You are on page 1of 2

BARAYTI NG WIKA

Mga Salitang Impormal o Di-Pormal


Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala
o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
Balbal (slang)- mga salitang kanto o salitang kalye
Hal. Bagets – kabataan
charing – biro
datung – pera
Kolokyal (colloquial)-isa pang uri ng mga salitang di pormal na
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na
ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang
mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
Hal. Pa’no mula sa paano
P’re mula sa pare
Bahagi pa rin ng barayting ito ang pagsasama ng dalawang wika tulad
ng Tagalog at Ingles o Taglish o Tagalog-Espanyol
Hal. A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-lish)
Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan. (Tag-espansyol)
Lalawiganin (Provincialism)
Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika.
Hal.
ambot mula sa salitang bisaya – ewan
Kaon mula sa salitang bisaya – kain
biag mula sa salitang Ilocano – buhay
ngarud mula sa salitang Ilocano – katumbas ng katagang “nga”
Mga Salitang Pormal
mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang
ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa
mga aklat, ulat at sa iba pang usapan o sulating pang-
intelektuwal.

You might also like