin sa pagbanggit ng sanggunian sa loob


ng tekso:

- APA (American Psycological Association)


-MLA (Modern Language Association)
Ang
Bibliograpiya
Ang bibliograpiya ay organisadong listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat,
pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nang paalpabeto. Matatagpuan dito ang pangalan ng
awtor na nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin, artikulo, pangalan ng pahayagan,
lugar na pinaglibagan, taon ng pagkalimbag at pahina.

Kahalagahan ng Paggamit ng Bibliograpiya


1. Mapatunayang ang mananaliksik mismo ay dumaan sa masusing pananaliksik at pagbasa, na hindi gawa-
gawa lamang ang mga nakalahad na sulatin.
2. Makikita kung gumagamit ng marami at iba-ibang sanggunian para sa pangangalap ng mga datos
3. Mapapatunayang ang argumento ng mananaliksik ay sinusuportahan ng ibang dalubhasa sa pamamagitan ng
mga impormasyong nakuha mula sa mga ito.
4. Malalaman kung sino-sino ang may-akda na sumulat ng mga aklat na ginamit bilang sanggunian at
maipapakita kung ang mga ito ay eksperto at kilala sa disiplinang kanilang kinabibilangan.
5. Maipapakita ang naglathala ng mga sangguniang ginamit upang makatulong sa mas madaling pagtukoy ng
kredibilidad ng mga impormasyon at datos na ginamit.
6. Matutukoy kung gaano na katagal ang sanggunian at impormasyong ginamit.
Sa paghahanda ng bibliyograpiya, tandaan ang mga
sumusunod:
• Huwag lagyan ng bilang ang mga tala
• Maaaring hindi na ilista ang mga sipi ayon sa kategorya. Lahat ng mga
ggamit na sanggunian ay nakahanay nang paalpabeto
• Hindi kasali sa kabuuan ng teksto ang mga sanggunian. Inilagay ito sa
pahina ng bibliyograpiya. Maglaan ng pahina para rito. Mag-iwan ng
dalawang espasyo mula sa itaas bago simulang ilista nang paalpabeto ang
mga sanggunian.
• Simulan ang uang sanggunian. Ihanay sa kaliwang bahagi ng papel ang tala.
• Itala ang pangalan ng mga may-akda hanggang sa masakop ang buong linya.
Ang susunod na linya ay may indensyon bago ituloy ang tala. Maglagay ng
dalawang espasyo sa pagitan ng mga sanggunian.
Maikling
Pagsusulit
Isulat ang T kung tama ang sagot at M kung ito ay mali

1. Ang Burador ay ang unang hakbang ng pagsulat ng kabuuang nilalaman ng isang


pananaliksik
2. May tatlong uri ng estilo na maaaring gamitin sa pag banggit ng mga sanggunian
3. Nakasulat sa bibliyograpiya ang mga sanggunian, komento, at iba pag impormasyong
nakapaloob sa teksto
4. Ang paggamit ng dokumentasyon ay ang paglalaan ng ebidensya upang maging mas
kapani-paniwala ang binubuong pag-aaral.
5. Ang bibliograpiya ay organisadong listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat,
pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nang paalpabeto.

You might also like